9

3 0 0
                                    

chapter 9
DISTURBANCE

"Gurl, gising na. Enz" naririnig ko yung mahinhin na boses ni Loren.

Dahan-dahan ko namang dinilat yung mga mata ko at nakita ko na sa may balcony na pala ako nakatulog. Hindi ko pala namalayan yung oras kagabi kakaisip sa mga sinabi ni Sungmin.

"Anong oras na pala?" papungas-pungas kong tanong kay Loren.

"5 am na. 11 yung flight natin diba?" bigla ring lumabas si Tine at binigyan ako ng kape.

"Oo nga pala. Salamat" tugon ko naman at pumasok na kami sa cottage kasi kailangan pa naming gumayak.

After naming lahat na makapagayos, dumeretso na kami sa airport. Habang hinihintay namin yung flight namin, nagalmusal muna kami sa lounge kasi hindi na kami nakakain bago umalis.

Dalawang oras pa bago yung flight namin kaya pumunta muna kami sa may duty free para mamili ng kung ano-ano.

Sina Eunhyuk, Leeteuk, at Kyuhyun muna ang kasama ko since alam niyo na rin naman kung asaan yung mga kaibigan ko.

"Uuyyy! Bili tayo ng mga ganito" biglang sabi ni Eunhyuk kaya bigla kaming napatigil sa pagiikot.

Sinuot namin yung mga malaking sunglasses na tinuro ni Eunhyuk at nagpicture kaming apat. Bumili kami ng tig-iisa para bilang souvenir na rin.

Pagkatapos ng mahigit isang oras naming pamimili, bumalik na kami sa lounge para ayusin yung mga gamit namin kasi malapit na yung flight namin. Iba-iba kami ng binili na souvenirs, kung sa aming apat ay yung malalaking sunglasses, yung sa iba naman merong mugs, keychains, at magnets.

Pagdating namin sa Manila, kanya-kanyang sasakyan na ulit kami pauwi, except sa akin kasi nasa bahay na nga yung sasakyan ko kaya kay Eunhyuk na ako sumabay. Sina Tine at Loren naman dumeretso na rin sa bahay nila.

"Okay na ba yung pakiramdam mo? Nagaalala pa rin ako para sa'yo eh" sabi sa akin ni Hyukee habang nagmamaneho siya.

"Aww ang sweet naman. Sobrang pagod lang siguro ako nun" sagot ko naman.

"Sa susunod kasi huwag mo masyadong papagurin yung sarili mo. Lagi kang magpapatulong sa akin kasi sayang naman yung pagpapalaki ko ng muscle kung hindi ko magagamit" sabi niya sa akin habang nakangiti na proud na proud.

"Nagpapalaki ka na ng muscle sa lagay na 'yan? Saan banda?" pagbibiro ko naman sa kanya.

"Heh! Ewan ko sa'yo" sagot niya sabay batok sa akin.

"Hoy! Ang sakit nun ah" pagrereklamo ko sa kanya pero hindi niya pinansin. Masyado naman 'tong matampuhin.

"Huuuy! Sorry na! Hyukee! Daan tayo sa McDo libre kita. Sorry naaaaa!" pagkulit ko pa rin sa kanya.

Tahimik kami na bumabiyahe dahil ayaw pa rin akong pansinin nitong pangit na 'to. Pagdaan namin sa may McDo, bigla siyang lumiko sa may drive thru.

"Quarter pounder meal" bigla niyang sabi.

"So bati na tayo?" tanong ko naman sa kanya.

"Kanina pa" sagot niya sa akin sabay ngiti na parang batang bibilhan mo ng laruan.
Ayaw pa akong pansinin kanina, McDo lang pala ang katapat.

Pagkakuha namin ng order, kumain na kami habang bumabiyahe at nagdadaldalan.

"Balita ko lagi ikaw daw lagi yung top ng batch niyo ah. Sa'yo na pala ako laging sasama this school year" sabi niya sa akin habang kumakain.

"Bakit naman? Mahina ka ba sa acads mo?" tanong ko naman.

"Medyo. Varsity kasi ako kaya busy lagi sa mga training, so ang resulta, hindi ako naaalis sa top 5" sagot niya. Ayaw niya pa nun?

A Game For TwoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin