CHAPTER 5

8 0 0
                                    

     Maya maya lang ay natanggap nya ang e-mail na galing kay Sofie ang DNA test ni Marwin at ng lalaking ibinurol ng mga Velasquez at tama ang hinala nya, hindi si Marcus ang bangkay. Ngayon ay kailangan nyang mapatunayan kung si Matthew at si Marcus ay iisa.

 Ngayon ay kailangan nyang mapatunayan kung si Matthew at si Marcus ay iisa

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Fr: Sofie ni Ares

       You need to come back now, Tama ang hinala mo na buhay sya. May board meeting lahat ng stock holders ng Velasquez Group of Companies at darating sya para bawiin ang posisyon nya bilang CEO ng kompanya, marami kang dapat malaman kaya kailangan mo ng bumalik.


     Basa nya sa text ni Sofie, mas lalong lumakas ang kutob nya na si Matthew ay si Marcus dahil kasalukuyan itong naglalakad papunta sa reception kasama si Vanessa ang secretary ni Marcus na bigla na lang nawala ng pumutok ang balita na patay na si Marcus. Agad nyang nilapitan ang dalawa para batiin.

     "Vanessa, long time no see, Hindi ko akalain na dito pa tayo magkikita." bati nya sa babae.

     "M-miss M-Mia, k-kayo p-pala. A-Anong ginagawa nyo dito?" tanong nito.

     "Silly question, of course I own this island. Ikaw anong ginagawa mo dito with this guy beside you, Ano nga uling pangalan mo? Marcus o Matthew?" 

     "You know her Babe?" rinig nyang tanong ni Matthew dito.

     "Babe? Did I heard it right? Ang boyfriend mo kamukhang kamukha pa talaga ng dati mong amo, Coincidence ba o sinadya?" tanong nya.

     "Hindi ko alam ang sinasabi mo Miss Mia, bitter ka lang kaya ka ganyan. He's Matthew Madrigal my husband." sagot nito sa kanya "Let's go babe, umalis na tayo dito, wag mong pansinin ang babaeng yan, nabaliw yan mula ng mamatay ang fiance nya." saad pa nito.

     "Hindi mo gugustuhing makalaban ako Vanessa, dahil sa oras na malaman ko na tama ang hinala ko, wala akong paki alam kahit asawa ka pa." sagot nya.

     "Ate, hinahanap po kayo ng newly wed." saad ni Claire ng makalapit sa kanila.

     "Okey, let's go then Claire." sagot nya.

     Umalis na nga siya sa harapan ng dalawa, halatang halata naman na kinakabahan si Vanessa, matagal na nyang pansin na may gusto ito kay Marcus kaya hindi sya magtataka na planado ang lahat ng ngyari, kailangan nya lang malaman kung sino ang tumutulong dito.

     "Kilala nyo yung guest Ate?" tanong ni Claire

     "Yung babae dating secretary ng Daddy ni Marwin." yun na lang ang sinagot nya, kailangan nyang mag ingat sa pagsasabihan ng tungkol sa nalalaman nya.

     Nang makarating sa reception agad syang nilapitan ng bride. "Miss Athena, Thank you so much for making my dream wedding possible." saad nito ng makalapit sa kanila.

     "You're welcome Mrs. Francisco I hope our service passed your expectations." sagot ni Athena.

     "Of course Miss Athena, Thanks again ha, I have to go." paalam nito sa kanya.

Love Will Lead You BackNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ