Chapter 27

2.8K 119 3
                                    

Let's Not Fall In Love

By: CatchMe

Chapter 27

"TARA, dito tayo para walang masyadong tao. Nang sa ganoon, eh, hindi ka na maiilang sa mga taong nadadaanan natin," ani ni Niccaila sa asawang si Blake na tumigil na rin sa kakalakad.

Mahaba-haba na rin ang nilakad nila at malayo na sila sa pinaradahan nila ng kotseng dala. Napasarap din kasi ang lakad nila lalo na siya na hanggang ngayon ay tila idinuduyan pa rin siya sa sobrang sayang nararamdaman ng mga oras na iyon.

"Akin na muna 'yan," narinig niyang wika ni Blake na kinuha ang pisi ng mga balloon na hawak niya.

Nakangiti naman siyang ibinigay ang mga iyon dito at humarap sa dagat. Napapikit siya ng kanyang mga mata at suminghap ng sariwang hangin saka nakangiti muling lumingon kay Blake na nakangiti ring nakatingin sa kanya.

"Ang ganda dito, ano? At ang sarap pa ng hangin," aniya nang akbayan siya nito at kapwang humarap sa karagatan.

"Hmmm," tugon nito na pinisil ang balikat niya.

Nang lingunin niya ito ay nakita niyang nakapikit ang mga mata nito na animo'y ninanamnam di  nito ang preskong hangin na nalalanghap nila.

Mas lalo tuloy lumawak ang pagkakangiti niya habang tinitigan ang mukha ng kanyang asawa. Sobrang gwapo kasi nito kahit nakapikit pa ito at hinding-hindi siya magsasawang titigan ang mukha nito kahit buong araw pa.

Proud tuloy siya sa kanyang sarili dahil ang simpleng nilalang na tulad niya ay nakapag-asawa ng ubod gwapong nilalang na kahit sa panaginip niya ay hindi niya pinangarap na mangyari.

Blessing in disguise na rin ang pagdating ng kinakasama ng nanay niya sa bahay nila dahil kung hindi dahil sa kinakasama ng nanay niya ay malamang hindi pa sana siya nakapag-asawa.

Kung hindi kaya siya pumayag sa offer ni Noorelle noon, tuloy pa rin kaya ang pag-aasawa nito?

Malamang!

Dahil iyon ang hinanap nila hindi ba? Naghahanap sila ng papapel na asawa nito. At kung hindi siya pumayag ay malamang maswerte rin ang babaeng pumapapel sana ng papel niya ngayon bilang asawa ni Blake Mondragon.

Bigla siyang natigilan at unti-unting nawala ang pagkakangiti niya nang maalala kung bakit niya kasama ngayon ang kanyang asawa. At kung bakit siya nito naging asawa at iyon ay dahil kailangan nitong may matawag na asawa sa harap ng dati nitong kasintahan na si Katrina.

In short, isa siyang panakip butas at pumapapel lamang siya bilang asawa nito para saktan o makaganti sa ex-girlfriend nito!

Biglang may kung anong patalim ang dumaan sa puso niya nang maisip na naman ang papel niya sa buhay nito. Kaya hindi niya naitago ang nararamdamang sakit na bumalatay sa kanyang mukha dahilan para mapabuntong hininga siya at iniwas ang paningin mula sa kanyang asawa na napakunot ng noo nang mahuli siya nitong nakatitig dito bago pa niya naiwas ang kanyang paningin.

"Is there something wrong?"

Nasa boses nito ang pag-alala na iniharap ang kanyang mukha sa mukha nito. Ngunit umiling lamang siya bilang sagot dito na iniwas pa rin ang kanyang paningin.

"Then what was that for?" sunod na tanong nito na siyang ikinasalubong ng mga kilay niya.

"Ang alin?"

"That deep, deep breathe of yours," anitong hinawakan ang kamay niya gamit ang isang kamay nito habang ang isang kamay naman nito ay nanatiling nakahawak sa pisi ng mga balloon.

"W-wala," aniya sabay iling dito.

"I know meron. C'mon, tell me what is it."

"Wala nga, eh," pagkaila pa rin niya rito at pilit na ngumiti sa harap nito. "Hindi ka lang yata concious sa paligid mo at tila napa-paranoid ka pa. Kung anu-ano kasing napapansin mo, na animo'y kung makatanong ka may problema akong pinagdadaanan. Just relax, okay? I'm okay," natatawa pang dagdag niya at yumakap dito. Nang sa ganoon ay maniwala ito sa sinabi niya na ginantihan naman nito ang yakap niya. Ipinulupot kasi nito ang braso nito sa baywang niya at hinalikan siya sa kanyang ulo.

"Are you sure, you're okay, hmmm?"

"Oo naman, in fact, sobrang saya ko nga dahil kasama kita," aniya na hindi pa nakuntinto sa pinagsasabi't tinangala pa niya ang mukha nito at kusang hinagkan ang labi nito saka malawak na ngumiti rito.

Saka naman gumuhit ang ngiti sa labi ni Blake sa ginawa niya at hinabol ang labi niyang nakaawang pa dahil sa pagkakangiti niya't inangkin iyon. Hindi naman niya iniwas ang labi mula rito at hinayaan na lamang ito sa panghahalik sa kanya na siya namang ginantihan niya.

Kinalimutan na lamang niya ang kanyang ka-emotan at sinunod ang kasayahang nararamdaman ng kanyang katawan at puso ng mga oras na iyon. Ang kasayahang yakap-yakap siya ng taong mahal niya at hinahalikan siya sa pampublikong lugar na animo'y hindi man lang ito nababahalang may makakakilala rito at maeskandalo.

In fact, sa tagal nang paghahalikan nilang dalawa ay hindi pa napaghiwalay ang labi nila kung hindi pa sila kinapos ng hininga. Kapwa tuloy nila habol ang paghinga nang maghiwalay na ang labi nila saka sabay na nagtawanan na animo'y parang mga bata.

LET'S NOT FALL IN LOVEWhere stories live. Discover now