Isang buwan bago ang kasal nina Mia Angela at Marcus ay isang trahedya ang naganap. Nag crash ang eroplanong sinasakyan ni Marcus na papunta sana sa Canada para sa isang business trip. Inakala ng lahat na patay na ito dahil sa mahigit isang taon na paghahanap dito ay hindi ito nakita. Mahirap para kay Mia ang nangyari lalo pa at ipinagbubuntis niya noon ang kanilang anak. Ngunit paano kung kailan inakala nyang naka move-on na siya at handa ng magmahal muli ay makikilala naman niya ang isang taong magpapaalala sa kanya sa dating kasintahan.