"San ang labas natin nito?" tanong nya kay Ares
"Sa bahay, hinihintay ka na ni Papa."
"Malayo ba? Pwede bang dumaan muna tayo para bumili ng pagkain?"
"Delikado sa bahay ka na kumain malapit lang naman. Sa mga oras na 'to baka sumabog na ang bahay nyo at palalabasin ni Hermes na hindi ka nakalabas ng bahay at patay ka na ng sa gayon hidi ka na habulin pa ng pamilyang yun."
Pumikit na lang si Athena habang nasa sasakyan ng pinsang si Ares. Maya maya nga ay dumating na rin sila sa isang maganda at malaking bahay.
"Were here Athena wake up."
"Nasaan na tayo bach?" tanong nito
"Nasa bahay namin, stop calling me bach, hindi na ako tabachoy noh." sagot nito.
"Wow ang ganda naman dito, sayang yung bahay namin pinasabog lang." malungkot na saad nito
"Ang parents mo ang may gusto noon, and don't worry maraming kapalit yung nawalang bahay sayo, you are now back for being Athena Moore."
"Paano kung bumalik si Marcus paano na kami kung akala nyang patay na ako?"
"Kalaban ng pamilya nila ang pamilya natin Athena, at isa pa patay na sya kalimutan mo na and move on with your life with your child." sagot nito.
"How'd you know about my pregnancy?" takang tanong nito.
"I was there in the hospital when they rush you in. Lets get inside Papa is surely waiting for you." sagot ni Ares
Pumasok na nga sila ng bahay ng Uncle nya, kapatid ito ng mama nya at bestfriend naman ng Papa nya, Eto rin ang Head ng Organization na binuo ng grandfather nila. Hindi sya hinayaan ng parents nya na maging katulad nila, gusto ng mga ito na mamuhay lang sya ng simple, pero kahit ganun tinuruan pa rin sya ng mga magulang ng mga self defense at pag solve ng mga puzzle na ginagawa ng mga agents.
"Welcome back my beautiful niece." bati ni Uncle Hades.
"Hi uncle, kamusta po?" bati ni Athena sa tiyuhin.
"Handsome as always princess." sagot nito
"Tigilan mo nga yang kayabangan mo Hades, sita ng asawa ni Uncle na si Aunt Elaine. "Come with me Athena kumain ka muna I cook your favorite, iwan mo muna yang Uncle mo mamaya na kayo mag usap." dagdag pa nito.
"I miss you Auntie" malambing na saad nito.
"I miss you too princess, kamusta ka na? I heard what happened to your fiance and you're pregnant." malungkot na saad nito.
"Kinakaya pa po, para sa baby at para pag balik nya, hindi po kasi ako naniniwala na patay na sya, nararamdaman ko po na babalikan nya kami ni baby." sagot nito.
YOU ARE READING
Love Will Lead You Back
RomanceIsang buwan bago ang kasal nina Mia Angela at Marcus ay isang trahedya ang naganap. Nag crash ang eroplanong sinasakyan ni Marcus na papunta sana sa Canada para sa isang business trip. Inakala ng lahat na patay na ito dahil sa mahigit isang taon na...