Will You Ever Notice? (Bad Gi...

By overthinkingpen

328K 14.1K 4.5K

Bad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin da... More

Will You Ever Notice?
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Will You Ever Notice?
Special Chapter

Chapter 24

6.3K 318 62
By overthinkingpen

Chapter 24

"Ga'no katagal na kayong magkaibigan?"

Tiningnan ako ni Caleb nang tanungin ko 'yon. Nasa isang maliit na shed lang si Lael sa hindi kalayuan, kausap ang ilang mga surf instructor doon. May mga naka-display na surfboards at mayro'n ding desk kung saan magfi-fill up ang kukuha ng instructor o magrerenta ng surfboard.

I've never tried it yet—surfing. Hindi naman kasi ako magaling sa mga gan'yan; sports or the likes. I'm not that adventurous.

"Last year lang, start ng senior high," ngisi ni Caleb. "Galing 'no?" He chuckled.

Tumango ako at ngumisi.

"Parang ang tagal n'yo nang magkaibigan," I said.

"Hindi naman sa tagal ng pagkakaibigan malalaman kung malapit na kayong dalawa ng kaibigan mo," he said, and I nodded because I agree. "Ikaw sa amin. Ilang months pa lang naman tayong magkakasama pero close na kami sa'yo," he laughed, not even embarrassed with what he claimed.

Nang makita ni Caleb ang ekspresyon kong halos umiirap, lalo s'yang napangisi at itinulak ako gamit ang balikat nang kaunti. Napa-atras ako nang kaunti dahil do'n.

"Bakit? Hindi pa ba tayo close?" He laughed.

Napangiti ako at tiningnan na lang si Lael na kausap pa rin ang mga nandoon. Nagtatanong kasi s'ya kung magkano ang pagrenta ng boards o ang instructor.

Marunong silang dalawa ni Caleb kung pa'no mag-surf kaya baka ako ang kukuha ng instructor. Gusto ko lang subukan since nandito na rin naman ako. Mukhang gustong-gusto na rin subukan ni Caleb dahil kanina pa n'ya nire-request ang surfing.

May ilang available na instructor nang nandoon kaya naman lumapit na kami ni Caleb para sumali sa pag-uusap.

"Wala po bang babaeng instructor?" Narinig kong tanong ni Lael sa mga kausap.

Nang makalapit kami ni Caleb, napalingon sa akin si Lael at napansin ko ang kaunting kaseryosohan sa ekspresyon n'ya. Nagtataka ko s'yang tiningnan pabalik pero ibinalik n'ya ang tingin sa instructor.

"Wala hong available, sir."

Nakasuot ng maluwag na white shirt si Lael habang itim naman ang kay Caleb. They are both wearing board shorts and a pair of flip flops. Ang mga instructor naman na kausap namin, kung hindi naka-basketball jersey o tank top, naka-topless naman at nakabalandra ang tan na mga balat at well-toned na katawan.

"Isa lang po ba ang kukuha ng instructor?" Tanong ng isa sa mga instructor, nakatingin kay Lael.

"Yeah, me," I answered.

Napatingin sa akin ang instructor at tumango bago kina-usap ang ilang kasama sa kung sino ang magi-instruct.

"You sure?" Tanong ni Lael bigla sa akin kaya napalingon ako sa kan'ya, nagtataka.

"About?"

"Puwedeng ako ang magturo," he mumbled, halos hindi ko na marinig dahil sa lakas ng hampas ng alon sa dalampasigan.

Hinawakan ni Lael ang batok n'ya at nakita ko ang pamumula ng tainga n'ya dahil sa sinabi. Hindi n'ya ako tinitingnan at mukhang iniiwasang makita ko ang ekspresyon n'ya.

I asked him to repeat what he said kahit na narinig ko naman.

"Wala," he said, embarrassed, before he shook his head.

"Puwede naman, kung okay lang sa'yo," sabi ko kahit hindi na n'ya inulit ang sinabi n'ya.

Parang lalong namula si Lael dahil hindi na s'ya nagsalita at hindi pa rin makatingin sa'kin.

"Magfi-fill up lang dito, Ma'am," sabi ng instructor sa akin pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin kay Lael.

Lael looked at the instructor before he sighed.

"'Wag na po. Rerenta na lang po kami ng surfboards," ani Lael, halos tumalikod sa akin para hindi ako matingnan.

Kumunot ang noo ko at napa-irap pero hindi naman napigilan ang namumuong ngiti. Why is he so shy?

We rented two surfboards dahil magfo-focus si Lael sa pagtuturo sa akin. Hardboard ang kinuha ni Caleb dahil para raw 'yon sa mga professionals, nagyayabang sa akin dahil matagal na s'yang marunong mag-surf. Samantalang softboard naman ang sa akin dahil beginner pa lang.

Naunang pumunta sa mga waves si Caleb samantalang natira naman kami ni Lael sa dalampasigan para sa ilang instructions n'ya.

"This is the leash," angat ni Lael sa rubber na taling nakakabit sa board.

Tumango ako at pinagmasdan 'yong mabuti. Sinabi n'ya sa akin kung para sa'n 'yon at kung saan ikinakabit. He also explained to me what to do if I get wiped out or how I'd jump off from the board. May nanonood sa'ming isang instructor, mukhang nakikinig din sa pagtuturo ni Lael sa akin, tinitingnan siguro kung may maling sasabihin si Lael.

But based on the instructor's expression, he seems pleased with how Lael is explaining things to me.

Lael also taught me how to ride the board and how to stand on it. 'Yung pang-beginner ang itinuro n'ya sa'kin pero ipinakita rin kung pa'no n'ya ginagawa ang pagtayo sa tuwing nagsu-surf s'ya.

"I'll always be there to guide you," ngiti ni Lael sa akin nang matapos s'ya sa lahat ng sinasabi.

Tiningnan ko ang ngiti ni Lael at para akong nahawa ro'n dahil napangiti na rin.

'Yon nga lang, nang hubarin ni Lael ang soot na shirt, agad na nawala ang ngiti ko at natigilan.

I cleared my throat and I looked away.

I cursed inside my mind. Nakakita na ako ng topless noon; mga kaibigan ko, modelo, o ibang tao. But I've never been this flustered!

Freaking hell, hindi ko akalaing tatanggalin n'ya ang t-shirt na soot. Parang nasanay ako na lagi s'yang naka-shirt o kaya ay uniform kaya ngayong nakikita ko s'ya sa ibang anggulo, I didn't freaking expect it!

I pursed my lips as I watched Lael pick the surfboard up from the sand. I cleared my throat and avoided looking at him once again.

Lael has a lean body. At mas na-highlight pa ang bawat feature ng katawan dahil sa tan na balat. 'Di hamak na mas maganda pa yata ang katawan n'ya kumpara sa mga instructor kanina.

"Ang init," I said because my face is already burning up, probably because of the scorching sun.

Napa-angat ang tingin ni Lael sa akin dahil sa reklamo ko bago n'ya inangat ang tingin sa makulimlim na langit. Binalot ng pagtataka ang mukha n'ya bago ibinaba ulit ang tingin sa akin. Hinangin ang buhok n'yang hindi kahabaan at lalong uminit ang mga pisngi ko.

"Is it?" Nagtataka n'yang tanong bago inangat ang kamay at tinakpan ang mukha ko para bigyan ng lilim mula sa sinag ng araw na wala naman.

Mahangin lang at hindi sobrang tirik ang araw. Ano'ng sinasabi mo, Zenica?

"Nothing," I mumbled before I tried to find Caleb on the waves.

Nakita kong nakatayo si Caleb sa surfboard at sinasabayan ang may kalakihang alon. He's grinning from ear to ear at naka-alalay ang dalawang kamay sa magkailang gilid bago sumigaw ng isang mura nang ma-out of balance at malaglag sa tubig. Agad na umahon si Caleb at kinuha ulit ang board.

"It looks fun," excited na sabi ko bago nilingon si Lael.

Naabutan ko s'yang nakatingin sa buhok ko at ang kamay n'ya, nasa taas no'n, parang tinatakpan ako mula sa araw para bigyan ng lilim. He looks like he's taking it seriously. Bumaba ang tingin ni Lael sa akin bago n'ya ako binigyan ng maliit na ngiti.

Don't smile like that.

Lael's smile makes me think that the world is so easy—that his world is easy and he wants me to experience it too. I want to be part of that world. 'Yon ang sumusungaw sa isipan ko sa tuwing nagtatama ang mga tingin namin ni Lael at binibigyan n'ya ako ng ngiti.

It's a world that is very different from mine. Para akong tumatawid mula sa itim papunta sa puti—ibang-iba at walang pagkakatulad. Magiging makasarili ba ako kung pipiliin kong tawirin ang mundong 'yon?

"Here," Lael guided my hands on the softboard.

Humawak ako nang mahigpit doon at hinayaan si Lael na alalayan akong sumakay sa softboard. Malakas ang hampas ng alon kaya naman inaalalayan n'ya rin akong hindi matangay ng tubig.

"Hold tightly. Once I say ready, slide your hands to your chest and bend your right leg. Push yourself up and slide your left foot forward," Lael seriously instructed, summarizing the instructions he gave me earlier.

"One-step forward," I nodded as I recognized how that technique is called.

Tumango si Lael at nakita ko ang ngiti n'ya bago lumingon sa likod ko para tingnan ang paparating na alon. I watched Lael as salt water dripped from his hair down to his face and body.

God, his eyes look beautiful. It looks more vibrant in the sunlight and his damp lashes made it look more magical. Basa rin ang mga labi n'yang mapupula at parang kumikinang ang moreno n'yang balat dahil sa dagat at araw.

I gulped when I realized how beautiful this moment is.

I want to keep it in my memory—the waves, the glimmering salt water, and Lael watching out for the incoming waves for me.

I want to keep him, I realized.

"Zen, ready," Lael looked at me and I did what he instructed me to do.

He watched me closely as he let the waves take me. The first couple of tries were a fail, but once I got the hang of it, I was able to stand on the board longer.

Nang isang beses ay tumagal ang pagkakatayo ko sa board, naramdaman ko ang pagtulo ng tubig-alat sa katawan ko at ang lamig na dulot ng malakas na hangin. Agad akong napangiti at napatawa sa naramdamang saya dahil do'n.

God, this is so fun. I feel so free and my heart is raging with so much thrill and excitement.

"Lael, I did it!" I shouted happily.

I think I heard Caleb's voice before I fell back on the water.

Why haven't I done this before?

"Killed it!" Sigaw ni Caleb nang makaahon ako at agad akong nilapitan. Agad s'yang nagmura, nakangisi. "That was good!"

"That was good, Zen," napalingon ako kay Lael na nakalapit na rin sa akin at malaki ang ngisi.

"I know!" I smiled at Lael. "Thank you!" I said.

Caleb raised his hand for a high five and I immediately gave it to him and we laughed.

Nang matuto na ako nang tuluyan, Lael rented a surfboard of his own and we surfed until we got tired and hungry. It's almost sunset at hindi na puwede sa dalampasigan tuwing gabi kaya hindi na rin naman kami makakapag-surf pa kahit gustuhin namin.

"Let's eat first," aya ni Caleb nang napagkasunduan naming puntahan 'yong sikat na hostel kung saan mayro'ng party tuwing gabi. "May food park sa malapit, do'n na muna tayo."

Do'n nga kami dumiretso para kumain. Gabi na at maraming tao ro'n. Dahil food park, maraming stalls ng pagkain na puwede naming bilhan. Marami ring tables doon at may mga nakikita pa naman kaming mga bakante.

The night breeze feels so cool against my skin but I like it nonetheless. Reggae ang kantang ipinapatugtog sa buong food park at malakas 'yon kaya kailangan pa naming lumapit sa isa't isa para magkarinigan.

Hindi ko akalain na ganito pala karami ang pumupunta sa La Union kahit na ganitong season. Parang payapa sa umaga at normal na beach lang pero sa gabi, nagiging buhay ang makukulay na mga ilaw at mga tugtog.

Maraming lumilingon sa amin sa tuwing napapadaan, lalo na 'yong mga babae dahil sa tangkad nina Caleb at Lael. I even heard someone shout "Grabe, ang guwapo!" shamelessly.

Pumili kami ng bibilhan. We got different food from different stalls at sama-sama kaming kumain sa isa sa mga bakanteng tables na nandoon. Caleb bought us some booze too.

Panay ang pag-check namin ni Caleb sa mga pictures na nakuhanan kanina. They took pictures of me by the beach at gano'n din naman ang ginawa ko para sa kanila. Si Caleb daw ang mag-eedit no'n at pumayag naman ako.

"This looks good," I said as I pointed at a picture of Lael.

"L, looks good daw," halakhak ni Caleb kay Lael na nasa tapat naming dalawa.

Napatingin din tuloy ako kay Lael na masama na ang tingin kay Caleb at umirap.

Hindi ko masisisi ang mga babaeng sumigaw kanina na guwapo si Lael. Ni hindi ko nga alam kung sa'n s'ya mas guwapo—sa ilalim ba ng araw kung sa'n mas kumikinang ang moreno n'yang balat at mas tumitingkad ang kulay ng abelyana n'yang mga mata o sa gabi, sa ilalim ng buwang maliwanag at nalalapatan ng mga ilaw.

He looks good in both. Good is even an understatement. That word doesn't justify how good looking he is.

He looks like an angel during daylight, and a fallen one at night.

"Make it your profile picture," I told him and Lael looked at me.

He stared at me and I noticed that his irritation for Caleb immediately faded away.

"Okay," mabilis n'yang sagot at narinig ko ang mura ni Caleb.

"Kapag sa'kin galit, pero kapag kay Zenica, okay," tawa ni Caleb at binato s'ya ni Lael ng bote ng tubig.

Matapos naming kumain do'n, dumiretso na kami sa sikat na hostel sa La Union. Marami nang tao ro'n kahit na hindi pa naman gano'n kalalim ang gabi. Maingay dahil sa malalakas na tugtog at natanaw kong mayro'n palang DJ na nandoon sa bungad kung sa'n din makikita ang bar area.

May mga sumasayaw na rin malapit sa bar area. The place is a bit crowded. Kung nagtagal pa kami lalo bago pumunta rito, baka nga wala na kaming mauupuan pa. Luckily, we got a space for the three of us. Iyon nga lang, may mga kasama rin kami ro'n.

"Hi!" A girl greeted us.

I don't even know her. Tumango si Caleb sa babae pero hindi na bumati pa pabalik. May nakita rin akong mga nagvi-video at marami sa mga nandoon ang may kasamang grupo. May nakita rin akong mga foreigners na humahalo na rin sa ilang grupong mga nandoon.

"I'll get us drinks," agad na tayo ni Caleb at tinanguan si Lael na tumango rin pabalik sa kan'ya bago lumipat sa tabi ko.

I watched Lael as he sat beside me. I got a whiff of his perfume and I don't know what got into me when I scooted near him. Akala ko, hindi n'ya napansin but I noticed his reddened ears and that he couldn't look at me.

"Hi!" A girl suddenly approached us before I could even say anything to Lael.

Agad na sumama ang timpla ko, hindi pa man s'ya nagsasalita. Kusang umangat ang kilay ko at kumuyom ang panga ko sa inis.

Hindi ko makita ang ekspresyon ni Lael dahil nakasandal ako sa inuupuan namin at batok n'ya lang ang nakikita ko. I feel like I'd glare at him if he's smiling at this girl.

Ano bang ininom namin ni Caleb kanina sa foodpark at parang tinamaan na ako nang kaunti?

The girl's wearing a loose tank top over a stringed swimsuit. Maikli rin ang shorts na soot at kitang-kita ang ganda ng mahahaba at makikinis na mga binti. May dala s'yang isang baso ng cocktail at mukhang kanina pa s'ya rito sa hostel.

Nagpakilala ang babae sa amin pero hindi ko na tinandaan dahil hindi ako interesado. Kay Lael nakabaling ang atensyon n'ya at hinapyawan lang ako ng tingin kanina.

I'm not Lael's girlfriend... pero hindi man lang ba 'yon naisip ng babaeng 'to? I'm alone with Lael! Hindi ba n'ya na-consider?

"I just think you looked really familiar," the girl said to Lael as she sat with us, obviously trying to shoot a crappy pick up line. "I think you are the guy from my dreams."

I snorted and Lael looked at me when I did. Umirap ako at tumingin sa ibang table, crossing my arms on my chest. Lame! That's one heck of an old pick up line.

"I think I saw you from one of my nightmares, though," I mumbled but made sure the girl heard it before I looked at Lael again.

He's already bowing his head and covering his laugh with his right hand. Lalo akong nainis bago tiningnan ang babaeng mukhang nalaglag na sa buhangin ang ngisi at halos matapon na ang hawak na cocktail dahil hindi makapaniwala sa sinabi ko habang nakatitig sa akin.

Go somewhere else before I follow my guts and grab your frizzy hair.

I raised an eyebrow, trying to control my tongue before the girl silently stood up and left.

Go, scram away. I rolled my eyes.
Nawala lang ang atensyon ko sa babae nang mapansin kong pinipigilan pa rin ni Lael ang tawa n'ya.

"You dare laugh?" Iritadong tanong ko kay Lael na nakangisi pa rin.

Lael looked at me again and I saw how his eyes glistened as he gave me a wide smile with dimples peeking on both of his cheeks.

"Sorry," he said. Pumikit si Lael at umiling bago umiwas ng tingin. "That was rude, Zen..." he said softly, hindi ko alam kung pinagsasabihan ako o pinupuri.

I rolled my eyes. Rude, my ass. I don't care.

Continue Reading

You'll Also Like

273K 7K 104
Prepare for a night of drunken decisions [E P I S T O L A R Y]
400K 17.3K 46
PUBLISHED UNDER KPUBPH Copies are available via Tiktok Shop and Lazada. Please visit KPubPH on their Facebook (KPub PH) or Twitter (kpubph) for more...
67.6K 1.3K 184
With you, I can reach the stars. ~Olivia Del Castillo ✴✴✴ Epistolary Series # 4 Makulit pero seryoso. Mabait at responsable. Iyan si Joshua Parco Dim...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...