Chapter 14

14 2 0
                                    

Cadence POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata ko.

"Anak, kamusta na pakiramdam mo?"
Sulpot ni mama na may dalang pagkain.

"Ayos na po mama" sagot ko.

"Buti naman, kumain ka muna para makaipon ka ng lakas" sabi pa niya.

Tiningnan ko ang orasan at hala! Malalate naako.

"Mama, sa school nalang po ako kakain, malalate na po kasi ako." Sabi ko.

"Hindi ka muna papasok ngayon, sinabihan ko na mga kaibigan mo na excuse ka muna" saad ni mama.

"Pero ma, ayos na po ako, ayoko po na magkaroon ako ng liban sa klase" pagpupumilit ko.

"Sigurado kang okay kana?" Di parin si mama kampante hahaha.

"Oo ma, hahaha ayos na po ako promise" sabi ko at niyakap siya.

"Sige na nga, dalian mo maligo para makaabot kapa sa klase"

Tumakbo naako papuntang CR para maligo, mga ilang minutes lang ay natapos na ako.

"Mama alis na po ako" sigaw ko habang nagmamadaling umalis.

"Oh sige mag ingat ka" rinig kong sigaw ni mama.

Sana hindi pa ako late.

Mga ilang minutes lang nakarating na ako sa school. Sa sobrang pagmamadali ko may nabangga akong isang matandang lalaki, hindi naman masyadong matanda siguro mga nasa 40's ganun.

"Hala, sorry po sir, di ko po sinasadya" paumanhin ko.

"No iha, its okay btw are you a transferee?" Tanong niya.

"Opo, bago lang po ako dito." Sagot ko.

Bat parang napakagaan naman ata ng loob ko sa lalaking to.

"Ahhh btw ako nga pala si Mr.Calvin Arison the owner of this school, how about you? What's your name?" Tanong niya.

"Ahh Cadence Martinez po" sagot ko naman.

"W-wait, M-Martinez?" Gulat niyang tanong.

"Opo bakit po?" Takang tanong ko.

"Ahh nothing, siguro nagkataon lang" sagot niya.

"Sige po Mr. Arison una na po ako malalate na po kasi ako." Paalam ko naman.

"Sige iha mag ingat ka, sana makita pa kita ulit para makilala kita" ngiting sabi niya.

"Sana nga po" sagot ko naman at umalis na.

Napakagaan ng loob ko sakanya at para bang biglang naglulukso yung nararamdaman ko sa saya. I dunno why, maybe dahil mabait si Mr. Arison

Nagmadali naako sa pag pasok at himala wala pa si ma'am de guzman.

"Uyy sis, akala namin hindi ka papasok" bungad saakin ni Callie.

"Teka okay kana ba? Wala na bang masakit sayo?" Tanong ni ethan.

"Okay na ako, no need to worry na" ngiting sabi ko sakanila.

"Hayyyy mabuti naman" sagot ni callie.

"Teka Asan si Maya?" Takang tanong ko.

"A-absent" sagot ni callie.

Bat naman aabsent yun psshh. Ano kaya problema non.

"Bat naman? May hang over pa din ba?" Takang tanong ko.

"I call her kanina sabi ng mommy niya pagkauwi ng pagkauwi daw niya kagabi ay naglalasing pa din daw kahit nakainom na siya sa party" paliwanag ni callie.

I'm Inlove With That Bully Guy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon