EAS1: That Wonderful Fall (Co...

By tag_ulannn

63.9K 1.6K 54

A story that will probably make you fearless in taking That Wonderful Fall. But what's That Wonderful Fall, a... More

Preface
1st Fall
2nd Fall
3rd Fall
4th Fall
5th Fall
7th Fall
8th Fall
9th Fall
10th Fall
11th Fall
12th Fall
13th Fall
14th Fall
15th Fall
16th Fall
17th Fall
18th Fall
19th Fall
20th Fall
21st Fall
22nd Fall
Final Fall
Dream Fall ( Epilogue )

6th Fall

2.1K 66 1
By tag_ulannn

6th Fall

"OH MY GOD Fhia! I really really really thank you so much!" Halos maiyak-iyak pang sabi ng classmate niyang si Rica.

Sa buong room nila ay ito ang kilalang pinaka fan na fan ni Sander. Halos pati ata brand ng briefs niyon ay alam nito. Mas kabisado pa nga ng babae ang bawat miyembro ng pamilya ni Sander kesa sa pangalan ng mga classmates nila. Si Rica din ang palagi niyang customer at bumibili ng halos kalahati ng materials na binebenta niya na may kinalaman kay Sander.

Ngayon nga ay halos umiyak ito nang malamang may ticket pa siya para sa darating na concert ni Sander next month. Not to mention VIP tickets pa iyon. Halos isang araw lang kasi ay sold out na ang tickets. Kaya nagulat lahat ng classmates niya ng malamang may dalawampung VIP tickets pa siya para sa concert. Pero siyempre mas mahal na iyon kung sa kanya bibilhin.

"Saan mo ba talaga nakuha iyang mga yan ha, Fhia? Last week pa sold out ang tickets ah!" Nagdududang tanong ng kaibigang si Chaii.

Nginitian niya lang ito bilang tugon.

Ang totoo, two weeks ago pa binigay sa kanya ni Sander ang mga iyon. Sinadya niyang ngayon lang ilabas dahil alam niyang mas tataas ang market value pag mas mataas ang demand kesa sa supply. E, paano pa kaya kung sa kanya na lang mabibili iyon? Mas malaking kita, siyempre. To think na nakuha niya lang iyon ng libre at walang puhunan.

Maging ang movie ni Sander noong nakaraang tatlong buwan ay binigyan siya nito ng limampung tickets sa premier night! Siyempre binenta niya ng mas mura para sa kanya bumili ang mga classmates.

Palagi ring dinadala nito lahat ng polo shirts at t-shirts na sinusuot nito sa TV shows, seryes at commercials na may kasamang autographs at pictures na suot nito ang mga iyon. Pati mga product na in-endorse nito.

At ang kapalit lang ng lahat ng iyon ay ang libreng pagtulog nito sa bahay niya tuwing maiisipan nitong tumakas. Pati libreng pagkain.

Lihim na napangiti siya. Mabait talaga ang tadhana. Grabe ang laki ng kita niya dahil kay Sander! Kahit taga malayong lugar dinarayo siya pag nakita ang posts niya on-line. Maging used tootbrush ni Sander pinagkakaguluhan ng mga pathetic fans.

"Parang nakakakaba yang klase ng ngiti mo Sofhia hah." Tiningnan pa siya ng tila nagdududa ng pinsan niyang si Jazzie.

"Nakakakaba? Explain." Tinaasan niya lang ito ng kilay.

"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin kung saan galing yan? Pati yung mga shirts at things ni Justin, saan mo ba nakukuha?" Sabat ng isa pa niyang malapit na kaibigan na si Fri.

"Duh. Eh di kay Sander."

Her friends amd cousin rolled their eyes.

"Nevermind." Jazzie said.

"Nagtatanong kayo tapos ayaw nyong maniwala." She tsked then chuckled.

"As if Sofhia Feigh Fuentebella! Just dream on." Chaii said as she irritatingly curved her lips. "Basta bigyan mo na lang kami ng tickets, reserve four, okay?"

Pinanlakihan niya ito ng mata.

"Are you kidding Sharlott Chaii Li? BIGYAN? Just dream on." Ginaya pa niya ang tono ng pagkakasabi niyon sa kanya.

"Pero dahil mahal ko kayo, bibigyan ko kayo ng fifty percent off." Then she smirked at them.







"ANONG ginagawa mo dito?"

Gulat na tanong ni SOFHIA nang mapagbuksan niya ng pinto si Sander.

Alanganing ngumiti ito sa kanya at itinaas ang plastic ng isang sikat na fast food chain.

"Uhh... I brought foods?"

 

She crossed her arms on her chest at sumandal sa hamba ng pinto bago niya ito pinagtaasan ng kilay.

"Alam mo ba kung anong oras na?"

He smirked. "Know what? You sound like a wife, asking her husband why he went home late."

"Tss." She said sarcastically. "Excuse me? Ang sinasabi ko, gabing-gabi na, e nandito ka pa sa bahay ko. Ano  na namang ginagawa mo dito ng," hinawakan niya ang kamay nito at itinaas para tingnan sa wristwatch na suot nito ang oras, "alas onse ng gabi? Kung maka-doorbell ka pa parang may utang ako sayo na sinisingil mo."

Binigyan lang siya nito ng nagpapa-cute na ngiti at tiningnan siya ng tila nagpapaawa ng mga mata habang magkasalikop ang palad.

Napabuntong-hininga na lang siya at pumasok sa loob. Agad naman itong pumasok at ini-lock muna ang pinto bago sumunod sa kanya.

Humantong sila sa kusina at magkatulong na inihanda at kinain ang mga dala nito.

"So what brought you here?" Maya-maya'y tanong niya dito matapos nilang makakain.

He shrugged. "Ngayon lang kasi ako nagka-time kaya pinuntahan kita. Nagsasawa na ko sa usok ng Maynila."

"As if naman hindi mausok dito sa Binangonan. At sabihin mo, ngayon ka lang nakatakas."

Nakangusong tumingin ito sa kanya. "Tumakas? Ganyan ba talaga tingin mo sakin?"

 

"Oo naman."

 

"Napaka-sama mo talaga." Binigyan pa siya nito ng tila naghihinakit na tingin.

"Duhh. Wag ka ngang mag-inarte diyan. Bakit ka ba kase pumunta dito?"

Natigilan ito at ilang sandaling tila malalim na nag-isip. Ilang minuto ang lumipas bago ito sumagot.

"I really don't know." Nakatungong sabi nito.

Seryosong napatingin siya dito. Ito man ay nag-angat ng tingin para salubungin ang tingin niya.

"Hindi ko din alam kung bakit nandito ako. Kung bakit balik ako nang balik dito o sa kung nasaan ka." Mahinang sabi nito bago nag-iwas ng tingin. "Habang nasa bahay nasa isip ko kung kumain ka na kaya o kung naka-gawa ka na ng assignments mo, o kung naibenta mo ba yung tickets sa concert ko o yung toothbrush kong kinuha ko. Pag nasa kotse ako, iniisip ko kung nakapagpahinga ka na kaya, o kung nai-lock mo ba yung pinto at bintana ng bahay mo, o kung naligpit mo na ba yung pinagkainan mo ng sitsirya sa sala. Pag nasa shoot naman ako, iniisip ko kung anong oras kaya matatapos ang eksena ko para ma-text kita, o kung kelan ba sila lahat malilingat para makatakas ako at makapunta dito. Gawa ako ng gawa ng kwento makapunta lang dito kahit wala ka nang ginawa kundi pagkakitaan ako." He chuckled sarcastically. "Shit. That sounds like a movie script." He said then looked into her now nervous eyes. "Umamin ka nga, ginayuma mo ba ko?"

It was so wierd, Sofhia thought. Bakit habang sinasabi nito ang mga iyon ay napakalakas ng tibok ng puso niya? At bakit parang kinakapos siya ng hininga at pinagpapawisan siya gayong ang lamig lamig dahil sa aircon?

Nakatingin parin sa kanya ng matiim si Sander habang siya naman ay kinakabahang hindi alam ang isasagot dito.

Sa sobrang kaba ay nabato niya nalang ito ng hawak na kutsara.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?!" Kinakapos parin sa hangin na tanong niya dito.

"Aww, ngayon naman namimisikal na babae! Alam mo sumosobra ka na ha." Sabay pagpag ng damit na nalagyan ng ilang kanin galing sa kutsarang binato niya.

 

"Eh kung anu-ano kasi ang sinasabi mo! Umuwi ka na lang!"

 

"What?! Ipapaalala ko lang sayo na mahigit apat na oras akong nag-drive para makarating dito. At pagkatapos mong kainin lahat ng dala kong foods, papauwiin mo ko? Nasaan ang puso mo dun?" Tila di makapaniwalang tiningnan siya nito.

"Don't tell me you're planning to spend the night here, AGAIN?!"

He just smirked at her.

"Don't worry, I won't tell you.", atsaka dali-daling tumakbo palabas ng kusina.

Agad naman niya itong sinundan at nakita niya itong pumasok sa guest room na kalapit ng kwarto niya.

"Hey! What do you think you're doing?"

Nabungaran niya itong nakahiga sa kama habang nakadipa pa ang dalawang kamay. Hindi naman nakasampa sa kama ang mga paa nito dahil suot pa nito ang blue and white sneakers.

"I won't tell you diba?" Papilosopong sagot nito sa inaantok na boses.

Nakapameywang na napabuntong-hininga na lang siya.

"Fine. Two thousand pesos for the whole night. At may additions pa yon sa pag-gamit ng shower, pagkain, aircon at panonood ng TV.

 

"I'll pay you later, 'hmmkay?"

Hindi na siya nakipagtalo dahil may puso naman siya at mukang pagod na pagod talaga ito. Nakonsensya pati siya nang maalala kung gaano katagal na drive nga naman ang pinagdaanan nito.

Lumapit siya kay Sander para sana sabihin na magpalit muna ito na damit at maghubad ng sapatos kaso mukang nakatulog ito agad dala ng pagod.

Siya na ang kusang nagtanggal ng sapatos nito pagkatapos ay naupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mapayapang pagtulog at maamong muka nito.

Then she felt that fast beating of her heart again.

"What was wrong with me?"





×××××

Hindi lang pala sa pagpapalit ng pov yung capslock na first word. Pati po sa change of scene :)

Baka lang po kayo'y malito.

~reign

Continue Reading

You'll Also Like

8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
627K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya AΓ±asco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...