The Heir's Retribution

By skywinoma

33.4K 985 331

My Possession Series 2 || R-18 || On-Going More

ATE SKY'S NOTE
MOODBOARD
SYNOPSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 11

600 23 7
By skywinoma

Chapter 11: BIRTHDAY

I blew out my cheeks after looking at my wrist watch for the ninth time. Muli kong binasa ang mensaheng ipinadala sa akin ni Manong Jude na baka hindi siya makarating upang sunduin ako sapagkat isinugod sa hospital ang bunso niyang anak dahil sa dengue dalawang oras na ang nakakaraan.

I looked around hoping to see the car driven by Manong Jude but I saw nothing. Sa labas na ako ng gate naghihintay para makita ko na agad ang sasakyan upang hindi na namin kailangan pang maghanapan ni Manong Jude sa parking area.

I will understand naman if Manong Jude can't come now dahil kahit ako ay nag-aalala para sa kanyang anak. Dengue is not a joke. May kaklase ako dating namatay dahil sa dengue kaya alam ko kung gaano ito ka-seryuso. But I still can't avoid being frustrated dahil maaari akong ma-late sa aking pupuntahan. It's just nakakahiya because Maria actually went to see me personally yesterday to invite me to Tita Yrel's birthday today.

Should I take a taxi or just book a trip?

“Ate Mia!”

I immediately smiled nang malingunan ang pinanggagalingan ng boses ni Maria. Madaming high school students nagsisilabasan sa gate ngayon but I immediately found her. May ilan sa mga estudyante ang napapatingin sa akin at kay Ria ngunit karamihan naman ay may kaniya-kaniyang pinag-uusapan.

“Oh, Ria, kalalabasan niyo pa lang?” I stated the obvious. Napangiwi ako sa sarili ngunit agad din namang ngumiti bago siya tuluyang makalapit sa akin.

“Opo. Pupunta po ba kayo ngayon sa birthday ni Mama?” she asked with her soft voice.

“Of course. Actually, iniintay ko na lang ‘yong driver ko, kaya lang mukhang hindi siya makakapunta.” I shrugged my shoulders.

“Talaga po? Sabay na lang po kayo sa amin kung ganoon. Susunduin po kasi ako ni Kuya ngayon,“ she suggested.

 

“Really?” I asked excitedly. Ngunit agad din namang napasimangot ng bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Well, I'm still wearing my uniform. Hindi naman ata appropriate na nakasuot ako ng uniform sa isang birthday party.

“Do you think okay lang na ito ang suot ko? Nasa sasakyan kasi ang pamalit ko sana ngayon.” I pouted.

“Huh? Oo naman, Ate. Okay lang iyan. Baka nga iyong mga bisita sa bahay namin nakapambahay pa, eh.” She nodded while chuckling.

 

“Talaga?” I asked.

“Opo, Ate.”

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan ni Maria nang hanggang sa may bumusina sa harapan namin. My smile faded as my jaw dropped when my eyes landed on the man in front of us. Pinanood ko kung paano siya umalis sa pagkakasangkla niya sa motor ng tricycle.

His caramel skin glistened because of his sweat that is sexily dripping on his forehead, to his neck, and down to his hard chest because of the hot weather. Nakasuot siya ng puting sleeveless shirt na sadyang ginupit ang magkabilang manggas pababa sa kanyang baywang. Giving me a glimpse of his hard muscles within his shirt. Magulo ang buhok niyang naka-man bun dahil siguro sa lakas ng hampas ng hangin habang nasa biyahe.

His forehead creased as he looked at me and Maria. Tila nagtataka sa reaksyon ko at sa bahagyang pagngisi ng kanyang kapatid.

“Bakit?” he ask in confusion.

Oh, my! What a hot tricycle driver he is! I've seen a lot of guys drive expensive sports cars to big bikes but I never saw someone drive as hot as him. Magaling din kaya siyang sumakay at magmaneho sa ibang paraan? Napahigikgik ako sa aking isipan.

“Wala, kuya, ang pogi mo talaga kahit puno ka ng pawis.” Maria giggled.

“Well, ano pa nga ba? It runs in the blood,” he breezily said and runs his fingers through his hair that made me and Maria burst into laughter.

After the scene in the NeoBar, when I told him that I can't hide what I'm feeling towards him he became more playful around me. And since then, we've been continously texting each other. I remember asking him last night why he didn't have any social media accounts, ang sagot niya ay wala naman daw siyang paggagamitan at hindi din siya marunong. I told him na importante iyon but he just shrugged his shoulders.

“Hey, Sugar.”

I pouted to restrain myself from smiling because of his endearment. I'm already thinking what I should call him. Dapat sweet din. Is Honey okay? Or Chocolate? Candy? Jam? Leche plan?

Nah. Mag-iisip na lang ako ng iba pa.

“Hi.” I smiled.

“Sa atin sasabay si Ate Mia, Kuya!” Maria exclaimed, giggling.

He raised a brow as he looked at me.

“Yeah. Manong Jude's son was sent to the hospital because of dengue,” I explained.

“Talaga?” he asked worriedly and I nodded. “Ganoon ba? Sige, tara na. Kailangan pa kasi muna nating pumunta sa bayan bago dumeritso sa bahay,” saad niya bago sumampa sa tricycle.

Mabilis na pumasok si Maria sa loob ng tricycle. I was about to sit on Dominic's back when he blocked his arm in the space behind him to stop me. Nagtatatakang bumaling ako sa kanya.

“Hindi,” he said, slightly shaking his head. “Doon ka sa loob sumakay katabi ni Maria. It's safer there.”

“Yayakap na lang ako sa 'yo para hindi ako mahulog if that's what you are worried about.”

He bit his lower. “Mauusukan ka lang dito sa labas.”

“I don't care, okay? Magbibihis na lang ako mamaya.” My brows knitted when he still shook his head. “What?”

“I won't allow you, okay? Look at your skirt—”

“What's wrong with my skirt!?” I immediately reacted.

“Well, it's too short." His jaw clenched as his eyes glared at my uniform na parang may ginawa itong masama sa kanya.

I gasped. “It's just normal. ‘Yong ibang kaklase ko nga mas maikli pa dito ang skirt!” I argued, also glaring at him.

We both glared at each other. Hindi ako nagpatalo kahit na ramdam ko ang unti-unting panlalambot ko sa kanya. Ang gusto ko lang namang ma-experience ang makasakay sa likuran ng tricycle na siya ang nagmamaneho at pa-simpleng tsansingan siya. At syempre, ang mapamukha sa mga babaeng nakasakay na sa tricycle na minamaneho niya na ako lang ang literal na puwedeng sumakay sa kanya!

Nakahinga ako ng maluwag ng siya ang unang nag-iwas ng tingin. “Ang sa akin lang naman ay baka mamaya'y tumaas ang palda mo habang nasa biyahe at baka masilipan ka pa ng kung sino. Ayaw kong makipag-sapakan sa araw ng birthday ni Mama, okay?” he explained with gentleness on his dark gray orbs like his wooing me.

“Fine.” I breathe.

Gaya ng sabi ni Dominic ay pumunta muna kami sa bayan to pick up Tita Yrel's ordered fabrics for the gown she was going to make. I was looking at Dominic's direction from time to time and watched how his hair moves against the wild wind and how his brows knitted. I was amazed by every move he makes and realize that he can easily drive me crazy. I blushed when I saw Maria looking at me with her teasing smile. Like she's telling me through her eyes that she caught me ogling at her brother.

Pagkahinto ng tricycle ay bahagyang yumuko si Dominic upang silipin kami ni Maria sa loob.

“Dito muna kayong dalawa. Kukunin ko lang ‘yong mga tela,” he imformed before siya umalis sa pagkakasangkla sa motor.

Tumango lang ako at sinundan ng tingin ang likod niya hanggang sa makapasok siya sa loob ng isang store.

I looked around the place. It's mausok and madaming tao. Medyo may kaingayan din dahil sa tunog ng iba't ibang uri ng vehicles. Nakikita ko na ang bayan dahil nadadaanan ito papunta sa mall pero never pa akong nag-stop dito.

While waiting for Dominic ay naisip kong yayain si Maria upang samahan akong bumili ng cake. Hindi ako sanay na walang reagalo kaya't iyon na lamang ang naisip ko. Noong una ay umaayaw pa si Maria dahil baka pagalitan siya ng kapatid ngunit hindi ko siya tinigilan kaya sa huli ay pumayag na din siya. Malapit lang naman ang bilihan ng cake mula sa pinaradahan ni Dominic kaya't agad kaming nakabili ni Maria. She chose the mocha flavored square-shaped cake dahil iyon daw ang paborito ni Tita Yrel.

Pagbalik namin pinagparadahan ng tricycle ay nandoon na si Dominic. He was in cross-arms while leaning his shoulder on the front part of the tricycle. He immediately looked down at the box I was carrying and raised a brow at us.

“Akala ko ba na nilinaw na ni Maria sa ‘yo ang tungkol sa mga regalo?”  His eyes turned into slits while looking in our direction.

Patay malisya at mabilis na naglakad lang si Maria papasok sa loob ng tricycle dahilan para maiwan sa akin ang tingin ni Dominic. My eyes widened in shock at what Maria had done. Ang batang iyon! Habang tumatagal ay lumalabas na ang pagiging magkaugali nila ni Dominic!

I pouted. “Yes. But hindi ako sanay na walang dala sa birthday, eh.”

“Hindi na naman kasi kailangan niyan.”

“But it's not bawal naman, ‘di ba? ‘Di ba?” I insisted.

“Bawal,” he snorted.

“Eh!” I whined like a kid. “It's just a cake. And I already bought it! Wala ka ng magagawa.”

He deeply exhaled, glancing at the box I am holding. “Oo na. Sige na.”

Bahagyang napatalon ako at napangiti. He just shook his head at my reaction. Masayang sumakay ako sa loob ng tricycle at naupo sa tabi ni Maria. I stick my tongue out to her kaya agad siyang nag-peace sign sa akin.

It was already dark when we arrived at their house. Wala ng masyadong tao pero mayroon pa ding nag-iinuman sa labas ng mga bahay. As soon as I got out of the tricycle, Dominic immediately went beside me and wrapped his arm around my waist as if he was hiding me with his body. Nauna na sa amin si Maria na patakbong pumasok sa loob ng kanilang bahay.

“Ganda ng chick'as natin, ah!” sigaw ng isa sa mga lalaking nag-iinom sa tindahan na katapat ng bahay nina Dominic.

“Mukhang m-makinis, p're!”

“Dito kayo! Pasulyap manlang kami d'yan, Dom!”

Dagdag pa ng mga kasamahan nito. Lalo akong sumiksik kay Dominic dahil sa aking narinig. Hindi naman ako natakot sa mga ito dahil sanay na ako sa mga pangka-catcall pero naging uncomfortable ako dahil kasama  niya ako.

“Happy Birthday po, Tita!” I greeted. “Para sa inyo nga po pala." I handed her the cake I bought for her as a gift.

“Naku! Hindi na kailangan nito pero salamat,” maligayang saad niya.

“Mabuti naman po at tinanggap niyo. Sinermunan pa ako ng anak niyo dahil diyan,” I said while chuckling, which made her laugh.

“Hindi naman na kasi kailangan ng regalo, anak.” Lumingon-lingon siya. “Speaking of him, nasaan na nga pala ang anak kong iyon?” 

I also roamed my eyes around the place to find Dominic. Kasama ko siyang pumasok at ang akala ko ay nasa tabi ko lang siya kaya't hindi ko alam na umalis pala siya. “I-I don't know po. Nandito lang po siya kanina sa tabi ko.”

“Hay, hayaan mo na iyon at baka nagpapahangin lang sa likod-bahay. Nakasanayan na kasi niya iyon pagkagaling sa trabaho,” she informed. Hinawakan ako ni Tita sa aking braso. “Tara na at kumuha ka ng pagkain niyong dalawa. Dalhan mo na lang siya doon sa labas para sabay kayong kumain.”

Marami sa aking ipinakilala si Tita na mga kapit-babay niya on the way namin sa kusina. May ilang natutuwa sa akin at kilala ako na mula sa AU, at may ilan din namang patago akong pinagtataasan ng kilay. Nakakatuwa din sina Pitlok at Moymoy na ipinakilala ni Tita Yrel sa akin bilang kababata ni Dominic dahil halos mag-agawan pa sila ng damit na isusuot nang makita ako. Bahagyang natawa din ako sa trying hard nilang pag-e-english sa akin dahil ang buong akala nila ay hindi ako nakakaintindi ng tagalog sapagkat mukha daw akong sosyal.

Marami ang nakahandang pagkain sa mahabang lamesa. May menudo, giniling at kaldereta doon, mayroon ding spaghetti, bihon, puto, kalamay, sinukmani at iba pang kakanin na isa-isa nilang ipinakilala sa akin. Karamihan sa mga iyon ay hindi ko pa natitikman kaya't naglagay ako ng bawat klase sa aking pinggan. Ika-50 years ngayon ni Tita kaya't halata na talagang pinaghandaan nila ang kaarawang ito.

Dinalhan ko din ng pagkain si Dominic sa likod-bahay na inihanda ni Tita Yrel para sa amin.

I sat down next to him in a long wooden chair. Inilapag ko ang dalawang pinggang hawak ko sa maliit na lamesa sa aming harapan.

Pansin ko ang pagiging tahimik niya. Madilim pa din ang kanyang mga mata habang nakatingin sa kawalan. Nagsimula kaming kumain ng walang imikan. Tanging ingay lamang mula sa loob ng bahay at mga nagtatahulang mga aso sa kalsada ang maririnig. Nakaramdam ako ng kaunting inis dahil hindi niya ako pinapansin.

”Hey, galit ka?” sinundot ko ang braso niya ng hindi na ako makatiis.

Tipid siyang umiling at nagpatuloy sa pagkain.

“Galit ka? Bakit?”

Muli siya umiling. Hindi pa din ako tinitingnan.

“Sa akin ka ba galit? Bakit?”

He sighed and glanced at me. Tumitig siya sa mga mata ko at nilabanan ko iyon. Wala akong makitang ekpresyon sa mga mata niya.

“Hindi nga ako galit.” He licked his lower lip and I bit mine because of the sudden rise of frustration inside me.

“Bakit ang tahimik mo?” I asked.

Marahang bumaba ang tingin niya sa labi ko ng muli ko iyong kagatin. Napalunok ako ng maramdaman ang inteisdad noon.

“O-oh? Bakit ganyan ka makatingin ngayon?”

The end of his lips suddenly lift up. “May dumi ka sa mukha.”

“Huh?” I mumbled.

Ang akala ko ay yuyuko siya upang tanggalin ang sinasabi niyang dumi sa gilid ng labi ko gamit ang sariling labi gaya ng aking mga napapanood ngunit nakatanggap lang ako ng isang pitik sa noo.

“Ang feeling mo po, Miss. Sorry, strict ang Mama ko. Next time na lang,” ngising saad niya.

I rolled my eyes in anoyance. Pinalo ko ang kamay niyang pinupunasan ang gilid ng labi ko ng marinig ang paghalakhak niya. Asang-asa pa naman ako.

Inirapan ko siya bago bumaling sa kabilang deriksyon. Tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ng natirang sinukami sa aking pinggan. Napakapaasa niya talaga! Porke't alam lang niya na patay na patay ako sa mga halik niya!

My brows knitted when he put his arm around my shoulders.

“Ito naman, joke lang ‘yon!” he cupped my face using his other hand. “Matitiis ba naman kita, Miss Baby?” he teased.

And even before I could react, he immediately lowered down his head to kiss me. My annoyance instantly vanished and just closed my eyes as I felt his lips on mine. A moan escaped from my lips when he started sucking my tounge. Natawa na lang kaming dalawa pagkatapos ng mainit na make-out session na iyon.

Hindi na din naman kami gaanong nagtagal sa labas dahil tinawag na din kami sa loob makalipas ang ilang minuto. May ilang tao kaming nakasalubong sa pagpasok namin na pauwi na at nagpapaalam na kay Tita Yrel na may mga dalang supot ng pagkain. Humiwalay sa akin si Dominic upang samahan papalabas ang mga kababata niyang sina Pitlok habang ako ay naiwan kasama si Tita at tinulungan siyang magbalot ng pagkain.

Napahakbang ako ng isa nang may bumunggo sa akin mula sa likod. I turned around in shock and was surprised to see that it was Maria. She ducked her head while holding her nose like she was hiding something. Nagtaka ako dahil naka-long sleeve shirt siya at pajamas. I mean, hindi ba siya naiinitan sa suot niya?

“Ria, okay ka lang? Sobrang putla mo,” pansin ng isang babae malapit sa amin.

“O-okay lang po a-ako,” mahinang sagot niya habang nakahawak pa din sa kanyang ilong.

My eyes went to her face at napaawang ang labi ng makumpirma ang sobrang pamumutla niya. Hindi ko agad iyon napansin dahil halos matakpan na ang buong balat niya ng kanyang suot. Halos wala ng kulay ang balat niya.

Binitawan ko ang hawak kong sandok at lumapit sa kanya. Agad siyang napaatras.

“L-lalabas po m-muna ako,” mabilis na paalam niya. She was about to leave when I held one of her hands to stop her.

“Ria, are you sure na okay ka lang?”

Ramdam ko ang panghihina niya kaya't nang subukan niyang pumalag sa akin ay hindi siya nagtagumpay.

”B-bitaw… Ate…” she mumbled. Na-mumungay na ang mga mata niya ng tingnan ko siya.

“Maria?” I asked nang maramdamang pinapasa na niya sa akin ang bigat niya.

Humawak ako sa balikat niya to help her lean against me. Unti-unti na siyang bumibigat. Malakas akong napasinghap nang makaramdam ng pagkabasa dahil sa kung ano'ng likido ng humawak sa aking braso ang kamay niyang kaninang nakahawak sa kanyang ilong.

Sabay kaming bumagsak ni Maria ng tuluyan na siyang nawalan ng malay. Tila saglit na huminto ang mundo ko nang makakita ng dugo sa aking braso na mula sa kamay ni Maria.

Narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Tita Yrel. Ramdam kong nagkakagulo na ang buong paligid. Natataranta. Maingay. Alam kong kinuha ni Dominic si Maria mula sa akin at patakbong binuhat palabas ng bahay.

Pakiramdam ko ay bumagal ang tibok ng puso ko at unti-unting natuyo ang lalamunan ko dahil sa gulat at pagkabigla sa mabilis na pangyayari. I'm still aware of my soroundings pero bakit parang wala ako sa sarili ko?

🔹▪🔹

Ate Sky's Note: Hi, sorry for my late update. Sobrang busy lang talaga. Thank you for reading! 💙

You can also follow me on:

Twitter: @skywinoma

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.9M 75.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.