Dati Kana Sakin (COMPLETED)

By christilita

18.7K 1.1K 17

For 8 years, hindi nabigo si Janina Suarez sa kasintahan niya. Kahit malayo man sila sa isa't isa ay patuloy... More

SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
WAKAS
PASASALAMAT

KABANATA 21

258 15 0
By christilita

Kabanata 21

_____________________________

Kalaunan ay pinilit kong inaabala ang sarili sa mga bagay bagay, mamayang gabi na ang party ni papa at alas 5 na ng hapon ngayon. Siguro ay oras na para magbihis ako, sout ko ang high low dress na kulay pula at ang plain stiletto ko na brown, kunting make up lang at lugay ng buhok.

Dala ko ang puoch ko palabas ng room ko saka pumunta na sa venue, tatlong oras pala akong nag-ayos kaya halos alas otso na ng makarating ako.

Naaninag ko ang isang lalaki na palapit sakin nakasout ito ng tuxedo na kulay brown na babagay sa kanyang kutis at sa tangkad nito.

"Hi baby!"usal nito kaya ang ilan na bisita ay napatingin tuloy sa kanya, akala ko pa man tuloy ay napakapormal niya ngayon pero masyado siyang maingay.

Nang makalapit siya sakin ay inaalalayan niya pa ako kaya ang ilan sa nakakita samin ay mahinang napatili lalo na ang matatanda na bisita namin.

"Baby I mi--"

"Shut up Shun..ulol."usig ko sa kanya na ngayon ay natawa nalang sakin at bitbit niya na ang braso ko na papunta sa upuan namin.

Nang makaupo na kami ay agad siyang tumabi sakin na para bang may namamagitan na sa amin.

Naisip ko naman si papa bigla kaya napatanong ako sa kanya.

"Shun..dito uupo si papa.."naisal ko nalang

"So?"arteng sabi nito."Dito rin naman ang pamilya ko?"

Napamaang ako sa sagot niya, ibig ring sabihin ay makakasama namin sina Shan ngayong gab--

"Janina..Im here nothing to worry about okay? Lets enjoy the party instead."malambing na sabi niya napaiwas naman ako sa kanyang tingin.

"Okay."

Halos 10 minutes rin kaming naghintay kay papa na lalabas sa backstage hanggang sa magsimula na ang party, at mas kumabog ang puso ko sa sakit at kaba ng umupo sa kabilang parte sina Shan at Xia. Magkaharap kami ni Shan samantalang si Shun ay kay Xia, medyo naiilang lang kami maliban kay Shun na naging seryuso bigla ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa mga negosyanteng nag-uusap usap sa bawat upuan nila para mawala ang pagkailang ko sa harapan ko.

Maraming mga kilalang tao dito at isa na roon si Shun, sa nalalaman ko ngayon ay isa narin siya sa pinakamatinding pinakabata na kalaban sa negosyo kaya kung lahat ng galawan namin dito ngayon ay panay obserba ng iilan.

Marami-raming pang sinasabi si papa bago siya makababa sa stage at magtungo sa direksyon namin pero ang titig ni papa ay kay Shun laman na ngayon ay nakangiti lang kay papa.

Hindi ko masasabing nakangiti lang ito ng pilit dahil nandoon ang pagalang niya kay papa.

Hindi ko napansin na napapatitig na pala ako kay Shun kaya nakurot niya ako sa pisnge.

"Ang tanga mong tignan."natatawang sabi niya, agad kong ibinalik ang ulirat ko saka naalala si papa na ngayon ay nasa tabi ni Xia kung saan kalapit lang ni Shun.

Nagpapasalamat ako na normal lang ang pagkilos ni papa para kay Shun hindi ito galit kagaya sa bahay na parang ipapatay niya na si Shun, masayang nag-uusap lang sina tito at papa samantalang si mama ay kay tita hindi na nila pinag-usapan pa ang tungkol samin ni Shan dahil alam na nila kung sino ang masasaktan.

Siguro naman ay nakapag-usap na silang lahat at klaro na sa kanila na wala na talaga kami.

Napakagat ako sa sariling labi dahil sa lungkot, inuyuko ko ang sarili ayokong makita ang lahat lalo na sa bandang harapan ko.

Sino ba kasing tao ang madaling makapagmove-on? Na halos walong taon na kayo at inaya pang magpakasal!?.

I hate you Shan.

Napatingin ako bigla kay Shun ng hawakan niya ang pulsuhan ko sa may ilalim ng lamesa.

Ngayon ko lang narinig ang pinag-uusapan nila ni papa na ikinakaba ng dibdib ko ngayon.

"Hindi natin masasabi tito."usal ni Shun

"Oh..congratulations by.the.way. hijo"may diin na sabi ni papa.

Napapisil ulit si Shun sa pulsuhan ko nang umingay saglit ang phone ko, agad ko iyong binuksan saka tinignan.

Shun:Nakakatakot si tito, sineseryuso ang biro ko.

Napatingin ako sa kanya pababa sa may kamay niya hindi ko alam kung paano siya nagtext gamit ang isang kamay na nakatingin lang kay papa habang hinahawakan niya ako.

Hindi na ako nagreply sa kanya dahil katabi ko naman din siya, kumain nalang kami at panay usap lang nila papa sa mga kabusiness partner nila ni tito.

Ang main point sa party na ito ay ang kanegosyo ni pala sa iilan, unting-unti na kasing magsara ang dalawang branch namin dahil sa kawalan na ng budget kaya mas pinupursige nila tito at papa na humanap ng ibang makikipagnegotiate sa kanila.

Nagsitayuan ang iilan na magcouple bigla dahil sa musika na bagay para sa mga taong hindi kagaya ko na walang jowa.

Nahagip sa mga mata ko ang pagtayo sa harapan ko inalalayan ni Shan si Xia patayo napatingin naman ito sakin na parang nahihiya sa gagawin nila kaya nag-iwas tingin ako ayokong masaktan dahil sa kanila.

Pero napatitig ako sa isang palad na nilahad sakin unti-unti kong inangat ang tingin ko mula sa may-ari nito.

"A-no?"nauutal na sabi ko, hindi ko alam na nakatayo na pala siya sa gilid ko.

"Lets dance.."alok niya, napatingin ako sa direksyon nila Shan na ngayon ay nagsisimula na silang magsayawan ni Xia.

"Jana?"boses ni Shun kaya binalingan ko siya ng tingin.

Napasinghap ako saka tumayo kasama siya.

"Tara."walang ganang sabi ko habang siya ay nakangiti lang sakin at inalalayan papunta sa may dance floor.

Natingin parin ako sa direksyon nila Shan, ang saya nila tignan kaya napabusangot ang itsura ko sa sakit ng mata ko.

Nawala ang pag-iisip ko sa dalawa nang hawakan ni Shun bigla ang bewang ko, ramdam ko ang init sa paghaplos niya sa bewang ko kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin pero nawala yon dahil sa titig niya na sakin lang ang tingin.

"Touch me.."mahina pero parang iba ang tono nito.

"Touch your what?"nasabi ko bigla na ikinagisi niya ng mahina, napatitig tuloy ako sa may pisnge niya hindi ko alam na may dimple pala siya sa kanan.

"Huwag kang tumingin sa iba..dahil akin kalang Janina."seryusong sabi niya sakin

Napayuko ako sa dulot ng sinabi ni Shun sakin kinakabahan at walang maisagot sa kanya.

Saglit kaming tahimik habang iginigiya niya ako sa pagsasayaw masasabi ko na magaling siya sa sayawan dahil saming dalawa siya ang gumiya sakin pero hindi ko siya matignan sa mukha niya, nahihiya ako sa kanya ngayon naiilang pa ako sa sinasabi niya kanina hindi ako sanay na ganon siya.

"Jana? Baby?"malambing na usal ni Shun pero hindi sa kanya ang atensyon ko kundi kay Shan at Xia na ngayon ay nakikita kong masayang nagsasayawan, ilang segundo na naman ay maiiyak na talaga ako.

Napapagod na talaga akong umiyak, walang araw na hindi ko sila maiisip lalo na si Shan patuloy parin akong nasasaktan sa mga panahon na nagdaan.

Nagulat ako sa biglaang pagyakap ni Shun sakin at ngayon ay napasandal na ang mukha ko sa dibdib niya.

"Baby..umiyak ka kung nasasaktan at napapagod ka sa katitingin sa kanila..nandito lang naman ako palagi sayo..hindi kita iiwan..pangako."baritonong boses niya rinig ko rin ang pagtibok ng puso niya dahil sa pagkasandal ko nito.

Napalunok ako sa sinabi niya pero wala parin akong makuhang isasagot ko sa kanya nablanko pa lalo ako dahil kay Shan.

"Hindi mo siya makakalimutan..ganyan rin ako Janina..pilitin mo mang kalimutan ang isang tao ay pilit parin itong magpaparamdam sayo..and Im afraid na....ayssh lets dance nalang haha."naguluhan naman ako sinabi niya.

"Ang alin Shun?"asik ko sa kanya.

"Lets dance, pinagtitinginan na tayo--"

"Ang alin nga kasi?"pangungulit ko pa.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya bago sumagot sakin.

"Natatakot ako na siya lang ang pwedeng makapasok sa puso mo..sa buhay mo.."madamdaming sabi niya humigpit ang pagkahawak niya sa bewang ko, napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. "See?...sa reaksyon mo ngayon..ay si Shan parin ang nasa puso mo..hindi mo kayang palitan-"

"Hindi ganon kadali Shun"asik ko agad sa kanya.

"Wala akong sinabi na minamadali kita Janina.."asik niya rin sa mahinang paraan, hindi ko alam kung saan nangaling tong inis ko sa kanya ngayon kaya sumagot rin ako at doon ko na siya tinignan sa mata niya mismo.

"Hindi ako kagaya mo Shun..laging nagpapalit ng babae at madali lang sayo lahat kalimutan ang nararamdaman nila."usig ko nakita ko ang lungkot sa pagkislap ng mga mata niya.

Napayuko naman ito sakin saka napasinghap ng malakas.

"Im sorry kung ganon ako"

"Mahirap kalimutan ang taong minahal natin Shun.."usal ko at mahina rin siyang ngumiti sakin.

"Tama,..kaya hanggang ngayon ay hindi parin kita makalimutan..ikaw parin at alam mo yon..pero ang makita kang malungkot ng ganito para sa kanya ay ayoko Jana.."aniya at doon lang ako naibalik sa reyalidad nawala agad ang galit ko sa kanya dahil sa lungkot sa mukha niya pero agad ring sumeryuso napakurap ako sa kanya "Sa araw na hindi kana masaktan pa ay hindi na kita papakawalan pa." Napalunok ako sa sinabi niya at iwas tingin nalang.

Naisipan na naming tumigil sa pagsasayawan nang maibalik na ako ni Shun sa upuan ay kami nalang ang nasa upuan, tahimik lang siyang nagmamasid sa mga tao habang ako ay panay kapa sa phone ko kahit wala namang importante para lang maiwasan ko siya.

Hindi ko nakayanan ang pagiging tahimik niya ngayon hindi ako nasanay dahil ang ganitong ugali ay kay Shan ko nakikita.

Nilingon ko siya agad saka nagtanong ng kung ano-ano gusto kung mawala sa isipan ko si Shan kahit pandalian man lang muna.

"H-hindi mo ba gustong pumunta sa kabusiness partners mo?"tanong ko.

"Para ano naman?"usal niya sa seryusong paraan.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi bago sumagot.

"Baka..gusto mo lang na--"

"No..sasamahan kita dito.."pagputol niya sakin.

"Hindi mo naman kailangan yong gawin Shun."ani ko.

"Di kailangang gawin dahil gusto ko talagang makasama ka.."usal niya saka niya na ako hinarap."mas importante ka sakin Jana kesa kanila.."

Napalunok na naman ako sa sinasabi niya masyado niya akong pinakaba at gumugulo sa utak ko.

"CR, lang muna ako.."naiusal ko nalang saka tumayo, kagaya ko ay tumayo rin siya kaya napatanong nalang ako."Saan ka?"

"Sasamahan kita I mean..sa labas lang naman.."pormal na sabi niya.

"Huh?"

"Lets go?"nakangiting usal niya saka inabot ang braso niya napailing nalang ako saka sumama na sa kanya.

Nang makarating na ako sa pambabae na cr ay naghintay siya sa labas saka na ako pumasok, napansin ko ang pagbabantay sarado niya sakin ngayon napakahigpit niya sakin lagi siyang nasa tabi ko hindi siya umaalis.

Pinatagal ko ang pag stay sa loob baka umalis na siya doon sa labasan at inayos ko nalang din ang sarili ko, halos 20 minutes rin akong nasa loob kaya naisipan ko ng lumabas.

Panay lingon ko sa labas at hindi ko na nakita si Shun kaya dahan-dahan akong lumbas sa pambabae na cr.

Lakad lang ako ng lakad ng mahagilap ko si papa sa may malaking puno na napapalibutan ng halaman lalapitan ko na sana ng makita ko kung sino ang kausap niya.

Madilim sa parteng lugar na ito at walang katao-tao dahil malayo na ito sa may main na area namin kanina at malayo-layo rin ang cr nila mula sa area namin kanina.

Hindi ko maiwasang di makinig sa pinag-uusapan nila natatakot pa naman ako sa maaring gawin ni Shun kay papa, hindi ko pa kilala si Shun ng lubos para magtiwala sa anong kakayahan niya. Kung kaya niyang pabagsakin si papa at mama sa negosyo ay mas higit pa roon ang magagawa niya sa susunod kaya agad nasagi sa isipan ko na kailangan ko palang imbestigahan ang pamilya nila kung isa rin sila sa nagpabagsak nito.

Nagtago ako sa may kalapit na puno mabuti nalang at hindi nila ako napansin.

Tumindig ang mga balahibo ko nang marinig ko ang lakas na tawa ni Shun, alam ko na sa tawa niya ay pagak lang yon.

"Sorry Mr. Suarez pero..nagkakamali kayo, wala po akong intensyon na guluhin kayo negosyo ay negosyo.."

"At hindi ko rin ibibigay ang gusto mo masyado kang tuso."seryusong sabi ni papa

"Tito..nagpapaalam lang ako nasa kanya lang ang desisyon."









🍃

-Dear readers!

Wag kalimutan ang mag VOTE AT FOLLOW 😍Christilita

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 299 15
From Kilig Republic's Bukas Na Lang Kita Babastedin, the kilig story continues after Cielo and Danica tied a knot. Tulad ng iba, dumaan din sila sa a...
He's Watching By soju

Mystery / Thriller

82.4K 3.1K 17
Mahilig ka bang mag-LIVE sa Facebook? Paano kung ito pala ang magiging mitsa ng buhay mo? Mag-la-LIVE ka pa ba?
273K 353 1
B O N U S C H A P T E R This book has been published by Bookware Publishing Corporation and has been DELETED from Wattpad. Print copies are availab...
3.8K 271 9
A collection of GxG and BxB stories that will either leave a smile on your face or leave you in tears.