Today is the Day

Von Dreamerearth

7K 364 38

"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: Au... Mehr

N O T E
TITD00
TITD01
TITD02
TITD03
TITD04
TITD05
TITD06
TITD07
TITD08
TITD09
TITD10
TITD11
TITD12
TITD13
TITD14
TITD15
TITD16
TITD17
TITD18
TITD19
TITD20
TITD21
TITD22
TITD23
TITD24
TITD25
TITD26
TITD27
TITD28
TITD29
TITD30
TITD31
TITD32
TITD33
TITD34
TITD35
TITD36
TITD37
TITD38
TITD39
TITD40
TITD41
TITD42
TITD43
TITD44
TITD45
TITD46
TITD47
TITD48
TITD49
TITD50
TITD52
TITD53
TITD54
TITD55
TITD56
Wakas

TITD51

61 5 0
Von Dreamerearth

ISINASAWSAW ni Genesis ang kaniyang hintuturo sa mangkok na may lamang suka. Inaya niya akong dumaan sa university at nakapasok naman ako nang ipinakita ko lang iyong ID ko last year. Gusto ko sa labas na lang para hindi na ako pumasok sa loob, kaso biglang kumalam ang sikmura ko nang banggitin niya ang magic word—ang shanghai na ibinebenta sa canteen.

Kahapon pa ako nagcra-crave ng lumpiang shanghai kaya hindi ako tumanggi sa kaniya. Pakiramdam ko kapag kakain ako n'on ay hindi ako sisimangot sa nangyari kanina. Hindi ko naman hinahangad na maisama ang pangalan ko sa topnatch dahil ang gusto ko lang ay makapasa.

Pabigyan sana ako ng tadhana na palarin ako sa journey kong ito. Natutunan kong mahalin ang hindi ko naman gusto. Masasabi ko namang worth it ang pagpapatuloy ko dahil hindi ako nagsisisi. Naging maganda ang result sa akin. Sabi nga nila, lahat mahirap pero natututunan naman.

Muli niyang isinasawsaw ang daliri sa suka sabay dila. Sarap na sarap siya sa suka at namumuti na ang labi niya sa kakasipsip ng kaniyang daliri. “Malapit na ang one o'clock. Wala kang pasok?”

Umismid siyang pumitik kaya tumalsik sa pisngi ko ang suka. Hindi ba siya nababahuan sa suka o naasiman man lang? “Kanina pa dapat ako umalis kung may pasok ako, girl.”

Niyakap ng palad niya ang mangkok at dahan-dahang itinaas ito palapit sa kaniyang bibig. Pumikit-pikit nang bahagya ang paningin ko sa paghigop niya ng suka na ginawang sabaw. Basta kumakain kami ng shanghai ay palagi niyang iniinom ang suka sa mangkok.

Maingay siyang bumuga ng hangin at dumighay pagkatapos. Pinunasan ang labi gamit ang likod ng palad sabay taas ng kilay pagkatingin niya sa akin.

“Araw-araw kang kumakain ng shanghai at iniinom mo palagi iyong suka?”

Nakataas ang dalawang kilay niyang umiling. “Every Thursday lang ako kumakain ng shanghai, girl. Hindi ko naman ginagawang sabaw ang suka. Kalahati nga lang ng sandok inilalagay ko sa mangkok.”

Bago pa niya maisipang umalis, na alam ko namang hindi niya basta-basta ginagawa kahit na madalas siyang magreklamo na ang boring kong kausap ay tiningnan ko siya nang seryoso. Kunot ang noo kong ipinagsalikop ang palad ko pagkatapos kong ipatong sa ibabaw ng mesa ang kamay. “Puwede ko bang malaman kung bakit ka naglasing kahapon?”

May dalawang oras din siyang natulog sa aking kuwarto kahapon. Wala na akong balak gisingin siya at hayaan na lang siyang matulog, pero paniguradong magmamaktol siya kung hindi ko sinunod ang sinabi niya.

Hindi ako sigurado kung ilang bote o baso ng alak ang iniinom niya kada gabi. Madalas akong humahanga sa kaniya dahil kaya niya ang uminom nang hindi agad nalalasing. Masarap naman daw ang alak at subukan ko raw, pero ayaw ko kahit curious ako masyado sa lasa. Amoy pa lang ng alak ay hindi ko na gusto.

Umikot ang mata niya at skaa itinukod ang siko sa mesa saka ipinatong niya ang pisngi sa nakakuyom niyang kamao. “Huwag mo ng tanungin, girl. Madalas naman akong umiinom nang walang dahilan.”

Hindi ako naniniwalang walang dahilan iyong paglalasing niya kagabi. Halatang-halata sa kaniyang may problema. Siguro nainis siya o may hindi nagustuhan.

“Sigurado ka bang okay ka lang? Kahapon kasi parang may—” Tumigil ako sa pagsasalita nang dumako ang mata ko sa pagtikom nang mariin ng labi niya at ang paglaki ng butas ng kaniyang ilong.

Itinaas ko ang dalawang kamay sa ere na tila sumusuko ako sa pulis. “Hindi na ako magtatanong tungkol sa kahapon.” I zip my mouth. Ayaw nga niyang magsabi sa akin.

She still doesn't trust me and maybe she's not comfortable with me when it comes to her problems.  Ayaw niyang paulanan ko ng tanong dahil sa curiosity. Medyo natawa ako nang maalala ko bigla iyong araw na nagsabi siya ng problema niya. Imbes na makinig ako sa kaniya ay curious ako kung bakit ganoon, kung saan nagsimula ang problema niya at kung paano niya sosolusyunan. Naging detalyado ang pagsasabi niya at muntik pa niya akong masabunutan. Mabuti na lang ay tumayo agad ako, umupo sa kabilang panig sofa na malayo sa kaniya.

“Anong subject mo mamaya?”

Tumaas ang tingin niya. “Nakalimutan ko na. Masyadong mahirap at medyo nagsisisi akong itinuloy ko pa ang accountancy,” pareklamo niyang sabi at saka lumabi.

Mahina akong tumawa. Wala akong balak kontrahin ang sinabi niya dahil talagang mahirap. Simula noong nag-shift siya ng course hanggang sa ituloy niya ang accountancy, doon ko lang nakita iyong side niyang napakaseryoso sa pag-aaral. Gusto niya maging certified public accountant, pero hindi ganoon kalalim ang pagkagusto niya unlike kay Jazz na halatang gustong-gusto niya. Samantalang ako, napilitan lang talaga ako noong una.

Minsan ko siyang tinanong kung bakit niya pinili ang course na accountancy, pero ang sagot niya: Accountants are meant for engineers. Pinilit na rin niya akong mag-accountancy kasi magkakatuluyan daw kami ni Chrysler, isang civil engineer.

Bumalik ako sa pagsimangot dahil sumagi sa aking isip ang nangyari kanina. Napahawak ako sa dibdib ko sabay haplos nang marahan. “Kinakabahan ako sa magiging result ng board exam.” Bumuntonghininga ako 'tsaka bumagsak ang magkabilang balikat.

“Hindi ko talaga yata maipapasa ang board exam, Genesis,” problemadong wika ko, tinakpan ko ang noo noong itukod ko ang kanang siko sa mesa.

Hindi naman ako na-mental block, may naisasagot pa naman ako kaya nga lang hindi ako sigurado. Pakiramdam ko, iiyak ako kapag malalaman ko ang result. Kinamot ko ang noo.

“Ang hirap at hindi ko alam tama mga sagot ko,” dagdag ko saka ko pinaglaruan ang mangkok, inaatras at abante ko.

Pinitik niya ang daliri ko dahilan para bawiin ko ang kamay. Hinawakan ko ito saka ako tumingin nang nakasimangot. Tumama ang tulis ng kuko niya sa balat ko.

“Girl, ginamit mo ang utak mo noong nagsagot ka kaya gamitin mo ang utak mo para isiping papasa ka. Hindi mo tinutulungan ang sarili mo kung negga ka.” Mahina niyang hinampas ang mesa para idiin ang bawat salitang sinabi niya. Inilayo ko agad ang kamay nang akmang pipitik ulit siya.

Tiningnan ko ang aking daliri kung nagkaroon ng sugat sabay sabing, “Mahirap naman kasi, 'di ba?”

Ibinalik ko ang pagkakapatong sa ibabaw ng mesa ang kamay dahil wala akong napansing sugat. Nahagip ng paningin ko ang pag-ismid niya. “Kinaya mo ang apat na taon, girl. Maipapasa mo iyan.”

“Iba kasi itong board exam, Genesis,” giit ko.

Siya naman ang nagpakawala ng buntonghininga. “Alam ko, girl. Nag-aral nga tayo ng ilang taon para maging pamilyar at matuto. Pumasok ka sa review school para balikan lahat ng napag-aralan natin at ma-refresh sa ating utak.”

Sinundan ko ang ginawa ng daliri niyang pagbilog sa mesa. Ramdam ko ang kaniyang tingin. “Nag-aral ka kaya imposibleng mali mga sagot mo,” sabi niya.

Sa huli, tumango ako. Sa bagay, tama rin naman siya. Hindi naman ganoon kabigat sa puso kong sagutan ang lahat kanina, hindi katulad kahapon na halos ngumawa ako sa hirap. As in wala akong maalala sa lahat ng binasa ko noon at wala akong maisip. Natataranta ako at nakaka-pressure ang oras pati iyong mga kasama ko sa loob ng classroom. Kung naniniwala siyang papasa ako, dapat sigurong magtiwala ako sa sarili kong kaya ko.

Marahan kong inilipat ang mga mata sa kaniya. May gusto pa pala akong itanong at sana masagot niya nang maayos. Siya lang ang alam kong makakatulong sa akin para makausap si Jazz. Ayaw ko namang istorbohin si Kuya Kier kahit sinabi niyang dumaan lang ako sa clinic niya at hindi naman daw ako abala. Nakakahiya kung sa kaniya ako magtatanong. Baka kasi iba ang isipin nila sa pakay ko.

“Puwede ko bang malaman kung may balita ka kay Jazz?” tanong ko. Magaan kong kinagat ang ibabang labi at tinititigan siya.

Namulagat ang mata niyang ngumisi nang malapad. “Wala akong balita sa kaniya except noong last month na kinumusta niya ako. I'm sure that he's busy and fine,” sagot niya.

Akala ko ay makakakuha ako ng pilosopong sagot, pero isang matinong sagot naman pala.

“May feelings ka pa rin kay Jazzy?”

Umiling agad ako. “Gusto ko lang mag-sorry sa kaniya at kausapin.”

Iyon naman talaga ang gusto kong gawin before board exam, pero alam kong busy iyon for preparation at ayaw ko namang guluhin iyong focus niya. Baka mamaya ayaw pa niya akong makita ganoon.

“Siya rin ang kusang lalapit sa 'yo para makipag-usap. Isang beses lang akong nakabisita sa tinutulyan niya at hindi na niya ako pinaulit pa ng bisita.” Tumawa siya nang mahina habang sinasabayan ng pag-iling.

Kumunot ang noo ko. “Bakit?”

Nagsalubong ang kilay niya. “Masyado raw akong maingay at makulit. Palagi naman niya akong kinakausap through phone call at siya ang nangungulit sa akin. Mainggit ka sa akin, girl. Tinatawagan ako.” Tumawa ulit siya sabay dila na parang bata.

Nahawa ako sa pagtawa niya at siya naman ang inilingan ko. Kung si Jazz ang gusto ko, paniguradong maiinggit ako dahil siya lang ang tinatawagan, pero hindi.

Tumingin ako nang diretso sa kaniya at saka ko ibinuka ang bibig, “Inaamin ko naman sa sarili kong minahal ko siya, pero mas mahal ko talaga siya bilang kaibigan.” Ngumiti ako nang mapait, tinititigan siya nang mabuti. Sinusuri kung hinuhusgaan niya ang desisyon ko pero wala akong makitang ganoon sapagkat nakangiti lang siya sa akin.

Ikinaway niya ang palad habang nakataas ang isang kilay. “Move on ka na diyan, girl. Tapos na iyan. Nangyari na kaya wala ka ng magagawa. Parehas lang kayong nasaktan at may mali.”

Mas lalong kumunot ang noo ko sa matinding pagtataka. “Paano mo nasabing may mali siya?”

Wala akong makitang mali sa ginawa ni Jazz. Alam kong sinisisi ko ang sarili dahil kasalanan ko naman, pero pinatawad ko na ang aking sarili at nangakong hindi ko na uulitin pa ang nangyari.

Bago ako pumasok sa isang relasyon ay kailangan kong pag-isipan nang mabuti at kahit sa ibang bagay.

“Nagpakatanga e, at mali iyon!”

Ngumiwi ako. Wala akong nakikitang mali doon dahil gaya nga ng madalas kong naririnig ay nagmahal lang naman siya. “Hindi naman niya kasalanan iyon. Si Chrysler pa rin talaga ang gusto ko.” Pinanggigilan kong hinawakan ang mangkok matapos kong banggitin ang pangalan ni Chrysler.

Umirap siya. “Huwag mo ng ipangalandakan, girl dahil halata naman sa 'yo.”

Tumawa ako nang may kalakasan. Kinukuryente ang katawan ko tuwing nababanggit ko ang pangalan niya. Parang may madyik talaga at siya ang hinahanap-hanap ko, pero paano kung mangyari iyong kinakatakutan ko?

Paano kung masaya ako pero mamaya ay may iba na pala siya doon at nagme-message lang siya kasi gusto niyang tuparin iyong promise niya. Ayaw kong magulo ang isip ko kaya magtitiwala ako sa kaniya kahit na may agam-agam ako.

“Sigurado ka bang wala kang gagawin?” baling ko ng atensyon bago pa ako mag-isip ng kung ano-ano.

Wala akong nakuhang sagot maliban sa sinabi niyang, “May nagkakagusto sa akin.”

Napatungo ako, ibinigay ko ang buong atensyon. Samantala, nanghuhula ako nang palihim kung sino ang tinutukoy niyang nagkakagusto sa kaniya. Isang daang porsyentong maganda siya at napaka-imposibleng walang magkakagusto sa kaniyang lalaki. Her height is ideal for being a model. She also has fair skin that makes her the spotlight whenever she walks in the hallway.

Her smile slipped. “Tinanggihan ko iyong ibinigay niyang bulaklak sa akin pati siya, hindi ko pinayagan.” She looked down as if she's disappointed but I don't see any disappointment on her face.

I grinned when I realized that there is someone who loves to buy flowers and he always gives them to her.

“Si Anthony ba iyan?” Lumawak ang pagngisi ko at sinundot ang likod ng kaniyang palad.

Inilayo niya ang kamay ko at tinaasan ng kilay. Mas lalo talaga siyang nagmumukhang mataray kapag ganiyan palagi ang ibinabato niyang ekspresyon sa akin. Parang ayaw niyang asarin siya, pero hindi naman siya ganoon.

“Girl, magkaibigan na lang kami n'on at saka ipinakilala niya sa akin last week iyong nililigawan niya.”

Pinansin ko ang ekspresyon niya parang nakahinga nang maluwag dahil sa wakas ay nakahanap ng maliligawan si Anthony. Matagal ko siyang hindi nakikita at bihira lang kami mag-usap dahil si Jazz at Genesis ang palagi niyang kinakausap. Nakakaiyak na ewan kasi wala talagang may gustong kumausap sa akin.

“Bakit ayaw mo kay Anthony? Bagay naman kayo,” wika ko. Ipinadikit ko ang dalawang daliri ko para idiin na bagay sila.

Anthony, his deep brown skin color suits him and it makes him handsome in that way. Also, he is smart and kind.

She gagged. “Umay na umay na ako sa salitang iyan, girl. Ayaw ko nga e kaya wala kayong magagawa. Loyal ako sa iisang tao.” She lifts her forefinger to emphasize that someone I knew.

I shook my head. She is intensely crazy over him. “Loyal ka sa taong hindi ka gusto?” I asked mockingly and smirked.

She flipped some strands of her hair and move her forefinger, gently tracing her chin. “Gusto niya ako. Inamin niya.” She smiled haughtily.

Tinitigan ko siya nang mabuti. “Sigurado kang totoo iyong sinabi niya?”

Para sa akin, walang nararamdaman sa kaniya iyong taong kinahuhumalingan na niya nang matagal. Bilang may experience na ako sa pag-ibig, ayaw ko siyang masaktan at alam ko namang wais siya kaya hindi niya hahayaang masaktan ang sarili niya.

Her face went poker-faced. “Mukha ba kaming sinungaling sa nararamdaman namin, girl?”

Umiling ako bilang sagot. “I wish you two will end up together.” Ipinagdikit ko ang palad ko na parang nagdadasal.

She laughed softly. “Huwag mo ng hilingin dahil mangyayari talaga iyan.”

Tumaas lang ang dalawang kilay ko at nailing. Curious ako kung paano niya mapapaibig iyon. Sana hindi pilit at genuine talaga ang matatanggap niya. I don't like to see this lady cry.

Dumako ang tingin ko sa phone ko at binuksan ang data connection para mag-online sandali sa facebook habang kinakausap pa si Genesis. Wala pang isang minuto nang buksan ko ay may lumitaw na chat head. Walang pag-aalinlangan ko namang binuksan iyon.

My mouth fell open when I realize that it is him. Biglang nawala ang atensyon ko sa kausap at naibaling lahat sa chat na babasahin ko pa lang ang laman.

Chrysler

: How have you been? It's been seven months without keeping in touch with you personally. I am glad that you unblocked me now. Brix keep me updated about what you're doing. He also sent videos that he secretly recorded while you are too focused on reading, and you didn't notice that he was there. I also read from his message that tomorrow is the last day of your board exam. I know it is hard but I believe in you, love. You can do it! While you're taking your exam, relax. Breath in and breath out. Don't pressure yourself too much when you are answering and stay focus. Trust yourself and smile. Claim na nating makapapasa ka. I am always here, just message me anytime. I am patiently waiting for your signal if you allow me to talk to you. I miss you so much. Good luck, my future CPA!

Mahina akong tumili at niyakap ang phone ko sa saya. Lumapad ang ngiti ko dahilan para maramdaman kong nabibinat ang labi sa matinding tuwa. Kinunutan ako ng noo ni Genesis saka pinaningkitan ng tingin na para bang may nagawa akong mali.

“Nag-message si Chrysler,” masaya kong balita kaya mas bumalik sa normal ang paraan ng pagtingin niya.

Ngunit maya-maya ay dumagsa ang mga agam-agam ko dahilan para mawala ang lawak ng ngiti ko.

“Sa palagay mo, ako pa rin talaga ang mahal niya?”

Nagkibit-balikat siyang nagbaba ng tingin sa phone rin niya. “Malay ko, girl. Ako ba siya?”

Wala sa akin ang tingin niya nang magsalita pa siya, “Tanungin mo para malaman mo. Hawak mo naman iyang phone.”

Nalanta na parang gulay ang balikat ko at saka bumuntonghininga nang malalim. “May mga babae kayang lumalapit sa kaniya doon? Kumakain ba siya nang maayos? Ano na kayang hitsura niya?”

Matagal na itong profile picture niya. Sa pagkakatanda ko ay high school pa lang siya dito kaya mukhang batang-bata. Nakangiti siya at dalawang kamay ang nakataas, nakaporma ng peace sign pareho. Natakpan ng basa niyang buhok ang noo at saka basang-basa siya sa ulan na nakasuot pa ng complete uniform. Mukhang si Kuya Pele ang nag-picture dahil may ganito rin siyang picture na nakita ko noong nakaraang linggo, noong mag-share siya ng facebook memories.

“Itanong mo, girl. Hindi sasagot ang hangin sa tanong mo.”

Sa kabila ng tuwa ko ay biglang sumagi sa isip ko ang isang tanong na kailangan ko pang sagutin. “Pero, ako. . . mahal ko pa ba talaga siya?”

Nahuli ko ang sunod-sunod na pagtaas-baba ng balikat niya. “Sarili mo makakasagot niyan. Hindi ako si Drishtelle, girl. Si Genesis ako at ayusin mo iyang mga walang kuwenta mong tanong.”

Ano nga ba ang totoo kong nararamdaman? Natuwa ako dahil na-miss ko lang siya? Bumilis ang tibok ng puso ko dahil ngayon lang ulit siya nag-chat sa akin—ngayon lang kami nagkausap, o siya talaga ang hinahanap-hanap ko at gusto kong makasama?

“Handa ka na bang magkabalikan kayo?”

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

792K 40.8K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
14.1M 71.4K 52
A/N: This story has been published that's why it's not available here. Thank you! Teaser lang po ang inyong mababasa. "Im pregnant. " Mula sa pagka...
34.3K 2.1K 32
"Just like the flowers, love blooms in spring."