YELO (P.S#6)

Da Yoonworks

102K 5.5K 4.4K

"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?" Altro

Notice
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Yelo
Yelo (2)
Epilogue

30

2K 114 47
Da Yoonworks

“Pink na lang, Aki. Kahit anong kulay naman laban pa rin, girl!”

“Tigilan mo nga ako, Eune. Ang ligalig mo na naman eh!”

“O sige, porpol na lang, laban na talaga!” napailing na lamang ako ng marinig ang tinuran ni Eunecia. Nasa mall kami ngayon dahil gusto kong mamili ng mga gamit. Hindi naman kasi ako handa sa pagtira dito ng matagal. I know I was on indefinite leave pero may plano pa rin naman kasi akong bumalik sa trabaho, and that was after I get better.

At this point, pakiramdam ko ay maayos na ako. I can sleep longer, minsan ay tinatanghali na nga ako ng gising pero kabado ako na dahil lang daw siguro pagod ako at ang katawan ko. Hayop na Ahyessa, kung ano ano kasi ang sinasabi.

“Hoy bakit ka nagba-blush? Gaga ka, share naman ng kamunduhan sa isip mo!"

Mas lalo yatang namula ang aking pisngi sa tinuran ni Eunecia kaya hindi ko ito napigilang hampasin sa balikat.

“Ang ingay mo talaga! Bakit ikaw ang isinama ko?”

“Luh, siyempre pretty ako. Feeling ko nga ako ang pinaka-pretty sa mga babae kaya ako ang isinama mo para maambunan kita!”

Maging ang hair dresser sa harapan namin ay natatawa na lamang sa mga lumalabas sa bibig niya. Naisipan ko kasing isingit ang pagpapakulay muli ng aking buhok pabalik sa kulay na itim. Nauumay na akong marinig ang pagtawag sakin ng Smurf ni kuya.

But just thinking about what Ahyessa was implying makes my cheeks blush unintentionally. Nahuli pa tuloy ako ni Eunecia.

“Black na lang po ba talaga, Ma'am? To be honest, she's right po. Any color will suit you!”

Ngumiti na lamang ako bilang pasasalamat. Nagpa treatment na rin si Eunecia ng buhok na pinilit ko pa dahil ayaw gumastos. Ayaw niya ring tanggapin yung mga damit na binibili ko para sa kanya. Ang kuripot! Pero alam ko naman, nararamdaman ko na para kay Zari ang lahat ng ginagawa niyang iyon.

“Bakit ba kailangan ng arte arte na ganito? Nakakaantok eh, paano ako makakahanap ng pogi mamaya? Susubukan ko pa naman iyong mga turo ni Ahyessa!”

“Alam mo, bagay talaga kayong magsama ni Ahyessa. Ang ligalig niyo!”

“Pareho din kaming maganda,”

Nang tuluyang matapos ay dumaan pa kami sa isang sikat na bake shop dahil may pinapabili si Gold. Natatawa ako sa batang iyon. Ang laking bulas pero parang magkapatid lang sila ng anak niya.

Sinundo rin naman kami ni Gold. May inaasikaso kasi si Yelo na mga papeles. Nagsibalik na rin sa trabaho ang iba dahil kahit papaano ay panatag na raw ang mga ito na hindi na ulit tatakas ang kuya nila. Even Aedree was hesitant at first pero sinosopla naman ito ni Yelo palagi. Pinipilit niya kasi si Yelo na pumasok na lang rin sa opisina muna.

I realized that Aedree and Yelo are opposite but Aedree is too soft for his brother. Madalas pa itong humiling na ipagluto sila ni Yelo which the later just do for the sake of them shutting up.

“Ate, nasa rooftop po si Kuya,” napabaling ako kay Grey na mukhang malungkot ng binanggit iyon. She's okay the past few days at hindi lumilitaw si Lantis, isang bagay na ipinagpapasalamat ko dahil kinikilabutan ako sa isang iyon, though Grey is still quite aloof with me. Sabi ni Chase ay baka nagseselos lang daw ito dahil sobrang lapit daw nito sa kuya niya.

“Kanina pa ba siya roon?” tanong ko. Tumango ito bago ngumuso.

“Sige, puntahan ko na lang,”

Isang ngiti ang kumawala sa saking labi bago tumango rito. Hinalikan ko pa sa pisngi si Alon na iiyak na yata habang hawak ng nanay niya.

Naglalakad na ako paalis ng bigla ako nitong tawaging muli kaya naman kaagad akong lumingon.

“Ah, the hair, it suits you po,” her cheeks blushed a little kaya naman hindi ko na napigilang hindi mapahagikgik. Ang cute niya talaga.

Nagpaalam ako ritong muli bago nagmamadaling umakyat sa may rooftop para hanapin si Yelo. Hindi rin naman kasi ako nagpupunta halos dito sa taas dahil personal space yata ito ni Gold at ng anak niya.

Nang tuluyang makaakyat ay napailing akong muli ng makita ang malaking parang bahay sa may bandang gitna. May silungan pa sa harapan na pwedeng tambayan. May mga upuan rin doon kaya naisip ko na madalas rin siguro ang mga itong magpalipas ng oras doon.

Kaya siguro gusto rito ni Gold. Para kasi siyang may sariling bahay dito sa itaas.

I noticed the door that is ajar. Naglakad ako papalapit doon at mas lalo pang namamangha dahil sa interior noon. Nang makapasok ay nakita ko kung gaano kalawak ang loob at mayroon ding ilang pintuan. I saw three doors na marahil ay maliliit na silid. Sa sala ay nagkalat ang mga laruan na aa malamang ay kay baby Khal. Si Khal lang naman ang may mini punching bag sa kanilang magpipinsan.

Lumapit ako sa gawi ng isang pintuan bahagyang nakabukas. Madilim roon ngunit sapat na para makita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama. Nakatalikod ito sa aking gawi ngunit halata ko naman na may tinitignan ito.

Bumigat kaagad ang aking pakiramdam.

That aura, ganoon na ganoon ang awrang bumabalot sa kanya noon.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at katulad ng aking inaasahan ay mabilis itong napalingon sa aking gawi. Kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha bago nito dahan dahang inilapag ang frame na hawak sa bedside table.

Kahit papaano ay may ideya na rin naman ako kung ano ang hawak niya. Nakaramdam ako ng kaunting kaba sa loob ko ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

I walked closer to him and it was as if he was waiting for me. I sat beside him and didn't talk. Nahagip na rin ng aking tingin ang litratong kanina ay hawak nito. It was a photo of a young boy and a cute little girl with her hair tied in a ponytail. Kahit hindi niya kumpirmahin, alam ko na kaagad. Ilang beses ko na bang nakita iyong gummy smile niya na iyon?

Napalunok ako.

Was he thinking about her?

Mabilis ang naging kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan lalo pa nga't alam ko naman na matagal ng wala si Matilda sa buhay niya. Pero bakit ganito? Bakit ako natatakot?

“I was just about to get something,” bulong nito na tila ba gustong magpaliwanag.  Hindi ito makatingin sa aking gawi. Pakiramdam ko ay wala rin siya sa kanyang sarili.

"Nahanap mo ba?" Tanong ko.

I felt my stomach churning. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Bigla akong nanlumo na hindi ko matukoy. Pakiramdam ko ay mayroon na namang mali but I don't want to say anything about it. Hindi ko kaya.

Alam ko - alam kong mahal niya pa rin si Mattee. She was his first and true love. Alam ko iyon.

“I don't know why I ended up staying here...” dagdag nito. He sounded in pain. Naikuyom ko kaagad ang aking palad at naitukod iyon sa aking hita. I was afraid to speak. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin.

At this point, we both know what's going on.

Nabalot kaagad ng kaba ang aking puso at mabilis na nanghina.


Alam ko naman na darating ang mga ganitong pagkakataon. Alam ko na paulit ulit niyang maaalala si Mattee. Hindi ko lang napaghandaan iyong ganitong sakit. Ang weird kasi. 'Yong parang hinahalukay iyong sikmura ko? Na ang lakas ko naman pero parang pati yong paghinga ay mahirap na biglang gawin?

“Are you disappointed?” bigla nitong tanong na ikinabaling ko rito. He looked genuinely afraid for some reason. Napaawang ang aking labi at hindi kaagad nagsalita.

Am I?

I saw him staring at me, tila sinusuri ang aking reaksyon.

Magiging ganito ba kami palagi?

Huminga muna ako ng malalim bago umiling.

“I know you love her. Heck, iyon lang siguro iyong bagay na alam ko at sigurado ako tungkol sa'yo - that you love her. So bakit ako madi-disappoint?”

Pakiramdam ko natuyo ang aking lalamunan sa tinuran. Lasang lasa ko ang pait sa mga katagang aking binitiwan.

I noticed how he grimaced at what I said ngunit hindi niya naman itinanggi ang ang bagay na iyon.

Does it hurt? Hindi ko na alam. Pero yung puso ko, hindi ko na sigurado kung ano ang lagay.

The past few days, I've been thinking a lot. I don't just like him. Napaka ipokrita ko kung ipipilit ko iyon sa aking sarili.

I love the man. But I know he still loves her. At hindi ako ganoon kagaga para ipilit ko na mahalin niya rin ako. Pero, deep inside I was hoping. Hindi naman siguro masama na umasa ako 'di ba?

Pwede naman siguro akong umasa?

“But I have you now...” he whispered. I felt his hand on top of mine. Nilingon ko itong muli at sinikap na ngumiti.

I have you now. Gusto ko sanang itanong kung ano ba ako sa kanya but ai was fucking scared. Hindi pa ako handa.



“Of course, I will always be here. I promised to stay, didn't I?”

At that, he lean forward and engulfed me in a tight hug.

Kahit wala munang 'I love you', okay lang, kaya kong maghintay.

Maghihintay ako.

---

Sorry, tinatamad ako magsulat. Pagtyagaan niyo na muna to. Sumasabay onti sa mood ko but yeah.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

Ash and Eve Da ai

Narrativa generale

8.3K 721 117
An epistolary A typical love story of a reader who fell in love to his favorite writer. Started: November 03, 2022 Ended: April 06, 2023
158K 3.6K 143
Noviel is always irritating me! Wala na ba siyang magawang matino sa buhay niya? Haynaku, sampung beses na ko na siyang hinindian pero patuloy pa rin...
21.2K 1K 34
Hindi ako kapatid ni Ginoong Juanito Alfonso. Juanita Alfonso lang ang tawag sa akin ng aking mga kabaryo dahil mahilig akong uminom ng alak na Alfon...
63.4K 1K 105
Attractive Girl's Epistolary #1 An Epistolary Novel Dahlia Felane Ignacio Dawson and Trevon Ace Cromwel Started: February 24, 2021 Ended: March 4, 20...