NEW: Introducing Tap. Addictive chat stories for your 📲 Now in 10 languages
DOWNLOAD NOW!
LET'S NOT FALL IN LOVE

LET'S NOT FALL IN LOVE

165K Reads 4.6K Votes 56 Part Story
Ms. CatchMe By CatchMeStories Updated 5 days ago

MONDRAGON BROTHERS - BLAKE

Let's Not Fall In Love
By: CatchMe

Adult Story! 

Some scenes are strictly not for minors. 

Read for your own Risk. LOL


TEASER


MAN-HATER ang maituturing kay Niccaila dahil  na rin sa pinagdaanan ng nanay niya. Ayaw kasi niyang matulad sa ina na lagi na lang iniiwanan ng mga lalaking minahal nito kaya isinumpa niyang hinding-hindi siya iibig sa isang kalahi ni Adan.

Ika nga niya, eh, "Locked and sealed" na raw ang kanyang puso.

Pero minamalas yata siya at napilitan siyang mag-asawa kahit wala sa plano niya. Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan para umalis sa pamamahay nila para iwasan ang panibagong asawa na naman ng nanay niya na may plano pa sanang gawan siya nang masama.

Kaya nagpakasal siya sa isang taong ni sa panaginip niya ay hindi niya hiniling na makita. Ang taong minahal na yata ng lahat na mga kalahi ni Eba. 

At ang taong pinakasalan niya ay walang iba kundi si Blake Mondragon na binalaan siyang huwag na huwag siyang ma-inlove dito!

Isa lamang kasing palabas ang pagpapakasal nila't maghihiwalay rin sila. At sa oras na mawalang bisa ang pagsasama nila ay may kapalit naman iyon---Ang pagiging instant mayaman niya. 

Okay lang sa kanya ang sitwasyon nila dahil tulad nang ipinangako niya sa sarili ay wala siyang balak magmahal pa. 

Lalo na sa binatang pinakasalan niya na tanging role niya sa buhay nito ay maging panakip-butas sa ex-girlfriend nitong si Katrina.

Pero bakit tila binibiro siya ng tadhana? At sa binata ay tila siya'y na-inlove na!

Makakaya ba niyang panindigan ang sinumpaang hindi siya magmamahal sa kalahi ni Adan?

----

PS:

Syensya na sa cover ko.. Di ako marunong gumawa eh, haha!

VivianneSibulan VivianneSibulan Aug 02, 2016
Hi catchme bakit dko makita ang full story sa tagalogromanceetc.com