Crush Mo Mukha Mo..

By theNidas

9.5K 557 255

Farm boy.. City girl (na bitch).. More

Author's Note
Chapter 1. Dudong
Chapter 2. The Bitch
Chapter.3 Mango Farm
Chapter 4. Gulat Ka 'no
Chapter 5. Alamat Ng Mangga
Chapter 6. The Bet
Chapter 7. Summer Sunshine
Chapter 8. Ghosting
Chapter 9. Asar Talo
Chapter 10. Sayang 🤣
Chapter 11. Basted
Chapter 12. Tambling
Chapter 13. 18 Roses
Chapter 14. Bye Denise
Chapter. 15 Ria
Chapter 16. Baler
Chapter 17. Elbi
Chapter 18. Won't Fall Again
Chapter 19. Moving On
Chapter 20. Camiguin
Chapter 21. Missing Her..
Chapter 22. Chasing Waterfalls..
Chapter 23. Breaking Bad
Chapter 24. The Letter
Chapter 25. Meeting Him
Chapter 26. Finding Mommy
Chapter 27. Danni's Move
Chapter 29. Going Back
Chapter 30. MAKAKAPATAY AKO!!!
Chapter 31. New Nanay
Chapter 32. Sweet Redemption

Chapter 28. Happy Cal

209 15 32
By theNidas

Lorenzo's POV..

Ahh.. Shiit kang alarm ka..! Oo na.. 5:30am na.. Babangon na ko.. Kahit mahapdi pa mata ko.. Bakit ba kasi alas-dos na ko nakatulog..? Maaga nman akong humiga.. After namen mag-wash si Cal ng mga 9pm, natulog na kami.. Pero hindi ako nakatulog.. Ewan.. Halo-halo ang naiisip ko.. Trabaho, si Cal, yung pagka-miss ko kay Ria.. Pero pinakamakati sa utak, yung nangyari kahapon.. Bakit kilala ni Denise si Ria..? At bakit kilala din siya ni Cal? Ah ewan.. Babangon na ko..

Nagluto muna ako ng agahan.. Yes po.. Ako palagi ang nagluluto ng breakfast namen.. Kasi nahihiya pa din ako dito sa tiyahin ko.. Tsaka every morning, before ako umalis ng bahay papunta sa trabaho, sabay kaming nagbe-breakfast ng anak ko.. Kasabay na din yung mag-asawa..

Nakabihis na ko..

"Bye Cal.." sabi ko..

And he kissed me sa cheek..

"Tatay, can we go to tita?" tanong nia..

"Sinong tita? Tita Janine?"

"No.. The tita yesterday.."

"Ow.. You mean.. Titaaaa.. Tita Denise?"

"Yes tatay.. I want to see her.."

Napalunok ako..

Lumuhod ako and asked;

"Tell me, how'd you know her?"

"I dunno.."

"What do you mean you don't know?"

"I saw her before.."

"Saan?"

"I dunno.."

Wala na 'to.. Kilala ko' tong anak ko.. Pag nag I dunno na 'to, wala na.. Wala ka ng mapipiga.. Kasi malamang hindi na nga nia maalala..

"Ok.. Pag hindi pa siya bumabalik sa Manila, puntahan natin siya.."

And he smiled.. Tas yumakap..

"Ba-bye tatay.. You take care.."

Medio kumirot yung puso ko.. Yun yung pinakamahalagang ngiti sa buong mundo.. Para saken.. But i know, that smile is missing something.. Oo, ngiti nia yun for me.. Pero hindi siya buo.. Hindi kumpleto..

"Bakit kasi iniwan mo kami Ria..?"

Nakasakay na ko sa kotse.. Nire-rev ko lang para uminit yung makina.. Ay hindi ko pa pala nasasabi sa inio.. Yes.. Nakabili ako ng kotse.. Second hand na Vios lang naman.. Medio mura ko lang nakuha..

So ayun nga no, paalis na sana ako when I saw this woman.. Naglalakad palapit dito sa bahay.. Si Danni..

So ayun, bumaba muna ako..

"Danni?"

"Gudmorning.." nakangiti siya.. Ang cute nia talaga.. Lalo lang siyang gumanda..

"Kamusta ka? What are you doing here..?" tanong ko..

"Aalis ka? Gusto sana kitang makausap e.." she said..

"Uhmm.. May work ako.. Pero sige, go.."

"What time pasok mo?"

"Alas-ocho?"

She looked at her watch..

"Ay.. 7:15 na.. Malalate ka.. Sige na.. Mamaya na lang.." sabi nia..

"No, it's ok.. Walang problema.. Wait.. Gusto mong magkape?"

"No.. Later na lang.. What time ka makakauwi?"

"Mga 4 or 5.. Not sure.."

"Try mong agahan.. Text mo ko pag pauwi ka na.."

"Ok.. You sure? Ayaw mong mag-coffee..?"

"No, dun na lang kina Denz.. Hatid mo na ko pabalik.."

So yun nga, sinakay ko na siya pabalik sa mansyon..

"Hey.. How are you? You're looking good ha.. Namiss kita.."

"Lorenz, bakit ako kinakamusta mo? I know naman na si Denise yung gusto mong kamustahin.."

"Nu ka ba? Wala na kami ni Denz.. Matagal ko na siyang kinalimutan.."

"Is this still because of the dance? Nung debut nia?"

"I don't know.. Siguro.. Basta.. Basta wala na.."

"Lorenz, we really have to talk.. Kasi hindi mo siya binigyan ng chance magpaliwanag nun.. Yung nangyari that night, mommy nia may gawa nun.. Pinilit nia pang labanan, kaso yung hinihintay niang last dance nia, late dumating. Ayun, nagawa tuloy nung mommy nia yung plano.."

Napatingin ako sa kania.. Lalong gumugulo yung isip ko..

"And dapat talaga, agahan mo.. Kasi we really need to talk.. Kasi nga di ba? Yung kahapon.." sabi nia..

"Oo nga.. Halos hindi ako nakatulog dahil dun.."

"Yeah.. Hindi ko din alam kung pano nangyari yun.. Mukha tayong tangang dalawa kahapon kasi clueless tayo.. Pero kinwento na nia saken lahat.. So please, agahan mo mamaya.."

"Hindi ko mapapromise, pero ta-try ko.."

"Ok, dito na ko.. Ang pogi mo jan sa suot mo.. Mukha kang body guard.."

"Polo barong? E ganito naman talaga suot namen sa munisipyo e.."

"Sa munisipyo ka nagwowork? Astiiig.."

"Sira ka.. Sige na.. See you later.." sabi ko.. Then binuksan na nia yung pinto..

"Agahan mo ha.."

"Opo.. Tetext kita.."

Baliw talaga.. Pati 'tong suot ko napansin nia pa.. Pero, naexcite ako bigla.. Ewan.. I don't know kung interesado ba ko sa ikekwento nia.. Or gusto ko lang may kakwentuhan.. Medio naging soloista na ko mula mung bumalik ako dito e.. Kahit sa trabaho, madalang lang akong makipagchikahan..

Kanina pa ko nagda-drive pero parang may nakalimutan ako.. Hindi ko alam kung may naiwan ako sa bahay or what..

And boom! Naalala ko.. Hindi pa ko nakakapag-gudmorning kay Rose Ann..

So pagka-park ko nung car, nagtext agad ako..

"Gudmorning beautiful.. Have a great day..!" sent..

Pero may napansin ako.. Parang lugi ako sa setup namen.. Nagscroll ako dun sa mga past convo.. Almost everyday, nakaka-dalawa o tatlong message ako sa kania.. Pero siya, mga once or twice a week lang magmessage..

Ok lang.. Sobrang busy nia siguro.. Iniisip ko na din nga na dalawin siya sa Manila e.. Kaso hindi naman nia sinasabi saken kung san siya nagsstay.. I mean, hindi nia pa sinasabi saken yung exact address nia..

But to my surprise, nagreply siya agad..

"Hey.. Uwi ako this weekend.. Dalaw kina mama.." sabi nia..

Syempre naexcite ako.. Reply din ako agad..

"Nice.. Can I ask you out then?"

"Two days lang po ako jan e.. Pero sige po, check ko kung kaya.."

Ok na saken yun.. Gusto ko lang siyang makita.. Makasama kahit saglit..

Alas-dos na..

Actually 11am pa lang, wala na kong ginagawa.. Medio mabilis din kasi akong tumapos ng trabaho.. And times like these, usually, nagkakalkal na lang ako ng mga files.. Mga kung anek-anek na pwedeng basahin about my job..

But this time, uuwi ako maaga.. Nagmessage na ko kay Danni..

2:30pm, nagmeet kami ni Danni sa bayan.. Binaba daw siya ni Denise dun..

"Kanina ka pa?" i asked..

"Nope.. Mga 5 minutes.." sagot nia..

"San si Denise?"

"Ewan.. Sabi nia magchu-church daw siya.."

And i brought her dito sa plaza.. Chill dito kasi madaming malapit na resto.. So pinili namen ung medio cozy and relax na ambience.. Finger foods lang tas umorder din ako ng isang bucket na beer..

"So.. How are you? In fairness, lalo kang gumanda ha.." pasimula ko..

"Sus.. Maliit na bagay, Lorenz.. Maliit na bagay.." sabi nia.. Natawa akong konte..

"Yabang ha.. But seriously, how's it going..?"

"Sir, this date is not about me.. It's about you and Denise.. And Cal, i guess.."

And yun nga.. Sinimulan na nia yung istorya.. Pero she started kung pano nila nakilala si Ria.. And i was really amazed.. How small is this world para magkita sila ni Ria..? Nakakatuwang isipin na nagkakilala nga yung dalawang babaeng minahal ko..

So ayun nga, kinwento ko din kung pano kami nagkakilala ni Ria.. Pano ako napadpad sa Camiguin.. And kung anong nangyari kay Ria.. I even told her yung reason kung bakit ako bumalik dito.. And that is, para nga hanapan ng mommy si Cal..

"Dude.. I think it's about time na magkabalikan na kayo ni Denz.. Yung nangyari kay Ria, and the way Cal hugged her yesterday, i think it's a sign na kayo talaga ni Denise.. Nabago lang yung path nio pero kayo pa rin.." sabi nia..

"What do you mean..?"

"I mean, everything was arranged that way.. Na nagkakilala si Ria at Denise.. And bumalik siya sa Camiguin para makita ulit si Cal.. Para pag balik mo dito, makilala ulit siya ni Cal.."

"Oh, like God's grand scheme.."

"Exactly..!"

"So you're also saying na part nung plano na yun is mamatay si Ria? Ang galing ha.." sagot ko..

"Lorenz, that's not what i mean.. Perhaps, it was actually arranged that way.. Na hanggang dun lang si Ria.. And God is now granting her wish na mahanapan mo ng magiging mommy si Cal.. And that's Denise.. Hindi mo ba nakita yung smile nilang dalawa kahapon.. Like they're real na magnanay.."

"Nope.. Nope.. Si Ria lang ang mommy ni Cal.. Wala ng iba.."

"Ok.. So ano pala yung reason mo at nandito ka..? Sabi mo hahanapan mo ng mommy si Cal.. Pero pag nahanap mo na, hindi mo pa rin siya ituturing na mommy nia.. Kasi si Ria lang ang mommy.. Do you think, may babaeng papayag dun..? Medio tanga ka sa part na yun ha.."

Natameme ako dun.. Oo, hindi ako nakaimik.. Hindi ko rin kasi inisip yung salitang bibitawan ko.. Ang tanga ko nga..

"Ok, sorry.. I should've not said that.. Ano lang kasi.. Parang hindi ko matanggap na si Denise yung gusto mong maging mommy ni Cal.. After everything she's done to me.."

"Ok.. Let me tell you the whole story.." sabi nia..

And kinwento nga nia lahat ng nangyari nung gabi na yun..

"Kaya wag mo siyang sisihin.. Ginawa nia lahat Lorenz.. Ikaw lang ang bumitaw.. Hindi mo siya binigyan ng chance mag-explain.."

And she's right.. Ngayon ko naisip yung mga nangyari.. Bakit nga ba? I guess, sa sobrang sama ng loob ko, hindi ko na din naisip yun.. Ayan, nagagalit na din tuloy ako sa mommy nia..

Huminto ako sa tapat ng gate ng mansyon.. Past 7pm na..

"Hey Danni.. Thanks for everything.. Kelan ka ba babalik ng Manila?" i asked..

"Baka sa Friday pa.. Sabay na din ako kay Denz.."

"Oh.. Ok.. Kamusta mo na lang ako sa kania.."

"Anong kamusta..? Why don't you drop by now..?" sabi nia..

"Nope.. Next time na lang.. Hinihintay na ko ni Cal.." sagot ko.. But right after i said it, nakita ko si Denise, hawak nia si cal sa kamay at papalapit sila..

"O-M-G.." si Danni..

So bumaba ako ng kotse.. At mabilis na tumakbo saken ai Cal..

"Im sorry, pinuntahan ko siya kanina sa inio.. Hiniram ko muna.." sabi ni Denise..

Ewan ko kung dapat ba kong magalit or natutuwa ako kasi nakikita kong komportable sa kania 'tong anak ko..

"Kanina pa ba siya dito?" i asked..

"Mga 2hours na.. Sabi ko sa tita mo, you'll just pick him up here.. Pinakain ko na siya kanina pero konti lang kinain nia.. Hindi yata sanay na hindi ka kasabay.."

"Hey, thanks.." yun lang nasabi ko.. Medio naiilang pa din ako..

Tas kinarga ko na si Cal..

"Bye bye tita.." sabi ni Cal.. Nagflying kiss pa..

"Bye baby.." sagot ni Denise..

"Come again tommorow tita.."

"Sure baby.. Kung payag yung Daddy mo.."

Napangiti ako..

"Tatay.. We'll go out tommorow.. Please.." sabi ni Cal..

And who am I para tanggihan siya..

"Let's see tommorow.."

"Hey, Danni.. Thanks ulet.. Ma'am Denise.. Thank u po.." pahabol ko..

"Tatay, I like Tita Denise.." si Cal..

"Pano mo nasabi?"

"She takes care of me.. She's mabait.."

"Talaga?"

"Yes, tatay.. I want to see her everyday.."

"Edi bukas, pasyal ulit kayo.."

"You come with us, tatay.."

"May work ako anak e.." sagot ko..

"Pleeeeaaaasssee.."

"Sige, if by Saturday and she's still here, then I'll come with you.. Pasyal tayo.."

"Yeeeyyy.. Labyoo tatay.." at biglang tumayo sa upuan para magkiss saken..

"O, matumba ka.." napamenor ako bigla..

Sobrang lambing nitong anak ko..

And right now, parang kinukurot ang dibdib ko kasi nararamdaman kong masaya siya.. I know nageenjoy siyang kasama si Denise..

Ano nga kaya? Pormahan ko na ba ulit si Denise? Pano??

Next day, it's the same.. Dinaanan ko ulit si Cal sa kanila.. Ewan ko pero parang ang saya ko kasi nakikita kong masaya yung anak ko.. Pero gusto ko din siyang pigilan.. Kasi malulungkot siya pag bumalik na si Denise sa Manila..

But that Friday, hindi ko inexpect na papadaanan ulit siya saken sa mansyon..

"Hey.. Ahhh.. I thought ngayon ang balik nio ni Danni sa Manila..?" tanong ko kay Denise..

"Uhhhmm... Yeah.. Ngayon sana.. Kaso, nakiusap saken 'tong poging 'to e.. Magstay pa daw ako hanggang bukas.. Papasyal daw kami.. So pinauna ko na munang umuwi si Danni.." sagot nia.. Karga nia si Cal.. Tulog na..

Napakunot yung noo ko.. And then, naalala ko yung promise ko sa kania.. Na mamamasyal kami sa off ko..

"Ok.. Promise ko sa kania yun e.. Papasyal kami.." sabi ko habang dahan-dahan kong kinukuha from her si Cal..

Pinwesto ko na siya sa backseat.. Ayaw nang gumising e..

"Pinakain ko na siya kanina.." si Denise..

"Thank you.. So i guess, kasama ka namin bukas..?" i asked..

"Uhmm.. Kung ok lang sayo.." sagot nia..

"Calvin likes you.."

Then, ngitian lang..

"We'll pick you up tommow.." sabi ko..

"Yes po.." :)

The next day, dinaanan namen si Denise sa mansyon around 8am.. We're going to Hundred Islands sa Alaminos..

Now this is kinda awkward.. Last time na nandito kame, medio memorable din e.. But this day is for Cal..

We spent the whole day swimming.. And i couldn't be happier.. Seeing my son being so happy for the first time.. Can't help my self taking pictures of them.. Para silang magnanay.. Hindi ko rin tuloy maiwasang isipin si Ria.. Nalulungkot ako bigla..

Nasa byahe na kami pauwi before dumilim.. Until my phone rang.. Si Rose Ann..

"Hello..?"

"Hi.. Lorenz.. Please pick me up here sa terminal.. Wala akong masakyan and medio madami akong dala.. Please.."

"Uhmm.. Nasa byahe ako e.. Baka mga 45minutes pa before ako makarating jan.."

"Anu ba yan? Sige sige maghahanap na lang ako ng iba.. Bye.." sabay baba nia..

I know narinig ni Denise na babae yung kausap ko.. But she chose not to ask kung sino yun..

"So.. Byahe ka na bukas?" i asked..

"Yes.. Alis ako ng morning.."

"Mamimiss ka nian.." pertaining to Cal.. Bulagta na siya.. Nasa lap ni Denise..

"Mamimiss ko din siya.. Mapapadalas ang uwi ko nito.." she said..

Napangiti ako.. Naguguluhan na ko.. I won't deny na nagagandahan pa din ako sa kania.. Kaso, iba na ngayon e..

Medio binagalan ko nung malapit na kami sa terminal.. Baka sakaling maabutan ko pa si Rose Ann.. Pero wala na..

Then I dropped Denise sa gate nila.. Medio ayaw pang bumitaw ni Cal nung nakamalay siya..

"Baby, I'll be here ulet.. Perhaps next week.. Pasyal ulit tayo.. Promise.." Sabi nia kay Cal..

"Next week, you promise?" si Cal..

Tumingin muna saken si Denise..

"Yes.. I promise.."

"I love you tita.."

"I love you too, baby.." then kiniss nia si Cal..

*******TEASER*******

Lorenzo's POV

I was driving home when i heard Cal's voice.. He's shouting at me..

"Tatay!!!" and to my surprise, she's with Denise.. I get off the car..

"Hey.. Bakit parang ang bilis.. Wala pang 1 week ah.."

"Uhmm.. Nagresign na ko.. Dito na muna ulit ako sa farm.. Kailangan daw ni Papa ng katulong.. And.." pabitin nia..

"And..? What?" i asked..

"I wanna take care of this boy.." she answered..

*****Isa pang TEASER*****

Lorenzo's POV..

"Could you pick me up here, sa terminal..? Please.."

"Hey.. Ahh.. Sure.. Papunta na ko.."

After 15minutes,we're on our way na sa bahay nila..

"I thought next month ka pa makakuwi ulet..?" i asked..

"Nagresign na ko.. Medio burned out na din ako.. Magbi-business na lang siguro ako dito.. And para din maalagaan ko si Cal.."

"DEDS.." 😖😖😖

================================

A/N

Sori po talaga.. Natagalan 'tong update.. Babawi po ako.. Pramis..

Continue Reading

You'll Also Like

172K 5.6K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
1M 32K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.5M 33.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...