BA 4- Flash of Memories

6 0 0
                                    

"Nin!! Nin!! Breath! That's good.. breath.. just breath." Si Lin. Nasa harap niya. May kung anong itinutusok sa kanyang leeg.

" Ella.." bigla niyang nasambit.

" Anong pakiramdam mo?" Sabi ni Pusa. Nasa tabi niya ito habang chinecheck ang vital signs niya.

" Ok na ko. Thanks. Nangyari na naman ba? Pero Bakit dito?" Sabi niya kay Pusa na agad tumango. Napansin niyang nandito pa rin sila sa Bar. Mabuti na lang at nasa VIP sila, hindi pansinin. Nakasanayan na nilang gamutin ang bawat isa o ang sarili.

" Who's Ella." Tanong ni Cheng na prenteng nakaupo lang sa harap niya habang umiinom ng beer.

" Ella? " Ulit niya sa sinabi nito na nagtataka.

" Your calling Ella while ago." Sabi nito na derektang nakatitig sa mga mata niya. Na para bang mababasa Nito ang sagot. Naupo siya ng maayos saka tumungga ng beer.

" I.. don't know. May nakita akong bata saka babae. Mukhang nanay nila. Yung batang babae May mas maliit na batang kasama. Nasa isang club sila. Nag-aaway ang bata at ang babae.  Umiiyak yung bata. Yon lang. It just happened nang pinanood ko yung mga taong nagsasayawan."

"Maybe it's your family." Sabat ni Lin na umiinom na rin. Seryoso na ito at tila nag-iisip na rin.

" What family?" Tanong niya. Napataas ang kilay ni  Lin at Pusa pero si Cheng nakatingin lang sa bote. Na para ba itong jigsaw puzzle. Na para bang makakakuha ito doon ng sagot.

Natahimik siya at napaisip na din.

" Paano nangyaring wala akong alam. Kahit yung data natin sa Isla walang nag appear tungkol sa akin. Pero bakit sa inyo meron. Hindi naman ako Cyborg di ba?" Sabi niya sa mga kasama.

"Pero naging parte ka ng Special Experiment. We don't know baka memory ng ibang tao ang inimplant sayo. O di kaya gawa-gawa lang nila yon." Suhestiyon ni Lin na maaaring ganoon nga.

" For what?" Tanong niya.

"Yun nga eh. Hindi natin alam. Kung hindi sumabog ang isla baka nalaman natin. Maybe sa  una mo sanang mission gagamitin iyon." Sabi pa ni Pusa.

" I review your background sa files ng Black army. Magkaiba sa  data ng Underground army. They want you. Alone." Salaysay ni Cheng.

Baka tama ang iniisip niya. Baka nga pamilya niya ang naaalala niya. But why she don't feel anything sa tuwing naaalala niya ang mga ito.

" Pero bakit hindi ko maramdaman na pamilya ko sila. Tulad ng nararamdaman ko sa inyo." mukha naman silang nagulantang. Kuminang ang kanilang mga mata. Nakita ko si Cheng kumikinang ang mga mata nito sa dilim.

She know what she feel. Ang pagkakasama nila ng hindi i-plinano ay siyang itinakda. They are survivors. Na sila lang ang nakakaalam.

Tumayo siya. She need air.

"Saan ka pupunta?" Ani Lin.

"Diyan lang maghahanap ng lalaki." Sabi niya saka dere-deretso ng umixit. Lumabas siya sa fire exit. Nasa 3rd floor sila. Sinalubong siya ng malamig na hangin pagkalabas ng pinto. Kinuha niya ang sisidlan ng yosi na nasa dibdib at kumuha ng isa, sinindihan.

Paanong nangyayari sa akin ito?

She's not normal. Nalaman niya sa data at files ng Underground Army na isa siyang exclusive  experiment. Ilang taon siyang ginawang specimen ng mga scientist sa loob ng Laboratoryo.  Parati siyang tinutusok at tinuturukan ng kung ano-anu. Kinukunan ng mga kung ano-ano, blood samples, tissues, bone marrow, at kahit ang laway, kuko at ear wax ginagawang samples sa laboratory.

Nandoon lang siya, kung hindi nakahiga, nakatayo o nakalutang sa loob ng isang capsule na puno ng kung anong likido. Para siyang isang bagay doon. Hindi pinapansin kung nasasaktan man siya. Hanggang sa mamanhid siya. Parang nasanay sa sakit na tinatawag. Hindi na siya umiiyak. Umaaray. Wala ng iyang nararamdaman. Kahit sa pagtulog niya naririnig niya lahat ng kilos na naroon. Ultimo ang paghinga nila naririnig niya. Isang araw, ikinulong siya sa isang malawak na kwarto. Pagkatapos ng ilang araw ay isinama siya sa ibang mga bata na alam niyang matagal na ring nandoon. Unang pagkakataon yon.... pero hindi rin nagtagal ikinulong ulit siya sa isang kwarto, may ipinasok na isang bata. Malaki sa kanya at matanda ng higit pa sa edad niya Basta niya lang siya nitong sinaktan. Halos hindi na niya makita ang paligid sa mga pasa at sugat na natamo. Pero buhay pa rin siya. Nang mga oras na iyon. Naramdaman niyang masakit ang lahat na ginawa nong bata sa kanya. Nang sisipain na naman siya nitong muli sa mukha hindi na siya pumikit. Maraming katanungan ang dumaan sa kanyang utak. Hindi na niya kayang magtiis tama na ang mahabang panahong pagtitiis. Gusto na niyang mqging malaya. 

Sa isang iglap...

Nakita niya kung paano magkalasog lasog at magkahiwa-hiwalay ang parte at laman ng paa. Nakita niya kung paano parang tubig na itinapon ang dugong nagkalat.

Nakatitig niya sa bata. Umiiyak ito. Umaatungal ito sa sakit na sapo ang nawalang paa. Puno ng takot ang mukha nito. Nagmamakaawa ito sa kanya na huwag niya daw siyang saktan. Parang ilog ang pag agos ng dugo mula sa kanyang naputol na paa.

Napaupo siya ng bahagya sa harap ng bata. Nagtataka siya. Bakit iba ang nangyari sa bata. Paano? Bakit hindi naputol ang paa niya kanina ng halos patayin na siya nito sa sipa, tadyak, suntok at kung ano pang gustuhin nito. Bakit biglang na takot na ito sa kanya.

" Excuse me, may sigarilyo ka pa? Puede makahingi ng isa?" Singit ng kung sino. Naputol ang pag-iisip niya dahil doon. Napatitig siya sa lalaking nasa bandang gilid niya. Magulo ang buhok at mukhang problemado.
Tahimik itong ibinigay sa kanya ang sigarilyo saka sinindihan pa. Para siyang matatawa ng nagulat ito ng pina-apoy niya ang lighter sa mukha nito saka sumindi.

Nakatanaw ito sa maingay na siyudad. Nakakunot ang noo. Kumikislap ang mga mata nito sa mapanglaw na ilaw na hatid ng siyudad.

"Huwag mo kong titigan" Sabi nito. Hindi naman ito naiinis o nagagalit ng sabihin iyon.

"Bakit?" Parang batang tanong niya.

Napalingon ito sa kanya. Tumitig na tila hindi makapaniwala sa narinig. Lumaban rin siya ng titigan. Ilang segundo pa lang ang lumipas, bumawi na ito ng titig. Napakurap kurap ito. Humithit ng sigarilyo pero bigla na lang itong naubo.

" Nagagandahan ka sa akin Thomasen." Sabi niya na lalong ikinalala ng ubo nito. Para na itong ube sa putla.

Lumapit siya sa rito. Tinitigan ang mukha nitong nahihirapan huminga. Nakatitig lang rin ito sa kanya. Mukha itong tense ng hinaplos niya at dinama ang leeg, papuntang parte ng ngalangala nito. Nanlalamig na balat at nananaas ang balahibo nito sa katawan. Nakakapit sa railings na nasa likod nito. Mukha itong kabado sa ginawa niya. Pinisil niya ang parteng iyon. Sumagap ito agad ng hangin. Akala mo'y kakabutwa lang mula sa tubig.

Sunod-sunod ang magaspang na paghinga nito. Sapo ang dibdib. Tumayo ito ng tuwid. Napatitig ito sa kanya. Napakataas pala nito. Hanggang leeg lang siy at kaharap ang dibdib nito.

" Anong ginawa mo? Manggagamot ka ba? Who are you? Bakit mo'ko kilala?" tanong nito na puno ng pagkamangha ang mukha. Umiling siya bilang sagot.

" So.. what are you? Impossible namang doctor ka. Mukha ka pang bata. Saka hindi kita kilala. Nagkita na ba tayo?" Sabi nito na ikinangiti niya ng bahagya. Yung ngiting tila nahihiya. Then his eyes widened like he saw something unusual. Nakatitig ito sa mga labi niya.

" Nagagandahan ka sa akin Thomasen." Sabi niyang ikinangiti niya lalo.





BadAss : Nin     Where stories live. Discover now