"He could never be my kuya dahil nakalaan siya para maging asawa ko, pagdating ng tamang panahon!" Eh, ano kung matanda sa kanya ng limang taon si Nathan o kahit sampo pa nga. Who cares? Isa lang ang alam niya, at sinasabi ng puso niya na sinang-ayunan ng kanyang utak: si Nathan ang lalaking nakatadhana sa kanya. Ito ang Mr. Right niya. Minsan lang magkasundo ang kanyang puso at isip kaya isa lang ang nakatatak sa kanyang isipan: Kailangang palagi siyang maging magandang-maganda sa paningin nito. Gusto niyang ma-realized nito na hindi siya dapat nito itinuturing na bata. Dapat makita siya nito bilang isang babae. Babae na papangarapin ng kahit na sinong lalaki. Sisiguraduhin niya na mai-in love sa kanya si Nathan by hook or by crook!