Chapter.3 Mango Farm

305 22 0
                                    

"Girl, what was that?" si Paola..

"Aliiiinn?" maang na sagot ni Denise..

"Bakit ganun ka kay dudong? Wala namang ginagawa sayo yung tao ah.."

"Wala nga.. Feel ko lang siyang pag tripan.. Sabi nila, mahaba daw pasensya ng mga syano e.."

"Pero napapahiya na sayo yung tao.." sabi ni Paola..

"Ayan tuloy, nabawian ka nia.. God of war pala ha.." si Danni..

"Could you just shut up?" angil ni Denise kay Danni..

"Pero in fairness naman talaga, ang yummy ni Lorenz ha.. Ang smart pa.. Bakit hindi na lang kaya siya ang ipalit mo kay Lance..?" si Paola..

"Nope.. No! No! No! Saken na si Lorenz.." sabad ni Danni..

"Edi sayo na.. Wala namang aagaw dun.. Kadiri.." sabi ni Denise..

"Talaga.. And besides, mahal mo pa rin naman si Lance di ba?" si Danni..

Umirap lang si Denise..

"Try mo kaya.. I think you'll be a cute couple.." si Paola..

"Tumigil ka nga!" si Denise..

"Girl, umamin ka.. Hindi ka talaga galit na minouth to mouth ka nia kanina.." si Paola ulet..

"I'm getting pissed, Pao.. Tama na.." sagot ni Denise..

"Pero kung type mo nga siya, ok lang saken.. Mas bagay kayo.. Promise.." sabi ni Danni..

"Ewan ko sa inio.. Matutulog na ko.."

"Wait Denz.. Pano tayo bukas.. Anong plano..?" si Paola..

"Kayo na lang ni Danni.. Tutal, parang kayo ang may gusto dun sa syano na yun e.. Ayoko ng sumama.." sagot ni Denise..

"Denz, please.. Hindi masaya pag wala ka.. Sama ka na.. Gusto ko pang makapunta dun sa mango farm nio.." si Danni..

"Bahala na bukas.."


Kinabukasan..

"Enchong, agahan mo daw sabi ni ser Joaquin.. Mga alas dos, punta ka na daw dun.." sabi saken ni tiyo Lando..

"Sabi po saken nung anak nia, ayaw na nia daw akong magtour sa kania.. Si Richard na lang po.." sagot ko..

"E ikaw daw sabi ni ser Joaquin e.."

"Tiyo, sama ko muna si Richard.. Uwi na lang po kami ng maaga.."

"Chard, samahan mo daw si Enchong mag-tour dun sa mga dalaga.." sigaw ni tiyo Lando..

"Talaga tay?" excited na tanong nia..

"Oo nga.. Basta umuwi kayo bago dumilim nang maipasok nio yung mga kambing.."

Along the way..

"Brad.. May mga attitude yung mga yun.. Lalo na si Denise.." warning ko kay Richard..

"Ayos lang.. Maganda naman e.."

"Nakita mo na ba yun dati?"

"Oo boy.. Summer yata yun nung 2nd year tayo.. Nagpahandaan jan sa mansyon, tumulong si nanay pagluto.. Nakita ko yun.. Sobrang ganda.. kamukha ni Lana Lang diba?" sagot nia..

"Lana Lang?"

"Oo, yung sa Smallville.. Yung pinapanood naten dun sa bahay nung adviser naten nung 3rd year.."

"Ahh.. Oo.. Si Kristin Kreuk.." sabi ko.. Oo nga.. Ngayon ko din lang naisip na kahawig na kahawig nga ni Denise si Kristin Kreuk a.k.a Lana Lang..

Crush Mo Mukha Mo.. Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ