Boss Series 1: Playboy Boss

By drklife

5.2K 214 2

Sa mundong marami ang gustong maranasang magmahal at mahalin, makakakilala si Aki ng isang lalaking hindi niy... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 - Anniversary
Chapter 19 -Anniversary Pt. 2
FOR IMAGERY PURPOSES
Chapter 20 -Anniversary Last Part
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 33

101 4 0
By drklife

It's been a month since we officially announced to everyone that we're back together. Everything was still a surreal for me. Her family always reminding me to love her each and every moment of my life, and that's what I did.

We barely see each other for a week now. Hindi kami masyado nakakapag date o lumalabas dahil bumalik na ako sa trabaho. I hired Erica, Eric's sister to be my secretary. Inaya ko si Aki na bumalik but she refused my offer. Hindi daw ako makakapag focus sa trabaho pag siya ang kasama ko.

We made love a couple of times, when we have free time. Just like now, she's sleeping peacefully beside me. She looks so tired after what we did.

"Ang ganda ganda mo" hinawi ko yung buhok na tumatakip sa mukha niya "kahit lagi mo akong sinisigawan, maganda ka pa din para sakin"

Matutulog na sana ako kaso nagring yung cellphone ko. Hindi naman ako nagtaka na si Erica iyon.

"What now?" tanong ko

"Those motherfuckers are asking me if you're going to take the offer, boss"

Sa tono ng boses niya alam kong naiinis siya. Ever since na bumalik ako sa trabaho hindi ako tinantanan ng mga stock holders and even the investors na damihan ang pinapagawa sakin. Well, I can't blame them matagal akong nawala.

"I told them na pag iisipan ko pa"

"Isang buwan ka ng nag iisip, may isip ka pa ba?"

Nakuha niya 'to kay Aki, bago kasi siya pumasok sa akin si Aki ang nagtrain sa kaniya. At binigyan pa niya ng permisong ganito dapat ito makipag usap sakin.

"Hindi ko pa nga nasasabi sa kaniya. Alam mo naman yung trauma non"

"Bahala ka boss, pag ako kinulit ng mga deputris na 'yon"

"Chill. Huwag mo nalang kasi sagutin yung tawag nila"

"Copy boss"

Nahiga na ako ulit at pinagmasdan muli ang maamo niyang mukha.

Should I accept that offer? It's not an offer it's a job. But how can accept that if I'm going to leave the country for a meantime? Alam kong magagalit ka, paniguradong mag oover think ka nanaman.

I blew out a heaven breath before sleeping.

Maagang nagising si Aki, she prepared a simple breakfast for the both of us.

"Ay ang gwapo naman" bati niya sakin

Simple lang naman ang suot ko, the usual business attire. Plain polo, coat, and a slacks partnered with a black shoes, isama na din yung necktie.

"I have a lot of work to do hon, I might stay at the office the whole day" paalam ko

"Okay lang, doon ako sa bahay uuwi ngayon"

"I'm sorry"

"Baliw. Okay lang! Trabaho 'yan, mahalaga"

Tumayo ako para yakapin siya.

"Hoy bakit mo ako niyayakap?" tanong niya

"Wala lang, I miss cuddling with you"

"Cuddling? Eh more than a cuddling pa nga nagagawa natin"

"Okay. Cuddling with a twist nalang" tumawa lang siya

Nag ayos na kaming dalawa, sabay na bumaba papuntang parking lot. Hinalikan ko muna siya bago sumakay sa kotse.

Pagpasok ko palang ng company lahat ng mata ay na sa akin. Damn this people, they are admiring me again.

"Famous kana dito" nagulat ako ng akbayan ako ni Kuya

"Wow. Good mood ka ba ngayon?" asar ko sa kaniya

Naging okay din kami ni Kuya matapos kong pormal na ipakilala si Aki sa bahay nila Dad. Hinihintay niya lang palang mag effort ako para pansinin niya.

"Rinding-rindi na ako sa boses ng babaeng 'yon! Wala nga siya dito sa pinas pero grabi kung makatawag sa akin. At kung tatanungin mo ako kung good mood ako, well slight lang"

Natatawa ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng kaganapan sa buhay niya. His a damn bachelor and single, parang naipamana ko nga yung ugali ko noon sa kaniya. Kung noon ako yung harot dito harot doon, ngayon ay siya naman.

"Finally! Dumating ka din!" singhal ni Erica

"What?" angal ko

"Alam mo boss, kanina pa nangungulit itong si Mr. Sy at Mr. Chua"

"Tell them, shut the fuck up!"

Padabog akong pumasok sa loob ng opisina ko. What should I do? Ayokong umalis, it's a big opportunity for me. But how about Aki?

Sobrang naguguluhan ako, at ang tanging nagawa ko lang ay pumirma ng mga documents, magbasa ng reports, mag lunch ng five minutes, at magtrabaho ulit.

Pumasok si Erica na bitbit ang isang brown envelope.

"What's that?"

"Proposal nga para sa project sa US"

Here we go again. Binasa ko 'yon lahat, malaking project ang gagawin doon. Magpapatayo ng tech company malapit sa New York, at Atlanta. Na assign na si Kuya sa Atlanta, at gusto nilang ako ang mag asikaso sa New York. Mas malaki ang gagawin sa New York, sa Atlanta kasi ay tapos na kaya naman pabalik balik lang doon si Kuya pag may time siya.

"Alam kong gusto mong kunin yan boss"

"Sino ba namang hindi? Look, it's one of the big project of our company. Kaya lang—"

"Kaya lang natatakot kang magalit si Aki sayo—Boss, hindi naman sa bad influence ako ah. Pero kasi mas mabibigyan mo ng magandang image ang company pag ikaw ang nag asikaso niyan"

"I know, what should I do then?"

"Give her assurance na babalik ka"

"W-What do you mean?" takang tanong ko

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin boss. Hindi na kayo pabata, oo nga't bente singko ka palang at bente kwatro palang siya, pero kaya niyo naman ng buo ng pamilya"

Nagulat ako sa sinabi niya. Yes, I'm planning to get married as soon as possible but how about her? Is she ready? Baka mas gusto pa niyang enjoyin ang buhay na mayroon siya ngayon.

"Do you think it's fine?"

"Oo naman! Mahal ka naman niya. Atleast doon mapapanatag siyang uuwian mo siya"

Ilang oras ko ding pinag isipan ang sinabi ni Erica bago tawagan si John, Drew, Carlos at Dylan.

"What's with the fuss?" tanong ni Drew

"Yeah. Ano bang meron? Nagpaalam pa ako sa misis ko para dito" si John

Two weeks na ding kasal si John kay Betty, beach wedding ang sistema nila at syempre invited kami.

"Sus! Ang sabihin mo naudlot ang chukchakan niyo ng asawa mo" biro ni Dylan

"Chukchakan your face! Palibhasa hindi ka makamove on sa ex mo"

"Hoy! Pasmado ka ah!"

"Stop it already" seryosong awat ni Carlos

Kung tatanungin kung sino ang talagang nag mature sa aming lahat, si Carlos 'yon. Dati puro salitang kalye ang sinasabi niya, pero ngayon madalang nalang. Palabiro pa din naman pero hindi tulad ni Dylan na ubod ng kagaguhan sa katawan.

"I'm planning to settle down" naibuga nila pare-pareho yung juice nila

"S-Settle down?!" tanong ni Dylan

"Bakit ba gulat na gulat kayo? Bawal ba?"

Nabalot ng katahimikan ang office ko, kinakabahan ako sa mga mukha nila. Seryoso. Pero hindi kalauna'y binato nila ako ng throw pillow.

"Wow binata ka na nga" si Carlos

"Isang talong nanaman ho ang maluluto!" sarkastikong sambit ni Dylan

"I can here the wedding bells!" sigaw ni Drew

"Masarap magka-asawa" si John

Napakamot ako sa ulo ko, parang mga timang itong mga kaibigan ko.

"P-Paano pag hindi siya pumayag?" natigilan sila sa pagtawa at nawala ang ngiti sa labi nila

"That's possible, knowing Aki she's career oriented" sambit ni Carlos na ikinabahala ko

But at the end nanalo ako. Sabi ko sa kanila kung hindi ako magbibigay ng panahon para dito hindi ko malalaman ang magiging sagot niya.

We planned to make it so simple, sabi pa ni Carlos ay doon sa Corncodia resorr ko gawin ito dahil doon ko naman daw narealize na gusto ko siya. But it takes a lot of time, at hindi papayag si Aki na mag vacation leave siya.

I called my brother to tell him everything, siya ang pina asikaso ko nung singsing at cake. Nung una ayaw niya pang maniwala pero napapayag ko din siya sa huli.

Next, I called her sister to inform her about my plan. Binungangaan niya pa ako pero pumayag din siya.

Si John naman tinawagan ang asawa niya sa plano namin, balak ko kasing sa cafe mag propose sa kaniya.

Si Dylan at Carlos naman ang bahala sa dalawang empleyadong hawak ni Aki, si Coreen at Irish.

Si Drew, moral support nalang daw siya. He doesn't know anything about this stuff.

The original plan was to make Aki more busier this day, tatawagan siya ni Betty para papuntahim siya sa pinakamalayong branch ng cafe niya which is sa Batangas pa. Doon namin gagawin lahat ng paghahandaan, from the designs and to the foods. Sabi ko magbabayad nalang ako sa pag arkila ng cafe pero hindi pumayag yung mag asawa.

I'm so nervous right now, biglaan 'to. Hindi katulad sa iba na pinaghandaan talaga ng husto ang pagpopropose nila.

I want to be with her for the rest of my life. I want to stay by her side. I want to wake up in the morning with her by my side. This is the least that I can do for her, giving myself to her.

Nakatingin ako sa malaking salamin sa kwarto ko. I was wearing tuxedo with a black neck tie. Hinatid ni kuya singsing na pinabili ko.

Oval shaped diamond engagement ring 'yon at sa gilid non ay may maliliit pang diamonds. It's too expensive but it's fine. Kung para sa kaniya naman 'to handan akong ibigay lahat sa kaniya.

Tumawag na sila Dylan na okay na daw lahat. At within one hour ay pabalik na si Aki. Kinakabahan akong lumabas ng bahay, I don't have any idea about proposing to someone. Baka manghina ako mamaya habang hinihintay yung sagot niya.

Pagkarating ko sa cafe ay nandon na lahat sila. Even Mom Elizabeth and Dad, I smiled and hugged them.

"You're a man now, son. I'm so proud of you" tinapik ni dad yung likod ko "love her endlessly. We're here to support you"

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanila at pumunta na sa unahan. Tinapik pa ako ni Dylan sa braso, alam niyang kinakabahan ako.

"Dadating ba 'yon?" bulong ko sa kaniya

"Oo! Sabi ni Betty pauwi na 'yon. Nagtext na yung mga tao niya sa batangas"

Pero hindi non napagaan ang loob ko, kabadong kabado ako. Sumisigaw sila na kaya ko 'to pero pekeng ngiti lang ang sinagot ko.

"Hey" tinapik ni John yung braso ko "you'll be fine. Trust me"

How? How can I fine? I'm sweating bullets here. It's almost an hour but she's not here. Gaano ba kalayo ang batangas? Bakit ang tagal niya?

Nagsisimula na ding magbulungan ang iba, even Betty was worried about her. Kanina pa daw umalis si Aki.

Hon? Where are you? Dadating ka ba? Nasaan kana? Please...dumating ka.

Tinawagan ko na din yung phone niya pero nakapatay, nagsisimula ng mamuo yung kaba sa dibdib ko. Katulad ito nung kaba na naramdaman ko noong nakita ko siyang walang malay sa harap ko.

We waited again for half an hour, but no news. She's not coming. We don't have any idea where she is right now. I'm starting to lose my hope, baka nakatunog na siya sa gagawin namin at naisip niyang hindi nalang sumipot.

With that thought, napaupo nalang ako sa upuan hinawakan ang dibdib ko. May kirot akong naramdaman, simple lang 'to pero nag effort kaming lahat. Feeling ko ay lahat ng ginawa namin ay nabaliwala.

"Bro. Kalma ka lang, dadating 'yon" sambit ni Kuya

"Dadating ka nga ba?" mapait akong napangiti "malapit ng magdalawang oras kuya, wala pa din. Nakaturn off yung phone niya, no one knows where she is. I-I don't know what to do, maybe this isn't the right time for me to do this"

"Come on! Don't give up. Let's wait for another time. We trashed away our appointments today for this, hindi ako papayag na mawala sa lahat ang pagmamadali kong pagbili ng customize cake at ng engagement ring mo"

And we waited for another hour. Bigla akong napatayo ng makitang pumarada yung kotse niya sa harap ng cafe. Yung kaba ko kanina ay mas lalong tumindi. I can't contain my happiness when I finally see her.

But her face, it doesn't look tired but sad. What happened to her?

--

Facebook page: Drklife

Continue Reading

You'll Also Like

712 67 73
tagalog matured SPG Isang babaeng malambing at makikipag kapwa tao kahit na May kaya Dahil sa nasaktan sa dating nobyo na hinintay nya ng matagal Nag...
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1K 169 30
"Because of love we learn to do things we can't do." Dinanas ni Isabela Cassandra Mortel ang lahat ng hirap sa buhay mula ng mamatay ang kaniyang mag...
888 79 14
Ang Hacienda Eldovaro ay pinamamahalaan ng Pamilya Sterling ni Don Hugo at mga anak na sina April at Fretz. Sagana ang lugar sa matatamis na bun...