BA 5- Thomasen

5 0 0
                                    


" Nagagandahan ka sa akin Thomasen." Sabi niyang ikinangiti niya lalo. Gusto niyang humagalpak ng tawa pero may pumipigil sa kanya. Feeling niya mali ang pagtawanan ito.

Mukha itong matatae ng sinabi niya ulit kung anong nababasa niya sa mga mata nito. He's admiring her from the start. Kahit nandoon pa sila sa beach. Hindi niya lang masigurado dahil merong pagdadalawang isip ito. Hindi niya matukoy kung para saan iyon. Sa kanya ba o sa ibang bagay na gumugulo rito noong mga oras na iyon. Ngayong nagkita sila uli. Sigurado na siya. Nagagandahan ito sa kanya.

"Ha-ha?... Ahah-ahahaha!!.." tumawa ito. Napangiti siya lalo. Gusto niyang pagtakpan ang kabang nararamdaman.

"Hindi naman ako nangangagat." Pumapatay lang. Sabi niya na idunugtong lang ang huli sa utak niya. Naputol naman bigla ang pagtawa nito at kunot na kunot ang noong nakatitig sa mga mata niya.

"Ganyan ka ba talaga magsalita?"

" Bakit?" Tanong niya rito na nanliit ang mga mata nito.

" it's weird. Your nice but intimidating." Napataas ang isang kilay niya.

" I'am. " Sabi niya. Lalong nagulo ang mukha nito.

" Like you said I'm nice but intimidating. That's me." Sabi niya pa na nakangiti.

" Really?" Sabi naman nito na hindi makapaniwalang may bahagyang ngiti sa labi.

" How did you know me?"  Tanong nito.  Kinuha niya ang calling card na nasa lagayan ng sigarilyo saka ipinakita sa kanya. Mukha naman itong nag-isip ng makita ang calling card niya.

" Kaya pala mukha kang pamilyar sa akin. Sorry hindi kita agad nakilala. Thanks ulit sa pagsagip kay Hana." Sabi nito na bakas ang tuwa.

Tumango lang siya na humarap sa siyudad, saka humithit uli sa sigarilyong papaubos na saka inapakan. Kumuha siya ulit saka sinindihan. Humithit saka ibinuga. Nagkahugis bilog ang usok na pinakawalan niya sa bibig.

"Ok lang." Sabi niya. Ramdam niya ang mga titig nito.

" By the way I'm Gaberiel Thomasen." Pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay. Napatingin siya sa kamay nito.

" Shine. Shine Revano" Sabi niya sabay tanggap ng kamay nito.

Biglang may ilaw na tumutok sa mukha niya. Sobrang nakakasilaw. Napatakip siya ng kamay sa ibabaw ng mga mata. May narinig siyang ingay. Nandoon pa rin naman si Thomasen sa harap niya. Napalinga siya sa pinanggalingan ng ingay. May lumabas sa pinto ng fire exit mula sa bar. Isang babae, matanda lang siguro ng tatlong taon sa kanya. May hila-hila itong bata.

" Ilang ulit ko bang sasabihin sayo. Huwag kang aalis ng bahay na hindi kasamang kapatid mo!?" Sabi nong babae sa bata. Sobrang nag-aalala ang mukha nito.

" May lagnat si Ella Mama. Uwi na tayo. Hinahanap ka na niya. Dalhin na natin siya sa hospital." Sabi nong bata na hilam sa luha ang mga mata.

" Anak,, tawagin mo si Aling Mela. Itong pera. Maki-usap ka sa kanyang dalhin niyo si Ella sa malapit na Hospital. Susunod ako. Magpapa-alam lang ako sa Boss ko. Umalis ka na!"

" Pero Mama!! Mas kailangan ka niya Ma!!!. Kahit ngayon lang kami naman piliin mo!!! Anong klaseng Mama ka!!" Galit na sabi nong bata.

" Anak... Huhuhuhuu.. kailangan. Mamatay tayo pag'hindi ko sila sinunod mapapahamak kayo ng kapatid mo. Pakiusap. Huhuhuh... Umalis kana. Puntahan mo na si Ella." Napaluhod na umiiyak ang ina nito. Bakas ang matinding  paghihirap ng kalooban.

"Mama...mag-ingat ka ha. Mahal ka namin ni Ella." Sabi ng anak ng nakita ang itsura ng ina. Tila bigla iyong naawa sa ina. Niyakap ito saka hinalikan sa noo.

" Oo anak. Mag-iingat si Mama bilis!! Umalis ka na." Sabi ng ina nag sobra ang pag-aalala sa isa pang anak na nag-iisa.

Dumilim. Sobrang dilim na tila siya hindi makahinga.
Unti-unti may nakikita siya. May nakabukas na pinto. Tumakbo siya doon. Malakas na apoy ang bumulaga sa kanya. Masakit ang balat niya pero hindi niya iyon alintana.

" Ella!! Ellaaa!! " Nagsisigaw ang bata. Hinahanap ata ang kapatid nito. Pumasok ito sa nasusunog na kwarto. Nandoon ang kapatid nakahiga pa rin sa kama. Dali-dali niya itong ginising. Kinarga saka dali-daling lumabas ng kuwarto. Nasusunog na ang hagdang kahoy na bababaan nila. Tumakbo ang bata sa isang bintana. Sa ibaba nito ay ilog. Itinali ang kapatid sa kanyang katawan. Umakyat ang bata sa bintana saka walang pag-alinlangang tumalon.

"Ella!!! Ella!!" Sigaw niya nagkakawag siya sa tubig.

Bakit nasa tubig ako?

" Hold on. Huwag kang maggagalaw!!! Mabibitawan kita!!" Sigaw ni Thomasen. Napamasid siya sa paligid. Hawak hawak ni Thomasen ang braso niya habang nakalambitin siya sa 3rd floor. Shit!!

" Anong nangyari!? " Tanong niya pero Hindi ito sumagot. Mukha na itong natatae pero hindi mailabas labas. Napangiti siya ng hindi sadya.

" Ngumingiti ka pa sa lagay na yan? Puta!! Mabibitawan na kita!!! Aaghhh!!"

"Bitawan mo na lang ako." Sabi niya na ikinagulat naman nito.

"What!!? Are you serious? Mamatay ka pag binitawan kita." Sabi nitong lumalabas na ang mga ugat sa leeg at braso nito sa sobrang pwersang ginagamit niya.

"Sobrang bigat ba talaga ako?" Tanong niya. Pinagpapawisan ito at halatang nauubos na ang lakas nito sa ilang ulit na pagtangkang mahila siya pataas.

"Bitawan mo na lang ako. Hindi ako magpapakamatay. Tatalon lang ako sa ibabang fire exit." Sabi niya.

" No! Hindi pwede.! Maari kang mahulog deritso. Aghhh!!" Napasigaw ito ng dumausdos na ang kamay nito sa pulupulsuhan niya.

..... Huwag ka nang mangamba
Huwag mag-alala... Luha'y kukupas, kahit masakit pa parang bibigay na hahh... Luha'y huhupa. Ibabaon rin ng panahon mga luha  mong ngayong iniipon... 'Wag na... La.. la.. la....

Narinig niya ang isang kanta mula sa kanyang MT Chip na nakakabit sa loob mismo ng tenga niya.

Lin..

" We're here at the rooftop Nin." Saad ni Pusa narinig niya sa kabilang tenga. Tumingala siya pagkatapos. Nandoon nga sila. Nagmukha silang langgam sa paningin niya. Kumaway pa ang dalawang loka-loka. Rinig niya pa ang hagikgikan nila na nagpangiti din sa kanya.

"Fuck!! Humawak ka ng mabuti!!!! AAAGGHHH!!" Sigaw ni Thomasen sabay sa paghila nito sa kanya. Umangat siya hanggang sa pwede na niyang maabot ang metal sa railings. Kumapit siya roon na walang kahirap hirap saka umakyat pataas. Nakatuntong na siya sa sahig ng terrace na tanging ang dulo ng sapatos lang ang nakapatong. Dali-daling tumayo si Thomasen sa pagkakatumba ng hinila siya kanina.

BadAss : Nin     Where stories live. Discover now