RESET

By theliliaurora

1.5K 185 29

HGOS first installment: Dreadful Town Series • Book 1 Airen Celeste Mercado is a twenty-three-year-old young... More

HGOS
Map of Hemaiem
0
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27

Kabanata 9

47 5 0
By theliliaurora

I Travel Alone, I Met A Goddess

MAHIGIT ISANG ORAS na kaming bumabyahe. Maraming tagubilin si Carla Cy. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwalang tinutulungan kami ng isang newscaster na dati ay napapanood ko lang sa telebisyon tuwing oras ng panonood sa ampunan.

"Claridel, malapit na tayo sa border. RAP road na ang kasunod, mag-seatbelt ka," ani Kael na kanina pa tahimik. Or should I call him, Kuya Kael? Nevermind. Kanina pa siya tahimik at tila malalim ang iniisip. May pakiramdam ako na napilitan lang siyang maging driver ng van na ito dahil pinilit siya ni Ms. Carla.

"Claridel," may pagbabanta sa boses niya nang hindi sumunod si Ms. Carla. I don't know if Claridel is her second name or just a nickname made by Kael. Carla Cy kasi ang screen name niya.

Kita ko pa sa rearview mirror ang pag-irap ni Carla pero sinunod pa rin naman niya ang sinabi ni Kael.

Maya-maya pa ay nagsimula na ngang maging lubak ang daan at umaalog na nang bahagya ang sasakyan dito. Gubat na ang nasa magkabilang side ng kalsada. Wala na ang makulay na gabi ng La Vienna at ang tanging ilaw lamang sa paligid ay streetlights at ilaw ng van dahil wala namang buwan.

Tumigil ang van matapos lagpasan ng ilang metro ang isang road sign na nasa kaliwang bahagi ng kalsada.

Himaraya South District  ------->

Doon ko lang napagtanto na narito na pala kami. Sa bayan kung saan nila ako ihahatid. Muling bumalik ang kaba na nasa puso ko kanina nang umalis kami ng La Vienna. Gayunpaman ay pinilit kong tapangan ang sarili dahil ayaw ko namang idamay pa sina Carla at Kael sa gulong pinasok ko. Sapat na ang tulong nila.

Bumaba ako ng van at tinulungan ako ni Kael na ibaba ang maleta ko habang sinukbit ko naman ang backpack. Tumayo ako sa gilid ng kalsada upang hintaying bumaba si Crox pero si Carla ang bumaba mula roon.

"Airen!" tawag niya at tumawid patungo sa gawi ko. Kinuha niya ang aking kamay at inilapag doon ang isang nakatuping papel at isang balisong. Ngumiti siya sa akin at dahil mas matangkad siya at naka-stiletto pa, kinailangan ko pang tumingala sa kaniya. "Hanggang dito na lang kami. Mag-iingat ka, hangad ko na makarating ka sa Springville para makapamuhay ka roon ng normal. Ito . . ." turo niya sa papel. "Ginawa ko lamang iyan ilang taon na ang nakalilipas bilang gabay ko. Makakatulong iyan sa iyo kahit papaano."

"Bakit mo kami tinutulungan?" tanong ko. Ngumiti lang ulit si Carla Cy.

"Sabihin na nating, nauunawaan ko ang nanyayari. Ngayon, mag-iingat ka at babalik na kami ng La Vienna. Kailangan ko pang i-report ang nangyari."

"Salamat," I said genuinely.

I watched her as she entered the van and for the last time, she waved her goodbye. Pinanood kong lumiko ang sasakyan pabalik sa La Vienna hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko.

Napalingon ako sa nasa tabi ko na nagliliwanag dahil sa puti ng kasuotan. Habang nasa van kami kanina ay sinensyasan niya ako na tumahimik tungkol sa kaniya dahil matatakot daw sina Carla. Ang sabi ni Crox, alam nina Carla at Kael na naroon siya pero takot ito sa kaniya dahil isa siyang

"Tagapagpatupad," ani Crox at pinilit ko namang huwag tumiingin sa gawi niya at sumagot upang hindi matakot sina Carla gaya ng sinabi niya. "Isa akong tagapagpatupad ng kahilingan ng mga taong pumapanaw. Walang kakayahan ang sinumang tao na makita ako dahil kapag nakita mo ako ay isa lamang ang ibig sabihin nito—patay ka na. In your case and Amber, you still can see me because I am the one who helped you to be alive again."

Kung makikita nga siya ni Carla at Kael, tiyak na matatakot ang dalawa dahil ibig sabihin nito ay pumanaw na sila. But in my case and Amber, talaga namang namatay na kami at second life na namin ito pero ang creepy pa rin dahil nakikita namin siya matapos ipaliwanag ni Crox kung sino siya.

"I hope you will find your way to the right path," basag ni Crox sa katahimikan. Isang RAP road na kalsada, magkabilang kagubatan, madilim na kalangitan at tanging mga kuliglig lamang ang maririnig sa paligid at maging ang sarili kong paghinga.

Suot na ulit niya ang hood at bibig na naman ang tanging nakikita ko sa kaniya. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan ko siya unang nakita maliban sa gabing namatay ako sa kamay ng err—faceless killer. Or what ever that creature's name is. Parang nakita ko na siya dati dahil masyado siyang pamilyar. Sa tuwing nagbababa rin siya ng hood at nakikita ko ang kabuuhan ng mukha niya ay bahagyang sumasakit ang ulo ko.

"Aalis ka ba? Iiwan mo ako rito?" Hindi ko sinasadyang maisatinig ang kanina ay nasa isip ko lang.

Hindi ko maintindihan ang ekspresyon niya dahil hindi ko naman makita ang kaniyang mga mata. "I have been granting wishes of souls over the years. Kagaya ng mga tao, Crox works every hour. But don't worry, I will always watch you."

"Ilan ba kayong tagapagpatupad kung ganoon?"

"Sampu."

"Sa Hemaiem?"

"Sa buong mundo."

Muntik ko pa akong mawalan ng balanse sa narinig kung hindi lamang napahigpit ang hawak ko sa maleta. "WHAT!? How did you—?"

"We are not mortals, Airen. I can be in a different place at a time."

"Ngayon? Nasaan ka pa ngayon maliban dito sa Himaraya?"

He shrugged. "I'm just here. I'm in other places when your vision of me started to glitch."

"Started to what?"

"To glitch," ulit niya. "Iyon ang tawag niyo kapag nagkakaroon ng malfunction ang computer, right? That is also happening to me eversince I started this job. But right now, I needed to go. I don't want you to see how I glitch. Masakit iyon sa mata."

"Wait!"

And in just one blink of an eye, he vanished.

"It's just you right now. I will watch but I won't interfere. Stay alive, Mercado. They are after you."

Sa isang iglap ay ako na lang mag-isa ang narito, mahigit limang metro ang layo sa border ng La Vienna at Himaraya. Bitbit ang maleta at backpack, hindi alam kung paano tatahakin ang walang katao-taong kalsada.

Napatingin ako sa malamig na bagay na nasa palad ko at muntik ko nang makalimutan na may binigay nga palang balisong si Ms. Carla. Isinilid ko iyon sa bulsa ng slacks na suot ko. Ngayon ko lang napansin na suot ko pa rin pala ang apron ng coffee shop pero hindi na ako nag-abala pang alisin iyon.

Umupo ako sa gilid ng kalsada at kinuha ang flashlight mula sa bag ko. Binuklat ko ang papel na isang short bond paper pala. Nang itutok ko ang flashlight doon ay bumungad sa akin ang isang drawing na ginamitan lang ng pentelpen at oil pastels. Ilang segundo ko iyong tinitigan at napagtanto kong isa iyong mapa. Mapa ng Hemaiem.

(Map of Hemaiem by: Carla Cy)

Pinag-aralan ko ang mapa sa gilid ng kalsada at nagpapasalamat na lang ako dahil walang dumadaang sasakyan. Naituro naman na noong elementary kami ang tungkol sa mga distrito ng Hemaiem pero ngayon ko lang ito masyadong inintindi dahil noon, wala naman talaga akong balak umalis ng La Vienna . . . noon.

The province of Hemaiem is composed of 13 towns.

1. Black's Vale
2. Cehara
3. Eleanor
4. Grima
5. Himaraya
6. Hirane
7. La Vienna (The Capital)
8. Solare
9. Springville
10. Sta. Catalina
11. Violi
12. Westbourne Hill
13. Ygil

There is a map legend below the paper. Doon ko nalaman ang tunay na gamit ng iba't-ibang kulay ng oil pastels sa mapa. The green line stands for forest and there's a lot of that in the map. Napag-aralan naman namin dati na napapalibutan nga ng kagubatan ang buong Hemaiem. The sky blue is for a lake na hindi ko alam na nag-e-exist pala pero iisa lang naman ito at malapit ang kinalalagyan nito sa Himaraya. The dark blue is for the river. Automatic na bumaba ang tingin ko sa pagitan ng Black's Vale at La Vienna at hindi nga nagsisinungaling si Carla nang sabihin niyang ilog ang nasa border ng dalawang bayan. I hope Amber will be safe.

There is also a black triangular shape in the upper part of Hemaiem. Ito ang naghihiwalay sa Sta. Catalina at Ygil. The map legend says that it's Calypso. If I remember it well, ang Calypso ay isang dormant volcano. While there are four brown colors in the map. It means port but I don't want to think about it right now. I will never leave this province.

Dumako naman ang tingin ko sa silangang bahagi ng mapa, sa bandang ibaba. It says, 'Non-Human's Population' I'm not sure what it is pero kung ano man iyon ay sigurado akong hindi ko dapat sila makasalamuha. Nakalagay sa ilalim nito ay None, Light, Moderate and Heavy. Carly Cy doesn't reports about weather but she uses that in this map to symbolize the population of the said creatures in every towns. There's a gray color for None and the only place that have the color gray is Springville. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit pinapapunta ako roon ni Carla.

The yellow color stands for Light. At ang tanging lugar na mayroong kulay na ganoon ay ang mga distrito sa southern part ng Hemaiem. Eleanor, Westbourne Hill, Violi and Cehara. While the orange is for Moderate at iyon ang kulay ng bayan kung nasaan ako at ng mga kalapit nitong bayan. Samantala ay pula naman ang kulay para sa Heavy. Pula ang kulay ng La Vienna. Maaari kayang, nakita ko na ang mga nilalang na iyon? Si Mr. Villegas, isa ba siya sa mga iyon? Maaari dahil walang ordinaryong tao ang lalabasan ng apoy sa katawan.

I put that thought in the back of my mind. Tumayo ako at sinukbit muli ang backpack. Pinatay ko muna ang flashlight at sinilid ito sa bulsa ng aking bag. Hila-hila ko ang maleta habang binabagtas ang madilim na daan. Hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin pero hangga't iisa lang ang kalsada ay wala naman akong pagpipiliian kundi tahakin ito.

Nakatulog ako sa pansitan.

Literal. Kaninang madaling araw ay nakarating ako sa bayanan ng Himaraya. Maraming mga establisyemento pero hindi katulad ng La Vienna, madilim at tahimik ang gabi rito. Hindi ko na matandaan ang lahat ng nangyari basta sa sobrang pagod at antok ko ay nakatulog ako sa isang pansitan na mayroong mga lamesa sa labas ng saradong tindahan.

At ngayon nga ay pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil tirik na tirik na pala ang haring araw.

"Sino 'yan?"
"Bagong salta?"
"Shhh, nagigising na."

Pupungas-pungas pa ako nang mag-angat ako ng ulo. Masakit ang leeg ko lalo pa at natulog akong nakaupo lang sa isang stool habang nakapatong ang ulo sa plastic na lamesa.

"Hoy, um-order ka ng pansit ko!"

Muntik pa akong matumba sa kinauupuan dahil sa gulat nang hampasin ng isang babaeng nakasuot ng apron na puti ang lamesang nasa harapan ko. Marumi ang apron niya at may mga talsik pa ng mantika at gulay.

"P-po?" Napakurap ako ng ilang beses.

"Ang sabi ko kako bumili ka ng pansit ko. Aba natulog ka rito nang walang paalam! Malas ka siguro kaya wala akong customers!" singhal niya. Malaking babae siya kaya naman agad akong tumango at hindi na rin niya tinanong kung anong klase bang pansit ang order ko.

Hinanap ko ang mga nakikiusyoso kanina pero wala na sila rito. Mga napadaan lang siguro at na-curious sa isang babaeng may maleta at backpack habang nakasuot ng apron, polo-shirt, slacks at rubber shoes. Napaka-ganda naman pala ng pormahan ko, tsk!

Buti na lang at narito pa rin ang maleta ko. Wala rin naman sigurong magtatangkang magnakaw nito dahil mga damit lang ang laman at mga luma pa na hindi man lang branded.

Binuksan ko ang bulsa ng aking backpack at nagpasalamat nang makita ang makapal na perang naroon.

If I happen to reach Springville, I will definitely make a call for Carla Cy to thank her.

"Teka nasaan 'yung flashlight? Dito ko lang yun nilagay ah?" Nag-iisa lang yun eh! Sa lahat ba naman ng mananakaw sa'kin, flashlight pa talaga?

Hindi ako gumamit ng flashlight magdamag at huli ko iyong ginamit ay noong tiningnan ko ang mapa. Naputol ang pag-iisip ko tungkol sa nawawalang flashlight nang ilapag ng may-ari ng pansitan ang isang pinggang pansit. Iniwan na niya ako roon at bumalik agad siya sa loob. Mukha namang masarap at mabango pa.

Mukha lang pala.

I nearly puked when I tasted it. May matamis at maasim akong nalalasahan at may kasama pang pait. Naibagsak ko ang kubyertos sa lamesa at tiyak na hindi maipinta ang mukha ko ngayon dahil ayaw mawala ng lasa sa dila ko kahit naka-ilang inom na ako ng tubig.

Lintik na iyon, ako pa ang sinisi kung bakit wala siyang customers e ang sagwa naman pala ng lasa ng pansit n'ya!

Agad kong isinukbit ang backpack ko at walang lingon-lingon na umalis sa pansitan niya.

"HOY! 'YUNG BAYAD MO! MAGNANAKAW! MAGNANAKAW!"

Lintik na eskandalosa!

Naihilamos ko ang palad ko sa inis nang magsimula silang habulin ako. Ang totoo niyan ay pwede naman akong tumigil at magbayad kahit hindi naman ako kumain. Pero ang sabi ng instinct ko ay tumakbo raw ako dahil baka kung ano pang gawin sa akin ng may-ari ng pansitang iyon. Imbis na hilahin ang maleta ay binintbit ko ito habang tumatakbo.

Hinahabol pa rin nila ako at nangunguna ang babaeng may-ari ng pansitan. Nang lumiko ako sa kabilang kalye at hindi pa sila nakakaliko ay naisipan kong pumasok sa isang tindahan na una kong nakita. Bukas ito at nakapagtatakang nang pumasok ako roon ay walang katao-tao. Maraming paninda pero walang tindera.

"Nandito lang 'yon! Hanapin n'yo!" Napantig ang tainga ko nang marinig ang boses ng babae at mga yabag ng taumbayang nauto niya. Agad akong dumapa sa likod ng front desk na gawa sa kahoy dito sa loob ng tindahan. Thankfully, hindi nila naisipang pumasok sa tindahang ito. Dire-diretso lang sila ng lakad at nang tuluyang mawala sa pandinig ko ang mga yabag nila ay doon ako tuluyang nakahinga nang maluwag.

Tumayo na ako at nagpagpag ng damit. Maalikabok ang semento. Hindi ba nagwawalis ang may-ari nito?

"Magandang umaga! Ano ang iyong nais bilhin?"

Napatalon ako sa gulat pero hindi naman iyon pinansin ng babaeng bigla na lang sumulpot sa kawalan. Sigurado kasi akong walang tao rito kanina nang pumasok ako. Isa pa, hindi naman ito kalakihan at sigurado akong wala namang second floor na maaari niyang panggalingan.

Dumiretso siya sa front desk at napasandal ako sa dingding para makadaan siya. Dahil sa ginawa ko ay nahulog ang isang bilaong may painting na bulaklak ngunit bago pa iyon tuluyang bumagsak sa sahig ay nasalo ito ng babae.

"Ika'y mag-ingat! Galing pa iyon sa Pampanga, pagmamay-ari ng isang magsasaka ngunit hindi na niya tinubos." Malungkot ang boses niya sa bandang huli ng kaniyang sinabi.

"Nagtitinda ka ng souvenirs?" tanong ko.

Tumawa siya. Isang mahinhing tawa. "Maaari."

Ngayon ko lang napansin ang kasuotan niya. Isang blusa at paldang hinabi na magkakahalo ang mga kulay ngunit nangingibabaw ang kulay asul. May suot din siyang hindi mabilang na mga alahas sa leeg at iba't iba ang kulay nito na natitiyak kong gawa sa tunay na mga batong mineral. She's wearing an earrings and I can say that it is made of a golden yellow tassel. Nakalugay ang itim at  mahabang buhok na may pagka-wavy. And there's this little pouch with a lace tied around her waist.

"Bumili ka na ng paninda ko! Ano ba ang iyong nais? Mayroong ditong mga alahas na mula pa sa sundalo isang daang taon na ang nakararaan pero hindi na rin tinubos."

Kunot-noo ko siyang pinagmamasdan habang inaayos ang mga paninda. Kakaiba ang mga ito. Mga bagay na ngayon ko lang nakita. Mayroong mga mukha nang luma. Nakasabit sa pader, nakasabit sa kisame na kinailangan ko pang yumukod para hindi ito masagi at karamihan sa mga paninda niya ay nasa isang malaking shelf sa dulo ng tindahan.

"Tinubos? Sanglaan ba 'to?" tanong ko. But she said 100 years ago. "Or nagtitinda ka ng artifacts?"

"Maaari," tanging sinabi niya matapos kunin ang isang maliit na kahon sa shelf. Pumunta siya ulit sa front desk at inilapag doon ang kahon. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya. Nang buksan niya iyon ay halos masilaw ako nang matamaan iyon ng sinag ng araw.

"It's a real gold," I murmured.

Tumango-tango siya. "Uh-huh. Pagpasensyahan mo na ang sinag na kagagawan ng anak ko. Hindi talaga mabuti ang mga iyon para sa mga alahas kong makinang! Ngayon, kung ako sa iyo ay bibili ako dahil tiyak na maganda ito para sa iyo. Wala ka man lang ni isang alahas!" bulalas niya. Agad akong umiling.
"Wala po akong pera, pasensya na."

Nalukot ang mukha ng babae. Akala ko ay kukunin niya ang kalis na nakasabit sa pader at iwawasiwas ito sa akin ngunit hindi naman pala. Natakot ako roon ah.

"Pero hindi ka mapupunta rito kung wala kang nais bilhin," pamimilit niya. Nagpunta siyang muli sa shelf at iniwan sa harapan ko ang kahon na naglalaman ng gintong kwintas na wari ko ay pagmamay-ari ng isang lalaki. Hindi ba niya iniisip na maaari ko itong kunin at itakbo?

Nevermind, bumalik siyang may dala na namang isang kahon. Inilapag ulit niya ito sa front desk at isinantabi ang kwintas kanina. Isinilid niya ito sa maliit na pouch na nakasabit sa baywang niya at walang kahirap-hirap itong nagkasya. Okay, what was that? Kasinlaki lang ng tinuping bente pesos ang sisidlan na iyon!

Is she Doraemon?

Naputol ang pag-iisip ko ng kung anu-ano nang buksan niya ang may kalakihang kahon at sa pagkakataong ito ay naglalaman naman ito ng isang pana at nasa labinlimang piraso ng palaso na nasa lagayan nitong gawa sa buri. Kusang naglandas ang kamay ko rito at hinayaan lang naman ako ng tindera. Makinis ang kahoy at matalim ang dulo ng palaso na gawa sa kahoy lang din pero nakatitiyak akong isang maling hawak lamang dito ay durugo ang kamay mo. Mas matalim pa ito sa ginamit ni Macy. Mas matalim pa ito sa palaso ni Elvira. Samantalang ang kabilang dulo naman ng palaso ay natitiyak kong may bahid ng ginto.

"Mula pa iyan sa isang mandirigma noong— kailan nga ba iyon? Ah! 1483! Naiwala ng binibini sa karagatan matapos maglayag nang mag-isa. Sa kasamaang palad, hindi na niya tinubos sa akin dahil wala na raw siyang ginto," sunod-sunod niyang sabi. Nabitawan ko ang palaso sa narinig.

"S-sa iyo? Sa iyo n'ya tutubusin!?"

Tumango-tango siya. As if she doesn't care how terrified I look now.

"How old are you, really? Sino ka ba?"

Mahigpit kong hinawakan ang strap ng backpack ko at handa nang tumakbo kahit pa maiwan sa tindahang ito ang maleta kong naiwan sa dulo ng silid.

"Airen, hindi ko alam. Maaari mong tanungin si Ikapati kung ilang taon na nga ba ako pero nagdududa akong hindi ka rin niya masasagot kahit pa siya ang pinakamabait sa lahat. At oo, sa akin tutubusin kaya lamang ay hindi na nga tinubos. Ngayon, nararamdaman kong nais mo ang armas na iyan. Maaari ko namang ipagbili sa mas murang halaga dahil napakatagal na rin niyan dito sa aking tindahan at nakasisikip."

Sa halip na makatulong ang mahinhin niyang boses ay mas lalo lamang akong kinabahan. There's something in her that screams . . . power? I don't know. I'm not sure.

Nalipat ang tingin ko sa shelf niya at ngayon ko lang napansin ang isang itim na bagay na sigurado akong pagmamay-ari ko. That's my flashlight! Bakit nasa kaniya? Bakit nandito sa tindahan niya?

"Who are you . . . really? Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Pinigilan ko ang sariling mangatal at mukhang nagtagumpay naman ako kasi nagmukha akong matapang—well, sa tingin ko lang naman.

Itinukod ng tindera ang dalawang palad niya sa front desk. Iginala niya ang paningin sa kaniyang mga panindang nakasabit sa bandang itaas at harapan ng tindahan. "Dapat siguro ay masanay na akong wala nang nakakakilala sa akin at ang laging tanong ay, 'sino ka'?'," she said in a hopeless tone. "Sino nga ba naman ang makakaalala sa Diyosa ng mga nawawalang bagay?"

Naningkit ang mga mata ko sa tinuran niya. She's joking right? Pero sa dami ng mga kababalaghan na naranasan ko sa nagdaang linggo, hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. I heard about her in school but the memory is blurred. My teacher once said there's a Goddess of The Lost and Found Things. At dahil wala naman akong pakialam doon noon, hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Her name is something like 'analog'?

"Anagolay," wika niya. Waring nababasa ang laman ng isip ko. Muli akong napatingin sa shelf kung saan naroon ang nawawala kong flashlight. Ang pader kung saan nakasabit ang iba't ibang kahoy na mayroong ukit ng baybayin na hindi ko naman maintindihan. Her clothes that are made of the old weaving style. And that little pouch hanging in her waist that can contain a thing that is thrice larger than it's size. The only thing that I can remember is I met a Goddess and everything went black because I fainted.

|L. Aurora|

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...