BA 1 - The Badass

4 0 0
                                    

...why do birds suddenly appear, everytime you are near, just like me they long to be, close to you....

.....Why do stars fall down from the sky, everytime you walk by? Just like me, they long to be, close to you....

Maririnig ang sari-saring pagsabog, may mahina,malakas, medyo may kalakasan, sobrang lakas na halos pati dibdib mo kumakabog, meron pang lumulusot na putok na tila nahihiya. Kasabay pa ang pagtugtog ng isang kantang paborito ko, paborito rin nila lalo na ng katabi ko na siyang pasimuno.

Nakakangisi ng labi.

Napalingon siya sa mga kasabayan niya sa paglalakad. Ang astig nila tingnan. Kahit sino pag sila nakita ngayon, mapapanganga. Panigurado niya yon. Para tuloy silang nasa isang pelikula at sila ang... Bida. Pero Kontra, inshort, kontrabida.

.....On the day that you we're born the angels got together and decided to create a dream come true, so they sprinkled moon dust in your hair of gold and starlight in your eyes of blue....

Habang naglalakad na tila sila mga diyosa ay siya namang pagsabog ng kung ano sa kanilang likuran. Sumasabay ang kanta sa bawat paghakbang ng kanilang mga paa. Habang dinuduyan ng hangin ang kanilang maalikabok na buhok at dumdampi sa madungis nilang mukha, pero wag ka, maganda pa rin.

Napangisi na siya ng todo, walang pagsidlan ng saya ang puso niya, hindi pala, buong pagkatao niya. Nasa tabi niya kasi ang mga taong pumupuno sa sayang nararamdaman niya.

...pot..poooot..ottt..pot..pooot...tot..

Sabay sabay napahinto ang kanilang mga paa. Hindi niya maintindihan ang kakaibang kabang lumukob sa kanya. Kakaiba. Napalingon siya sa magkabilang gilid, slowmo.

Nakatingin ang mga kasama nito sa kanya. Nakakapanlamig na tingin. Para siyang naihi, pero tila ito lalabas sa bunganga niya.

"Ahmmm... Sarry. Nakisali ata sa putok. Hehe.."

"Ang sabihin mo eksayted ka kaya ka na utot." Si Cheng. Supladang nakatingin pa rin sa kanya.

"Ryt'h." Si Lin na may maarteng H pa sa dulo ang pagsasalita.

"So, WN?" Na ibig nitong sabihin ay What Next.

"Ano bang pinagsasabi mo Pusa!? Ang alien mo talaga kahit kelan." Angil niya kay Pusa dahil sa tila ba bangag ito kapag bumabanat ng lenggwahe nitong alien.

"Taympers." seryosong sagot ni Lin, pero ang dalawang kamay ay nasa mga suso naman ni Pusa. Napatingin si siya at si Pusa na nanliliit ang mga mata kay Lin.

"Uwi na tayo." Saka biglang takbo ni Lin.

"Ahhh!!!/Nyllll!!!" Sabay namang sigaw nila ni Pusa sa tumatakbong si Lin.

"By the way. Napasok na sa kahon ang Silver. Saan tayo sunod?" Tanong niya na lang kay Cheng ng mapansin ito. Tulad dati seryoso pa rin ang mukha.

"Pahinga." Maikling tugon ni Cheng na may tipid na ngiti at tinatamad na mukha.

"Pfft... Boring." Laglag ang balikat na ngumuso siya.

"Naku! It's a miracle na yan Nin. Kailan ba tayo huling nagpahinga?" Sabat ni Pusa na ningangatngat ang kuko.

"Last Year? " Isip-isip niya.

Tama nga ito mahigit isang taon na ata ang sunod sunod na laro nila.

"See? Kailangan natin mag-out of town. Yay! Gusto ko party!" Tila batang nangangarap na sabat ni Pusa.

"Palawan." Sabat ni Cheng. May itinitype sa maliit na gadget nitong siya mismo ang gumawa.

"Hala!!! Ikaw ang hulog ng langit. Ikaw ang aking pag-ibig. Ikaw ang katuparan dito sa aking daig- uhmmm.." bigla ko na lang binusalan ang bibig ng maingay na Pusa ng kumanta ito.

BadAss : Nin     Where stories live. Discover now