Prologue

17 0 0
                                    

     Nag eempake ng damit si Marcus ng dumating si Mia sa bahay nito kailangan kasi nyang pumunta ng Canada para ayusin ang problema sa branch ng hotel nila. Hindi naman sya maaring magtagal doon dahil next month na rin ang kasal nila ni Mia. Five years na rin silang mag-on ng yayain nya itong magpakasal.

     "Miel pwede bang wag ka ng umalis? Pwede bang si Kuya Mike na lang ang magpunta dun?" tanong ni Mia sa kasintahan.

     "Hindi pwede Miel  napag usapan na natin ito diba? 5 days lang ako dun at isa pa nasa Spain si Kuya may iaasikaso din yun para sa itatayong hotel doon." sagot nito.

     "Kinakabahan kasi ako eh, pakiramdam ko may mangyayaring masama."

     "Walang masamang mangyayari miel, ikakasal pa tayo diba. Wag ka ng mag isip ng kung anu-ano, dito ka na mag stay habang wala ako ha, andyan si manang sya mong makakasama mo habang hindi pa ako nakaka balik."

     "Sige na nga pero babalik ka agad ha, mami-miss kita agad."

     "Oo naman miel babalik ako agad, mami-miss din kita miel I love you"

     "I love you too" 

     "Dito ka na lang wag mo na akong ihatid sa airport ha, alam ko naman na pagod ka galing sa trabaho, sabi ko naman sayo mag resign ka na eh mabubuhay na naman kita."

     "Saka na lang kapag may baby na tayo, at next week pa ang approve ng leave ko para na rin makatulong ako sa pag aayos ng kasal natin."

     Nang matapos mag empake ay tinawag na ni Marcus ang driver nya para mabuhat ang kanyang maleta. Sabay silang lumabas ng bahay ng makasalubong nila si Manang Gina ang yaya ni Marcus mula ng sya ay bata pa. "Manang kayo na po muna ang bahala sa asawa ko, babalik din po ako agad"

     "Oo naman anak, mag iingat ka sa byahe ha" sagot ng matanda

     "Sige po mag iingat din po kayo dito. Miel kakain ka sa oras at wag kang magpupuyat ha."

     "Oo na, tawag ka agad pagkarating mo ha."

     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

     Kinagabihan habang naghahapunan si Mia kasalo si Manang ay tumunog ang Celphone ni Mia. Agad naman nya itong sinagot ng makitang ang ina ni Marcus ang tumatawag. 

     "Hello 'my?"

     "Mia natuloy ba si Marcus pag alis?" umiiyak na tanong nito

     "Opo kanina pong 3pm inihatid ni Kuya Jun sa airport, bakit po kayo umiiyak?" kinakabahang tanong ni Mia.

     "Nag crash ang eroplanong papunta ng Canada Mia posibleng kasama ang anak ko doon." umiiyak na saad ng matanda.

     "Hindi yan pwede Mommy, ikakasal pa kami hanapin na natin sya 'my " umiiyak na rin si Mia.

     "Nasaan ka Mia? Susunduin ka namin, tinawagan ko na ang Kuya Mike mo para maki balita sya kung na-rescue na si Marcus." sagot ng Daddy ni Marcus.

     "Andito po ako sa bahay ni Marcus sa QC" sagot nya na patuloy pa rin sa pag iyak.

     "Okey, papunta na kami dyan, samahan mo na muna ang Mommy mo at kami na ng kuya mo ang maghahanap kay Mcmc." saad ng matanda.

     "Sasama ako Dad, hindi pwedeng maupo lang ako kailangan ko syang makitang buhay."

     "Mamaya na tayo mag usap Mia, sige na papunta na kami dyan."

     Nang maibaba ng biyenan ang tawag ay agad syang nilapitan ni Manang Gina. "Anong nangyari kay marcus Mia?" tanong ng matanda

     "Bumagsak daw po ang eroplanong sinasakyan nya Manang, Pinipigilan ko na po sya kanina eh kasi nga po kinakabahan ako, ayaw naman nyang magpapigil. Natatakot po ako Manang."

     "Sana naman ay ligtas ang alaga ko" sagot ng matanda

     Maya maya ay dumating na ang mga magulang ni Marcus. "Dad may balita na po ba? Nakaligtas naman po si Mcmc diba?" agad na tanong ni Mia ng makapasok ang mga magulang ni Marcus.

     "Tumawag ang kuya mo kanina sa tubig bumagsak ang eroplano, at umpisa na ang rescue operation, Dito ka na lang at samahan mo ang Mommy mo, kanina pa yan iyak ng iyak baka kung mapaano na yan." sagot ng ama ni Marcus

     "Sasama ako Dad, please gusto ko syang makitang ligtas." 

     "Sasama rin ako mahal, I Cant just sit here and wait for a news, I need to see my son alive." sagot ng ginang.

     "O sige halina kayo, mahahanap natin sya tumigil na kayo sa pag iyak lalo ka na mahal ko, walang mangyayaring masama sa anak natin maniwala ka, excited yun sa kasal nila diba at mag aalaga pa tayo ng mga apo natin sa kanila." pag aalo ni Daddy Mark sa asawa.

     Habang nasa sasakyan ay hindi maiwasan ni Mia ang maalala ang mga masasayang oras na magkasama sila ng fiance nya, mahal na mahal nila ang isa't isa last year na nila sa college ng maging close friend sila at kalaunan ay naging mag nobyo na. Ulila na syang lubos,  ng maka graduate sya ng college ay naaksidente ang mga magulang nya na naging sanhi ng pagkamatay ng mga ito, at sa mga panahong iyon si marcus at ang pamilya nito ang naging karamay nya. Mababait ang mga magulang ni Marcus hindi sila katulad ng ibang mayayaman na mga matapobre. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Love Will Lead You BackWhere stories live. Discover now