Chapter 12. Tambling

232 16 0
                                    

LORENZO'S POV..

Kakasimula pa lang ng 2nd sem.. Pero parang gusto ko nang matapos agad 'to.. Una, kasi gusto ko nang makalipat sa UPLB.. Para makalayo naman ako dito sa Pangasinan.. Alam nio yun.. Yung feeling na lalayo ka sa comfort zone mo.. As in completely, magiging magisa ka na talaga.. Dito kasi, 30mins lang, nasa bahay na ulit ako nina Tiya Agnes e.. Sa Laguna, magisa na lang talaga ako.. Walang malapit na matatakbuhan.. Although noon pa naman, pakiramdam ko na, mag-isa talaga ako sa mundo.. Hindi ko naman sinisisi yung pamilyang kumupkop saken.. Hindi ko rin lang talaga maalis sa isip ko yung ganong pakiramdam.. Wala e.. Ulilang lubos na ko..

Pangalawa, gusto ko ng matapos 'tong sem.. Kasi magde-debut na si Denise sa March.. Ayoko mang aminin, pero excited ako.. I mean, hindi ko na itatanggi.. Mahal ko si Denise.. Kahit pa nga naging rebound ako dati.. Nabura na lahat that night na natulog kaming magkayakap.. Kahit hindi natuloy yung ano.. Alam nio na..

Mula nung araw na yun, hindi na kami tumigil sa pagtetext.. Hindi lang araw-araw.. Oras-oras, actually.. Saming dalawa, mas madalas siya yung nagtetext.. Nangangamusta.. Nagtatanong kung kumain na ba ako.. Kung may allowance pa ba ako...

Pero mas gusto ko yung pag nagtetext siya na mag-behave daw ako.. Na wag daw akong titingin sa ibang babae.. Uupakan nia daw ako pag nabalitaan niang may pinopormahan ako dito sa school..

No.. Ayoko pang magka-gf.. Hindi ko pa kaya.. Wala pa kong ipagmamalaki.. Pero ok lang saken na maging exclusive kami ni Denise.. Tangina.. Si Denise yun e.. Dream girl ko talaga yun..

You may be asking, hindi ba ko naturn off dun sa nangyari samen sa Alaminos..? Too aggressive for a girl, right?

Naisip ko din yun.. Pero ako kasi yun.. Saken nia ginawa.. So ok lang saken.. Siguro sa inio, medio over yun.. Kaso nga, may pagka-liberated siya e.. Ewan.. Baka ganun talaga pag sa siyudad ka lumaki at nagka-isip..

"Hi babe.. Gudmorning.. Nu ba yan..? Wala man lang paggudmorning saken.." text nia.. Babe tawag nia saken.. Pero ayoko nun..

"Oi.. Hello.. Magandang umaga, magandang binibini.. Pasensya na po.. Nawala sa isip ko kasi nanghuli pa ko ng palaka kanina.." reply ko..

"Palaka?"

"Oo.. Pinagdadala kami.. May subject kami about animals.."

"Kadiriiii.. Nagbebreakfast pa naman ako.. Eww ka babe.." pagiinarte nia..

"Sorry.. Kain ka madami.."

"Dito ako Mcdo.. Kasama ko si James.. Classmate ko.. Nilibre nia ko.."

"Ok.. Enjoy.."

"Mamaya papasama ako sa classmate ko, kay Hero.. May bibilhin kami sa mall.."

"Ok.. Ingat kayo.."

"LORENZO!!!!"

"Ui.. Baket?"

"Nakakinis ka..!!!! I hate you..!" sabi nia.. Hindi ko alam kung baket..

"Hala.. Bakit ba?"

"Anong enjoy? Anong ingat?"

"Ha? Anu ba sinasabi mo?" wala talaga akong idea..

"Wala akong kasama dito sa Mcdo.. Wala din akong kasama later sa mall..!!!!"

"O.. E ano naman? De magpasama ka.." reply ko..

"My God!!! Lorenzo.. Kahit konti naman pls.. Magselos ka naman.. Pakita mo naman na mhal mo ko.." sagot nia.. O di ba, abnormal?

Tas eto pa..

"Magandang umaga, magandang binibini.." text ko sa kania.. Hahaha.. Oo, ako na nauunang magtext para hindi na nagmamaktol..

"Ewan ko sayo.. Wag mo kong kausapin.. Bwisit ka.." reply nia..

Crush Mo Mukha Mo.. Where stories live. Discover now