Simula

23 0 0
                                    

Simula
#SAVAngSimula

💐💐💐

Kiara's Point Of View

Bago sumakay sa bus na huminto sa aking harapan, inalalayan ko munang makababa mula dito ang isang matandang babae bago ini-hatid sa gilid ng kalsada. Nang masiguradong ayos na si Lola ay mabilis at pa-takbo akong sumampa sa bus at pagak na nginitian ang driver na nag-hintay sa akin. Luminga-linga ako sa paligid para sana mag-hanap ng magiging pwesto nang madako ang tingin ko sa gitnang bahagi ng bus kung saan nakaupo ang isang lalake na walang emosyong naka-tingin sa labas ng bintana. Magisa lamang itong nakaupo habang nananatiling bakante ang nasa gilid nya. Huminga ako ng malalim bago nag-simulang mag-lakad palapit sa gawi nito. Akmang uupo na ako sa tabi nung lalake nang bigla nya akong balingan ng tingin. Malamig ang bawat titig na pinasadahan nya ang kabuuan ko bago ibinalik muli ang buong atensyon sa labas ng bintana. Nag-kibit balikat na lamang ako bago umupo sa tabi nya saka ipinatong ang bag na dala sa hita.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang may maramdaman akong kakaiba. Mabilis na dumaloy sa ilong ko ang kakaibang amoy ng dugo na syang nagbi-bigay buhay sa katawang bampira ko. Mariin kong ipinikit ang aking mag-kabilang mata bago pilit na pinaka-kalma ang sarili.

Nagpalinga-linga ako sa buong bus para tingnan kung kaninong katawan nangga-galing ang presko at sariwang dugo na nala-langhap ko nang mabaling ang atensyon ko sa lalakeng nasa gilid ko. Mabilis akong napa-ngiwi nang mapansing kanyang dugo ang kanina pang naaamoy ko. Umiling-iling ako agad para matanggal kahit papaano ang uhaw sa katawan ko bago inabot muli ang bag ko. Kinuha ko sa loob nito ang cellphone na kabibili lamang namin ng kaibigan ko kahapon dahil paniguradong ka-kailanganin naming dalawa incase na magkalayo kami o hindi magamit ang isa sa mga abilidad ng mga bampira.

Nang mabuhay ko ang cellphone ko, mabilis na hinanap ng mata ko ang contact number ni Travis. Isa din syang bampira gaya ko at matalik na mag-kaibigan na kami simula bata pa. Kokonti lamang ang contact number na naka-save sa cellphone ko dahil kokonti pa lang din naman ang ka-kilala ko dito. Tanging yong contact number lamang ni Travis, ng landlady sa tinutuluyan naming apartment at nung guard kaninang nakatoka sa labas ng apartment ang naka-save sa cellphone ko.

To: Travis

Emergency, Vis. I need your help.

Hindi ko na inintay pang makapag-reply si Travis dahil mabilis kong isinilid pabalik sa bag ang cellphone ko bago isinandal ang katawan sa upuan. Nagsi-simula ng mag-pawis ang katawan ko dahil sa pagpi-pigil ng uhaw na ginagawa ko. Unti-unti na ding nanginginig ang mga kamay ko habang ang mga paa ko naman ay hindi mapakali sa isang tabi.

"Neng, ayos ka lang ba?" rinig kong naga-alalang tanong nung matandang lalake na nasa kabilang gawi ng bus. Iminulat ko ang aking mga mata bago sya pagak na nginitian at marahang tinanguan. Nang makumbinsi ko syang ayos lamang ako, ibinalik na nya ang tingin sa katabing babae na kanina ay kausap nya.

"Miss, ayos ka lang ba talaga?" rinig ko ding tanong ng lalakeng katabi ko. Nilabanan ko ang sarili kong lingunin sya pero pumalya ako. Tinitigan ko lamang saglit ang mukha nya hanggang sa mapako ang tingin ko sa leeg nya. Ilang beses akong napa-lunok nang maramdamang unti-unti ng nanunuyo ang aking lalamunan. "Miss? Ayos ka lang ba talaga? Gusto mo bang ipa-hatid kita sa driver nitong bus sa malapit na hospital?"

Marahan ko syang inilingan bago iyinuko ang ulo. Alam at ramdam ko na kasing nagpa-palit na ng anyo ang dalawang mata ko. Mula sa kulay itim, paniguradong kulay pula na ito ngayon dahil sa lakas ng dugo ng lalakeng katabi ko na syang umaakit sa katawang bampira ko. Mahigpit kong pinag-siklop ang mga kamay ko bago binalingan muli ng tingin ang lalakeng katabi ko. Sinigurado ko muna na hindi nya maha-halata ang pagiiba ng kulay ng mga mata ko. Muli akong napa-lunok hanggang sa mawalan na talaga ako ng kontrol sa katawan ko. Naramdaman ko na lamang ang pag-lapit ng mukha at katawan ko sa kanya hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo ng bibig ko sa leeg nya.

Hindi ko na narinig pa ang ilang salitang binitawan nung lalake dahil sa sobrang pagkaka-pako ng mata ko sa leeg nito. Mabibigat ang mga pag-hingang ini-lapit ko ng tuluyan ang mukha ko sa leeg nya na naging dahilan ng pagkaka-tutop nya sa kinata-tayuan nya hanggang sa tuluyan nang dumampi ang labi ko sa leeg nito. Marahan kong ipinikit ang mag-kabila kong mga mata saka dinamdam ang presko at sariwang dugo nya.

"H-hindi ko na kaya..." nanghi-hinang sabi ko. Bago tuluyang mag-dilim ang paningin at mawalan ng malay, narinig ko ang pag-sigaw nito at pagpapa-hinto sa takbo ng bus bago ako mabilisang binuhat at nata-tarantang isinama sa kanya papunta sa kung saan man.

SHE'S A VAMPIRE (VAMPIRE SERIES #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang