Chapter 9. Asar Talo

279 20 3
                                    

Nag-enroll ako sa Pangasinan State University.. And since wala akong maisip na magandang course, pinili ko na lang yung alam kong mage-excel ako.. B.S. Agriculture.. Hehe..

Full scholarship ang nakuha ko.. May monthly allowance.. Kasama yung board and lodging..

Nagpa-alam ako kina Tiya Agnes at Tiyo Lando na aalis na ko sa bahay.. Nagpasalamat ako sa pagkupkop nila saken sa loob ng mahabang panahon.. Nalungkot din si Chad kasi mula pagkabata, kami na magkasama.. Ngayon, iiwan ko na siya.. Sa malapit lang kasi siya nag-aral.. Kung saan daw makakatipid..

Si Denise..? Ewan ko.. Wala na kong balita.. Nagtext pa ko sa kania, siguro mga twice.. Pero hindi na ko nakareceive ng reply..

Honestly, it sucks.. Tangina.. Padelight.. Aaminin ko, na-fall ako.. Somewhat, umasa.. Kala ko nga kami na e.. Tas ganun lang.. Isang tulog lang, biglang nawala..

Badtrip.. Actually, pag naiisip ko yun, nasisira araw ko.. Hindi ko alam kung gusto kong gumanti, yung siya naman papa-fallin ko tas iiwan ko.. Or magpapakita ako na may gf na ko.. Pero kahit ano pa gawin ko, olats talaga ako.. Napaglaruan ako ni Denise..

Ok naman yung college.. Medio chill pa nga 'to kesa sa high school e.. Kaso konti lang kami sa course ko.. Sa buong klase namen, 11 lang kami.. Puro pa lalaki.. Eto pa badtrip, parang ang baba ng tingin nung mga schoolmates namen sa course namen.. Pag may program, madalas kami yung last sa priority.. Hindi kami masyadong pinagaaksayahan ng panahon.. Madalas, niyayabangan pa kami nung iba.. Mga Comp Sci, Business Admin, MassCom.. Ang aangas.. Hindi ba nila alam kung gano ka importante 'tong napili naming course..

Pero kahit ganun, chill lang ako.. Wala naman sa course yan e.. Kung pano mo pagyayamanin yung natutunan mo, yun ang mahalaga.. Yan.. Yan yung sabi nung prof namen.. Para ma-convince kami na hindi kami mag-shift ng course.. Hehehe..

Pero sa totoo lang, sobrang boring nga nitong course na napili ko.. Hehehe.. Mga minor subjects pa lang naman tine-take ko pero syempre konting background sa agriculture.. Mga crops and soils, horticulture, animal science.. Pero wala na e.. Ito na napili ko.. Hindi ko rin sure kung bakit.. Wala naman akong lupang sasakahin..

Ok.. Aaminin ko, may part na gusto ko pa ring magsaka sa Hacienda nina Denise.. Asar! Hindi ako maka-move on.. Baduy no..

Buti na lang maganda pa din mga grades ko.. Nag-end yung 1st year, 1st sem, 1.35 ang GWA ko.. Pasok sa Director's list..

Nag-working student din ako.. Natanggap ako sa isang fastfood restaurant dito malapit sa school.. Sakto naman yung allowance na natatanggap ko mula sa school.. Kaso gusto ko din maka-ipon.. Makabili ng mga kailangan ko.. Kasi balak kong magtransfer sa U.P. Los Banos College of Agriculture pagkatapos ng 2nd yr ko.. Basta maganda daw ang grades ko dito, sila na mismo mage-endorse saken sa UPLB..

Naalala nio ba yung P20k na binigay saken ni Denise? Hindi ko pa ginagalaw yun.. Yung ginastos ko dun sa beach resort, pera ko yun.. Sinabi ko lang dun ko kinuha sa perang binigay nia..

Natapos yung 1st year ko.. Umuwi muna ako kina tiya Agnes.. Bakasyon.. Always welcome naman daw ako sa kanila.. Tumulong pa din ako sa bukid kay Tiyo Lando.. Na-miss ko din magtrabaho dito..

Then one time, naglalakad kami ni Chad.. Dadayo kami ng basketball.. Napadaan kami sa mansyon..

"Lorenz!!!" malakas na sigaw nung babae na nasa may veranda.. Si Danni..

Napahinto kami ni Chad.. At mabilis na tumakbo samen papalapit si Danni..

"Hey.. Danni.. Kamusta ka?" bati ko sa kania.. I'm genuinely happy to see her again.. Mas gumanda siya ngayon.. Dalaga na talaga.. Parang si Kaye Abad.. Pero hindi pa din nawawala yung parang schoolgirl na galawan nia.. Ang ganda ng smile nia..

Crush Mo Mukha Mo.. حيث تعيش القصص. اكتشف الآن