BA 8- Esperanza

5 0 0
                                    

"Kailangan natin makuha iyon bago mag-10:00. Clear?" Tanong ni Cheng.

" Nin." Tawag ni Lin.

" Yes." Sagot niya. Nakatitig silang tatlo sa kanya na para bang may mali sa kanya. Yung malubha.

" Are you in? Pwede ka namang magpa-iwan at maging Lookout namin." Suggestion ni Pusa na nililinis ang maliit na kutsilyo nito.

" May papatayin ba tayo? " Tanong niya ng makita ang pagkinang ng talim.

" You're not listening." Sabi ni Cheng. Hindi naman ito galit or inis.

" You'll be our look-out." Dagdag nito.

" What!? Why? Hindi pwede! I can do this. I'm suppose to do this. It's my game." Sabi niya bigla, na tila aagawan siya. Nainis siya sa naisip ni Cheng.

" Siguraduhin mo lang hindi tayo papalpak." Ani Cheng. May matatalim na tinging ibinato sa kanya. Lalo lang nag-init ang ulo niya sa narinig.

" Kailan ba tayo pumalpak Cheng? Lahat ng laro natin malinis. And I've never been failed. Kahit minsan." Sabi niya na may diin. Gusto niyang ipamukha rito ang mga larong napagtagumpayan niya. Every game na siya ang taya ay palaging plakado.

"Don't use that tone to me." Sabi ni Cheng. Bakas ang matinding emosyon. She don't know how to name it. 

" Wala ka na sarili mo." Sabat ni Pusa. Para bang nagtatampo sa inasal niya.

" Hindi ka na makausap ng matino Nin. Dati rati open ka naman ah.. why now? Ano bang gumugulo sayo? Si Thomasen ba?" Malambing na tanong ni Lin. Tila siya natauhan sa mga nasabi niya.

Hindi siya makatulog ng maayos. She don't know what's happening to her. Palaging naiisip niya ang ginawa niya kay Thomasen.

" I'm sorry. It's about the 2 D's. It's happening to me."

" Anong level?" Sabat ni Pusa.

" Level 2." Sagot niya.

" Malala. Di ko pa naranasan yan. Paano mo nasabing level 2 na yan? Parang ambilis naman?" Singit naman ni Lin.

" It's obvious. She's different. She's not in herself." Sabi ni Cheng na initsa ang maliit na salamin sa kandungan niya.

" I don't need this. I know from your looks. I'm terrified." Sabi niya na napasandig sa sofa.

"Why? Is this a curse? Ayoko ng nararamdaman ko. It's killing me. Napapanaginipan ko siya. Parang siyang bangungot. He's always in may mind. Kahit hindi ko siya iniisip, bigla na lang siyang magpo-pop-up sa Utak ko. Ok pa ko nito? Is it normal?" tanong niya sa kanila.

Natawa ang dalawa. Napangiti naman si Cheng na sa kauna-unahang pagkakataon niya nakita. Bigla rin itong nawala agad.

" It's normal Nin. I can say the attraction is so strong. It's almost 3 months. Ngayon mo lang na admit. Kami nga agad agad nasasabi namin ni Lin. Pwera kay Cheng. Pusong bato yan eh. " Kwento ni Pusa.

" Puro naman false alarm yung sa inyo. Puro kalandian lang. " Sabat niya.

" You can handle that Nin. It's up to you how you face it. Nandito lang kami para makinig at umalalay. It's your war not ours. Ikaw lang ang makakatalo niyan." Sabi ni Lin.

" So we're good. Just focus for tonight Nin. Set aside for a while what's bugging you. That guy is somewhere there. "

" Masasabi kong hindi kana special, your .... Beyond normal. Hahahah..." Sabi ni Lin. Hinagisan niya ito ng throw pillow.

Lancaster's Mansion...
[7:78 pm]

" Im in. Location is in the rooftop, nakapasok na'ko sa system nila." Sabat ni Lin.

" I'm in. Location is in the kitchen. Guards are more than we expected. The room are at the third floor South wing.  May bantay sa loob at labas. Dalawa sa labas apat sa loob." Sabat naman ni Pusa.

" I'm in. Location at the party. Wala namang bago. It's the same faces na nakikita ko sa mga party. Wait.. may kakapasok. Lin, check her identification. Nascan ko na ang itsura niya."

"Roger." Sagot ni Lin.

" May ipinapasok na mga malalaking kahon sa likod ng mansion malapit sa kitchen. Papuntang basement." Si Pusa na bumubulong.

" Hindi yan ang target natin Cat. Huwag mong pairalin na naman ang pagkapusa mo." Sabat ni Cheng.

" Cheng where are you?" Bulong niya sa MT Chip niya na inadjust ang volume nito.

" I'm just here in the party. Nakikita kita." Ani Cheng. Hindi niya pa rin ito makita.

" She's in the second  floor Nin. Umiinom ng wine. Nanonood ng party. Wait.. oh lala.. may lalaking lumapit sa kanya Nin. And... Kina-usap siya ni Cheng. Is she drunk already?" Ani Lin.

"Why I can't hear their conversation?" Tanong niya ng kinonek ang line kay Cheng.

" Nasa mute mode tayo sa line niya. Ohh.. so interesting this guy ha?" Sabi pa ni Lin na nakikilig pa. Rinig niya ang pagtipa nito sa keyboards ng laptop.

" Hi, beautiful lady, can i dance with you?" Biglang may sumingit na lalaki. Sobra magpacute ito sa kanya. Ang kapal ng nguso at ang laki ng ilong.

" Oh I'm sorry, I can't I'm so tired already. I dance a while ago. If you don't mind I want to rest for a while." Sabi niya na kunyari pagod na pagod siya.

" Oh sure. Im sorry. I'll come back later. " Sabi naman nong lalaki na tila nag-alala.

" Oh thanks." Sabi niya. Ngumiti pa siya ng pagkatamis-tamis.

" No problem. See you later." Sabi nong lalaki na nakangiti. Labas lahat ng gilagid. Yuck!!

" ika-34 na yon Nin. Wow! Guinness book of record na yon. Shit Nin!! Yung guy na kausap ni Cheng isang XPX." Nabigla ako sa sinabi ni Nin. Lumayo ako sa party, lumabas ako papuntang garden.

" What!!? Paanong nangyari yon?" Tanong niya kay Lin.

" Hindi nag-appear ang files niya sa UI or sa US files hinanap ko siya sa underground. And then lumabas ang files niya. May nakasurvive maliban satin. Nin. " Hindi siya nakakibo sa nasabi nito. Parang hindi kapani-paniwala.

" It's time na Nin" sabi ni Lin.

" Asaan si Pusa. " tanong niya.

"Pinapatulog ang ibang bumabantay sa dadaanan mo."

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Pumunta siya ng second floor. Nakita niya si Cheng. Kausap pa rin ang lalaki kanina. Seryosong seryoso ang mukha ni Cheng. Tahimik siyang umalis doon na hindi napapansin ni Cheng. Umakyat siya ng third floor ng walang kahirap hirap.

Nakapunta siya sa eksaktong kwarto na sinasabi ni Lin. Wala ng bantay sa labas.

" Nin. Clear na ang loob. Nasa vault ang Esperanza. 19892124921 ang Numero. Nasa likod ng malaking painting ng isang babae."

Tahimik siyang pumasok ng kwarto. Nakiramdam muna at nagmasid. Hinanap niya ang painting. Nasa bandang dulo ito ng kwarto. Sobrang laki ng painting. Napatulala siya sa larawan ng isang babae. Kamukhang kamukha ito ng batang babaeng nasa panaginip niya. Tumanda ito ng ilang taon. Nakasuot ito ng european dress. Mukha itong prinsesa.

" Nin! You have to move! " Sigaw ni Lin. Tumalilis siya agad sa sigaw nito. Hinila niya ang tila carpet sa kapal ng painting pataas dahil tila kurtina lang itong nakasabit. May isang maliit na pasukan doon saka siya pumasok. Nakita ko agad ang vault na kasing laki ng pinto. Pinasok niya ang numero. Bumukas. Maraming pera at alahas. Pero isa lang ang pakay niya. Ang esperanza na nakapaloob sa Krystal na kahon. Kumikinang ito na para bang tuwang tuwa siyang makita. Kukuhanin niya na sana ito ng matigilan siya. May alarm ang kahon.

Kinuha niya ang lipstick niya sa maliit na pouch. Isa iyong laser. Saka niya binutasan ang Krystal. Saka niya  kinuha sa loob ang esperanza. Nang hawak hawak na niya ito'y napatitig siya sa kwintas. Napakaganda nito.

Bigla siyang nahilo. Flashes of memories flood in her brain na halos malunod siya. Ang sakit sakit sa utak.
Hindi siya makahinga.

BadAss : Nin     Donde viven las historias. Descúbrelo ahora