CHAPTER ONE

1.6K 11 2
                                    

"PAMBIHIRA NAMAN!"

Hindi mapigilang bulalas ni Lhae habang naglalakad siya palapit sa isang bench na madalas nila pagtambayan ng kaibigang si Tonette tuwing hapon sa Rainforest park. Kinaugalian na nilang tumambay sa nasabing park tuwing hapon pagkatapos ng klase bago sabay silang uuwi sa Parkwood village na malapit lang din sa park. Walking distance ito sa Unibersidad na kanilang pinapasukan, ang Rizal Technological University-Pasig branch kung saan kapwa sila kumukuha ng kursong BS. Nursing at kasalukuyang nasa ikalawang taon. Hindi niya maitatanggi na kahit anong gawin niya'y hindi niya ito maungasan mula pa nang grade school sila. Lagi lamang siyang pumapangalawa rito sa alin mang bagay kaya matagal na niyang tinanggap na 'mas' ito sa kanya sa lahat ng bagay.

Nanatili pa rin ang pagkakakunot ng kanyang noo hanggang sa maupo siya. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit minamadali siya ng kaibigan na pumunta doon samantalang pwede naman sila magsabay pero nagulat siya ng mag-text ito na mauna na lang siya sa tambayan nila. Mabuti na lang at Friday ngayon kaya naka-civilian siya. Isa rin sa pinagpapasalamat niya na kahit minsan hindi nagkalamat ang kanilang pagkakaibigan. Minsan nga natanong na niya ito kung ano ang posibleng pag-aawayan nila to the point na masisira ang kanilang pagkakaibigan na nabuo mula ng preschool sila. Sa tuwina naman ay kibit-balikat lang ang sagot nito o kaya naman ay tatawanan lang siya nito. Ah! Wala na nga yatang kahit ano na makakasira sa kanilang pagkakaibigan.

Pero sa pagkakataong ito na wala naman pala ang kaibigan sa kanilang tambayan at ilang minuto na siyang nakaupo roon, gusto niyang mayamot dito. 'Yong tipong gusto niya itong sambunutan!

"Grrr!!" inis na talaga siya! yamot na binuksan niya ang shoulder bag na tanging isang notebook lang ang laman at ang kanyang maliit na cellphone. Inilabas iyon at nakabusangot pa rin ang mukha na nagtxt sa kaibigan.

"Where na U? Hir na Me!"

Makalipas ang ilang segundo ng kanyang pangunguyakoy, wala pa rin reply ang kaibigan, ibinulsa niya ang cellphone. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay siya ng matagal at 'yong hindi siya nire-reply-an agad-agad! Hindi na niya namalayan na napapalakas na ang pangunguyakoy niya. Bata pa lang siya'y mannerism na niya 'yon na palagi namang sinisita ng kanyang kuya Lloyd. Pinapagalitan siya nito kapag ginagawa niya iyon. Hindi raw kasi maganda tingnan 'yon sa babae pero anong magagawa niya? Hindi niya iyon mapigil kapag ganitong naiinip siya.

Marami na ang padaan-daan sa kanyang harapan na tulad niya'y mga estudyante rin ng iba't-ibang school base sa mga uniform ng mga ito. Palibhasa maraming school ang nakapaligid sa park na iyon. Hindi na niya mapigilan ang mapatingin sa kanyang relo, aba at halos bente minutos na pala ang nakalipas. Hindi manlang niya naramdaman ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Yamot na kinuha niya iyon para tingnan, wala talagang reply ang kaibigan. Muli niyang ibinulsa ang cellphone nang mapatingin siya sa dalawang cute na stuff toys sa damuhan sa tabi ng kalsada katapat ng bench na inuupuan niya. At dahil walang nagkaka-interes na damputin iyon, tumayo siya at bitbit ang kanyang bag, lumapit siya sa stuff toys at basta na lamang iyon dinampot.

Sa kanyang pagkabigla, mula sa kung saan ay may biglang humablot ng kanyang bag. Bago pa siya nakapag-react, nakatakbo na palayo ang kawatan.

"Hoy! Bag ko!" sigaw niya sabay habol sa tumangay sa kanyang bag.

May ilan na nagulat sa pagsigaw niya at napasunod nang tingin sa kanya habang hinahabol ang kawatan pero wala ni isa ang nagtangka na humarang sa lalaki o tumulong sa kanya.

"Bag ko, ungas! Ibalik mo!" nanggigigil na napahinto siya. "Huwag kang tanga! Notebook lang ang laman niyan, gunggong!" muli niyang sigaw at sa subrang inis, wala sa loob na nagmamadali niyang basta na lamang tinanggal ang kanyang rubber shoes at ibinato sa lalaki na nakalayo na bagamat tanaw pa rin niya ang likuran niyon na nakihalo sa karamihan. Lumipad sa kung saan ang kaparis ng kanyang sapatos at hindi na niya alam kung saan iyon napunta kaya naman nagpapadyak siya sa kanyang kinatatayuan sa subrang inis. Nawala na nga ang bag niya pati tuloy kaparis ng rubber shoes niya nadamay pa. Napayuko siya at tiningnan ang papa. Doon lang niya na-realized na nakayapak ang isa niyang paa.

IKAW NA BA SI MR. RIGHT? (Unedited: Published under PHR)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt