BA 6- Halik

7 0 0
                                    

" .....don't let me fall."

Ang sabi niya. Iba ang nasa isip niya ng sabihin niya iyon.

She like the way he  hugs her. Yung init na nararamdaman niya masarap. Masarap na para bang gusto niyang itulog. Masarap na gusto niyang ulit-ulitin, hindi nakakasawa. Masarap na nakakagaan sa pakiramdam.

Gusto niya yung nakikita sa mga mata nito. Na 'Nagagandahan siya sa akin.' hindi na naman iba yung titigan siya ng ganoon. Pero yung sa kay Thomasen ay iba. Para siyang isang napakahalagang bagay sa mundo kung pakatitigan.

Napakunot ang noo nito na para bang nalito rin sa nasabi niya. Iba siguro ang dating ng pagkakasabi niya. Pero yung totoo? yun na nga. Iba ang pinapahiwatig niya. But she can't be honest. It must be a Distraction. Boys are the same. 

" Let me help you, na makaalis diyan. If you don't mind." Sabi nito. Hindi ito makatingin sa kanya. Nasa sapatos niya ito nakatingin.

" Hindi ka makatingin sa akin Sen." Sabi niya na ikinabigla nito.

"What!?" Naitanong niya ng makita ang pagkabigla sa mukha nito.

"Ikaw ang... Ikalawang tumawag sa akin ng ganyan. And it feels the same. It's weird." sabi nitong napapailing na ngumingiti, pero nakayakap pa rin sa kanya. Nakayapos talaga ito na nagkadikit na ang mga dibdib nila. Hindi siya nakakaramdam ng pagkailang, bagkos ay... Komportable siya.

"It feels what?" Nakatitig pa rin siya rito. Hinihintay na tumitig din ito sa kanya.

" It feels... Nakakagwapo." Sabi nito. Dumaan ang katahimikan. Nagtagpo rin ang kanilang mga tingin.

Ngumiti siya.

" Oo nga.. nakakagwapo." Mahinang pagkakasambit niya na ikinangiti rin nito. Hanggang sa humalaklak ito. Siya... napangisi na lang. Hindi niya mahanap sa kalooban niya ang tumawa ng ganoon. Yung tila dinig ng buong mundo at kita ang ngala-ngala niya.

"Let's get out you there. Kapit." Sabi nitong titig na titig sa kanya. Parang nakainom siya ng energy  drink. Ramdam niya yung pag-jumping rope ng puso niya. Napangiti tuloy siya ng di-oras.

Ito ba yung sinasabi nilang kilig?

Niyapos siya nito ng mahigpit sabay hila. At dahil sa maikli ang suot niyang dress ay hindi siya madaling nakasampa sa railings. Bahagya pa siya nitong initsa para dumausdos ang pagkakayakap nito sa tiyan niya. Nakakandong na ang pwetan niya sa mga bisig nito.

Napakapit naman siya sa magkabilang balikat na halos kumukurba na ang mga muscles nito sa suot na itim na T-shirt.

Nang biglang tila nastock-up siya sa paghila nito. Parang merong humihila sa kanya pabalik. Nang siyasatin niya'y nakasabit ang raffles (na mukhang kulambo) ng laylayan ng damit niya sa nakausling alambre.

"Hold on." Sabi pa nito. Kumukuha pa ata ng bwelo. Saka malakas na hatak ang ginawa nito. Parang may hilahan pang naganap dahil masyadong matibay yung damit.

Hanggang sa tulayan itong napunit. Rinig na rinig niya ang pagkapunit ng tela.

Nabuwal naman sila ni Thomasen na matatag pa rin ang pagkakayakap sa kanya. Nakadagan siya rito habang nakaunan ang ulo niya sa dibdib nito. Sapo naman ng kamay nito ang ulo niya na para ba siyang sanggol na hindi pa kayang itayo ng leeg ang ulo nito. Habang ang isang kamay ay nakalingkis sa kanyang bewang.

Naku! Hokage talaga! Paraparaan din eh..

"Are you alright!?" Sabi nito. Hindi siya kumilos para tingnan ang mukha nito. Nakikinig lang siya sa pagtibok ng puso nito.

Pero bigla rin siyang natauhan. Bigla siyang napatayo at dumistansiya sa rito. Ramdam niya ang pagkagulat nito sa ginawa niya.

" Sorry and thank you." Sabi niya na inaayos ang punit na damit. Nagkaroon ng hiwa ang tela hanggang waistline niya. Kitang kita ang sensitibong parte ng kanyang katawan.

" Yung damit mo..."sabi naman nito. Nakita lang nito ang punit ng inayos niya. Saka basta na lang nitong hinubad ang T-shirt na suot. Hindi nito ibinigay sa kanya ng deritso para siya ang mag-suot kundi siya mismo ang kusang nag-suot nito para sa kanya. Natigilan siya. Ang sweet ng ginawa nito para sa kanya. Napangiti tuloy siya ng patago sa kanyang isipan.

Napalunok naman siya ng makita niya ang magandang katawan nito?! Ngayon niya lang napagmasdan ng mabuti at na-appreciate ang katawan nito kesa noong unang pagkikita nila. Iniisip niya'y baka epekto lamang ng ilaw, o kaya'y dahil medyo dim? O kaya dahil sa nainom niya.

"Maganda pala katawan mo." sabi niya. Na para bang natural lang ang pagkwentuhan ang tungkol sa abs at muscles nito. Namula naman ito ng sobra.

"Your blushing." Sabi niya pa. Na parang dumi lang sa mukha ang tinutukoy niya.

Hahaha...

" Don't mention it." Sabi nito na tila hindi alam ang sasabihin at gagawin.

"Bakit? Nahihiya ka ba?!" Pambubuska niya pa lalo.

"Yes! No!? Just hmmp agghh!! Your impossible!!" Para na itong naiinis. Nagtitimpi. Sasabog.

"Can I get you home now!!? Shine?" Sabi nito na ikinataas niya ng kilay.

"Paano ka? Maghuhubad ka nalang?"

"May damit pa ko sa kotse." Sabi nito na hinihimas ang abs na tila ba nahihiya itong nakikita niya iyon.

" Huwag na kaya ko naman umuwi. Mauna kana." Sabat niya na tumitig sa mukha nito na halatang naiilang at nilalamig.

"Hindi ako mapapalagay na iiwanan kita rito at uuwi ng nakaganyan ka. May kotse ka ba?" Napataas ang isang kilay niya. Anong arte neto?

Napailing siya sa tanong nito. Kanina meron, pero malamang kinarnap na  ni Lin ang kotse niyang dala.

" Please.." nagmamakaawa pati ang mga mata nito.

" Fine! Tss! Gusto mo lang malaman bahay ko eh." Sabi niya rito na napaismid.

Inihatid nga siya nito sa itinuro niyang apartment, kung saan temporaryong inuuwian nilang apat kapag ganitong wala silang laro.

"Thanks sa paghatid." Sabi niya ng makababa na siya ng lubusan sa kotse nito. Nasa harap na sila ng gate ng bahay na tinitirhan niya. At alam niyang nakamasid ang dalawang tukmol sa kung saang dilim.

"It's ok. I have too. Para mapanatag din naman ako." Sabi nito. Saka niya lang nalaala ang T-shirt nito. Nasa kalagitnaan na siya ng paghuhubad ng inawat siya nito.

"No don't. Ibalik mo na lang sa akin sa ibang araw. " Sabi nito na ibinalik sa pagkakasuot niya ang damit kaya lalong lumiit ang distansiya namin. Hanggang leeg lang siya nito at naamoy niya ang mabangong pabango nito.

"Bakit!?" Nagtaka siya pero parang na gets niya din.

Paraparaan boy..

Lumunok pa muna ito at saka ibinuka saka isinara ang bibig. Lumunok ulit saka huminga. "Gusto kitang makita ulit."

Napataas ang dalawang kilay niya at bahagyang umuwang ang bibig. Nakita niya pa kung paano nito titigan ang mga labi niya. Kinagat niya naman ito na para bang maitatago niya sa pagkagat niyang iyon.

" Sorry din." Sabi nito. Nakatingin na sa mga mata niya.

"Bakit? " Bakit naman?

"Nagsorry ka din kanina."

"Ha? Kasi.... I let you touch me. I let you talk to me like we've known before. We're staring each other like we have something. Like couples. Parang ang labas kanina nilalandi kita? I dont know how to describe it. Parang ganoon. Kahit na kakakilala lang natin. And it's not good. Babae pa naman ako." Sinabi  niya ang totoo. Hindi. Half truth lang. Dahil totoong nilandi niya ito kanina.

Ito naman ang napataas ng dalawang kilay at parang hindi maprosseso sa utak ang mga nasabi niya.

"Sorry...But I like the way I touch you." Sabi nito saka siya hinalikan sa labi.








BadAss : Nin     Where stories live. Discover now