Unexpectedly Crazy (Unexpecte...

By Adceecee

91.7K 3.5K 937

Isang babaeng no boyfriend since birth ang gustong magkaanak sa pamamagitan ng sinuggest na method sa kaniya... More

Unexpectedly Crazy
Story Description
Prologue: Zachie
Prologue: Dwanee
Chapter 1
Chapter 2
Character Image
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Author's Note
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43

Chapter 39

980 58 27
By Adceecee

Thank you and sorry for waiting, mga dear! Maiintindihan ko kung wala ng nagbabasa nitong storyang 'to.

Stay safe, mga dear!

*************************

Chapter 39: When All Is Unsettled

Agad napatayo si Zachie samantalang ganoon din ang mudrabels at sisteret niya nang lumabas ang babaeng doktor sa isang kwarto kung saan nandoon si kurdapz.

"How is she, doc?" He approached.

"You're THE Zachie Vonwick, owner of the ChelRies, am I right?" Kulang nalang maghugis stars ang mga mata ng doktora. "I'm a huge fan! I love your designs my gosh!" Kung sa ibang pagkakataon lang ay matutuwa siya dahil may isang fan siyang isang doctor.

"Ahehehe. Thanks." Sabi nalang niya. "Anyways, how's my wife?" Balik niya sa topic dahil mukhang nakalimutan na ng doktora ang purpose nito.

"The patient is your wife? You have a wife? I thought —"

"Yes, doc. She's my wife." Poker faced niyang putol sa sasabihin nito. "How is she? How's our baby?" Di niya mapigilang mabahala.

"Well that's interesting..." Bulong nito sa sarili pero narinig niya parin bago ito nag-angat ng tingin sa kaniya. "... You're wife is now safe, Mr. Vonwick. She's still unconscious but her vitals are stable. Kung maaari ay hindi na siya maggagalaw pa at dapat mag-bed rest nalang. And oh... the babies are  safe."

Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ng doktora ngunit parang biglang huminto ang paghinga niya dahil sa huling sinabi nito. Tama ba ang pagkakarinig niya?

"Babies?" Pagkaklaro niya.

"Kambal ang dinadala ng iyong misis, Mr. Vonwick. Dahil sa pagkakabagsak niya kaya nahiwalay mula sa pagkakatago ang isang baby. May mga pagkakataon na nangyayari ang ganitong kaso sa mga nagbubuntis. Akala nila isa lang ang dinadala nila, pero dalawa pala, minsan nga higit pa." Explain ng doktora.

Dahil sa narinig, feeling niya nanalo siya ng jackpot lotto. Gusto niyang tumili sa saya pero naunahan siya ng magaling niyang mudra at sisteret.

"Kyaaaaaaaaah!" Nagtatalon pa ang mga ito. Kulang nalang maggulung-gulong ang mga ito. Mas excited pa ang mga gaga kesa sa kaniya.

After magbigay ng mga do's and don'ts ng doktora ay um-exit na ito. Poker faced niyang binalingan ang  baliw niyang ina at kapatid na nagtitili parin. Nagsisilingunan na nga sa gawi nila ang ibang mga tao na nasa hospital.

"Are you done?" Poker faced niyang tanong nang tumigil na ang dalawa. Nakapusan na siguro ng air sa lungs.

"O to the M to the G, kuya! Magiging pamangkin na ako!"

"Auntie ka mo." Pagtatama niya sa sinabi ng sisteret niya. "Matagal ka ng auntie mula ng manganak sina Zephanie at Zorlein. Gaga twoh!" Dagdag pa niya.

"Sabi ko nga." Depensa nito. Ini-roll over the ocean roll over the sea nalang niya ang mga gorgeous eyes niya.

"Anak. Pakigising nga ako." Parang timang na sabi naman ng mudrabels niya.

"Ewan ko sa inyong dalawa." Saka nag-walkout siya at um-enter sa room ni kurdapz. Doon niya nakita ang love of his life niya na mahimbing na natutulog. Nilapitan niya ito at plinantahan ng isang matamis na halik sa noo.

"Anak, umuwi ka na muna sa bahay..." Lapit sa kaniya ng ina. Umikot naman sa kabilang side ng kama ang sisteret niya.  "... Nang makapaghapunan ka at makapagpalit ng damit. Kayong dalawa ni Zeze. Ako na muna ang magbabantay kay Dwanee." Dagdag nito. Saka on cue na biglang kumalam ang beautiful sikmura niya.

"Paano kung magising na si mel?" Angal niya.

"Sino si mel, kuya?" Takang tanong ng sisteret niya.

"Ikaw Zacharies, ha. Pagtinarong diha. Pinalaki kita ng tama!" Segunda ng mama niya sabay palo nito sa braso niya.

"Aray, ma! Anovah?! Ano po bang pinagsasabi ninyo?" Piyok niya.

"Magkakaanak ka na nga at nagawa mo pang mangabit?!" Singhal nito.

"Huwaaat?! At kaninong chismosa mo naman narinig iyan?!" Pati siya ay napapasigaw narin. "At kung makapagsalita ka ma, ha."

"Huwag mong ibahin ang usapan! At huwag na huwag mo kaming gayahin ng papa mo! Pagkakamali namin iyon kaya huwag ninyong ulitin!" Singhal ng mama niya.

"Ma! Kahit kailan hinding-hindi ko gagawin ang bagay na iyon! Mahal na mahal ko si mel!" Pakiramdam niya mapuputol na ang mga ugat niya sa lalamunan.

"At talagang inulit mo pa ang pangalan ng kabit mo!" At pinagpapalo na naman siya ng mudra niya.

"Ma! Anovah! Sandali nga!" Hingal niyang pigil. "Ano bang pinuputok ng butchi ninyo?" Taka niyang tanong. Paniguradong pulang-pula na braso niya mula sa mga palo ng mudrabels niya.

"Sino ba kasi 'yang mel na iyan, kuya?" Tanong ng sisteret niya.

"Ohmyghad!" Buga niya sabay hilamos ng mukha. "Endearment namin ni kurdapz ang mel." Paliwanag niya. More like endearment NIYA kay kurdapz.

Napakurap habang napanganga nalang bigla ang mudrabels niya at sisteret. Mukhang naglo-loading pa ang utak brain ng mga gaga.

"KYAAAAAAH!" Sabay tili ng dalawa kaya agad siyang napa-cover sa beautiful ears niya. Napansin niyang gumalaw si kurdapz kaya dali-dali niya itong dinaluhan.

"Bipz..." Ang lumabas sa bibig nito pagkamulat ng mga mata nito. Napalinga ito sa paligid at napalingon sa gawi ng ina at kapatid niya. "... M-My baby..." Nanginginig na sabi nito at bakas sa mukha nito ang takot.

"Shhh calm down, my love. Everything's alright?" Pag-aalo niya rito sabay akay niya rito sa paghiga dahil akmang babangon sana ito.

"What?" Nalilitong tanong nito sa kaniya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito saka siniilan ng halik sa labi.

"Our babies are fine." Sabi niya nang humiwalay siya. Gusto pa sana niyang namnamin ang matatamis na mga labi ng kaniyang sinisinta kung wala lang ang THE GREAT mudra at sisteret niya. 

"Babies?" Kunot-noong tanong nito ngunit agad napalitan ng pamimilog ng mga mata nang mapagtanto ang sinabi niya.

"We are going to have twins, my love." Nakangiting balita niya sa future wifey niya.

"Sa wakas! Magiging lola na ako sa unico iho ko!" Malakas na hiyaw ng mudra niya.

"Ako rin!" Napakunot ang noo niya sa tinuran ng gagang sisteret.

"Don't tell me magiging lola ka narin?" Sarcastic niyang lingon sa kapatid. Nag-dirty finger lang sa kaniya ang gaga. Na agad namang pinalo ng mudra niya.

"Aray! Hindi naman po 'yon pakyu sign. Huhuhuhu." Atungal ng kapatid matapos makatanggap ng palo.

"I need to go home." Nabaling muli ang tuon niya kay kurdapz nang akmang tatayo na ito.

"Mel. Hindi ka pa pwedeng lumabas sabi ng doktor." Pigil niya rito.

"I need to go home. My kids will be looking for me. And I need to find Arayat." Pagpupumilit nito.

"Hindi pwede. Huwag matigas ang ulo, mel. Baka mapano ka na naman. Isipin mo ang magiging mga anak natin."

"Tama si Zacharies, iha. Don't worry, ako na ang bahala sa mga anak mo na magiging mga apo ko narin soon hihihihi." Segunda ng mudra niya na may kasama pang bungisngis. Saka lumapit ito kay kurdapz at hinawakan ang kamay ng huli. "And about kay Arayat, I'm sure inaksyunan na ni Zacob ang tungkol doon. He may look stoic but my husband really cares about the people he loves. So do not worry, iha." Dagdag pa ng mudrabels niya na ikinalito niya bigla. Is he missing something? Is there something he must know?

"Hindi ko maiwasang mag-alala, tita Ran. Para ko ng kapatid si Arayat. Patawarin ninyo po ako, pero hindi ko maiwasang magalit sa asawa po ninyo. Saksi po ako sa mga pinagdaanan ni Arayat. Saksi po ako sa mga paghihirap na dinaranas niya. At lahat ng iyon ay dahil sa ama niya." Sabi ni kurdapz.

"I'm sorry, iha. Kagaya mo, ngayon ko lang din kasi nalaman. Ngayon lang din kasi sinabi ng asawa ko." Turan ng mader niya.

Holdup! Ano ba itong mga naririnig niya? Ano ba itong pinag-uusapan ng mudrabels niya at ni kurdapz? Pakiramdam niya nawala bigla ang gutom niya at napalitan ng pagkalito.

♪*instrumental* On March sixteen fifteen hundred twenty-one. When Philippines was discovered by Magellan...♪

Sasabat sana siya sa pag-uusap ng dalawa nang tumunog ang nakaka-annoy na ringtone ng cellphone ni Zenazen.

"Kuya Chels whazzup?" Sagot ng sisteret niya sa tawag. Si Chelsea tumatawag sa kapatid niya? Ngunit ni isang tawag o text mula ng mag-honeymoon ito ay wala siyang natanggap, pero tinawagan nito ang kapatid niya??? I-remind nga siyang sabunutan left and right ang best friend niya pagkauwi nito mula sa honeymoon.

"Opo. Kasama ko po siya ngayon. Kuya..." Lingon ng kapatid niya sabay abot ng cellphone nito. Kunot-noong kinuha naman niya phone nito.

"After how many years, sa wakas naisipan mo ring tumawag gaga ka." Salubong niya kay Chelsea na nasa kabilang linya.

"I know na kating-kati ka ng sabunutan ako, gurl. At alam mo bang kanina pa kita tinatawagan pero cannot be reached ang number mo!" Saad nito. "Cannot be reached din ang number ni Dwanee. Kanina pa siya tinatawagan ng pinsan niya. Kasama mo ba siya ngayon?" Dagdag pa nito. Napalingon siya kay kurdapz na kunot-noong nakatingin din sa kaniya.

"Oo, bakit? May nangyari kasi at nasa hospital kami ngayon?"

"Saang hospital?" At sinabi niya rito ang pangalan ng hospital na kinaroroonan niya ngayon. "Thank goodness!" Exclaimed nito.

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Nandiyan din ang pinsan ko. Si Gaizel. Kasama niya ngayon si Arayat."

"What?!"

"I'll text you his number so that you can contact him." Huling sabi ng kaibigan niya saka nito pinutol ang linya.

"What happened, nak?" Concern na tanong ng ina niya.

"Chelsea said na nandito raw ang cousin niyang si Gaizel..." Tugon niya. "... And Arayat." Lingon niya kay kurdapz. Mas mabilis pa sa kidlat itong bumangon pagkarinig nito sa sinabi niya.

"Saan sila?" Atat na tanong nito. Saka tumunog ang message tone ng phone ng sisteret niya. Pagkakita niya sa contact number na sinend ni Chelsea ay agad niya itong idinial. Sinet niya sa loudspeaker ang phone para marinig nila ni kurdapz. Wala pang three seconds ay sinagot din agad ni Gaizel ang tawag niya.

"Gaiz, it's me Zach. Where are you?" Pagkarinig ni kurdapz sa location na sinabi ni Gaizel ay kumaripas agad ito palabas ng silid.

"Mel!" Habol niya at sumunod din naman agad ang mudrabels at sisteret niya.

-------------------------------

"The doctor that examined her said that she has mild concussion but her vitals are stable. They gave her sedative to calm her nerves. Sabi nila kani-kanina lang she was having a breakdown and almost hurt herself. Kumalma din naman agad siya at nakatulog." Inform ng psychologist kay Dwanee. Nasa kaparehong ospital lang din ito nagtatrabaho kaya mabilis lang ang pagdating nito.

"Ms. Dalton. I'm afraid that her condition came back and is getting worse. Kailangan niya muling inumin ang mga gamot na niriseta ko sa kaniya noon para hindi na mas lumala pa ang kalagayan niya. And this time mas mataas na ang dosage." Sabi pa ng doktor. Napahingang malalim siya sa narinig.

"Ok, doc. Thank you." Sabi nalang niya. Magalang namang nagpaalam ang doktor sa kaniya. Ibinaling niya ang paningin sa natutulog na si dayh Arayat. Kahit nakapikit ito ay mababakas parin sa mukha nito ang lungkot at takot.

"Ahm... Ako nga po pala si Gaizel." Napalingon siya sa nagsalita. Isang morenong lalaki na batid niya mas bata sa kaniya ng ilang taon. "Ako po ang nagdala sa kaniya rito. Hindi ko po kasi sinasadyang mabunggo siya. Bigla po kasi siyang tumawid. Tatanggapin ko po ang mga charges na ipapataw po ninyo sa akin." Kinakabahang paliwanag nito.

"It's ok, Gaizel. Thank you for bringing her here. At mabuti naring ikaw ang nakakita sa kaniya... Are you her friend?" Tanong niya. Napahimas naman ito sa batok.

"Ah no. I'm not her friend. Hindi nga po kami magkakilala. Pamilyar lang po siya sa akin. Nakita ko po kasi siya nun sa kasal ng pinsan ko." Sagot nito.

"You're Chelsea's cousin?"

"Opo."

"Oh. Anyway, salamat ulit sa tulong mo, Gaizel. Baka nakakaabala na kami sa'yo. Baka hinahanap ka na sa inyo."

"Shoot! Oo nga pala. Sige po." Huling sabi nito at lumabas na ng kwarto. Muli niyang ibinaling ang tingin kay dayh Arayat. Nilapitan niya ito at inayos ang kumot saka hinalikan ito sa noo.

"Everything will be alright. Ate is always here." Sabi niya habang inaayos ang ilang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito.

Ilang sandali lang ay narinig niyang bumukas ang pinto.

"Pinauwi ko na sina mama." Hindi niya nilingon si BPP. Nanatili parin siyang nakatingin kay dayh Arayat.

"Mel..." Napakislot siya ng bahagya nang hawakan nito ang kamay niya. "... Sinabi na ni mudra sa akin ang totoo." This time napalingon na siya sa gawi nito at saktong nakatingin din ito sa kaniya.

"Kung okay lang sa'yo... Pwede ko bang malaman kung bakit naging kasalanan ni papa ang lahat ng nangyayari ngayon kay Arayat?" Nakikiusap nitong tanong.

"Go home, Mr. Vonwick." Buntong-hiningang sabi lang niya saka muling ibinaling ang tingin sa dalaga. Nanatili paring magkahawak ang mga kamay nila. Mukhang walang balak bumitaw si bakla, ngunit ayaw niyang mahiwalay ang kamay nito mula sa kaniya.

"She was raped when she was a kid..." Umpisa niya. Hindi niya namamalayang napahigpit ang pagkapit niya sa kamay ni BPP nang mabalik-tanaw niya ang mga paghihirap na dinanas noon ni dayh Arayat. Naramdaman niya ang mga titig ni bakla pero nanatiling deretso parin ang paningin niya.

"...Nakakulong na ang suspek. Pero patuloy paring binabalikan si dayh Arayat ng masamang pangyayaring iyon. Lumaki siyang takot at laging kinukulong at inilalayo ang sarili sa ibang tao. At an early age, she already suffered anxiety and depression. Mas lalong nadagdagan ang paghihirap niya nang mamatay ang lola niya. She attempted suicide many times. With the help of medication and support, she slowly recovered..." Hindi niya alam pero pakiramdam niya kailangan niyang sabihin kay bakla ang dahilan. Siguro dahil kapatid din nito si dayh Arayat, karapatan nitong malaman ang totoo.

"...Ngunit bumalik na naman ang lahat sa kaniya. I'm scared that it will get worse and this time she might not be able to pull herself out in the dark."

Napakurap siya nang maramdamang may pumahid sa mukha niya. Saka niya napagtantong nakaharap na pala siya kay BPP. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya.

"It was your father's fault. Namatay ang ina ni Arayat sa panganganak sa kaniya. Hindi niya kilala kung sino ang ama niya. Walang nakakakilala kung sino ang ama niya. Thirteen years ago, naisipan niyang hanapin ito. Tumakas siya at mag-isang pumunta sa siyudad. And that when it happened...." Patuloy paring umaagos ang mga luha niya. At patuloy paring pinapahiran ni bakla ang pisngi niya.

"... Hanggang sa malaman nalang niya na all this time, alam pala ng ama niya na nagi-exist siya at alam nito kung nasaan siya. Kung agad lang nagpakilala ang ama mo sa kaniya, hindi ito mangyayari ngayon sa kaniya!" Napahagulhol na siya at hindi na niya makontrol ang pag-iyak niya. Agad siyang niyakap ni bakla.

"Shhhh." Pag-aalo nito. Niyakap narin niya ito ng mahigpit. Pakiramdam niya, pag bumitaw siya mula rito ay malulunod siya sa sariling mga luha. Kaya hinayaan na lamang niyang yakapin siya nito, at hinayaan na lamang niya ang sariling bumigay rito.

Sa mga sandaling iyon, napagtanto niya ang isang bagay na matagal niyang iniiwasan. Kahit anong gawing pantataboy at pandededma niya rito, ay mas lalong lumalalim sa pagkakahulog ang puso niya para kay bakla. Hindi na niya kaya pang ilihim at itago. Mahal na niya ito!

"Bipz..." She whispered. Humiwalay na siya rito pero gahibla lang ang pagitan nilang dalawa. "... I... I..." Nangungusap ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya habang hinihintay ang sasabihin niya. Napalunok siya. Tinatablan na naman siya ng kaba at pride niya. In short, umiiral na naman ang katigasan ng ulo niya!

Ano, sasabihin ba niya? Aamin na ba siya rito?

"I... I'm hungry." Ang lumabas nalang sa bibig niya. Which is partly true naman. Napakunot ang noo niya nang tinaasan siya nito ng kilay na parang hindi kumbinsido sa sinabi niya.

"Bakit ganiyan ka makatingin?" Asik niya.

"Wala..." Nakangising tugon lang nito. "...Anyways, pansin ko lang. Minsan tinatawag mo akong bipz. Endearment mo ba 'yon sa'kin?" Nanunudyong dagdag nito.

"Tch! You wish!" Tulak niya kay bakla palayo pero muli siyang hinapit nito palapit. "Ano ba!" Sabay palo niya sa braso nito.

"Just say you love me, mel." Nakangising panunudyo nito. Muli niyang pinalo ang braso nito. "Ouchie! You're so brutal, kurdapz."

"Kung hindi mo ako bibilhan ng pagkain, umuwi ka nalang." Tulak niya ulit dito saka ito ini-snoban. Muli niyang ibinaling ang tingin kay dayh Arayat.

"Twoh naman. Ang daling mapikon ng mel ko." Panunuyo nito sabay hila nito sa kaniya at muli siyang hinapit sa bewang. Kinunutan niya lamang ito ng noo. "You should lugay your hair more often, kurdapz..." Sabi nito habang sinusuklay gamit ang mga daliri nito ang buhok niya. "...Para maging bata ka tignan." Dagdag pa nito na ikinapikon niya kaya muli niyang pinalo ang braso nito.

"Oo na I love you, too! Geez. Ibang klase ka rin mag-express ng love mo, kurdapz." Saad nito habang hinihimas ang brasong nasaktan. Nakonsensya naman siya kaya tinabig niya ang kamay nito at siya ang humimas sa braso nito. "Uuuuuy~ Lab niya aketch." Panunukso nito.

"Hindi ka ba naaalibadbaran sa suot mo?" Lihis niyang tanong. Ganoon parin ang suot ni bakla kaninang tanghali at hindi niya lubos maisip paano nito nakayang magsuot ng ganoong damit buong araw.

"You're changing the topic, kurdapz." Saad nito. "And you're looking straight on my chest." Doon niya napagtanto na nakatitig pala siya sa overexposed nitong dibdib. Well, it's not her fault! Over kasi sa pagka-V neck itong inner shirt ni bakla.

"I-I'm not." Nauutal niyang iwas. Tinawanan naman siya ng baklang naka-pink.

"Ok, sabi mo eh." Pinal nitong sabi pero alam niyang hindi ito kumbinsido.

"Bumili ka na nga ng pagkain. Nagrereklamo na ang mga anak natin sa tiyan ko." Pagtataboy niya rito. Napakunot muli ang noo niya nang ngumisi na naman ang baklang Pink Panther. "Ano na naman?" Naiinip niyang tanong. Talagang gutom na siya. Maga-alas otso y media na ng gabi, hindi pa siya kumakain.

"Ang sarap lang kasi pakinggan na sinabi mong 'mga anak natin'." Nakangiting hayag nito habang mahihimigan ang kasiyahan sa boses nito. Napangiti narin siya.

"Sige na, lumabas ka na. Dami mo pang sinasabi." Sabay tulak niya kay bakla palabas sa pintuan.

"Wait." Pigil nito.

"Ano na naman ba?"

Hindi ito sumagot bagkus ginawaran lamang siya nito ng isang mabilis na halik sa labi.

"I love you." Sabi nito bago tuluyan ng lumabas. Ilang beses siyang napakurap. Mabilis lamang iyon, pero naghatid iyon ng ilang libong bultahe sa kaniyang katawan. She bit her lower lip to suppress her lips from smiling. Kaya niyang pigilan ang ngiti niya, pero hindi ang kilig na naglalakbay sa buong sistema ng katawan niya.

---------------------------------

"Don't worry, pa. She's fine." Salubong ni Zenazen sa ama niya nang madatnan nila ito ng mama niya na pabalik-balik sa sala.

"Where is she?" Nag-aalalang tanong nito.

"She's at the hospital, Zacob." Sagot ng mama niya. "Don't worry. Nandoon naman sina Zacharies at Dwanee nagbabantay." Dagdag pa nito. Napabuntong-hininga naman ang papa niya.

"Why didn't you tell her that you are her father, pa?" Tanong niya. To be honest, galit siya sa ama niya. Hindi ito nagsalita.

"Zen, mabuti pa kumain na muna tayo. Ipapahanda ko na nila manang ang pagkain." Narinig niyang sabi ng mama niya pero hindi niya ito nilingon.

"She was raped..." Sabi niya. Hindi niya intensyong pakinggan kanina ang pag-uusap ng kuya niya at ate Dwanee. Palabas na sana sila ng mama niya nang hospital nang may makalimutan siya. Kukunin niya sana pabalik mula sa kuya Zachie niya ang cellphone niya. Nasa pintuan na siya nun ng kwarto nang marinig niya ang sinabi ni ate Dwanee. Parang nangatog ang mga tuhod niya ng mga sandaling iyon habang pinapakinggan ang mga salitang sinabi ng huli. "... And it was because of you, pa." Pagpapatuloy niya habang mariing ikinuyom ang mga kamao niya. Bigla namang nahinto sa kinatatayuan nito ang ama niya. Samantalang narinig niyang napasinghap ang mama niya.

"Naglayas siya at hinanap ka niya kahit hindi ka niya kilala." Dagdag niya.

"I knew she was raped." Usal ng papa niya. Di makapaniwalang napaawang ang bibig niya. All this time alam ng ama niya. Yet, he didn't do anything. "But I didn't know it was because of me."   Parang natunaw bigla ang puso niya at nawala ang galit sa dibdib niya nang makitang tumulo ang mga luha nito.

"Papa." Sambit niya at agad niyakap ang ama.

"I'm sorry, Zeze." Hikbi nito habang yakap din siya.

"Huwag ka sa akin mag-sorry, pa." Umiiyak narin niyang sabi.

"I don't know if she will ever forgive me." Saad nito. Humiwalay siya mula rito at tiningnan ang ama.

"Hindi ko man siya gaanong kilala. Pero alam kong may mabuti siyang puso, pa." Sabi niya at muling niyakap ang ama.

"Gusto ko sanang makisali sa group hug ninyo kaso gutom na gutom na talaga ako..." Sabay silang napalingon sa gawi ng mama niya ng magsalita ito. Umiiyak din ito. "...Tara na sa hapag." Dagdag nito at naunang pumunta sa dining area. Napailing nalang siya sa mama niya.

-----------------------------------

Muling sinulyapan ni Juno ang nakasaradong pinto ng kwarto ni Arayat. Ilang mga araw na niya itong hindi nakikitang lumabas ng kwarto simula nang umuwi ito galing sa ospital.

Hindi parin niya alam kung ano ang pinagdadaanan nito. Ayaw din naman niyang magtanong sa ate Dwanee at mama niya. Baka kasi masyadong sensitive. Di magtatagal ay malalaman din niya ito.

Dumeretso nalang siya sa baba upang makapag-agahan.

"Good morning, kuya Juno!" Masiglang bati sa kaniya ni Ari. Samantalang dedma lang si Rei.

"Morning, kiddo." Bati rin niya at umupo. Nasa kalagitnaan siya ng pagkuha ng ham at sunnysideup nang pumasok si ate Dwanee. May dala-dala itong tray na naglalaman ng plato ng pagkain at isang basong tubig.

"Pakikuha nito, Pilar." Sabi nito sabay abot nung tray sa kasambahay. "Salamat." Sabi pa nito at umupo narin sa lamesa. Nahuli nitong nakatingin siya  kaya iniwas niya ang mga mata at itinuon nalang ang atensyon sa pagkain.



"Babye, mommy! I love you! " Narinig niyang paalam nina Ari at Rei sa labas ng kotse.

"Babye kuya Juno!" Paalam sa kaniya ni Ari at nag-wave lamang siya. Samantalang dedma lang si Rei. Nasanay narin naman siya sa ugali ng huli kaya hindi ito big deal sa kaniya. Maloloka siya pag biglang naging nice ang treatment nito sa kaniya. Iisipin talaga niyang may saltik ata sa kukute itong pamangks niya.

Nang makapasok na ang kambal sa campus ay bumalik narin sa driver seat si ate Dwanee. Agad din naman nitong binuhay ang makina.

Kapwa tahimik lamang silang dalawa habang nasa daan papunta sa skwelahan niya. Ilang mga araw naring hinahatid minsan sinusundo siya ng ate niya. Pansin niya ring sa bahay nalang nito ginagawa ang mga trabaho sa kompanya nito.  Dahil siguro sa pagdadalang-tao nito. Hindi pa man niya na-confirmed, pero halata kasi ang lumalaki nitong tiyan at ang lagi nitong pagsusuot ng maluluwang na damit.

"Juno." Napalingon siya nang magsalita ito. Ito ang unang beses mula nitong mga nagdaang araw na tinawag siya nito. "I know you are wondering what is happening to Arayat." Sabi nito. He just remained his mouth close. Hinayaan lamang niyang ito ang magsalita. Wala rin naman kasi siyang masasabi.

"Don't worry she will be fine soon. Sa ngayon, kailangan niya munang mapag-isa." Dagdag pa nito at hindi na muling nagsalita. Itinuon nalang niya ang paningin sa labas ng sasakyan.

Natapos nalang ang mga naunang subjects niya na walang pumapasok sa kukute niya. Hindi siya mapalagay at hindi niya magawang hindi mabahala sa nangyayari ngayon kay Arayat. Kapamilya niya ito, specifically, cousin niya. At higit sa lahat naging malapit na niya itong kaibigan. Ito ang unang tao simula ng dumating siya sa Pilipinas na nakaalam ng pagiging isang bekiboom niya.

Sobrang nag-aalala siya para kay Arayat. Gusto sana niya itong bisitahin man lang sa kwarto nito, pero habilin ni ate Dwanee na walang sinuman munang pumasok sa kwarto ng dalaga maliban sa ate niya.

Isang malalim na buntong-hininga nalang ang pinakawalan niya saka walang ganang tinitigan ang biniling pagkain.

"Hey, dzae Juno." Napaangat siya ng tingin nang may tumawag sa pangalan niya.

"Hey." Matamlay niyang bati rin kay Barbie. Kasama nito sina Jeytee, Marz at Siloy. "Pwede ba kaming tumabi sa'yo?" Dagdag nito at tumango lang siya bilang sagot. Tumabi sa magkabilang gilid niya si Siloy at Jeytee. Samantalang nasa harapan niya ang natirang dalawa.

Dumaan ang ilang segundo na tahimik lamang nilang nilalantakan ang pagkain. Sumusubo rin siya ng pagkain pero panay ang tingin niya sa bakanteng upuan na nasa gitna nina Marz at Barbie. Naaalala niyang madalas napapagitnaan ng dalawa si Arayat sa tuwing sabay silang lahat manananghalian. Nami-miss na niya ang huli.

"How is she?" Basag na tanong ni Jeytee. Mahihimigan ang pag-aalala sa tono nito. Saglit na nilingon niya ito pero bumalik agad ang tingin niya sa bakanteng upuan.

"I haven't seen her, yet. Si ate lamang ang nakakapasok sa kwarto niya." Pag-amin niya.

"Oh." Dismayadong bumuntong-hininga ito.

"Uhm, Juno." Napaangat ang tingin niya kay Marz. "Could you do me a favor?" Dagdag nitong tanong. Hindi siya sumagot bagama't hinintay lamang niya ang sunod nitong sasabihin.

"Could you give this to dzae Arayat?" Pakiusap nito sabay may dinukot ito sa bag nito saka inabot sa kaniya. Isang maliit na plain pink paperbag.

"Me, too, gurl." Sabi rin ni Barbie at may iniabot itong isang paperbag din. "Kung makausap mo na siya, sabihin mong nami-miss na namin siya." Dagdag pa nito.

"Here's mine." Sabi rin ni Jeytee sabay abot ng isang naka-sealed na card.

"At ito namang sa akin." Sabi rin ni Siloy  sabay abot din ng isang letter nakalagay sa isang special envelope.

Tinanggap nalang niya ang mga inabot ng apat. Kahit walang kasiguraduhan kung maibibigay ba niya ang mga iyon kay Arayat.

Pagdating ng hapon ay sinundo siya ni ate Dwanee.

"Hello, kuya." Bati ni Ari na nasa backseat pagkasakay niya. Nginitian niya lamang ito. Saglit niyang tinapunan ng tingin si Rei. Nakatungo ang huli habang may hawak itong isang libro. Bahagyang napaawang ang bibig niya nang mabasa niya ang title ng librong binabasa nito.

Does this kid know what he's reading?

Hindi niya maintindihan kung bata ba talaga itong pamangkin niyang lalaki. At mukhang pinapahintulutan lamang ito ng ate Dwanee niya.

Nang makarating sa bahay ay agad siyang bumaba ng sasakyan. Naunang pumasok sa loob ang mga pamangkin niya.

"Are you ok?" Napaangat ang ulo niya nang magsalita ang kapatid niya.

"Uhm... A-Ate..." He stuttered. Bilang lang siguro ang mga pagkakataon na tinawag niya ang kapatid niya ng 'ate'. It's still awkward for him, yet he's trying his best to sound comfortable.

"... C-Could you do me a favor?" Pagpapatuloy niya.

"What is it?" Naghihintay na sagot nito. Tinanggal niya ang backpack niya sa balikat at kinuha mula sa loob nito ang mga regalo nina Barbie para kay Arayat.  Inilahad niya ang mga iyon kay ate Dwanee.

"Could you please give this to her? Her friends are really worried and they missed her. They want me to give these things to her, but I can't. But since you can—"

"Maybe it's best if you're the one giving that to her." Putol nito sa sinasabi niya. He paused for a few seconds and realized what his sister just said.

"B-But I'm not ready. Maybe she doesn't want to see me." Tugon niya. Napahinto siya saglit nang pinat ni ate Dwanee ang balikat niya. Saka nginitian siya nito na ikinagulat niya. It was a reassuring kind of smile; A smile that says a thousand positive words; A smile that would make everyone sigh in relief.

Then suddenly, he felt a warm and cozy feeling. And somehow it made him comfortable... at last.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 70.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
2.3M 150K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.8M 318K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...