COMPLETED 🔸 Eilee Amara Olivares. Sa unang tingin ay isa lamang tipikal na estudyante sa kolehiyo. May tatlong babaeng kapatid na kagaya niya ay may pinakatatagong sikreto. Handang patunayan na ang mga bagay na nagagawa ng mga lalaki, mas lalong kaya ng mga babae. Hindi siya basta-basta. May pagkaloka-loka at minsan ay dinadaan lang sa biro ang buhay. Hanggang sa isang araw ay natibag ang inakala niyang matibay na pader na nagpoprotekta sa puso niya, dahil sa isang lalaking hindi niya inaasahang darating sa buhay niya at babago sa mga pananaw niya.