Chapter 1

5.2K 84 4
                                    

Let's Not Fall In Love

By: CatchMe

CHAPTER ONE

"ANO?! Nay naman, eh! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!" bulalas ni Niccaila nang marinig ang sinabi ng kanyang ina na mag-aasawa raw muli ito.

Tatlong beses na kasing nag-asawa ang nanay niya at lahat ng iyon ay hindi rin nagtagal.

Ang una nitong asawa ay si Pedro at nagkaroon ang mga ito ng dalawang anak. Ang ate Jona niya at Kuya Rey niya. Naghiwalay ang mga ito dahil na rin sa katamaran ng unang asawa nito.

Pangalawa ay nag-asawa muli ang nanay niya sa kanyang ama na si Manuel. Ayon sa kwento ng nanay niya ay matalik na magkaibigan ang mga ito noong kabataan pa ng mga ito at nang maghiwalay nga ang kanyang ina sa unang asawa nito ay agad na niligawan ito ng kanyang ama.

Nagkatuluyan ang mga ito at nagkaroon ng apat na anak. Pangatlo siya sa kanilang magkakapatid sa pangalawang asawa ng kanyang ina. Panglima naman kung isama ang dalawa pa niyang kapatid sa una nitong asawa.

Hindi naglaon ay naghiwalay rin ang kanyang ina at ama dahil hindi na magkasundo ang mga ito mula nang maaksidente ang tatay niya. Lagi silang sinasaktan at pinapabayaan kaya napagdesisyunan ng nanay niya na makipaghiwalay na lamang sa kanyang ama para hindi na mag-away ang mga ito.

Dumaan ang mga buwan at muling nag-asawa ang nanay niya. Pangatlong asawa na at ayon sa kanyang ina ay pinilit lamang ito ng pangatlong asawa nito. Na kung hindi raw nito sasagutin ang lalaki ay papatayin raw umano ang nanay niya.

Kaya hayon at sinagot naman ng nanay niya ang manliligaw nito na naging pangatlong asawa nito. Si tatay Narding na itinuring din naman niya bilang isang ama.

Ngunit malas yata sa lalaki ang ina niya at namatay ang pangatlong asawa nito dahil sa pagkabaril ng isa sa mga manliligaw nito. Hayon at naging byuda muli ang nanay niya at halos dalawang taon nang nakalipas iyon.

Buti na lang at hindi nadagdagan ang kapatid niya at tiyak na gagapang na talaga sila sa lupa dahil sa hirap ng buhay kung nagkataon.

Pero mapaglaro talaga ang tadhana at makalipas ang dalawa pang taong pagkabyuda ng kanyang ina ay sasabihin nitong mag-aasawa ito muli? No!

"Pero anak, totoo ang sinasabi ko, magsasama na kami ni Edwin," sabi pa nito na hinarap siya.

"Pero Nay, hindi ba kayo nagsasawa? Pang-apat na lalaki na iyang sinasabi niyo, ah? At saka, ayoko na pong mag-asawa kayo! Ayoko sa taong iyon!" pagtatanggi niya sa lalaking sinasabi ng kanyang ina.

Ewan nga ba niya noong unang kita pa lamang niya sa lalaking iyon ay mabigat na ang dugo niya na animo'y kumukulo iyon kapag nasa paligid lang niya ito. At isipin pang magsasama sila sa iisang bubong ay parang nasasakal siya na hindi niya maintindihan.

"Mahal ko si Edwin at sa kanya ko lang nararamdaman ang ganitong pakiramdam, anak. Kaya sa ayaw at sa gusto niyong magkakapatid ay magsasama pa rin kaming dalawa."

"Pero Nay!"

"Tama na, Niccaila! Buo na ang pasya ko na magsasama na kami ni Edwin!" malakas na wika ng kanyang ina bago siya tinalikuran.

Napabuga naman siya ng hangin na sinundan ng tingin ang ina hanggang sa makalabas ng kwarto niya. Tila nahahapo siyang napaupo sa kanyang kama at napahilamos ang mga palad sa sariling mukha. Sa isipan niya ay naroon ang mga katanungan kung bakit nagkakaganito ang nanay niya. Of all people bakit sa Edwin pa na iyon umibig ang kanyang ina?

"OH, hindi na naman maipinta 'yang mukha mo, friend," salubong ng kaibigan ni Niccaila sa kanya na si Irish. Sinundan siya nito hanggang sa kanilang locker at sumandal pa sa pader na hinihintay ang sagot kung bakit hindi maipinta ang kanyang mukha mo.

"Hay naku, friend! Ang laki ng problema ko kay Nanay!" asar na asar niyang sagot sa kaibigan sabay bukas sa kanyang locker gamit ang sarili niyang susi. Isa siyang sales lady sa isang sikat na mall sa kanilang lugar. At kaya hindi maipinta ang mukha niya dahil sa sinabi ng kanyang ina na mag-aasawa itong muli sa taong kinaiinisan niya.

"Oh, bakit na naman? Ano bang nangyari sa inyo ng nanay mo?"

"Hayon, mag-aasawa muli! At sa dinami-rami ng lalaki sa mundo ay doon pa umibig sa lalaking pinakaayaw ko sa mundo!"

Natawa ang kaibigan niya sa kanyang sinabi kaya hindi na lamang niya ito pinansin. Mahirap na at baka mas lalong masira ang araw niya nang dahil lang sa desisyon ng kanyang ina. Kaya matapos niyang itago ang kanyang gamit sa locker ay muli niya iyong isinara at hinarap ang natatawa pa ring kaibigan.

"Pwede ba, Irish? Huwag mo nga akong pagtatawanan at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang plano ni Nanay!"

"Relax friend, masyado ka namang hot," natatawang sagot ni Irish. "Pag-usapan na lang natin mamaya ang problema mong 'yan. Tamang-tama at nang-i-invite si Hanna ng inuman mamayang gabi dahil birthday niya. At dahil treat ng bruha doon mo na lang ibaling ang init ng ulo mo sa alak mamaya, okay? Deal ka ba diyan?"

"Whatever!" aniya na pinaikot pa ang mga mata. "Tara na nga at baka makita pa tayo ni Ma'am dito at isipin pa n'on na nakikipagtsismisan tayo dito. Mapapagalitan pa tayo ng wala sa oras," aniya na hinila na sa braso ang kaibigan palabas ng kanilang locker room.

"WHAT?! Are you out of your mind, Blake?!"

Malakas na tanong ng manager ni Blake sa kanya matapos niyang sabihin dito na mag-aasawa na siya. At nang tanungin nito sa kanya kung kanino siya magpapakasal ay simpleng 'Hindi ko pa alam,' ang tanging naisagot niya. Kaya hindi niya ito masisi kung pagsesermonan siya nito.

Wala kasi siyang maisip na ibang paraan para ipakita sa dating kasintahan na nakamove-on na siya sa kanilang paghihiwalay isang taon na ang lumipas. At ang pagbabalik nito sa bansa ay siyang nagtulak sa kanya para mag-asawa na at ipakita rito na hindi na siya naaapektohan kung saka-sakali mang magkita silang dalawa.

Isa siyang sikat na artista sa bansa at tinaguriang 'King of Primetime Bida' dahil sa galing niyang pag-arte. Mapa-drama man, romantic o komedya. Marami na rin ang na-li-link sa kanya at kadalasan ay ang mga ka-love team niya sa kanyang mga pelikula.

Isa si Katrina sa na-link sa kanya na hindi naman niya itinanggi dahil minahal niya ang dalaga. Naging sila ni Katrina at sa loob ng isang taon nilang magkarelasyon ay naging masaya siya sa piling nito.

Pero hindi niya inaasahan na maliban pala sa kanya ay may karelasyon pang iba ang kanyang kasintahan. Isang mayamang negosyante ang nakilala nito dahilan para iwan ni Katrina ang career nito sa Pilipinas at sumama sa karelasyon nito na nanirahan sa ibang bansa.

Sobrang sakit ang ginawa ng kanyang kasintahan sa kanya at aminin man niya at sa hindi ay 'di pa rin siya makapag-move-on sa kanilang paghihiwalay. Katunayan nga ay naroon pa rin sa bahay niya ang kanilang mga larawan. Partikular na sa kanyang kwarto na madalas niyang pinagmamasdan kapag nalulungkot siya at nami-miss niya ang dating kasintahan.

"My decission is final," aniya nang mapabuga ng hangin ang kanyang manager.

"At saan naman tayo hahanap ng babaeng mapapangasawa mo, aber?"

"Bahala ka na kung sinong makikita mo. But make sure na lang na hindi mai-inlove sa akin ang babaeng iyon para wala akong po-poblemahin sa annullment sa kasal namin."

"What?! Mag-aasawa ka tapos hihiwalayan mo rin pala?"

"Ofcourse! Dahil palabas lang naman ang pag-aasawa ko sa pagdating ni Katrina. Kapag napaniwala ko na siya na hindi ko na siya mahal at nakapag-move-on na ako sa kanya, eh, saka naman kami maghihiwalay ng aking asawa."

"You're really really crazy, Blake!"

"Whatever! Just find me a woman to be my wife, okay?" walang anumang sagot niya bago nagpaalam sa kanyang manager na hindi makapaniwala sa kanyang gustong mangyari.

LET'S NOT FALL IN LOVEWhere stories live. Discover now