Will You Ever Notice? (Bad Gi...

By overthinkingpen

327K 14.1K 4.5K

Bad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin da... More

Will You Ever Notice?
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Will You Ever Notice?
Special Chapter

Chapter 32

6.7K 311 44
By overthinkingpen

Chapter 32

Zenica Alameda:
Sent a file.
Here's my part.

Caleb Maravilla:
Ang bilis!
Sandali! Hindi pa ako tapos.

Lael Jaxtyn Lozoya:
Thank you, Zen. :)

I stared at his reply and sighed as I rested my head on my study table. I pulled an all-nighter just to finish my part immediately in the hopes of having a conversation with Lael. But I realized that I could send the file in our group chat rather than sending a private message after I finally finished it.

Sinabi n'ya ring sa group chat magko-communicate ang buong grupo.

Napamura ako sa naisip at na-realize na talagang ginawa ko nang mag-isa ang paper at walang tulong ng iba para lang kay Lael. I must've gone mad. When did I have the skill to do that? Hirap na hirap akong makatapos ng essay noon dahil kailangan pang mag-research pero ngayon, parang ang dali-daling maghanap ng sources at bumuo ng mga ideas. 

For Pete's sake... I even reached a word count I didn't expect I could reach.

I picked my phone up again to type a reply.

Zenica Alameda:
If there are parts that need improvement, just tell me.

Lael Jaxtyn Lozoya:
I will. Salamat, Zenica. :)

Ask me a question! I frustratedly ranted inside my mind. Hinihiniling ko na kahit kaunting grammatical error, may ipatama s'ya para mag-usap naman kaming dalawa. I shouldn't have made sure that the paper I passed was spotless. Sa kagustuhan kong magpa-impress, sinigurado kong walang dungis ang parte ko.

Days passed by uneventful. Dumaan ang pasko at bagong taon na s'ya pa rin ang bumabagabag sa isipan ko. 

I tried to greet him during Christmas... Nagawa ko naman pero nang binati n'ya ako pabalik, hindi na ako nag-reply pa. Kahit nang magbagong taon, binati ko s'ya pero nang binati n'ya ako pabalik, hindi na ako sumagot pa. 

My family and I went overseas for Christmas and New Year. Bumalik lang kami, isang araw bago ang simula ulit ng pasukan.

I thought that the school works will be lighter at the start of the year pero dahil graduating kami, umpisa na 'yon ng lahat ng bigat ng gawain sa school.

We needed to fix our papers, finish our research, and prepare for different upcoming events; mainly the highschool promenade.

Nanginig ang ngisi ko nang tawagin ng teacher namin ang pangalan ko para sa mga isasali sa cotillion. 

For crying out loud! Why did they even consider me? Ni hindi ako nagpa-participate sa contests ng school o kahit anong class performance.

Nakakuyom na ang mga kamay ko sa ibabaw ng desk, nakatingin sa teacher namin nang diretso habang nakalingon naman sa akin ang mga kaklase ko dahil sa maikling reklamo ko kanina dahil isinali ako ro'n.

Nakita ko ang panginginig ng balikat ni Ynna dahil sa pinipigilang tawa. This witch better stay silent or I'll make sure she participates in the event too.

"Severiano requested. He won't join if you won't be part of it," our teacher said and my cheeks heated up with embarrassment.

Ang unggoy na 'yon!

"May plus ito sa grade mo kaya sumali ka na," she said.

As if I'm after the plus! Kailan pa ako naging grade conscious?

"Kasama mo naman sa cotillion sina Lael at Lisa kaya hindi ka nag-iisa ro'n."

Agad na nawala ang ngisi ko dahil sa sinabi ng teacher. Narinig ko ang tuksuhan ng mga kaklase ko para kina Lisa at Lael at nalasahan ko ang pait sa lalamunan ko dahil doon. 

Tinanong ulit ako ng teacher kung gusto kong sumali at tumango na lang ako dahil alam ko namang kahit na tumanggi ako, pipilitin pa rin akong sumali. 

"Ah, Severiano never gets old," tawa ni Ynna nang mabaling na sa iba ang atensyon ng teacher.

I sighed as I gazed outside the window. 

Malapit na rin naming matapos ang paper at kaunting pag-finalize na lang. Sa buwan ng January isasagawa ang defense kaya naman abala ang lahat para ro'n. But because we finished early, we're not as crammed as other groups. 

Ang problema lang namin ay si Iea na kagrupo rin namin na halos hindi na pumapasok last year. Kaunti lang kasi ang naiambag n'ya sa paper dahil sa pagkawala n'ya nang matagal at nabalitaan kong na-ospital din dahil sa hindi ko pa siguradong dahilan. 

"I can't believe you!" Iritadong sinabi ko kay Seve nang makita ko na s'ya sa practice, isang hapon.

Nakangisi agad si Seve nang makita ako at alam na alam n'yang naiinis ako sa ginawa n'ya. Kasama n'ya si Tyrone na kasali rin sa mga sasayaw. Pati s'ya mukhang natatawa sa iritasyon ko.

Seve's wearing our school uniform, may soot lang na itim na t-shirt sa ilalim habang si Tyrone naman ay proper school uniform ang soot. Bawal 'yon dahil puti lang ang pinapayagang undershirt. Pati si Vaughn, mahilig magsoot ng itim na shirt sa ilalim ng polo. 

"I just wanna spend time with you," aniya.

Umirap ako at hindi na lang nagsalita pa dahil alam kong pambobola lang ang sinabi n'ya. Inililibot ang tingin sa mga kasali rin sa cotillion at nakita nga si Lael sa isang gilid, may kasamang isang lalaking galing siguro sa ibang section. Kahit na nakangisi naman ang lalaki at mukhang may nakaka-aliw na ikinu-kuwento, kita ko ang kaseryosohan sa mukha ni Lael. 

I pouted a bit and stretched my legs. Naka-upo ako sa isa sa mga benches na nandoon at nakatukod ang dalawang kamay ko sa inuupuan. Nasa tabi ko si Seve, abala na sa phone. 

Nakalugay ang unat na buhok ko ngayon at hinayaan kong nakaladlad 'yon sa likod ko. Nakakalat pa ang mga magpa-participate para sa cotillion. Galing sa iba't ibang section at may ilan ding mga Grade 11 students.

I was caught off guard when Lael suddenly turned his gaze at me. Parang dumulas ang pagkakatukod ko ng kamay sa bench dahil sa gulat at agad akong umiwas ng tingin, nakakaramdam ng pagka-inis para sa sarili. 

You're so embarrassing, Zenica! 

Isinuklay ko ang kamay sa buhok at nilingon ulit si Lael sa kung nasaan s'ya at kumunot ang noo ko nang maabutan ang babaeng nasa harapan n'ya, tinatabunan s'ya sa paningin ko. 

My eyes turned into slits, trying to figure out who it was. Nang tumayo si Lael, agad din akong umiwas ng tingin dahil natangkaran n'ya ang babae kaya't kitang-kita ko na ang mukha n'ya.

I scoffed and crossed my arms. I shouldn't be upset. Malamang ay normal na may nakaka-usap na mga babae si Lael. Hindi lang naman ako ang tao sa mundo kaya hindi dapat ako nagseselos na lang sa lahat.

But although I was already calming myself, hindi ko mapigilan ang pagbibilang sa utak dahil sa pagpapakalma sa sarili.

But in the end, I couldn't help but look back and my eyes almost widened when I met Lael's gaze.

He's slightly frowning but I can see the amusement that was written all over his face; sa mata at sa itinatagong ngisi. He's looking directly at me and my cheeks immediately burned up. Para bang alam n'ya na magtatama ang mga tingin naming dalawa.

Pero dahil sa pride na ayaw na matapakan, hindi ko iniwas ang tingin ko at pinagtaasan lang s'ya ng kilay. Umiling si Lael at s'ya ang unang umiwas ng tingin, ibinababa 'yon sa babaeng kausap n'ya.

It was my cue to finally look at the girl and when I realized that it was Lisa, my eyebrows twitched and my heart clenched in bitterness.

One. 

Two. 

Three. 

I counted inside my mind before I looked away.

Nagpatuloy ang mga practice na 'yon sa mga sumunod na araw. Halos ayaw ko na ngang sumali pero ayaw ko nang bawiin ang nasabi ko na kaya hindi ko magawa.

I try, as hard as I can, to not look at Lael. Parati n'ya akong nahuhuli sa tuwing dumadaplis sa kan'ya ang tingin ko at kapag naaabutan ko ang ngisi n'ya, nakakaramdam ako ng inis dahil pakiramdam ko, alam na alam n'ya ang tinatakbo ng isipan ko.

"Three counts bago umikot ang girls. One, two, three," bilang ng dance instructor habang may kasayaw na isa sa mga parte ng cotillion. She swayed along with the music. "Tapos, ikot!" She said before she twirled and shifted to another partner.

Parang unti-unting naubos ang dugo ko sa ginawa n'ya. Oh, I know this step so bad.

"You'll do this until you go back to your original partners," sabi ng instructor at napalunok ako.

I cursed inside my head and started hating the instructor.

That means?

"How annoying," narinig kong sabi ni Seve sa tabi ko. "I only want to dance with you."

Hindi ako sumagot at tiningnan na lang ang mga paa naming dalawa. I cursed silently and closed my eyes.

Naka-form ng bilog ang mga kasali sa cotillion. The step is simple... kailangan lang maikot ang buong bilog habang nagpapalit-palit ng pareha at babalik sa original na partner. Pero ayoko dahil ibig sabihin no'n, sasayaw din kaming dalawa ni Lael.

"Okay! Counting muna tayo," the instructor said and I rolled my eyes.

She started counting and we started dancing the slow dance. 

"Pasa!" The instructor said before Seve raised his hand and pushed my waist a little as I twirled and held the shoulders of the guy beside him.

"Hi, Zen," the guy said but I ignored him and continued doing the steps.

Kahit nang makasayaw ko si Tyrone, hindi na ako maka-uimik pa dahil abala ako sa kabang nararamdaman.

Isa na lang bago si Lael.

I closed my eyes as I twirled again and transferred to another guy.

Nakayuko ako kaya hindi ko nakikita ang mga kasayaw pero alam kong si Lael na ang susunod.

I gulped as I glanced at the girl beside me.

She's smiling widely, nakatingala kay Lael at parang hindi nahihiyang harap-harapang kinikilig. Napatingin ako sa baywang n'ya kung saan dapat hahawak si Lael at nakitang blouse lang ng babae ang hawak n'ya; hindi inilalapat ang kamay sa baywang ng babae.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa babae. I closed my eyes as I twirled again so I could transfer to Lael.

And when he caught my hand and his right hand landed on my waist, blood rushed to my face and it heated up.

Naamoy ko ang pamilyar na pabango ni Lael at nahawakan ang magandang hubog ng balikat sa isang kamay. Ang isang kamay ko, hawak-hawak n'ya na at ang baywang ko, hawak n'ya rin nang tama, 'di tulad ng paghawak n'ya sa naunang babae sa'kin.

Kahit na may soot namang blouse, pakiramdam ko, walang nakapagitan sa kamay n'ya at baywang ko dahil sa init na dala ng kamay n'ya.

"Magtatagal kayo nang kaunti sa kasalukuyan n'yong partner," the instructor said and I closed my eyes.

For Pete's sake!

Napasinghap ako nang bahagya akong hilahin ni Lael palapit sa kan'ya; marahan lang at hindi namimilit.

"You're too far," he said and I blushed.

Parang gusto ko na lang na sumandal sa dibdib n'ya. Para akong nanghihina.

I almost muttered a prayer of thanksgiving when we were finally told to continue transferring from one partner to another.

Para akong nakahinga nang maluwag nang iba na ang makapareha at nang makabalik na kay Seve. Pero dahil practice 'yon, ilang ulit din namin 'yong sinayaw para makuha na na namin nang mas maayos.

Dahil parating kinakabahan, nang matapos ang practice, nakaramdam ako ng sobrang pagod. To think that we'll start practicing after our classes everyday.

Kaya naman pag-uwi ko, pinili ko na kaagad ang magpahinga. I had a nice sleep, different with how it used to be.

Days went on with my afternoons full of thrill. Sobrang kabado ako sa practice at tahimik lang dahil hindi kumportable na nandoon si Lael.

I still try to avoid him even in class. Pero alam ko naman na kahit ano ang gawin ko, may mga bagay pa ring maglalapit sa aming dalawa.

I gulped as I stared at the wide mirror inside the girl's restroom. Inayos ko ang soot na pormal na attire para sa defense namin.

Kasama ko rin ang mga kaklaseng babae na nagpalit na rin ng damit para ro'n. Halatang-halata ang kaba nila para sa defense. May ilan pang may dalang flash cards, nag-eensayo ng sasabihin. Kinakabahan din ako pero sa iba namang dahilan.

I sighed before I decided to leave the restroom.

"Zenica," someone called so I immediately looked at who it was.

Parang ta-tumbling ang sikmura ko nang ma-realize na si Lael 'yon, soot ang pormal ding damit para sa defense.

He's holding a paper. Pakiramdam ko, para sa defense 'yon pero kahit na alam kong 'yon ang pag-uusapan, gusto ko na agad umiwas.

"This line," he said as he raised his gaze at me.

Nagtama ang mga tingin naming dalawa at gumalabog ang puso ko nang malakas. Ibinaba ko ang tingin sa papel na dala n'ya at nakita ang flow ng defense ng grupo namin.

Nang hindi n'ya itinuloy ang sinasabi, umangat ulit ang tingin ko sa kan'ya at naabutan ko ang titig n'ya sa'kin.

My cheeks heated up and I brought my eyes back down on the paper.

Hindi ko sigurado kung kabado ba ako para sa defense o kabado ako dahil sa presensya ni Lael. Overall, it went well. We were able to please the panelists lalo na at nasagot namin ang lahat ng tanong.

Kaya naman nang matapos, tuwang-tuwa sina Caleb at halos yakapin n'ya si Lael.

It was all thanks to Lael... he had been a great leader to us.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sina Caleb at Lael. At nang mapansin ni Caleb ang paninitig ko, he immediately grinned at me before he pulled me into a hug.

Nagulat ako dahil doon pero hindi napigilang mapatawa.

"You were so good, Zen!" Caleb exclaimed before he let go of me.

Tumama ang tingin ko kay Lael at nakita ko ang titig n'ya sa braso ni Caleb.

Tumikhim ako at nagpasalamat kay Caleb nang tuluyan n'ya na akong bitawan.

Continue Reading

You'll Also Like

523K 20.1K 42
Bad Girl Series #1: Zarin Dela Costa Madalas nating itinatago ang totoo lalo na pagdating sa mga bagay na nararamdaman natin dahil takot tayo sa kung...
67.4K 1.3K 184
With you, I can reach the stars. ~Olivia Del Castillo ✴✴✴ Epistolary Series # 4 Makulit pero seryoso. Mabait at responsable. Iyan si Joshua Parco Dim...
97.1K 3.3K 27
Cereal fell for Rake Avila, the person she least expected to fall in love with. Gaganti sana siya kay Rake sa mga pang-aasar nito. Pero nang mapalapi...
6.2K 202 40
(Valiente #2) It is fun to meet someone with the same vibes like yours. The two of you would talk, call, and share each other's problems that both of...