47

2.2K 104 122
                                    

Noong nagtapon yata ng karupukan ang langit, nag sa sunbathing yata ako at nasalo ko lahat at nasiksik siya hanggang sa pinaksulok ng kuko ko.

Halos masabunutan ko ang aking sarili ng magising ng wala ng saplot sa katawan. What's even worse, nagising lang ako dahil sa pag iyak ni Rikana na tila kagigising lamang.

Sobrang napagod itong naglangoy kaya naming mahimbing ang nagging tulog nito magdamag.

Kaya nanghihina man ay binalot ko ang aking sarili ng kumot bago tinungo ito. She must have been hungry kaya ipinagtimpa ito ng gatas. Nang tumigil ito sap ag iyak ay kinuha ko sa sahig ang aking mga damit at pumasok sa banyo.

Pagkalapag ko pa lamang noon sa counter ay bigla na akong naiyak at nasabunutan ang aking sarili.

"Gaga ka talaga, Arika! Ang rupok mo!" sermon ko sa sarili. Panay pa rin ang agos ng aking mga luha at hindi makapaniwala sa aking ginawa. Hindi ako makapaniwala na walang pag aalinlangan ko na naming ibinigay ang aking sarili kay Yelo, ng ilang ulit, at hindi man lang nilinaw kung ano ang mayroon sa aming dalawa.

Kaya ngayon, heto ako at naiwang mag isa sa silid. Ni hindi man lang ito nagpaalam o kaya naman ay nag iwan ng note na, "Hoy Arika, salamat sa ilang rounds kagabi. Balik na ko kasi baka hinahanap na ako ng fiancé ko,"

Putangina.

Bakit ko ba kinalimutan na ikakasal na siya?

Tanga mo Arika, tanga.

Umiyak pa ako ng ilang minuto bago mabilis na nilinis ang aking sarili lalo pa nga at gising ang bata. Mabuti na lamang at mataas ang crib at hindi pa makatayo ng maayos si Rikana kaya imposible kami nitong makita kagabi. Mabuti na rin at mahimbing ang tulog nito. Kung hindi isang napakalaking kalapastanganan. I promise to be even more careful next time.

O baka mas maigi na nagising ito kagabi at umiyak para nagising ako sa kagagahan ko?

Nang matapos sa paglilinis ng katawan at makapagbihis, tulog na naman si Rikana. Dahil sa nakasanayan, naglinis na ako sa kwarto kahit na alam kong may housekeeping naman na darating mamaya.

Paminsan minsan ay napapahinto ako dahil sa sakit ng katawan. My body is still sore lalo sa may pagitan ng aking mga hita. Nanginginig pa minsan ang aking mga tuhod.

Nang matapos ay umupo akong muli sa kama at hindi napigilangan hindi lingunin iyon.

We had sex the entire night. Hindi naman ako lasing para hindi ko maalala ang mga nangyari. Sadyang nuknukan lamang ako ng rupok kaya ang ending, ganito, naiwan na naman akong mag isa.

Inabot lamang siguro ng sampung minuto ng makarinig ako ng katok mula sa pintuan. Judging from the number of times they knocked, a pattern I'm all too familiar with, alam kong room service iyon. At hindi nga ako nagkamali dahil sa pagbukas ng pintuan ay siya ring pagbati sa akin ng room attendant. May dala itong tray na may lamang mga pagkain.

Napakunot ang aking noo. Pati ba ito ay inutos pa ng mga babae? Pwede naman akong bumaba.

Isang ngiti ang iginawad sa akin ni Jeffrey, isa sa mga pinoy na attendant na nagtatrabaho rito.

"Tigilan mo 'yang ngisi mo na 'yan. Hindi mo ako boss ngayon. I'm a guest kaya huwag mo akong biruin," natatawa kong saway rito.

"Naku, ma'am, kalat na dito na binuhat daw kayo ni Sir Roy papunta dito sa kwarto niyo kahapon. Hinahanap ka po ni Ma'am Sam,"

Napailing ako sa tinuran nito.

"Alam mo, ewan ko sa'yo. Bilisan mo dyan at hindi ako makakakain rito na nakikita ko 'yang pagmumukha mo,"

YELO (P.S#6)Where stories live. Discover now