Carpe Diem

By GorgeousJam92

4.3K 272 412

Chloie Claire Broñola is a simple senior highschooler who will fall in love to Jeremiah Soriano who is a memb... More

PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
Once More
Wakas

KABANATA 40

71 3 6
By GorgeousJam92

GABRIEL JEREMIAH

"HAYOP KA, JOHN!" My mommy shouted at my dad.

"Wala kang kwenta, Carolina!" Hindi nagpatalo si Dad. Noon araw-araw, nag-aaway sila ng daddy sa maliliit na napapalaking dahilan.

"Halika na, Gabriel," tawag sa akin ni Mommy kaya naman ay agad akong tumakbo papunta sa kaniya. Kinarga niya ako kaya naman ay napamura si Daddy.

"Lumayas ka pero huwag mong isasama ang anak ko," hinila ako ni Daddy kaya mas lalong hinigpitan ni Mommy ang paghawak sa akin. Naiyak ako kasi nasasaktan na ako physically and emotionally.

"Hindi ko siya hahayaang lumaki sa'yo, John. Lalo na't mapanakit ka--" sinampal ni Daddy si Mom kaya naman ay nakuha na niya ako. I was just five years old nang mangyari ito.

Matagal nang hiwalay ang dalawa. Bumalik lang si Mommy sa bahay ngayon para bawiin ako. Actually, every month siyang nagtatry na kuhain ako kay Dad kaya lang lagi siyang nabibigo.

Two years old ako nang maghiwalay sila. Sabi ni Lola Che, mama ni Dad, na mapanakit daw kasi si Dad. Mabait naman daw si Mommy pero hindi na nito napagtiyatiyagaan ang ugali ni Daddy. The reason why hindi ako galit kay Mom kahit iniwan niya kami.

Kay Dad naman, hindi rin ako nagagalit. Kasi siya 'yung nagpalaki sa akin and as his son, masasabi kong mabuti siyang ama. Maybe he failed as my mother's husband, but he never failed as my dad.

I was fifteen years old, monthly pa ring napunta sa amin si Mommy. Well hindi na para bawiin ako, kung hindi para kumustuhin na lang ako. Siguro tinanggap na niya na wala siyang laban kay Daddy. My dad is a general afterall. Nakita niya rin siguro na mabuting ama sa akin si Daddy kahit papano.

"Kumusta ka na, Anak?" Nakangiting tanong ni Mommy isang beses nang pumunta ako sa bahay nila Mommy sa bago niyang asawa. Hindi nagtagal, nang maging civil na rin si Mommy at Daddy, pumayag na rin si Dad na every weekend ako dito.

Ngumiti ako kag Mommy. Karga-karga niya ang kapatid kong si Beatrice. "Mommy gagraduate na ako next year. Magiging sundalo rin po ako like Dad."

Nakitaan ko nang pag-aalala ang mga mata ni Mommy at nawala rin ang ngiti sa kaniyan labi. "Anak, magandang maging sundalo. Kaya lang ay masyadong delikado. Iaalay mo ang iyong buhay sa bansa."

"Idol ko po si Daddy. Magaling po siya at gusto kong maging gaya niya!" Ngumiti na lang si Mommy at tinapik-tapik ang ulo ko.

As the years passed by, I understand how harld life is. How hard the life of a soldier is. Pero bakit parang naranasan ko na ito noon? Bakit parang sanay na ako dito even if the truth is kakasimula ko pa lang.

Maria Clarita Arcilla y Solidad- pangalang laging isinisigaw ng lalaki sa panaginip ko. Magkaboses kami at magkamukha and I have a feeling that I am him. I am not sure if he's my future, because he is way older than I am.

Through my dreams, nalaman ko ang love story ni Clara at Gabrielo. My dream is like a series. It is unstoppable and I can't control it. It feels like a nightmare but I can't do anything to stop it. Even if I prayed, the dream still find its way to haunt mr.

"Anak, ayos ka lang ba?" Tanong ni Daddy. Napansin niyang tulala ako.

Nasa city jail ako dahil binisita ko si Dad. Matagal na ang huling dalaw ko sa kaniya because I am so busy with my schedule. I am with Tita Zia.

Nakakulong si Dad because he killed someone. Nang malaman ko pala ang bagay na ito noon, natakot at nagalit ako kay Dad but eventually, I forgave him. He is my dad and he is my only father. Without him, I will never be in this world.

"Oo naman, Dad. Ikaw ang dapat kong kumustahin. 'Yung kaso mo, parang matutuluyan ka na talaga," nag-aalalang sabi ko. Kahit pa galit ako sa kaniya, tatay ko pa rin siya. Kahit ang cold ko sa kaniya, deep inside, I still care.

He just smiled genuinely. I don't know why he is smiling like that well in fact, dapat na matakot siya dahil may chance na habang buhay ang pagkakakulong niya. Murder is not a joke.

"It should happened. I should pay for my sins," kalmadong sabi niya sa akin pero, it gives me chills. Natatakot ako para sa kaniya. Idagdag mo pa ang panaginip kong masama. Kay Tita Zia? Sanay na ako diyan. Hanggang masasakit na salita lang naman siya.

"Kunwari ka pa, gusto mo rin namang makulong ama mo. Galit sa kaniya eh!"  Sigaw ni Tita Zia. Speaking of... She doesn't like me as my father's son or even as a human.

"Zia! It should be done. I killed a man and spending a life in a jail is nothing compared if you loose someone you love. Anak, tanggap ko na. Sana tanggapin mo rin ulit ako bilang tatay mo. Ilang taon kong tinaguan ito at napag-isipan kong tama na."

My dad killed someone. I don't know what's the real reason behind, basta ang alam ko ay may atraso sa kaniya ang taong iyon.

But as a son of my dad, I don't want him to spend his life in prison. Even if I made him think na galit ako sa kaniya, I can't hide the fact na ayaw ko siyang makulong.

It actually happened. Nahatulan na siya ng life imprisonment. and I also lost myself. I don't know where to start, I am actually a Daddy's boy kaya sobrang affected ako.

Idagdag mo pa ang malupit na pagtrato sa akin ng stepmother ko at ng anak niya.

"Wala ka talagang kwenta! Napakatamad mo! Uuwi ka lang dito kung kailan mo gusto!" Sigaw ni Tita Zia.

"Kasi po nagtitraining ako. Dapat po akong maging sundalo," kalmado lang ako pero sigaw siya ng sigaw.

"Nasagot ka pa! Wala akong paki! Ang dapat mong inaatupag ay kung paano mo dapat palayain ang tatay mo! Napakawalang kwenta mong anak!" Sigaw niya. Bigla namang dumaan ang anak niya at mukhang may tama.

"Ano pa 'yang anak mo?" Sabi ko at bago pa niya ako masampal ay mabilis na akong lumabas ng bahay. Una-unahan lang 'yan.

Drug user ang anak niya, instead na doon siya magalit, sa akin siya nagagalit. Siguro dahil hindi naman niya ako anak. Wala naman akong pakialam dahil kung papipiliin ako kung sinong gusto kong nanay, si Mommy pa rin ang pipiliin ko.

Kaya naman ay ilang araw akong hindi nakauwi. Mabuti na lang, ang kapatid kong si Lienzo ay to the rescue. Pinatuloy niya ako sa kanila. Mabait din naman ang daddy niya, welcome ako sa kanila.

Akala ko nga ay ang daddy na niya ang makakatuluyan ni Mommy, kaso sobrang yaman naman. Hindi tanggap si Mommy ng pamilya nito.

"Kuya eh kung dito ka na lang muna kaya tumira habang nakakulong pa ang si Tito John? I'm worried na baka saktan ka na lang ng mag-ina. Adik pa naman 'yung anak niya," nag-aalalang sabi ni Lienzo habang nagsiswimming kami sa bahay nila. See? Mayaman talaga sila.

Mayaman din naman si Dad, mas mayaman nga lang talaga sila Lienzo. May-ari sila ng school, hospital pati ng number one Coffee shop dito sa Pilipinas.

Nagpunas ako ng towel sa mukha nang umahon ako. Pareho kaming naka boxers lang ni Lienzo dahil naliligo kami. Tinawanan ko siya dahil ang OA niyang mag-alala sa akin.

"Wag kang mag-alala, Bunso. Hanggang salita lang 'yun. At saka walang laban 'yung adik na 'yun sa akin 'no? Baka Second lieutenant 'to?" Sabi ko at flinex ko ang muscles ko. Binato naman ako ni Lienzo ng 1.5 plastic bottle na walang laman. Ininom na namin.

"Anong bunso? Si Beauty ang bunso, malaki na ako. Pero kasi kuya... wala ka namang pamilya doon. Nanakawan ka pa niyan nung adik mong step-brother. Dito ka na lang," nakikiusap na ang tinig niya.

Umiling pa rin ako sa kaniya. "Kung ako lang, oo gustong-gusto ko rito. Feeling rich ako kapag nasa bahay niyo," sabay pa kaming natawa. "Kaya lang ay nakakahiya kay Tito Louise."

It's so nice to him na patuluyin ako sa bahay na ito. Nakakahiya naman kung abusuhin ko at dito na talaga ako tumira ng tuluyan.

"But Kuya---"

"Bakit nahihiya ka sa akin, Jeremy?" Nakangiting tanong ni Tito Louise, tatay ni Lienzo. Napakamot ako sa batok dahil narinig niya pala ako. "Mas gugustuhin kong dito ka tumuloy. Parang anak na rin naman kita at inalagaan din kita dati nung bata ka pa. Kapag nadalaw ka sa amin ng mommy mo."

May accent ang pag-Tatagalog ni Tito Louise dahil half Spanish siya. Hindi na nag-asawa pa si Tito Louise dahil busy siya sa mga negosyo nila. Imagine? He is running the biggest company in this country.

Pero ang sabi ni Lienzo... hindi raw siya makamove-on kay Mommy.

Sana ay hindi iyon totoo dahil kawawa naman siya. Masaya na si Mommy at dapat masaya na rin siya. No man deserves to live in the past, ganoon din sa babae. Kaya tayo nabubuhay ay para sa ating present at future, hindi para sa past.

"Pero Tito--"

"You're a family, Jeremy. Kapatid ka ng anak ko at kung pwede nga ay daddy na rin ang itawag mo sa akin," natawa siya. "Pero siyempre, huwag. Matampuhin si John."

Nagtawanan kami dahil doon. Sa kanila na nga ako tumira nang tumagal. Aaminin kong mas kumportable ako rito kesa sa bahay.

Kaya lang I still have nightmare,  binabagabag pa rin ako. Araw-araw akong gumigising ng madaling araw at pawisan. Tinuturo sa akin ng panaginip ang isang babae, at pakiramdam ko ay kailangan ko siyang makilala.

At the age of 20, I decided to find the woman in my dream. Noong naging first lieutenant na ako, I decided to seriously find her. Even if I am clueless, I don't even know her name, or if she really exist in this lifetime.

Basta ang alam ko, asawa ko siya sa past life ko at dapat hanapin ko siyang muli kung nabubuhay man siya sa panahon ngayon

Dahil kailangan kong bumawi sa kaniya... dahil ako ang dahilan kung bakit siya namatay dati. I will find you, Clara.

As years passed by, mas lalong lumalala si Dad. I thought makabubuti sa kaniya ang kulungan, but I was wrong. Sa halip na murder lang ang kaso niya, ngayon naman nagdudrugs na siya. Nahawa yata kay Billy, anak ni Tita Zia.

"Dad ano na naman 'to? Tinutulungan kayo namin ni Lienzo na humanap ng magaling na abogado pero bakit niyo dinadagdagan ang kaso niyo?" Inis na sabi ko sa kaniya. Dinadalaw ko siya ngayon sa kulungan at halatang namamayat na siya. Dahil sa droga at kakulangan sa pagkain.

"Maniwala ka, wala akong magawa. Papatayin ako ng mayor dito kung hindi ako sumali sa kanila," palusot niya na baka naman totoo. Napapikit na lang ako. Tumango ako sa kaniya.

"Gawin mo ang lahat para maiwasan mo 'yan. Gagawin ko ang lahat para makaalis ka rito," sabi ko. Tatayo na sana ako pero nagsalita na naman siya.

Imagine, even if it seems impossible dahil nahatulan na siya, I am doing my best to help him out of this jail yet he's doing immoral things. Hindi biro ang ginagawa ko para sa kaniya. Alam kong kahit sinong anak na nagmamahal sa kaniyang mga magulang ay kayang gawin ang ginagawa ko. Ang hindi sukuan ang mga magulang.

"Kasalanan ito ng mommy mo eh," seryosong sabi niya. Hindi ko nagugustuhan ang pananalita niya. "Kung hindi niya ako iniwan noon, hindi ko sana makikilala si Gemma, hindi sana ako makakapatay. Hindi ko rin sana makikilala si Zia na adik!"

Wala na talaga si Daddy. Kailangan ko siyang mapalaya bago pa siya tuluyang maging lulong sa droga. Talagang sinisi pa niya si Mommy na nanahimik.

Dahil stress ako ngayon sa kalagayan ni Dad, nagtext ako kay Lienzo na kay Mommy muna ako uuwi. Kahit naman siguro galit si Tito kay Dad, hindi naman niya ako itatakwil. Anak pa rin naman ako ni Mom.

Nang makarating ako sa bahay nila Mom, may bisita sila. Mga kaibigan daw ni Beauty. Pinapasok ako ni Tito. Cold nga lang siya sa akin pero ok na 'yun kaysa hindi ako patuluyin dito.

"Naku, anak. Patawarin mo si Mommy kung hindi na kita naasikaso," nakangiting sabi ni Mom habang nasa kusina kami. Umiling lang ako sa kaniya.

"Malaki na ako, Ma. Kaya ko na po," nakangiting sabi ko.

"P-pero kahit nung bata ka pa... napabayaan na kita," nanghihinang sabi ni Mommy. Totoo naman. Kahit na bumibisita siya sa akin o kahit na sa kaniya ako tuwing weekend, parang kulang pa rin.

Hindi ako ganoon ka-close sa kaniya, hindi gaya ng ibang mga bata sa kanilang nanay. Hindi ko kayang i-open up sa kaniya ang mga problema ko. Wala lang, parang nahihiya ako sa sarili kong nanay. Nasanay na lang din ako na ganito. Sa totoo lang, naiinggit ako sa mga mommy's boy, kahit ginagawa silang katatawanan ng iba.

Magsasalita pa sana ako pero may nakaagaw na ng atensyon ko. Ang babae mula sa panaginip ko. Kamukhang-kamukha niya si Clara, mula ulo hanggang paa. I was mesmerized by her beauty. Seing her is so surreal.

Her hair is kinda curl and black. Umaabot ito hanggang dibdib. Makinis ang maputi niyang balat. Matangos din ang ilong niya at mapupula ang mga labi niya. Para naman akong nalulula sa kaniyang mga mata dahil malalim ang mga ito at sa tuwing napapatingin ako sa kaniya ay kakaiba at pamilyar ang nararamdaman ko.

"Mommy Carlotta, uwi na po kami ni Mara," sabi ng babaeng mula sa panaginip ko na kitang-kita ko ngayon. Sa harapan ko mismo. Kahit 'yung boses niya, walang pinagkaiba sa panaginip ko. Hindi ako nag-iilusyon.

Nagpunas si Mom ng luha sa mga mata niya. "O sige, mag-iingat kayo ah? Beauty, ihatid mo sila Claire," sabi ni Mommy.

Claire. Claire ang pangalan ng babae sa panaginip ko. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalayo sila.

Dahil nangako ako sa sarili ko na hahanapin ko siya, nahanap ko na nga siya, but I think it's not enough. It might sounds crazy but I stalk her. Well, to clear my self, I am not a stalker but this girl named Claire is different. I think that we have a connection that's why I did everything to know more about her.

Napag-alaman kong kaibigan at kaklase siya ni Beauty. Tinanong ko kasi iyon kay Mommy noong araw na iyon nang pasimple para hindi siya maghinala.

"Who are them, Mom?"

"Kaklase at kaibigan ni Beauty. Kain na 'nak,"  she replied.

You won't believe it, I am here at the front of Tito Louise's university, where Beauty and Claire are studying. Sa tawid pa ako ng school dahil ayaw kong makita ako ni Beauty o ni Lienzo rito, lalo pa't hindi naman sila ang pinunta ko rito.

Nakita ko ang palabas na si Beauty kasama ang dalawa niyang kaklase, one of them is Claire at nagtatawanan sila. Binuksan ko ang bintana upang marinig ko ang usapan nila. Hindi sa pagiging tsismoso, I was just curious about Claire.

"Tehh! Ayun oh pogi!" Sigaw ni Beauty. Napakunot naman ang noo ko dahil iyon pala ang pinagkakaabalahan ng kapatid ko. I thought she's an honor student. Dinuro pa talaga ni Beauty 'yung lalaki.

"Stupid, you're so loud! Baka marinig tayo! Tinuro mo pa talaga," Natatawang sigaw ng kasama niyang babae na pinakamaliit sa kanila pero hindi naman gaano dahil halos magkakasing-laki lang sila. Nakasalamin ang babaeng ito. Bakit kaya sila nagsisigawan eh magkakalapit lang sila? Mga kabataan talaga.

"Sorry!" Ginalaw-galaw ni Claire ang hintuturo niya na para bang sinasabing 'no' "taken na ako at wala nang mas popogi pa kay Sir Lienzo!"

Si Lienzo? It means na boyfriend niya ang kapatid ko? Ang alam ko bawal iyon ah? At tsaka ang sabi niya sir daw, bakit sir pa rin ang tawag niya? Inilapit ko ang tainga ko sa bintana upang mas marinig pa sila.

"Assumera naman 'to! Kayo ba 'te? Student lang tingin no'n sa'yo," sabi ng babaeng kasama nila.

"Oo nga! Ang mabuti pa, tumawid na tayo sa mall at maghanap ng pogi! Nagsasawa na'ko sa mga mukha ng kaklase natin. Ang papanget!" Sigaw ni Beauty at inakbayan ang dalawang kasama siya dahil siya ang nasa gitna at naglakad na sila palayo.

Napailing na lang ako dahil iyon pala ang inaatupag ng kapatid ko. Gustuhin ko man siyang lapitan at pagsabihan kaya lang baka mahalata nila ako at ayaw ko pang magpakita kay Claire. Hindi pa ako ready at for some reasons, nahihiya ako sa kaniya dahil parang malaki ang kasalanan ko sa kaniya.

Until one day, napagod na akong pagmasdan siya sa malayo. I decided na magpakita sa kaniya pero hindi magpakilala.

"What's up, Lienzo?" Tanong ko kay Lienzo, pero dahil sa pagod ko sa trabaho, parang hindi ako masayang makita siya, but it's opposite.

"Kuya! It's been a long time!" Nakangiting sabi niya. He's hyper as ever. Yes, it's been a long time dahil hindi na ako umuuwi sa kanila matagal na. Palipat-lipat lang naman ako ng lugar, madalas na camp na ako ngayon.

I am guilty, dahil hindi talaga siya ang binista ko. Napansin ko rin ang pagkailang ni Claire, pero baka dahil kay Lienzo iyon at hindi sa'kin.

Unexpectedly, pamangkin siya ni General Ricarcio at sa kanila ako pansamantalang tumitira dahil gaya nga ng sabi ko, palipat-lipat lang ako. Si General ay parang tatay ko na rin sa trabaho dahil hindi niya ako pinapabayaan. Totoong kapag nawawalan ka na ng pamilya ay makakahanap ka nito sa makakasalamuha mo. Dito ako pinatira ni General dahil malapit ito sa trabaho ko at wala naman daw itong problema sa kapatid niya. Kaya naman ay mas nagkaroon ako ng tsansang makilala siya at ang pamilya niya.

Kapatid niya ang kakilala kong second lieutenant na si Kyrus. They are close pero lagi silang magkaaway, kahit na bihira lang si Kyrus dito because of his duty. Magkatulad sila ni General na minsan lang dito dahil sa iba rin siya nakaduty, bukod doon ay may sariling pamilya si General. Si Tita Gemma ay mabait din. Inaalagaan nita ako na parang anak niya.

"Alam mo, Gabriel, kumain ka nang marami. Magpakabusog ka para malakas. Hindi gagana ang utak mo kung wala kang kain at ang pinaka-importanteng meal ay breakfast," nakangiting sabi niya habang kumakain ako sa lamesa.

"Opo, Tita. Thank you for the meal," nakangiting sabi ko. Kahit mabait sila, hindi naman ako abusado kaya naman ay sa tuwing pay day ko ay nag-aambag ako sa bills.

"Sige na po, Tita, please accept this. Hindi po talaga ako makakatulog kung hindi niyo po tatanggapin ito," nakangiting sabi ko kahit na umiiling at tumatanggi si Tita Gemma.

Si Claire naman ay mas lalo ko siyang nakilala. She's a hardworking student, her family's baby, sweet, ang kind. Kaya naman ay hindi nagtagal, nahulog ang loob ko sa kaniya. Hindi nagtagal, naging kami.

Parang magic nga ang nangyari. Hindi ko rin alam kung bakit parang ang gaan ng loob namin sa isa't-isa. Wala namang kasiguraduhan ang mga panaginip ko, hindi ko alam kung totoo ba iyon pero isa lang ang alam kong totoo, my feelings for her.

"What about your Tita? 'Yung napangasawa ng dad mo? I hope na okay naman kayo? Mabuti naman siguro ang pakikitungo niya sa'yo 'no?" Tanong niya sa akin, one time nang magdate kami sa TGIF, around August kasi Buwan ng Wika and kakatapos lang ng role play nila.

"No, she's mad at me. Galit siya dahil anak ako ni Dad kay Mom at bukod doon, mahal na mahal kasi ako ni Dad tapos ako, galit na galit ako sa kaniya kasi nga pumatay siya kaya galit si Tita Zia sa akin."

"May iba ka pa bang kapatid? Sa Daddy at Tita Zia mo?" It feels so nice that she's curious about my life. She's not the first girl in my life, may pagkaplayboy ako, aaminin ko. Sayang naman kasi ang pagiging gwapong lalaki ko, pero siya ang first true love ko.

"Hindi ko siya kapatid, anak siya ni Tita Zia. I think he's still counted kasi sa amin siya nakatira. Ayun, pabigat sa'min. Bukod sa walang trabaho, adik pa." Now, I'm mad.

"Bakit hindi niyo ipahuli? Gabriel you're an Army, you can do something. 'Yung dad mo nga, naikulong 'yang stepbrother mo pa?" Nakangiting sabi niya but I think she's faking it to light up the mood.

"Ayaw ni Tita Zia, s'yempre. Galit na siya sa akin, ayaw ko rin namang madagdagan ang galit niya sa akin at mas lalong ayaw kong makialam. Magbabago siya kung gusto niya, kung ayaw niya, okay lang." Nagkibit-balikat ako.

"Ano man ang pagsubok mo ngayon, promise malalagpasan mo 'yan. Ikaw kaya si First Lieutenant Gabriel Soriano at makakayanan mo ang lahat ng problema mo ngayon. Nakayanan mo noon, makakayanan mo ulit ngayon."

She is my home. Kahit na palipat-lipat ako ng tinitirahan, 'yung sarili naming bahay hindi ko maramdamang tahanan pero siya, si Chloie. She's my home. Kaya naman ay sobrang saya ko na nakilala ko siya at nagtagpo muli ang aming landas.

Kaya lang ay gaya noon, hindi madali ang aming sitwasyon. My father killed his father and I was so mad and hurt the moment I knew about it.

"Kung ganoon, General, ayaw ko na pong manirahan dito. Nakakahiya po sa inyo at sa pamilya ni Chloie," tulalang sabi ko habang nasa kampo kami ni General. Tulala rin siya ngayon dahil ngayon niya lang din nadiskubre ang bagay na iyon. Tinapik niya ang balikat ko.

"Ano ka ba, Soriano? Ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak. Wala kang kasalanan kaya mag-stay ka muna kay Gemma. Ako na ang bahala rito," napakamot siya sa batok.

"Dapat pong malaman ito ni Tita Gemma--"

"Masasaktan 'yung kapatid ko, Gabriel," seryosong sabi niya at napatingin na siya sa akin. "Hangga't maaari ay ayaw kong malaman niya ito ngunit walang lihim ang hindi nabubunyag kaya naman ay balak ko itong itago hangga't kaya ko. Ayaw kong masaktan si Gemma."

Nakokonsensya na ako. Gusto kong sabihin kaya lang ay ayaw kong pangunahan si General. Bukod doon ay wala rin akong mukhang maihaharap kay Chloie. Hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan ko. Nalaman niya na ang totoo.

"Y-you told me na may pinatay ang tatay mo, Gabriel. Alam mo ba kung sino?"

Tumango lang ako at hindi na nagsalita. I looked away because I am ashamed of myself. Ito na ang kinakatakutan ko at baka ito na rin ang katapusan namin.

"Sumagot ka! Hindi 'yung tango ka lang ng tango!" Bulong pero mariin ang pagkakasabi ko sa kaniya no'n. "Sino ang pinatay ng tatay mo noon ha? Bakit hindi mo sabihin kung sino?"

"Si General Eduardo Broñola."

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Napakaimportante nito, Gab! Bakit kailangang ito pa ang lihim mo?"

Iyon ang simula ng lamat sa aming relasyon, and I thought it's the biggest problem in our relationship but I was wrong. I am definitely wrong.

Si Lienzo, 'yung mabait kong kapatid, yung laging nariyan para sa akin. He was killed by my father. Actually, it was supposed to be my girlfriend but Lienzo, being a hero, he saved my girl but of course I am so sad because of that. I lost my only brother.

"T-tito I'm so sorry. I-I know what my that did was unforgivable and I shouldn't be here, the audacity of me to attend my brother's burial--"

"Gabriel, mahsahket," nahihirapang sabi ni Tito Louise dahil bukod sa may accent siya, lumuluha siya. Pinunasan niya ang luha at sipon niya. "But I know you. You are kind. You are like my son also and it's not your fault. Same with the student, Broñola, it's not her fault. It's your father's, and Lienzo also. Bahket ba napakabait niya?"

Natawa siya pero may halong sakit iyon. "Mana po kasi siya sa inyo," mas lalo siyang natawa pero hindi ko magawang ngumiti. Habang-buhay kong dadalhin ang trahedyang ito.

Hindi pa roon nagtatapos ang trahedya sa buhay namin dahil umabot sa puntong si Tita Gemma, pinatay niya si Dad. Hindi ko siya masisisi, pero nagagalit pa rin ako sa kaniya lalo pa't wala siyang karapatang patayin si Dad. Yes, my dad's a criminal but he still has a right to live, in prison at least.

But I have a realization. Maybe we're not destined. Ginagawa ng tadhana ang lahat para maghiwalay kami ni Chloie. It's sad but it's true. I am not sure pero parang hiniling ko rin naman sa past life ko na hindi kami muling magtagpo ni Claire. Parang iyon ang napapanaginipan ko.

"LET'S break up, Gabriel," malamig na sabi niya habang nasa park kami malapit sa city hall kung saan dinala si Tita Gemma kanina. Dumating na ang araw na inaasahan kong mangyari, pero ayaw kong mangyari. Expected na ito dahil sa nangyayari sa amin.

"What. Iiwanan mo rin ako, Chloie," walang ganang sabi ko. Para na nga rin akong walang buhay kahit na masaya naman ang mga nakapaligid sa amin since we're at the park with kids.

"Gabriel Jeremiah, masakit na kasi! Masakit na 'yong Daddy mo, pumatay sa papa ko. 'Yong Mama ko, pumatay sa Daddy mo. Hindi ka ba nasasaktan?"

"Nasasaktan, but I don't want to let you go."

"Nakakayanan mo bang ang girlfriend mo ay ang anak ng pumatay sa Daddy mo?"

"Oo." This time, tiningnan ko na siya. Kanina pa kasi ako hindi makatingin sa kaniya. "Basta ikaw. Basta ikaw 'yong girlfriend na 'yon, okay lang. Walang problema."

"Ako, hindi," walang-awang sabi niya. Her lips are telling the truth but her eyes are lying."Hindi ko kaya na ang boyfriend ko ay ang anak ng pumatay sa papa ko."

Hinawakan ko ang mga kamay niya."P-pero 'di ba dati kaya mo naman?" Hinalikan niya ang kamay ko na mas lalong nakapag-paiyak sa akin. Natatakot akong baka hindi ko magawa ang dapat. "Hindi ba dati pinaglalaban naman natin?"

"Hindi ko pala kaya! Sa una, pinipilit kong kayananin pero habang tunatagal, sumasakit. Habang tumatagal mas lalong mahirap. This incident? Papatunayan nitong we can't be together, Jeremy!"

"But why?" My tears betrayed me and fell. "Malapit na ang anniversary natin, Chloie. Bakit ngayon pa?"

"We already try this love before, Jeremy but we failed. I don't want to repeat the history, Jem. I hope this would be the end." I didn't expect that she know our past, but I am not sure that's why I pretend.

"What are you saying? We haven't meet before..."

"Siguro hindi mo ako paniniwalaan but the truth is matagal na tayong magkakilala, Jeremiah. Bago pa dumating ang mga Hapon dito. Panahon pa ni Rizal, magkakilala na tayo. I fought for you before, Love, but I failed. Pinaglaban kita sa mga magulang ko, pero wala. Natalo pa rin ako kasi ako lang 'yong lumaban noon. Ako lang ang lumalaban para sa pagmamahalan natin dahil iba 'yong pinaglalabanan mo. Iba 'yung priority mo at hindi ako 'yon."

"I can't understand you."

"Why don't you read the book Mi Amore by Graciano Del Pilar? Pinabasa 'yan sa amin noon ni Sir Lienzo. Baka maliwanagan ka rin tulad ko." Kinuha na niya ang sling bag niya. "Good bye, Jeremy."

But as days passed by, I realized that I should accept our situation. I should accept that she's not for me and I am not for her. Maybe these problems are the signs that we should break up. After all, she died before because of me.

Dapat magpakalalaki na ako at huwag magbulag-bulagan kaya naman the day na inilibing si Lienzo, I talked to her for our closure.

"Anong nangyari sa atin, Claire? Bakit tayo naghiwalay?" For some reasons, nahihiya akong lumapit sa kaniya but I should. I want us to have a proper closure.

"Alam mo kung anong dahilan, Gabriel. It can't be. We can't be together." She faked a smile.

I can't look in her eyes that's why I looked away. "Why? Is it because of our parents? Or is it because we're not meant to be? We have a tragic past? You really that I didn't know what our past life is?"

I should tell her the truth before we part our ways. Ewan ko ba kung bakit mas sinasaktan ko pa ang sarili ko at kung bakit ko pa inopen-up iyon. Basta't alam kong ito ang tama

"What do you mean?"

"Alam ko, Chloie. Lahat. Bago pa tayo magkita." Parang huminto ang mundo at kaming dalawa lang ang nandito. Hindi ko napapansin ang ibang taong nakipag-libing kay Lienzo dahil siya lang ang importante ngayon.

"A-alam mo?"

"Yes. The reason why I want you to be mine, again. Although mahirap but if you really love someone gagawin mo ang lahat para mapasa'yo siya."

"Pero kapag ayaw na ng taong mahal mo, hindi na para pilitan mo siya," mariing pagkakasabi ko and I looked directly in her eyes. I stared at her. "Hindi na para pilitan kita Chloie. Lalo na't alam ko ang dahilan mo."

Hindi niya na rin napigilan ang luha niya. She wear her sunglasses although I already saw her tears. "Ang tanging hiling ko na lang ay ang lumigaya ka. I swear, I will be the happiest man alive if I saw you really happy with your life. I wish the best for you. Sana, sana makapag-asawa ka ng hindi gaya ni Gabrielo," natawa ako. "Sana 'yong papakinggan ka, all the time. Sana 'yong ikaw 'yong laging uunahin at hindi ang kasakiman."

"Stop it! You're not that bad!" She shouted.

"No, I was. I was really bad. The reason why you commit suicide. The also reason why..." napahinto ako at napakamot sa batok at natawa. "I have this bullshit life now."

"Gabriel Jeremiah!"

Tumingin ako sa kaniya at sincerely na ngumiti. "I think this is the last. 'Wag ka nang magpapakita sa akin ah? Babawiin kita sa mapapangasawa mo," natawa siya.

"Good bye, Chloie Clairenece. I love you."

Para kang asukal
Singtamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko, ikaw ang nagpinta

Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot
Na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot

Kaya't 'wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala

Kung hindi man tayo hanggang dulo
'Wag mong kalimutan
Nandito lang ako, laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

That was our last encounter. I never heard any news from her after that. I guess this is our ending. It hurts, of course, but at least she won't commit suicide like before. At least, she saved herself from me. I am the real bad guy here, not my dad.

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 329K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
41.9K 1.6K 32
WATTYS 2018 BOOK WINNER✔️ Nobody knows, but I am dead.
25.2K 991 25
✏Three Mafia Heiress:Season 2[The First Installment of Heiress Series] ✒After the sad ending of the First Season,the Three Heiress embark to a new jo...
628K 35.2K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...