Against Our Will

بواسطة mistymatic

51.9K 3.4K 1.1K

Her name is Faith, but she lost the faith she had after her father died. The trauma of what happened to her f... المزيد

AGAINST OUR WILL
Prologue
Chapter 1: The Surprise Note
Chapter 2: Fool Genius
Chapter 3: The Best Sister
Chapter 4: Fake Sheep
Chapter 5: The Care of a Brother
Chapter 6: Regrets and Blames
Chapter 7: Consequence
Chapter 8: Conceal
Chapter 9: Team Work
Chapter 10: Church Policies
Chapter 11: Cheating
Chapter 12: The Yellow Box
Chapter 13: Revenge of a Sister
Chapter 14: Weird Feeling
Chapter 15: Toxic Person
Chapter 16: Guilt and Shame
Chapter 17: A Good Pastor
Chapter 18: My Identity
Chapter 19: Heart Check
Chapter 21: Unrealistic Expectation
Chapter 22: It's In Your Name
Chapter 23: Someone Better
Chapter 24: Triggered
Chapter 25: Trust
Chapter 26: Pray for Me
Chapter 27: It's About Time
Chapter 28: Don't Hide
Chapter 29: Faith's Transformation
Chapter 30: Unexpected Gift
Chapter 31: Different Kylo
Chapter 32: Little Sister
Chapter 33: Seven Years Gap
Chapter 34: Not Yet the Right Time
Chapter 35: Pastor's Eyes On Us
Chapter 36: The Right Woman
Chapter 37: Heart is Deceitful
Chapter 38: Let Me Die
Chapter 39: Living Testimony
Chapter 40: Against Mine
Chapter 41: True Love Waits (The Last Chapter)
Epilogue
Reflection & Writer's Note

Chapter 20: His Advices

899 70 12
بواسطة mistymatic

Nakapako ang tingin ko kay Kuya Storm habang nagpi-preach siya sa harapan. Tungkol sa kabanalan ang topic niya kaya napakatahimik ng congregation. Maging ang mga kabataang nasa tabi ko ay seryosong seryoso sa pakikinig sa kanya.

"Hindi sumusulong ang spiritual life natin dahil imbes na ibuhos natin ang panahon natin sa kabanalan, ine-entertain natin ang kasalanan. Ang Salita ng Diyos ang paulit-ulit na nagpapaalala sa atin at nagsasabi sa atin kung ano ang gustong iparating sa atin ng Panginoon. Hindi tayo tinawag ng Diyos para sa kasalanan; tinawag tayo ng Diyos para sa kabanalan. Pero bingi-bingihan ang tao minsan. Ayaw tumugon sa panawagan ng Diyos dahil sa tingin nila boring ang kabanalan-dapat gumawa ka rin ng kasalanan pag may time, kasi mapagpatawad naman daw ang Diyos . . . Pero ano ang hangganan niyon? Pagkalayo sa kalooban ng Diyos! Oo, maunawain ang Diyos, naiintindihan Niya na limitado lang ang kakayahan ng tao; mahina ang laman natin. Pero ano sinasabi ng Salita ng Diyos sa Galatians 5:16? 'Walk by the Spirit, and you will not gratify the desires of the flesh!' The Bible has the answer! He gave this to us, His chosen people, as an instruction! Ngayon, kung ayaw mong sumunod sa instruction na ito ng Diyos, mapapahamak ka. Christian life is just like driving on the road. If you don't follow the instructions, the sign boards, the traffic lights, you will be damned. To be specific, the Bible has a lot of instructions in order to teach us how to walk in the Spirit! And when we say 'walking in the Spirit', that is living in holiness."

Sa pagkakataong huminto si Kuya Storm, napuno ng katahimikan ang buong church.

"Bakit ang tahimik ninyo?" biglang tanong ni Kuya Storm at saka ngumiti, doon nagtawanan ang congregation. "I'm not mad. I'm just explaining."

Napangisi at napailing lang ako. Ganyan naman talaga palagi ang congregation pag na-rerebuke sila-natatahimik. Sapul na sapul siguro sila sa preaching.

"What comes from your mind when you hear the word 'God'? Did you know why the Spirit of God is also called 'Holy Spirit'? From the word itself, it describes who God is... HE IS HOLY. Our God is the God of holiness and righteousness. And as His children, dapat nagma-manifest 'yan sa atin-nagma-manifest sa atin ang kabanalan at katuwiran..."

So, kapag ba hindi nagma-manifest ang kabanalan sa isang Kristiyano, hindi siya tunay na anak ng Diyos? Napatanong ako sa isip ko.

Nailibot ko tuloy ang tingin ko sa mga kabataan na nakikita kong nagshe-share ng kung ano-anong post sa social media na minsan kabastusan at kamunduhan. Tikom ang mga bibig ng mga ito habang nakikinig kay Kuya Storm. Marahil, napapa-isip din ang mga ito gaya ko.

I wonder kung anak ba ako ng Diyos. Kung anak ako ng Diyos, bakit wala sa akin ang buhay na mayroon dapat ang isang anak ng Diyos? Paano kung hindi pala ako anak ng Diyos?

Napabuntong hininga na lang ako.

Nang matapos ang Sunday service, nagkaroon ng salo-salo sa church dahil birthday ni Kuya Joss. Nasa sulok lang ako habang kumakain.

"Ilang taon ka na, Brother Joss?" tanong ni Kuya Neico kay Kuya Joss.

"26 na."

"26 na pero wala pa rin love life," pang-aasar ni Kuya Daniel at saka humalakhak.

"Nagsalita ang may girlfriend," pang-aasar pabalik ni Kuya Joss.

"Na-iipon pa ako pambili ng gatas at bigas, samantalang ikaw, kahit house and lot afford mo na pero wala pa ring love life."

Nagtawanan naman sila dahil sa sinabi ni Daniel.

"Ganyan talaga ang buhay. May nauuna at may nahuhuli. Mas gusto ko nang tumandang binata kaysa mapangasawa ang maling babae. Kaya ikaw, tigilan mo ko, ha? Pag nalaman ko talaga kung sinong crush mo, humanda ka," ani Kuya Joss kay Kuya Daniel.

Natawa lang si Kuya Daniel at nagpatuloy sa pagkain.

"Buti pa si Pastor Neico mukhang magkaka-love life na," sabi naman ni Kuya Carlo.

Napangiti naman si Kuya Neico.

"Sino?" tanong ni Kuya Bryan.

"Yung magandang worship leader ng ICF, 'yung matangkad at mahaba ang buhok na straight," tugon ni Kuya Carlo.

Lihim na napaismid ako.

"Ang tagal na ring nililigawan ni Pastor 'yon. Pero ang pagkakaalam ko, nililigawan din 'yon ng kakilala ko, si Clark," ani Kuya Nathan. Napatingin naman si Kuya Neico sa kanya.

"Pero I'm sure naman na mas malakas si Kuya Neico doon. Pogi na, pastor at teacher pa. Saan ka pa?" nakangising sabi ni Kuya Carlo at nag-apiran sila. Napangiti naman si Kuya Neico at umiling-iling.

Napayuko naman ako at napako nag tingin sa spaghetti na kinakain ko. Bahagyang kumunot ang noo ko sa inis.

***

"Lalaki ka," sabi ko sa sarili ko habang nakaharap ako sa salamin ng C.R. "Hindi ka dapat magkagusto kay Kuya Neico . . ." Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko sa inis sa sarili ko. Naaasar ako sa nararamdaman ko.

Ilang beses kong pinapaalalahanan ang sarili ko na huwag akong lumagpas sa limit. Isa pa, kailan pa ako naging interesado sa lalaki? Kailanman hindi sumagi sa isipan ko na magkagusto sa lalaki, lalong-lalo na kay Kuya Neico na isang pastor at matanda sa akin ng ilang taon.

Pinikit ko ang mga mga mata ko at huminga nang malalim. Nang medyo nahimasmasan na ako, doon ako lumabas ng C.R.

***

Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Ang daming naglalaro sa isipan ko at isa roon si Kuya Neico. Ilang araw ko na ba siyang iniisip-isip? Hindi ko na matandaan, pero palagi siyang laman ng isip ko, maging ang mga bilin niya sa akin...

"Magsimula ka na manalangin..."

"Magbasa ka ng Bible kahit one chapter a day lang..."

"Magpakabait ka na sa ate mo ha?"

"Iwasan mo na mag-isip ng negatibo..."

May pagkakataon na nagkakausap pa rin kami, at 'yan ang mga bilin niya sa akin. Ni isa sa mga sinabi niya, wala pa akong sinusunod dahil may doubt pa akong nararamdaman. Parang hindi ko pa kayang kausapin ang Diyos lalo na't narito pa rin sa puso ko ang galit.

"Yung magandang worship leader ng ICF, 'yung matangkad at mahaba ang buhok na straight..."

Biglang nagflashback sa isip ko ang pag-uusap ng mga boys sa church kanina. Napa-ismid ako. Mas maganda pa rin boses ni Ate Christy kaysa kay Ate Erich, 'no. At saka, kung babae lang siguro ako, mas maganda pa rin ako kay Ate Erich. At saka 'di hamak na mas okay tong kulot na buhok ko, bibihira lang ang may ganitong buhok-

Bigla akong napahinto sa mga iniisip ko nang mapagtanto ko ang kahibangan ko. Bakit ba kinukumpara ko sarili ko kay Ate Erich? At saka, hindi lang naman siya nagustuhan ni Kuya Neico dahil sa talento niya at physical niyang kagandahan. Nasisiguro ko na nagustuhan siya ni Neico dahil may maganda siyang personalidad-mabait, matalino, mahinhin, maka-Diyos, at higit sa lahat, professional siya at may narating na sa buhay. Bagay na bagay silang dalawa ni Kuya Neico.

Biglang nagflash naman sa isipan ko ang mga pagkakataon na nakita ko si Ate Erich at Kuya Neico na magkasama at kita ko sa mga mata ni Kuya Neico kung gaano niya kagusto ni Ate Erich. Biglang bumigat ang dibdib ko kaya bumigat din ang paghinga ko. Alam kong hindi normal itong nararamdaman ko at alam ko rin kung anong dahilan nito. At kahit ilang beses kong itanggi ito, alam kong hindi ko maloloko ang sarili ko.

I like Kuya Neico...

Pero... Hindi ba parang inuntog ko rin ang ulo sa pader pag nagkagusto ako kay Kuya Neico? Bukod sa bata lang ako sa paningin niya, hindi rin ako pasok sa standard niya. Sigurado na ang hinahanap niya sa isang babae ay 'yung babaeng matino, hindi 'yung pasaway at luko-lukong tulad ko. Sa estado pa lang ng spiritual life ko, siguradong turn off na turn off na siya sa akin. Walang-wala ako kay Ate Erich.

Napapikit ako nang mariin dahil sa mga naiisip ko na 'yon. Bigla akong nandiri sa nararamdaman ko. Faith, akala ko ba lalaki ka? Akala ko bang babae mga trip mo? tanong ko sa sarili ko. Akala ko rin... Pero sa tuwing, nakakasama at nakakausap ko si Kuya Neico, iba talaga sa pakiramdam. Ramdam ko ang kapayapaan sa puso ko. Tila gusto ko na lang na mabuhay kasama siya, tugon ng kabilang isip ko. Naibaon ko ang mukha ko sa unan dahil doon. Ang korni mo, Faith. Kadiri ka!

Pero mukhang gusto ko na talaga si Kuya Neico. At may part sa akin na gusto ko na gustuhin niya rin ako...

Pero paano?

Baguhin mo sarili mo, tugon ng isip ko.

Napahinto at napalunok ako.

Naalala ko ang mga bilin niya sa akin. Paano kaya kung sundin ko ang mga 'yon? Magugustuhan niya ba ako?

Eh kung magpakababae ka rin kaya?Sigurado na ang gusto ni Kuya Neico ay 'yung mga binibini, suhestiyon pa ng utak ko.

Napasimangot ako. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nagpapakababae. Pero pwede naman siguro kung medyo baguhin ko 'yung pagkilos ko. Oo, tama. 'Yung pagkilos ko na lang muna siguro. Hindi ko pa kayang magsuot ng palda o dress. Pero at least, makita niya man lang sana ang pagiging babae ko.

***

Nang matapos ang klase namin, dumiretso ako kaagad sa mall na malapit sa school, nilakad ko lamang iyon. Naisipan ko kasi na bumili ng personal Bible ko. Nahihiya ako na manghiram kay Ate Christy, at mas lalong nahihiya ako na makita niya akong nagbabasa ng Bibliya. Siguro, dahil sa tagal ng panahon na naging rebelde ako sa Diyos, hindi na ako sanay sa mga bagay na espirituwal. Iniisip ko rin kasi parang hindi ko bagay ang mag-feeling banal.

Dumiretso ako sa isang book store at tinungo ang shelf na naglalaman ng iba't ibang uri ng Bibliya.

"Siguro Tagalog nalang bibilhin ko para mas maintindihan ko," mahinang sabi ko habang pinapadausdos ang mga daliri ko sa mga Bibliya na naroon.

Magandang Balita Bibliya

Iyon ang nakita kong Tagalog Translation doon kaya dinampot ko iyon. Tiningnan ko kaagad ang pesyo dahil 500 lang ang budget ko.

₱455.00

"Sakto," bulong ko.

Nakabalot iyon ng malinaw na plastic kaya hindi ko alam kung anong itsura ng mga pages nito, pero mukhang okay naman dahil ito naman halos ang Bibliya na ginagamit ng karamihan sa mga Kristiyano.

Tinungo ko kaagad ang counter para magbayad.

Nang makauwi ako, bago ko pa man buksan ang gate, siniksik ko muna sa loob ng bag ko ang Bible na binili ko. Ayaw ko kasing makita iyon ni Ate Christy. Nahihiya talaga ako.

Kinagabihan, hinintay ko na makatulog ito kaya inabot ako ng hating gabi bago ako nakapagbasa ng Bibliya. Inaantok na ako at pahikab-hikab ako habang nagbabasa, hanggang sa hindi ko na namalayan na natulugan ko na ang Bibliya ko.

***

Nang dumating ang Sabado, sumama muli ako kay Ate Christy. Kahit na wala siyang sinasabi, alam kong nagtataka siya kung bakit sumasama na ako sa kanya, kaya naman palagi ko siyang nahuhuli na nakatitig sa akin, pero hindi ko na lang siya pinapansin.

Nakaramdam ako ng tuwa nang makita ko si Kuya Neico sa church. Nakamasid lang siya sa music team na nag-aayos ng sound system.

Lumapit si Ate Christy sa music team habang ako naman ay lumapit kay Kuya Neico na nakaupo sa gilid. Parang excited akong kausapin siya.

"Kuya Neico," tawag ko sa kanya.

Napalingon siya sa akin. At nang makita niya ako, napangiti siya. "Faith," bati niya sa akin.

Pinigilan ko ang mga labi ko na ngumiti. Umupo ako sa tabi niya.

"Uh, bumili na pala ako ng Bible," medyo nahihiya na sabi ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya ngunit naroon ang tuwa. "Mabuti naman kung gano'n. Pwede ko bang makita?"

Saglit akong tumingin kay Ate Christy, sinisigurado ko na hindi niya makikita ang Bible ko. Mukhang busy naman siya sa pagtulong sa music team kaya hinubad ko ang backpack ko at kinuha ang Bibliya ko roon. Inabot ko iyon kay Kuya Neico.

Tiningnan niya mga pages niyon. Nagtaka ako nang kumunot ang noo niya nang mapatigil siya sa paglipat ng mga pages.

"You bought a wrong Bible," aniya.

"H-ha?" gulat na sabi ko.

"It has Apocrypha books. These books are not part of the canon of the Scripture. The Canon is the exact 66 books of the Bible, no Apocrypha books. Tingnan mo..." Pinakita niya sa akin ang table contents ng Bibliya na binili ko. Tinuro niya isa-isa ang mga Apocrypha books na sinasabi niya. "Tobit, Judith, Karunungan ni Solomon, Ecclesiastico, Baruc, Liham ni Jeremias, Awit ng Tatlong Kabataan, Susana, Si Bel at ang Dragon, 1 Macabeo, 2 Macabeo-these are the Apocrypha books. We don't accept them because some teachings found in the Apocrypha appear to be unbiblical and even heretical, and some stories here seem fanciful or even unethical. So, don't read these."

Hindi ako nakapag-react. Speechless ako. Ngayon ko lang nalaman ang bagay na 'yon. Hindi pala pare-parehas ang Bible.

"Pero para hindi ka maligaw, may extra akong Bible sa apartment, bibigyan nalang kita. Dispose this one," sabi niya at saka inabot sa akin ang Bibliya na binili ko.

"Ah, s-sige po, kuya."

Medyo nalungkot ako dahil nasayang ang 455 pesos ko. Halos isang linggo na baon ko rin 'yon.

"Don't worry, papalitan ko naman. Mas maganda diyan 'yung ibibigay ko sa 'yo. Ang mahalaga, nagbabasa ka na ng Bible ngayon. I'm very happy right now," aniya at ngumiti.

Kitang-kita ko ang kagalakan sa mga mga mata niya. 'Yon ang dahilan kung bakit hindi ko na napigilan na ngumiti sa kanya.

"Sana palagi kang ngumingiti ng ganyan. Nagiging kamukha mo ang ate mo. You both have angelic smiles. Not everyone have those smiles, so don't hide it."

Bigla kong naramdaman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko kaya bigla akong napaiwas ng tingin. Naramdaman ko rin ang nakakiliti na pakiramdam sa tiyan ko, maging ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Shet, dapat na ba akong ngumiti palagi?

***

Apocrypha means "hidden". The Apocrypha books were removed from the Bible for they are contrary to the Canon, such as praying for the dead (2 Maccabees 12:45-46) and salvation by works (Tobit 12:9). The New Testament teaches that after death comes the judgment (Hebrews 9:27) and that salvation is by grace and not by works (Ephesians 2:8-9); and some stories in the Apocrypha seem fanciful or even unethical (for example, Judith asks God to help her in a falsehood, Judith 9:10-13). ©

The Canon is the 66 books that were written by the prophets and Apostles by the guidance of the Holy Spirit-they are inspired by the Holy Spirit. Apocrypha books aren't inspired by the Holy Spirit.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

243K 1.8K 5
Para sa mga taong torpe at sa mga taong hindi marunong dumiskarte. Idaan na yan sa banat! :D
99.5K 3.3K 40
Until when can you love?
12.5K 587 14
"True love is real. If you are able to find it, you are lucky. If that person finally arrived, never waste time searching for reasons. Just fall in l...
232K 6K 53
Heaven's Angel University isang unibersidad kung saan puno ng lihim, misteryo, at mga hindi pangkaraniwang nilalang. Mga nilalang na tanging sa imahe...