Proloque: Naranasan mo na ba ang Lokohin ng taong mahal mo? Ipagpalit ka sa mas maganda? Ipamukha sayo na panget ka? Ipahiya ka sa maraming tao na hindi mo deserve na mahalin dahil Mahirap ka, baduy ka at kung ano ano pang panlalait? Pwes! Lahat ng yan naranasan ko sa isang lalaking minahal ko ng sobra! Kaya pumayag ako na lumipat ng ibang school para makalimot. Nangako din ako sa sarili ko na hinding hindi na ulit ako magmamahal pa pero lahat ng yun nagbago. Dahil nainlove ulit ako at sa isang bully pa!