Chapter 24. The Letter

244 15 29
                                    

Lorenzo's POV..

Sa wakas.. Nakuha ko na din yung credentials ko.. Ang saya lang.. Naka-graduate na talaga ako.. Pinaghirapan ko 'to.. Sana lang may mga magulang pa ko na pwede kong pag-alayan nitong diploma ko, mga medalya ko.. Ang saya nila sigurong makita ako ngayon..

Nagpaalam na ko kay Ate Jenna.. Yung may ari nung resto na pinagtatrabahuhan ko.. Nagpasalamat dahil sa laki ng tulong nia saken.. Pero nagtatanong pa din siya about Ria.. Hindi ko alam isasagot ko.. Pero ikamusta ko daw siya pag nagkita kami.. Sinabi ko sa kania yung plano ko na pumunta sa kanila..

At heto ako ngayon.. Kakatapos ko lang mag-ayos ng gamit.. Konti lang dadalhin kong damit.. Pang-isang linggo lang siguro.. Kailangan ko lang munang makausap si Ria.. Para maayos namen yung plano.. Kung dun na ba ako magsstay, o babalik siya dito para makagraduate na siya..

Bukas ng umaga yung flight ko papuntang Camiguin.. Maaga akong matutulog..

Kasalukuyan akong nagapapaantok nung napascroll ako sa messages.. May unread message pa ko sa inbox.. Natabunan na.. Mga promo text.. Hindi ko kilala yung number..

"Mahal.. Miss na miss na kita.. Sorry.. Sobrang laki ng kasalanan ko sayo.. Hindi ko alam kung ito na ba ang huling message ko sayo.. Sana hinde.. But whatever happens, know that i love you.. I love you so much.. Thanks for everything.. Please, pumunta ka dito sa Camiguin.. Dalawin mo ko.. Bring me flowers.. Aasahan kita.. Until we meet again.."

Ang weird.. Walang pangalan.. Pero alam kong si Ria 'to.. Ibang number ang gamit.. Chineck ko kung kelan pa' tong message.. Shit! 10/26/2010.. Last year pa? Pero bakit hindi ko nabasa 'to?

Nasan ako nitong date na' to? Ahhh.. Nasa Pangasinan ako nito.. Umuwi ako nung sembreak.. Pero anong ginagawa ko nito..? Kinwenta ko at pilit inalala yung last na uwi ko.. Then I checked kung anong oras dumating yung message.. Ala una ng madaling araw.. Ito yung gabing nag-inom kami ni Chad.. Nung umalis pa ko at bumili pa ng gin.. Kaya siguro hindi ko nabasa, kasi may tama na ko nun..

Inisip ko kung magrereply ba ako.. Tawagan ko kaya? Pero naisip ko din, wag na.. Gusto ko surprise.. Yung bigla na lang nia akong makikita.. Gusto kong makita yung reaction nia..

Bukas na yung flight ko, 9:30am to Laguindingan Airport.. Tas direcho na sa pantalan papuntang Camiguin.. Estimated timeframe, dapat mga 3 or 4pm, nandun na ko.. Kailangan maaga.. Dapat maliwanag pa kasi ipagtatanong-tanong ko pa kung saan yung bahay nila.. Or actually, kung saan yung hotel nila.. Nandun lang naman daw siya palagi e..

Kinabukasan..

Everything went well.. Mga 4:30pm dumaong yung barkong sinakyan ko papunta dito sa Camiguin Island.. And damn! Sobrang ganda pala dito.. Sobrang sariwa ng hangin.. Ang ganda ng mga tanawin..

May tricycle na lumapit saken.. Medio halata naman na turista ako.. Lilinga-linga ako e..

"Sakay ka ser?" tanong nung driver..

"Tres Marias po.." sabi ko..

Nagkasundo kami sa pamasahe.. Medio dulo daw yun.. Malayo kaya medio mahal din ang pamasahe..

Pinadaan ko muna siya sa flower shop.. Buti naalala ko yung bilin ni Ria na dalhan ko daw siya ng bulaklak..

Binubusog ko yung mata ko sa ganda ng tanawin.. Sa mga gilid ng kalsada, may mga nagtitinda ng banye-banyerang malalaking isda.. Tuna yata yun.. May mga basketball court pero walang naglalaro.. Ang lalaki ng mga puno.. Natatanaw yung dagat sa gawing kanan.. Sa kaliwa naman yung kabundukan..

"Ser.. Sarado na yung Marias.. Dun ka ba nagpabook?" tanong ni manong driver..

"Sarado po? Baket?"

Crush Mo Mukha Mo.. Where stories live. Discover now