Will You Ever Notice? (Bad Gi...

By overthinkingpen

327K 14.1K 4.5K

Bad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin da... More

Will You Ever Notice?
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Will You Ever Notice?
Special Chapter

Chapter 19

6.3K 348 125
By overthinkingpen

Chapter 19

I did not prepare that much for the Halloween party. Nag-make up lang ako at ilang mga special effect or prosthetics. I wore a short leather tube dress and a pair of high-cut boots. Itinali ko rin ang buhok ko sa isang mataas na ponytail.

"Malapit na kami," I heard Caleb's voice from the other line of the call.

Tumango ako at kinuha na ang purse.

"Nasa casa ang kotse ko kaya kay Lael ang dala namin," dagdag ni Caleb.

"Alright, lalabas na 'ko," I said.

"Hindi kayo sabay na pupunta ni Ynna?" Si Caleb.

S'ya ang kausap ko dahil nagmamaneho si Lael. I wonder what they wore.

Sinabi ko naman kay Ynna na hindi na ako sasabay sa kan'ya sa pagpunta. Hindi naman s'ya nagtanong pa at mukhang abala rin s'ya para sa sarili. Ynna loves things like this – getting ready and parties.

Seve texted me earlier too. Nagtatanong s'ya kung sino ang kasama ko sa pagpunta pero hindi ko naman ni-reply-an.

"Nauna na si Ynna," I said. "What did you wear?" I asked Caleb, iniiba na ang usapan.

"Mamaya," he laughed. "Para surprise. Lael and I are a team, so we really need to stick together tonight."

Narinig ko ang tawa ni Lael sa kabilang linya ng tawag at napangiti ako.

"You'll be disappointed with Lael," tawa ni Caleb, mukhang naaaliw talaga sa soot nilang dalawa. "Playsafe!"

"Shut up," narinig kong sabi ng natatawang si Lael.

I chuckled as I walked out of our house. Naglakad na ako papalabas ng gate ng bahay para salubungin ang pagdating nila. Humalukipkip ako habang pinakikinggan sila sa kabilang linya ng tawag at napatawa kasabay nila.

Nang dumating sila, sabay na bumaba ang dalawa at napakunot ang noo ko nang makita ang suot nila. They are wearing matching black suits with black necktie.

They look so fine. Bagay ang sleek black suit sa katawan nilang dalawa. Kay Caleb, with his fair skin and slightly long hair, isabay pa ang laging may mapaglarong ngisi sa mga labi, alam kong lilingunin s'ya ng mga babae sa party.

I couldn't even explain how Lael looks dashing in his suit. Saktong-sakto sa katawan n'ya 'yon at tangkad. Kitang-kita ang magandang hubog ng balikat, isabay pa ang naka-ayos n'yang buhok ngayong gabi.

May isinuot na sunglasses si Caleb at natatawa n'yang nilingon si Lael na mukhang nahihiyang inaayos ang necktie n'ya sa leeg.

"Wear it, you ass!" Caleb laughed at him.

Napatawa si Lael bago kinuha ang sunglasses sa loob ng suit na soot. Hinawakan n'ya ang lapel ng suit na soot at kinuha ang nasa bulsa sa loob no'n. He wore the shades and I saw the shy grin on his lips.

"What?" I asked.

Caleb stood in front of me and crossed his arms. Natatawa namang sumunod si Lael kay Caleb at tumayo rin sa harapan ko, ibinulsa nga lang ang mga kamay.

Caleb looked at Lael and laughed.

"You suggested this! Gawin mo rin!" Pilit ni Caleb kay Lael.

Natatawang humalukipkip si Lael at tumingin sa akin. Napangiti ako at pinagmasdan ang ganda ng hubog ng mga balikat n'ya. I looked at his sunglasses.

"Familiar?" Tanong ni Caleb, natatawa.

I laughed and shook my head. What the hell? Men in Black?

Now that

"Don't blame me. Natalo ako sa laro kaya s'ya ang pumili ng sosootin namin," iling ni Caleb. "Lael even had the guts to freaking suggest CIA."

Napangiti ako at tumango. Caleb stared at me and looked at my face closely. Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa'kin para mas makita 'yong mabuti. Dahil sa lapit ng mukha ni Caleb, ibinaling ko na lang ang tingin ko kay Lael at nakita ko ang pagkunot ng noo n'ya habang nakatingin kay Caleb.

"You made that?" Manghang tanong ni Caleb, tinutukoy ang maliliit na prosthetics.

I made fake wounds on my face and put on nice, elegant makeup to go with it. Tumango ako kay Caleb bilang sagot pero na kay Lael ang atensyon ko, inaabangan ang gagawin n'ya.

Lael hissed quietly before he removed his glasses. Hinila n'ya si Caleb palayo sa akin kaya napangisi ako.

"Tara na," he said before he looked at me.

Something inside me churned. I don't know what that was, but it made me slightly nervous. Lumakas din ang galabog ng puso ko dahil sa kaba nang magtama ang mga tingin naming dalawa ni Lael.

Sumakay na si Caleb sa front seat habang pinagbubuksan naman ako ni Lael ng pinto sa likuran.

Dahil sa lapit naming dalawa, naamoy ko ang mabangong pabango ni Lael. I bit my lip when I got a whiff of it. It smells really attractive and addicting. Hindi ko tuloy matingnan nang diretso sa mga mata si Lael.

"You look great," Lael told me while he was opening the car's door for me.

I looked at him and smiled. Hawak pa rin n'ya ang pinto ng kotse n'ya at nakatingin sa akin gamit ang mga mata n'yang gustong-gusto ko.

Kahit na gabi na, ang ganda pa rin ng mga mata. Kumikinang 'yon ng ngiti at paghanga. I held the door too and got distracted with the distance of our hands.

I want to tell him how his hair suits him. Pati na ang damit n'ya. At gusto ko rin ang amoy ng pabangong suot n'ya. But I settled for the simplest reply.

"Ikaw din," I smiled at him before I slid inside his car.

Isang bar ang ginanapan ng party. Marami nang nandoon tulad ng inaasahan ko. Kumain na muna kami bago tuluyang pumasok sa mismong lugar.

The place was packed with people. Some of them are familiar to me. May mga kakilala rin si Caleb kaya panay ang hinto namin para sa pagbati sa mga kakilala at pagpapakilala.

I was too busy talking to Caleb's friend because we were introduced with one another that I got startled when I realized that Lael is already at my back. Na-realize ko lang nang maramdaman ko sa likod ko ang dibdib n'ya.

Palingon kong tinginan si Lael sa likod ko at kinailangan kong tumingala dahil sa tangkad n'ya. Our eyes met and I realized how serious his eyes look. Bahagyang ibinaba ni Lael ang ulo n'ya at na-realize kong may gusto s'yang sabihin kaya sinalubong ko 'yon.

"Can I hold you? Siksikan na," he mumbled near my ear.

Hold me?

Uminit ang mga pisngi ko. Tiningnan ko ulit si Lael at tumayo na ulit s'ya nang ayos, nakatingin pa rin sa'kin.

Tumango ako bago kunwaring ibinalik ang tingin sa mga kausap namin ni Caleb. Nang maramdaman ko ang kamay ni Lael sa balikat ko, lalo lang yatang uminit ang mga pisngi ko.

What the freaking hell... why am I flustering? Ni hindi nga s'ya sa baywang humawak. I hissed to myself. Bakit? Gusto mo bang sa baywang mo s'ya humawak, Zen?

Tumikhim ako at kumuha na lang ng drink sa isang dumaang waiter.

Lael's big hand feels really securing and comforting on my shoulder. I feel like I'm being protected.

Kailan ko pa ginusto ang ganitong pakiramdam? I pursed my lips and glanced at Lael again. Tumatango s'ya sa kausap at ngumingiti nang kaunti.

I pouted before I leaned on his chest. Agad na humigpit nang kaunti ang kapit ni Lael sa balikat ko, handa akong saluhin kung sakaling bumagsak. Akala n'ya yata, tutumba ako.

"Are you alright?" Narinig kong tanong n'ya sa'kin. "Gusto mo nang umupo?"

Umiling ako at napangiti, umiinom sa kupitang hawak ko.

"Tell me if you want to sit," he said and I nodded, glancing up at him again.

Nasalubong ko ang mga mata ni Lael at ang maliit na ngiti sa mga labi n'ya. I smirked before I looked at Caleb and his friends again.

Nagpa-picture ang grupong nahaluan namin at nakisali kami sa mga pictures na 'yon. Nagpa-picture na rin kaming tatlo nina Caleb at Lael. Pinagitnaan ako ng dalawa kaya imbis na magmukha silang Men in Black, nagmukha silang bodyguards ko.

Sa dagat ng mga tao rito, sinubukan kong tingnan kung makikita ko ba sina Ynna. Hindi sila mahirap hanapin lalo pa't malaki ang grupo nila dahil sa mga kakilala ni Vaughn.

Vaughn is wearing an all-white tuxedo at may halo pa sa ulo. Agad akong napangisi. Sayang at hindi doktor ang ginaya n'ya para sana mag-pares sila ni Ynna. Nakasoot ng pang-sundalo si Allen na nakita kong tahimik lang na naka-upo sa couch.

I saw Tyrone wearing a devil outfit. Pero sobrang simple dahil naka-all black lang na damit at may sungay na headband na suot. Umiilaw pa ang headband at pakiramdam ko ay nabili n'ya lang 'yon sa kung saan. I can't find Ynna and Seve among their crowd.

"Nando'n sina Vaughn," I heard Lael say.

Agad akong napatingin kay Lael. He looked at me and smiled.

"Dito lang kami," aniya, parang alam n'yang aalis ako para puntahan sina Vaughn. "Just text me, hahanapin agad kita."

Tumagal ang titig ko kay Lael. I want to check on Ynna but I want to stay with Lael too. Pero pa'no kung makita s'ya ni Seve?

I get this feeling that Seve will get really upset. Baka gumawa pa ng gulo at ayoko nang idamay pa si Lael.

Tumango ako at ngumiti kay Lael bago naglakad na palayo ro'n para lapitan sina Vaughn.

Maingay na ang grupo nina Vaughn. Nang makarating ako ro'n, nakita ko na si Seve at Ynna. Sabay silang dumating. Dumiretso si Ynna kay Vaughn at si Seve naman kay Tyrone.

Ynna's wearing a nurse outfit, just like what she planned. Hapit na hapit 'yon at maikli rin. Pati ang cap ay mayro'n s'ya. Panay na ang lingon sa kan'ya ng mga lalaki ro'n at may narinig akong ilan na sumisipol.

Dumating si Zarin Dela Costa sa grupo at nakita ko kung paano ibinaling ni Vaughn ang buong atensyon sa kan'ya. Tyrone talked and laughed with Zarin kaya naman napabaling sa akin ang atensyon ni Seve.

Seve locked eyes with me. He's wearing a vampire outfit. Guwapong-guwapo ang hitsura n'ya sa kulay itim na penguin tuxedo na suot na may kasama ring kulay maroon na bow.

Huminto ako sa kinatatayuan at hinintay na makalapit si Seve sa akin. I watched him as he walked confidently. May ilang mga babaeng sinusundan s'ya ng tingin. Seve immediately reached for my waist and possessively held me beside him.

Humalukipkip ako at inangat ang tingin sa kan'ya. Seve looked at what I'm wearing, and a grin showed up on his lips before he raised his gaze on my face.

"You look pretty, Zen," aniya.

Tumango ako bago nilingon ang puwesto nina Ynna. I saw Ynna frowning at Vaughn and Zarin while crossing her arms on her proud chest. She snorted before she glanced at my way.

Nang magtama ang mga tingin namin ni Ynna, nawala ang kunot ng noo n'ya at napalitan ng ngisi ang simangot sa mga labi. Nawala lang ang atensyon ko kay Ynna nang hanapin ni Seve ang tingin ko.

Nawala na sa paningin ko si Ynna dahil natabunan na ni Seve.

"Are you still mad at me?" Seve asked and he got my full attention.

"Mad?" Nagtataka kong tanong.

Seve sighed and he brushed his hair. No'n ko lang napansin na naka-ayos din ang buhok n'ya.

"The last time we talked, you were mad at me," aniya.

Hindi ako nagsalita at tumitig lang kay Seve.

"Zen, I promise, I'm trying to change for you," aniya at bahagya akong isinayaw kasabay ng medyo mabagal na beat ng kanta na ipinapatugtog doon. "It's real, this time. I won't mess up again."

I stayed silent.

Seve sighed before he pulled me in a hug.

"You are important to me, Zen. I don't want to lose you," aniya.

But why do I feel like those are just empty words?

Alam kong mababali rin naman ang lahat ng sinabi n'ya. Hindi na ako magugulat kung uulitin na naman n'ya ang mga ginawa n'ya.

Sanay na ako.

I watched the people around us and I realized that some girls are looking at me with distaste. May ilang nakangisi.

"I realized that people passed by my life without the intention to stay. You were the only one who chose to stay with me," Seve said.

Agad akong nakaramdam ng guilt dahil sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung bakit 'yon ang naramdaman ko.

Napalunok ako at hindi na naging kumportable sa yakap n'ya.

"I was a huge mess... but you patiently stood by my side," pagpapatuloy ni Seve pero parang lumalagpas lang sa pandinig ko ang sinasabi n'ya.

Kumunot ang noo ko at napatitig sa kawalan.

Is this... indifference?

"I want to–"

Agad na naputol ang sasabihin ni Seve nang bahagya akong kumalas sa yakap n'ya. Seve looked at me with a frown, confused that I pushed him away.

"It's okay," I said, lost for words.

Seve tried to speak again but I turned around and left him alone, standing among the huge crowd.

Kunot-noo akong naglakad palayo ro'n, walang klarong destinasyong pinupuntahan.

I got confused with myself. I'm not that Zen. Hindi ako 'yon. The girl Seve was hugging. The girl who felt nothing but indifference. Was that me? Was that really me?

Bakit? Kailan pa? Pano'ng nangyari? Bakit... Bakit wala akong maramdaman?

Nagulat ako nang may humila ng braso ko. Hindi mahigpit ang kapit at hindi marahas ang hila, sapat lang para kunin ang atensyon ko.

Gulat akong napalingon sa kung sino 'yon at nasalubong ko ang nag-aabang na mga mata ni Lael.

And that was the moment when my heart started beating fast.

Mabagal. Mabigat. At biglang bumilis na parang mayro'ng hinahabol na kung ano. Bumigat ang paghinga ko at napatitig sa nag-aalalang si Lael.

Napalunok ako at napagtanto kung gaano kalakas ang kaba ko. Napakurap ako at parang lumabo ang lahat ng ingay sa paligid.

Everything turned black and white and Lael was the only one who looked vibrant.

"Are you alright?" Lael cooingly asked.

Lael watched my eyes expectantly, na parang alam n'yang bubuhos ang mga luha ko sa kahit anong minuto.

Am I that fragile? How many times did he see me cry that he became like this?

Sa pagkakaalam ko, hindi naman ako madaling umiyak. Pero bakit pagdating sa kan'ya, iba ako?

When he walked closer to me and held both of my cheeks, I gasped and flustered.

Lael watched my eyes intently and with worry.

"Okay ka lang ba?" He asked.

Lalo akong kinabahan. My breathing became ragged and I almost couldn't feel my heart.

Napagtanto ko na... oo, okay ako.

Basta...

Nand'yan ka.

Continue Reading

You'll Also Like

67.4K 1.3K 184
With you, I can reach the stars. ~Olivia Del Castillo ✴✴✴ Epistolary Series # 4 Makulit pero seryoso. Mabait at responsable. Iyan si Joshua Parco Dim...
2M 71.9K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
25.5K 2K 46
A MedTech Love Stories Collaboration | Lovesick, #0 Signs and symptoms: Upset stomach, reddening of skin, irregular heartbeats. Diagnosis: Unknown. *...
273K 7K 104
Prepare for a night of drunken decisions [E P I S T O L A R Y]