Chapter 1. Dudong

814 26 5
                                    

Si Denise.. Siya yung anak ng may ari nitong sinasaka naming lupa.. Maganda siya.. Sosyalera.. Masungit.. Inglesera.. Oo, mayaman sila.. Sobrang yaman.. Pero mabait yung mga magulang niya.. Kabaligtaran nia.. Nung nagpaulan siguro ng kapangitan ng ugali, nagswimming-swimming pa 'to sa baha..

Ako si Lorenzo, at ikekwento ko sa inio ang istorya ni Denise.. Ang babaeng nagwasak at bumuo ng buhay ko..

2006

Kitang-kita sa mga mata ni Tiya Agnes at ni Tiyo Lando ang kasiyahan nila dahil gagraduate na ng high school yung anak nila.. Actually, ako din gagraduate na.. Yun nga lang, wala na kong mga magulang.. Magkasunod na namatay ang nanay at tatay ko nung 8 years old ako.. Ewan, sabi nila kinulam daw.. Sabi naman nung iba, nagkasakit lang talaga.. At mula noon, kinupkop na ako nila Tiya Agnes at nitong asawa niya.. Mabait naman sila.. Pero syempre, dahil medio hikahos, mahigpit sila sa bahay lalo na sa gastusin..

Sa murang edad, na-obliga akong magbanat ng buto kasi nahihiya din ako sa kanila.. Malayong kamag-anak ng nanay ko si tiya Agnes..
Sumasama ako sa kanila sa bukid.. Nagsasaka ng palayan at taniman ng lanzones at rambutan.. Minsan sa niyogan at manggahan..
Ako lang ang sumasama sa bukid.. Hindi nila sinasama si Richard.. Ayaw nilang napapagod ang anak nila.. Kaya ako lahat ang gumagawa sa bahay.. Nag-iigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy, nagpapakain ng baboy at manok, at nagaalaga sa mga kambing..
Binibigyan naman nila ako ng baon araw-araw.. Bente pesos.. Yun daw yung kinikita ko sa pagtulong sa bukid.. Alam kong maliit yun, pero ayos lang saken.. Laking pasalamat ko pa rin na pinatuloy nila ako sa bahay nila at itinuring na kamag anak.. Mabait sila, pramis.. Hindi naman nila ako minamaltrato o pinagsasalitaan ng masama.. Mas pinipili ko na lang talaga na magkusang tumulong..

Balik tayo sa graduation..
Napansin ko na medio naiirita na si Tiya Agnes kaka-akyat panaog sa stage.. Pang-limang medalya na kasi yung isasabit saken.. Si Tiyo Lando naman ang umakyat nung dalawang beses na sinabitan si Richard.. Top 4 kasi siya.. Second honorable mention..

"Ilang beses ka pa bang sasabitan? Bakit ba hindi na lang isang bagsak para hindi nakakapagod pag-akyat?" iritableng tanong saken ni Tiya Agnes..

"Sorry po Tiya.. Sige po, mamaya yung adviser ko na lang po ang magsasabit.." sagot ko..

Nagawa pa rin naman niang ngumiti sa picture.. Oo, medio nahihiya na din ako kasi pakiramdam ko, mas madami akong kuha sa camera kesa kay Richard.. Mas madaming beses akong sinabitan ng medal e..

"Journalist of the Year.. 4-Sampaguita, Lorenzo Morales..!"

This time, si Ma'am Marayan na yung nagsabit saken.. Siya yung adviser ko..

"Lorenz, mag-apply ka agad ng scholarship ha.. Lahat ng schools sa bayan, automatic na may scholarship sa mga valedictorian.." sabi nia..

"Yes ma'am.. Aasikasuhin ko po agad.." sagot ko.. Yumakap ako sa kania.. Mahal na mahal ko si ma'am Marayan.. Parang nanay ang turing ko sa kania, at anak naman ang turing nia saken..

After ng valedictory speech ko, nagiyakan na lahat.. Mga magulang, mga teachers.. Mga magkakaklase.. Pramis, nakakaiyak din talaga.. Yung mga classmates mo na hindi mo sure kung kelan mo makikita ulet.. Masaya ang high school life ko.. Kahit medio hirap ako sa buhay, nagawa kong maging normal ang pagaaral ko..

Pagdating sa bahay, syempre may handaan.. Para kay Richard.. O siguro, kasama na din ako.. Madaming handa.. Buffet style.. Kanya-kanyang kuha ng pagkain.. Medio madami ding bisita.. Pero nagulat ako nung nakita kong nakapila sina Ser Joaquin at Ma'am Leonor sa mesa para kumuha ng pagkain.. Sila ung mga amo namen.. Yung may-ari ng lupang sinasaka namen..

"Grabe.. Ang down-to-earth talaga nila.. Kahit pinipilit ni Tiya Agnes na siya na ang magseserve ng pagkain nila, mas pinili pa din nung magasawa na pumila.." sabi ko sa sarili ko..

Crush Mo Mukha Mo.. Donde viven las historias. Descúbrelo ahora