7

8 1 0
                                    

chapter7
Odyssey Part II

Halos nine hours din yung biniyahe namin papuntang Bangued, dito kasi yung registration papuntang Kaparkan eh.

Since gabi na kami nakarating, nagstay muna kami sa isang hotel around the area para magpahinga mula sa mahabang biyahe. Inayos na rin namin yung mga kailangan naming dalhin para hindi na kami magmamadali bukas.

Maaga kaming gumising para maaga rin kaming makaalis. Pagsikat ng araw, sumakay na kami sa tinatawag nilang monster jeep papunta sa Tineg. Tatlong oras ng maalog na biyahe ang dinanas namin, minsan tumatagilid pa kasi mabato talaga yung daanan. Binaba na kami kung saan sisimulan na naming maglakad papunta sa waterfalls. After 15 to 20 minutes, narating na namin yung Kaparkan at lahat kami namangha talaga sa ganda niya.

Pinailalim na namin yung mga pangswimming namin para madali nalang magpalit.

Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nasa probinsya. Napakasariwa ng hangin at wala masyadong tao.

"Ryeowook, ok ka lang ba?" kanina pa kasi siya tahimik eh.

"Ah oo. Medyo natatakot lang kasi ako kapag nasa mataas eh" sagot niya sa akin habang medyo nanginginig yung boses niya.

"Tara papakita ko sa'yo kung gaano kaganda doon sa may mismong talon. Parang hagdanan lang siya kaya isipin mo nasa mansyon ka lang na may malalaking hagdanan na may tubig" sabi ko naman sa kanya. Sayang kasi yung pagkakataon kung hindi niya maeenjoy yung outing namin.

"Hindi ko talaga kaya, Enz. Sige na kayo nalang. Dito nalang ako, papanoorin ko nalang kayo" sagot naman niya.

"Ganito nalang, tumingin ka lang sa akin. Huwag mong isipin na nasa mataas tayo. Titigan mo lang ako at isipin mo lang na papunta lang tayo sa isang ilog. Sige lang, huwag kang titingin sa iba, titigan mo lang yung mga mata ko. Nandito lang ako, okay?" dahan-dahan kaming naglalakad papunta doon sa may mismong talon. Kinakausap ko lang siya habang hawak-hawak ko siya para sa akin lang mapunta yung atensyon niya habang papalapit na kami.

"Wookie, nasa ilog na tayo. Hindi naman nakakatakot diba?" tanong ko sa kanya nang nakapunta na kami kung nasaan yung iba.

"Enz, puwede bang huwag mo muna akong bitawan? Medyo natatakot pa rin kasi ako eh" sabi niya sa akin habang nakatitig pa rin sa mata ko.

"Huwag kang magalala, nandito lang ako. Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo pa sinasabi" pag-assure ko sa kanya

Habang tumatagal, mas narerelax na siya hanggang sa pumayag siya na bitawan ko na siya.

"Thank you, Enz! Kung hindi dahil sa'yo, siguro ilang oras lang akong tutunganga doon at hindi ko maeenjoy 'tong punta natin dito" sabi niya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit

"Ayos lang. Andito lang ako para sa inyong lahat kapag kailangan niyo ako" sabi ko naman sa kanya at niyakap ko siya pabalik.

Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong maging komportable sa kanila. Dati, hindi ako nangyayakap ng mga lalaking hindi ko kaano-ano, tapos ngayon niyayakap ko si Ryeowook kahit nakatrunks lang siya. Parang pamilya ko lang din sila na matagal kong hindi nakasama eh.

Dahil ok na ang lahat, inumpisahan na namin ang kasiyahan. Nakipagpicture ako sa kanilang lahat at isang group photo na pinakuha namin kay Mang Arnel, siya yung nagdadrive nung monster jeep. Nagrelax din kami at inappreciate yung kagandahan ng paligid namin. Yung mga magjojowa naman nagsasarili.

"Tara truth or dare" aya ni Heechul sa aming lahat. Pumayag naman kami at sumama na rin sa amin yung mga love birds.

"Ok guys, maglalaro tayo ngayon ng truth or dare. May isang tao na magsisimulang magtanong sa isa sa atin ng 'truth or dare'. Kapag truth ang pinili nung tinanong, kailangan niyang sagutin nang totoo yung nagtanong. Kapag dare naman, kailangan niyang sundin yung ipapagawa sa kanya. No mercy. Pagkatapos nun, yung tinanong naman ang magtatanong" paliwanag sa amin ni Leeteuk. Tinitigan lang namin siya nang nakapoker face.

A Game For TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon