CHAPTER 8

19 1 1
                                    

                                 Hermes Miller                   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                                 Hermes Miller                   

     "Kuya Hermes pwede bang ikaw na lang mag attend ng board meeting sa Velasquez Corp para sa akin?" tanong ni Athena sa pinsan na namamahala ng lahat ng shares nya sa mga kompanya, mas gusto kasi nya ang Event Organizing kesa magpatakbo ng negosyo para sa ganun may sarili syang oras para sa pag aalaga sa kanyang anak kaya mas gusto nya ang mag stay sa isla.

     "Ano naman ang gagawin mong mahalaga at hindi ka pupunta?" tanong nito.

     "Kuya, next month na ang birthday ni Marwin at kailangan ko pang maghanap ng magandang venue and theme, at isa pa ayoko makita ang mga tao doon sa kompanya na yun, papayag ka naman kuya diba?" paglalambing nya dito.

     "Ang dami mo ng trabahong ibinigay sa akin ha." pagsusungit nito.

     "Sige na kuya, pag hinanap nila ako sabihin mo busy ako pag oorganize ng surprize birthday party para sa sweetheart ko." 

     "Sinong maghahanap syo si Marcus? Bakit alam ba nya ang tungkol sa anak nyo?" tanong nito.

     "Hindi, pero minsan na nyang narinig na may kausap ako sa phone at tinawag kong sweetheart."

     "So balak mo syang pagselosin sa anak nya mismo?" tanong nito.

     "Of course not, gusto ko lang patunayan sa kanya na naka move on na ako." sagot nito.

     "Sinong niloko mo? Sa loob ng walong taon ni hindi mo nga sinubukan makipag date sa iba, sinong maniniwala na naka move on ka na?"

     "Oo na, basta ikaw na ang mag attend. Pleassseee." pakiusap pa nito.

      "Oo na brat ka talaga. kelan ba ako nanalo sayo.?" 

     "Hindi pa kuya, love mo ako eh." sagot nito. "Kelan nga pala manganganak si Ate Rhea?" tanong nito.

     "February pa ang due nya" sagot nito. "Sige na lumayas ka na sa bahay ko ng maipagluto ko muna ang asawa ko ng agahan bago ako magpunta sa opisina." pabirong saad nito.

     "Grabe ka sa akin kuya ha, sumbong kita kay Uncle eh." ganting biro naman nito.

     "Brat, kapag di ka umalis sasabihin ko kay Marcus na mahal mo pa rin sya." biro pa nito.

     "Tse, aalis na nga po oh, regalo mo sa birthday ng anak ko ha, gusto ko spider man bed ha." saad nito bago dali daling lumabas ng bahay.

     "Si Andrei ang may birthday hindi ikaw." sagot nito ng pasakay na sya ng sasakyan.

      Tatawa tawang sumakay ng sasakyan si Athena, napaka seryoso talaga ng pinsan nyang ito. Kinailangan nyang pakiusapan ito na sya muna ang mag attend ng meeting dahil kailangan na nyang mag umpisa ng paghahanap at pag oorganize ng 7'th birthday ni Marwin next month na kasi ang birthday nito sakto rin sa mismong araw ng birthday ng kanyang amang si Marcus.

Love Will Lead You BackWhere stories live. Discover now