Chapter 8. Ghosting

259 19 4
                                    


Friday..

Ito yung araw na ayaw ko sanang dumating.. Olats 'to e.. Haharanahin ko si Denise.. Pero ang pagkakaalam ni Chad, siya yung poporma.. Tas sinabi ko pang si Danni yung haharanahin ko.. Ewan.. Bahala na..

Pero..

"Babe. Wag na pala kayong tumuloy later. Wala kami sa bahay. Punta kaming Baguio. Pagbalik na lang namen." message saken ni Denise..

Yahahahahahaha.. Orayt..

"Ganun ba? Ok.. Magingat kayo.. Enjoy.." reply ko..

"Chad! Chad! Abort mission tayo.. Wala daw sina Denise jan.. Pupuntang Baguio.." sabi ko..

"Talaga ba? Tangina.. Hindi nga?!" halatang frustrated siya.. Kahapon pumunta siya ng bayan.. Bumili ng bagong set ng kwerdas ng gitara.. Bumili ng pabango at gel.. Hahaha.. Olats..

"Oo brad e.. Ito yung text o.." sabi ko.. Ipapakita ko sana yung message ni Denise.. Pero before ko pa inabot, naalala ko bigla yung message..

"Ay nadelete ko na pala.. Puno na inbox e.." sabi ko.. Sheeet.. Muntik na yun.. May "Babe" nga pala dun sa message..

Hahaha.. Badtrip talaga si Chad.. Ilang araw niang pinagpraktisan yung gagawin nia sana..

So no choice.. Balik bukid muna ako.. Tatapusin ko na yung mga natitirang gawain sa palayan..

Next week, mage-enroll na ko..

**Denise's POV**

Friday morning..

"Denz.. Come here.." tawag saken ni Pao.. Nakahiga pa kami sa bed.. Yep, 8am na pero tinatamad pa din kaming bumangon.. Si Danni tulog pa.. Nasa baba si Pao ng kama namen.. May sarili siyang mattress.. Kami ni Danni ang magkatabi..

So gumulong ako pababa ng kama, pabagsak sa mattress ni Pao..

"Whhhaaaatttt?" medio slurry pa ko magsalita.. Inaantok pa ko..

"Kausap ko kanina si Dom (Ka-MU nia)" simula nia..

"Sinong Dom? Pinsan ni Lance?" tanong ko..

"Oo.."

"Ok.. So?"

"Nasa Baguio daw yung family nia ngayon.." sabi nia..

"O e ano naman? Gusto mong sununod? Sunod ka na.." sabi ko..

"Tara.. Punta tayo.. Pahatid tayo kay tito..

"Ayoko.. Kayo na lang ni Danni.. Malapit lang nman Baguio dito.."

"Malapit lang ba?"

"Oo girl.. Isang sakay lang.. Madaming dumadaan dito sa Sison going to Baguio.."

"Sure ka ayaw mong sumama?" tanong nia..

"Ayoko nga.. Papasyal na lang kami ni Lorenz.." pagtanggi ko..

"Kasama ni Dom si Lance ngayon.. Kausap ko sila kanina.. Sunod daw tayo.. Sabi ni Lance, gusto ka daw niang kasama mag stroll sa Baguio.." sabi ni Pao..

At biglang nawala yung antok ko..

Kasama pala si Lance.. Ex-boyfriend ko.. First love ko.. Bakit ba ganito? Pag nababanggit si Lance, nagiiba mood ko.. Hindi pa rin ba ako nakakamove on? Mahal ko pa rin ba siya? After nia kong lokohin.. After niang makipagbalikan dun sa ex nia.. No! Ayoko..

"Kayo na lang girl.. Tinatamad ako.." sagot ko..

"Wow.. So i guess si Lorenz na talaga?" tanong nia..

Crush Mo Mukha Mo.. Where stories live. Discover now