"Enya, gusto kita" biglang tumigil yung buong sistema ko nang marinig ko yung tatlong salita na iyon. Hindi ko alam kung humihinga pa ba ako. "Ah, Siw-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla nalang niya akong hinalikan. Nawala na yung kontrol ko sa sarili ko kasi kahit na gusto kong kumawala, hindi ako makagalaw. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari pero hinalikan ko nalang din siya. Omg, Enya, tuluyan ka na bang bumigay? Bakit ka ganyan?