...why do birds suddenly appear, everytime you are near, just like me they long to be, close to you.... .....Why do stars fall down from the sky, everytime you walk by? Just like me, they long to be, close to you.... Maririnig ang sari-saring pagsabog, may mahina,malakas, medyo may kalakasan, sobrang lakas na halos pati dibdib mo kumakabog, meron pang lumulusot na putok na tila nahihiya. Kasabay pa ang pagtugtog ng isang kantang paborito ko, paborito rin nila lalo na ng katabi ko na siyang pasimuno. Nakakangisi ng labi. Napalingon ako sa mga kasabayan ko sa paglalakad. Ang astig namin tingnan. Kahit sino pag kami nakita ngayon, mapapanganga. Panigurado yon. Para tuloy kaming nasa isang pelikula at kami ang... Bida. Pero Kontra, inshort, kontrabida. Habang naglalakad na tila kami mga diyosa ay siya namang pagsabog ng kung ano sa aming likuran. Sumasabay ang kanta sa bawat paghakbang ng aming mga paa. Habang dinuduyan ng hangin ang aming maalikabok na buhok at dumdampi sa madungis naming mukha, pero wag ka, maganda pa rin. Napangisi na ako ng todo, walang pagsidlan ng saya ang puso ko, hindi pala, buong pagkatao ko. Nasa tabi ko kasi ang mga taong pumupuno sa sayang nararamdaman ko. And we will be always a Bad Ass..