Si Kiara Lacrouix ay isang simpleng dalaga na nagha-hangad na mamuhay ng normal habang ikinukubli ang malaking sikreto na isa syang bampira. Ilang lugar na ang kanyang napuntahan at pang-samantalang tinuluyan dahil sa pagba-baka sakaling kaya nyang mamuhay ng mapayapa hanggang sa madako ang mga paa nya sa hindi pamilyar na lugar kung saan nangyare ang isang insidenteng lalong nagpa-gulo ng buhay nya. Insidente kung saan aksidenteng nadampian nya ng halik ang leeg ng isang lalake na nagnga-ngalang Zywon Ferrer. Si Zywon Ferrer ay ang lalakeng sobrang sikat sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Kahit na sobrang lamig ng trato nya sa lahat ng taong lumapit sa kanya, hindi pa din maipagka-kailang gusto pa din sya ng lahat. Magmula kasi ng mawala ang tatay nya na sanggang dikit nya, nawalan na sya ng pakealam sa mga tao sa paligid nya pati na din sa kanyang ina. Mababasag kaya ni Kiara ang sing tigas ng yelo na puso ni Zywon? Makakayanan kaya ni Kiara na mamuhay ng magisa sa lugar na hindi naman pamilyar sa kanya? Magiging payapa kaya ang pagaaral nya sa unibersidad kung saan nagaaral ang lalakeng aksidente nyang dinampian ng halik sa leeg? Magka-karoon kaya ng pagka-kaibigan sa gitna ni Kiara at Zywon? Kung meron, hanggang doon na nga lang ba yon?