The truth- Part 1

3 0 0
                                    

Dahil sa boses na narinig, onti onting bumalik kay Ery ang alaala .

***

Mula sa labas, rinig na rinig ang malakas na tugtog galing sa bahay nila Ery.

Maririnig din ang tawanan ng mag kaibigan na nag kakasiyahan sa swimming pool.

Meron ding disco ball at alak.

Nag kayayaan na mag celebrate ang mag kakaibigan dahil birthday ni Emma kinabukasan.
Umalis lang saglit si ted para sa trabaho pero nangakong makakabalik din agad para makasama sakanila.

"Hoy kayo, kailan ba kayo aamin sa isat isa?" Nginuso ni Evan si Ery at Kail.

Nag ka tinginan naman ang dalawa.

"Wala kaming aaminin no!" Natatawang sabi ni Ery

" Kayong mag kaibigan, ang hilig nyo mag friendzone no?" Turo ni Evan kay emma at ery habang umiiling iling.
Inirapan lang sya ni Emma .

Tumayo si Evan at linagyan ulet ng alak ang mga baso

"Para sa mga na friend zone, Kampay!"  Natatawa tawang sabi nya habang itinataas ang baso nya.
Itinaas din ng mag kakaibigan ang baso

"Kampay!"

*Clink*

Habang patuloy na nag bibiruan ang mga to, napansin ni Ery na tahimik lang si Kail.

Siniko nya to ng mahina para makuha nya ang atensyon ng lalaki.

"Okay ka lang?"

"Tara sa swimming pool."  Imbis na sagutin ang tanong, yinaya lang sya ni Kail na mag swimming para makausap nya to .

Agad naman sumama si Ery at iniwan ang dalawang kaibigan na nag tatawanan habang sumasayaw at sinasabayan ang malakas na tugtog.

Hinawakan ni Kail ang kamay ni Ery at sabay silang tumalon sa pool.
Nag iba ang mood ni Kail at nag umpisa na syang ngumiti at tumawa pag ka talon nila.

"Ery?"

Tinawag ni Kail si Ery habang nag lilibang to sa pag langoy.

Tiningnan sya ng dalaga at bnigyan ng matamis na ngiti. "Bakit?"

Sandaling natulala si Kail sa ganda nito. Tinitigan nya ang wavy at maitim na buhok na sa tingin nyay sobrang lambot. Tinitigan nya ang maamong mukha ni Ery, mula sa singkit na mata , matangos na ilong at maliit at mapulang labi. Lalo pa syang natunaw nung nginitian sya nito.

Noon pa man gustong gusto na nya si Ery. Di lang sya nag sasabi ng nararamdaman dahil takot na magaya kay Evan. Kahit kailan di nya tinanong si Ery kung anong nararamdaman sakanya. Inassume nya nalang na mas okay kung mag kaibigan nalang sila palagi. Naisip nya ngayon na iba naman si Emma kay Ery. Mas mabuti sigurong sumubok kaysa may pag sisihan.

"Kail?" Natigil sa pag iisip si kail ng muling mag salita si ery.

"Ahm. Pwede bang mag tanong?"

Tumango si ery sakanya.

"Minsan ba sumagi sa isip mo na pwedeng maging tayo?"

Saglit nanahimik si ery at di agad agad nakasagot. Hinawakan nya ang kamay ni Kail.

"Gusto mo ko?" Nakangiting tanong ni ery sakanya.
Agad namula ang pisngi ng binata.

Pinwesto nya ang isang kamay sa bewang ni ery at ang isa naman ay sa likod paakyat sa buhok neto. Bahagyang tiningala sya ni ery, dahil sa tangkad ni Kail sakanya.
Onti onting nag lalapit ang mukha ng dalawa. Pumikit si Ery, nag aantay na dumampi ang labi ni Kail.

"Ery! Kail! Halikayo dito!" 

Natigil ang dalawa sa dapat na gagawin at sabay napaliningon kay Emma.

Sandaling nag karoon ng pag ka awkward sa pagitan ng dalawa

"Wow salamat sa magandang timing" sarcastic na bulong ni Kail na tinawanan lang ni Ery sabay pinisil ang kamay nya.

Sabay silang umahon sa swimming pool para puntahan ang dalawang kaibigan na kanina pa nag kakasiyahan.

"Guess what?" Malawak ang ngiti ni emma habang excited na pinapakita ang hawak na Sachet ng cocaine.

Kumunot ang noo ni Ery. Sabay iniling ilingan si emma.

"C'mon Ery! Minsan lang to!"  Pang uudyok ni Evan .

Lumapit si Kail sa lamesa at kinuha ang isang sachet.
"Wala namang sigurong masama kung susubukan ng isang beses" 

Linabas ni Evan ang laman ng isang sachet, nag bukod sya ng maliit na parte saka inihulma ng isang linya gamit ang credit card . pagkatapos irinolyo ang pera para masinghot ang cocaine.
( See picture for reference)

*Snort*

"Wooooooooooooooo!!!" Sigaw ni emma na tuwang tuwa.

"Yeahhhh!!" Sabay na sabi ni Evan at Kail saka nag apir.

Natulala si Ery sa ginawa at medyo napaatras.

"Okay. Di ko kayo pipigilan guys, pero im out." 

Kita ang dissapointment sa mukha ng tatlo pero nag patuloy pa din sa pag sasaya.Habang papalayo, nakita pa ni Ery si Emma at Kail na ginaya ang ginawa ni Evan.

Mas lalong nagiging wild ang sayawan habang salitan ang tatlo sa pag gamit ng cocaine.

Pumwesto lang ulet sa itaas ng swimming pool si Ery, winawasiwas ang paa sa tubig habang umiinom ng alak.

Medyo lumalalim na ang gabi at patuloy pa din ang party .  Nakakaramdam na sya ng antok at medyo umiikot na din ang paningin.  wala na din syang kausap mula kanina kaya na boring na.
Tumayo sya sa pool at linapitan na ang tatlo para mag paalam na mag papahinga muna.

Humiga si Ery sa sofa nila sa sala.
Parang ang tagal yata ni kuya? Naalala nya ang kapatid bago pa sya makaidlip. 

The Resurrection of The WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon