Chapter 8

3.7K 97 2
                                    

Let's Not Fall In Love

By: CatchMe

Chapter 8

NAGISING si Niccaila nang marinig ang katok mula sa labas ng kanyang kwarto. Pupungas-pungas pa siya nang bumangon at napatingin sa digital clock na nakapatong sa bedside table ng kama niya. Nagulat siya nang malamang alas-nwebe na pala ng umaga at napasarap ang tulog niya. Saka siya napabulalas at napatakip sa sariling labi nang malamang nasa kwarto na siya. Ang huling naalala kasi niya ay nasa sala siya at naghihintay kay Blake na bumaba muli. Pero, ano ito? Bakit nasa loob na siya ng kwartong inuukupa niya? Binuhat ba siya ng binata?

Muling may kumatok sa kanyang pintuan kaya mabilis niyang inayos ang kanyang sarili saka tinungo ang pinto. Kinakabahan pa siya sa paghaharap nila ni Blake. At ano na lang ang sasabihin nito gayong tinulugan na niya ito kagabi?

Bahala na!

Agad niyang binuksan ang pinto nang marating iyon at masayang mukha ng isang babae ang sumalubong sa kanya dahilan nang pagsalubong ng dalawang kilay niya.

"Hi, I'm Marigold Ceblano. Pinapapunta ako dito ni Ma'am Thess Amodia, 'yong road manager ni Sir Blake. Inutusan daw kasi ako ni Sir na dalhin 'to sa 'yo," wika nito na ipinakita sa kanya ang may kalakihang puting kahon.

Ngumiti siya sa babae kahit na nagulat siya sa pagbungad dito. Sa tantiya niya ay mas matanda lang ito sa kanya ng tatlong taon. "Ganoon po ba? Eh, ibig niyong sabihin wala si Blake dito?"

Umiling ang babae nang nakangiti pa rin sa kanya. "May dinalohan siyang morning show,  invited kasi siya roon kaya maaga siyang umalis. Pinapahabilin lang nito kay Ma'am Thess na ibigay ko raw ito sa 'yo. You are Niccaila, right?"

"Oo, at pasinsya ka na kung ngayon lang ako nagising, masakit kasi ang ulo ko kagabi. Kanina ka pa ba?"

"Ah, 'di naman. Kinatok lang kita kasi nga kailangan mo pa itong maisukat kung kasya ba sa 'yo ito."

"Bakit? Ano ba 'to?" abot niya sa hawak nitong kahon saka sinilip. Mas lalo pang nagsalubong ang dalawang kilay niya at napamulagat pa siya. "Wedding gown?!"

Matamis na ngumiti sa kanya si Marigold. "Opo, para sa kasal niyo ni Sir," tugon nito. "Sige po, Ma'am, isukat niyo na lang po at tawagin niyo na lang ako kung kailangan niyo ako," anito.

Yumuko siya sa babae bilang sagot saka muling isinara ang pinto. Ipinatong niya sa kanyang kama ang kahon at kinuha ang wedding gown. Napapa-wow siya habang titig na titig sa napaka-eleganteng damit na iyon na itinapat sa sarili niya.

Lumapit pa siya sa life size mirror niya na nasa loob ng walk-in closet ng kanyang kwarto. Doon ay hindi makapaniwalang tinitigan niya ang sarili habang hawak niya ang wedding gown na iyon.

Hanggang sa natahimik siya at napaisip. Ano ang ibig sabihin ng wedding gown na iyon? Ikakasal na ba sila ni Blake? Kailan at saan? At saka, bakit hindi nito nabanggit iyon sa kanya? Paano na lang ang pamilya niya? Ang nanay niya at mga kaibigan niya?

Agad siyang napabalik sa kanyang kama at inilapag ang wedding gown doon. Saka mabilis niyang kinuha ang naka-off niyang cellphone sa drawer nang maalala ang nanay niya. Simula kasi kahapon ay naka-off ang cellphone niya at hindi na niya nagawang buksan iyon kagabi dahil ang sakit ng ulo niya. Dagdagan pa't nasa sala siya at nagugulohan ang utak niya sa isiping nagising na lamang siya at nasa kwarto na niya siya.

Ilang messages ang dumating nang mabuksan niya ang cellphone niya. Tatlo galing sa ate niya, dalawa mula sa kaibigang si Irish at isa naman sa nanay niya. Inuna niyang basahin ang mensahe ng nanay niya at napabuntong hininga na lamang siya nang tanging 'Mag-ingat ka lagi anak' ang laman ng mensahe nito.

Muli niyang ibinalik ang cellphone sa drawer matapos basahin ang kanyang mga mensahe. Pinaalam lang niya sa ate niya na okay lang siya at hindi ito dapat mag-alala sa kanya dahil nasa mabuti siyang kalagayan. At ang tanging sagot naman niya sa tanong ng kaibigan niyang si Irish kung kailan siya papasok ay 'Magreresign na ako' ang tanging sagot niya.

Pakiramdam niya ay hindi man lang nag-alala ang nanay niya kung saan man siya naroon kaya mas lalo siyang nagtampo rito habang mas lalong kumukulo ang dugo niya sa kinakasama nito. Iyon kasi ang dahilan kung bakit wala siya ngayon sa bahay nila. Dahil sa pakikipagrelasyon nito sa nanay niya.

LET'S NOT FALL IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon