Chapter 11

3.9K 110 13
                                    

I'll post chapter 11 kasi alam kong bitin kayo sa Chapter 10... Whahahaha!

Enjoy Reading! Mwaaah!

Don't be shy to let me know your thoughts hahaha!

-----

Let's Not Fall In Love

By: CatchMe

CHAPTER 11

ABALA sina Marigold nang dumating si Niccaila sa bahay ni Blake. May iilang kasama ito na ngayon lang niya nakita at pabalik-balik ang mga ito mula sa garden at sa loob ng bahay. Hindi niya naiwasang humanga sa ganda ng ginawa ng mga ito sa garden. Merong hindi kalakihang altar ang mga itong ginawa roon at may carpet pa. Sa magkabila niyon ay may iilang silya na nakahelira at may mga bulaklak pa.

"Niccaila, nandito ka na pala, mabuti at napaaga ang balik mo."

Napalingon siya nang marinig ang boses ni Noorell. "Oo nga, eh," aniyang sagot.

"Ang magulang mo? Hindi mo kasama?"

"Hindi na. Hindi ko na ipinaalam sa kanila ang tungkol dito."

"I see, so maligo ka na lang para maayusan ka na. Merong make-up artist akong dinala rito para mag-aayos sa 'yo."

Yumuko siya rito at matipid na ngumiti. "Sige, sa taas na muna ako," paalam niya at muling napabuntong hininga. Nakakaramdam kasi siya ng pananamlay dahil hindi man lang niya makasama ang nanay niya sa araw ng kanyang kasal. Ni hindi man lang kasi nila alam na ngayong araw ang kasal niya na hindi naman niya pinapangarap na maranasan iyon. Lalong lalo na't ni wala siyang kasama kahit na isang myembro lang ng kanyang pamilya. Pero mabuti na rin iyon dahil maghihiwalay naman sila ng taong pakakasalan niya pagtapos na ang drama nito sa buhay.

"WOW! You look great, beautiful and elegant! What a lovely bride you are!" bulalas ni Noorell nang makita si Niccaila. Nag-init naman ang kanyang mukha na ngumiti rito nang muli itong magsalita. "Tara na sa ibaba at nandoon na ang judge na magkakasal sa inyo."

Sumunod naman siya rito habang inaalalayan siya ni Marigold. At habang palabas sila ng kanyang kwarto ay hindi niya maiwasang kabahan. Magiging misis na kasi siya ng sikat na tao sa bansa at iyon ay hindi niya mapaniwalaan hanggang ngayon. But wearing this beautiful and expensive wedding gown made her believe that she's getting married.

Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan habang inaalalayan pa rin ni Marigold nang magulat siya. Bigla kasing nagkislapan ang mga camera na hindi niya inaasahan. Napatingin siya kay Noorell na napalingon sa kanya at sandali siyang pinagsabihan na manatili muna sa hagdan. Kukunan daw kasi siya ng picture kaya sumunod na lamang siya.

"Okay, now with the groom," muling sabi ni Noorell at nagulat pa siya nang mula sa taas ng hagdan ay bumaba rin si Blake at tumabi sa kanya.

Ang gwapo-gwapo nitong tingnan sa suot nitong black tuxedo na may puting rosas sa bulsa malapit sa dibdib nito. Langhap niya ang ginamit nitong pabango nang tumabi na ito sa kanya. At hindi pa niya napigilang mapaigtad nang damhin nito ang palad niya at ngumiti nang matamis sa kanya. Napaisip tuloy siya kung anong nakain nito at ganoon ang pakikitungo nito sa kanya. Na animo'y inlove ito sa kanya dahil nangingislap pa ang mga mata nito.

"Wrap your arms around her waist, Blake. And move your face close to her," utos ni Noorell na siya namang sinunod ng binata. Habang ang mga camera na nakatutok sa kanila ay sunod-sunod na nagkikislapan.

"Kailangan ba talaga na may ganito? At bakit ang dami naman nang kinuha niyong photographers?" bulong niya kay Blake na ngayon ay nakayakap na ang mga braso sa bewang niya at ang mukha nito ay sobrang lapit sa mukha niya.

LET'S NOT FALL IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon