38

1.5K 96 57
                                    

My eyes opened automatically when I heard the door closing. Una ng bumangon si Yelo at lumabas like what usually happens lately so I make use this alone time to think.

Normally, gising na ako ng ganitong oras at tumutulong sa mga kasambahay, coz it's something I can't easily shake off of my routine. Isa pa, maging ang mga Puntavega ay nagagawang maghugas ng kanilang pinagkainan at maglaba kahit pa nga mayayaman ang mga ito. Though sabi ni Andrea, nabawasan na daw ang pagtulong nila sa gawaing bahay simula ng magkaroon sila ng mga anak. Idagdag mo pa na may sariling bahay na rin sila Barbara at Cloud sa kabila at halos tapos na rin ang kila Julio at Kuya Aedree. They just like being here to annoy Gold.

Napabuntong hininga ako ng malalim at tumagilid mula sa pagkakahiga bago tinakpan muli ng kumot ang aking mukha.
It was different these past few days. Pakiramdam ko, sa bawat araw na lumilipas ay mas lalong may nag iiba.

Something feels so wrong kahit wala naman dapat.

Alexander still treats me the same at sa tuwing magkasama kami ay pinipilit kong itago ang kung anumang maling aking nararamdaman.

Eversince that car incident, I started doubting myself. Hindi si Yelo, but I actually started doubting about my own feelings.

I was never insecure of Mattee before. Bago ko pinasok ang bagay na 'to ay alam ko na kung ano si Mattee sa buhay niya. I was trying to weigh what changed. Dahil ba mahal ko na si Yelo kaya parang nag iba? Ganoon ba iyon?

I don't want to be that someone na nagseselos sa isang taong wala na. Alam ko at hindi ko susubukang makipag kumpitensya sa mga alaalang naiwan niya. And I respect Mattee's memories. Kaya nga gusto kong pagalitan ang sarili ko kung bakit ganito bigla ang nararamdaman ko.

This feels so wrong. Pero kahit alam kong mali, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganito pa rin kabigat sa dibdib.

Napaupo ako ng marinig na nag ri-ring ang aking telepono. I smiled a little when I saw Zarah's name.

“Namiss kita,” bungad kong bati rito pagkasagot ko pa lang ng kanyang tawag.

“Oh, wow. I didn't expect such a warm greeting,” natatawang sagot nito na ikinatawa ko na rin. Bihira na kaming mag usap. Mukhang masyado ng na-focus kay Yelo ang atensyon ko kaya nakalimutan ko nang kamustahin ang ibang tao sa aking buhay. I'm starting to feel bad about my parents too. Looking back, may karapatan namang magtampo ang aking ina.

“Anyways, I called because the management wants you back. You know, you're still part of the company. At lampas anim na buwan ka na ring wala. I think that was more than enough for you to rest,”

Napaayos ako ng upo dahil sa narinig at hindi kaagad nakasagot. Ganoon na ba ako katagal rito?

Six months... That was long.

“Also, I think they were bringing you back because Mildred is resigning. I think Carmela wants you to take her post. Do you understand what that means?” tila excited nitong turan.

Mas lalo yatang natuyo ang aking lalamunan. Bigla ay nakaramdam ako ng panic at mas lalong nalito.

Bakit biglaan naman yata?

“Bakit naman ako? I mean, I was out for six months. Bakit ako ipo-promote?”

Narinig ko itong napaismid.

“We both know you had the best performance out of everyone here. Kaya kung mayroong dapat pumalit sa post ni Mildred as the assistant manager for R.D, ikaw yon. Ano ba? Wala ka na ba talagang balak bumalik? This is your dream remember? This is you being one step closer to getting your goal,”

Nakagat ko ang aking pang ibabang labi. If ever Carmela will be promoted, I will have the chance to be the Manager for Rooms Division. Tama si Zarah, it was my goal before.

Pero ngayon...

Am I actually pushing my dreams away dahil sa pagmamahal ko kay Alexander?

Mas lalong bumigat ang aking pakiramdam at nagulong lalo ang aking isipan. This is not me. I am a career woman. Alam ko sa sarili ko na marami pa akong gustong marating. Kaya lang,  I am so deep into my feelings for him. Hindi ko na makita ang sarili ko na wala sa tabi niya.

“Arika?” pukaw ni Zarah sa aking atensyon.

Bagsak ang aking balikat at pilit na ikinalma ang aking sarili. I don't want to worry Zarah too.

“I'll think about it. Give me a week and I'll message you back,” turan ko rito. I knew she's sensing something but I'm still glad she didn't push it. Nagkamustahan muna kami bago nito tuluyang pinatay ang tawag.

Now I have something else to think about.

Siguro ay i o-open up ko muna ito kay Yelo.

Nagligpit na ako ng higaan at naglinis ng silid. I was just about to grab a towel when I heard the sound of someone knocking on the door.

Mabilis akong nakalapit roon at binuksan ang pintuan. Gold greeted me with a warm smile.

“Hi, ate Aki. Naiwan daw po ni Kuya yung wallet niya sa banyo." His bunny teeth is showing, at talaga naman napaka cute nito. Hindi ko pa rin akalain na siya ang ama ni baby Sylver.

Nginitian ko muna ang bunso ng Puntavega bago nagtungo sa banyo para kuhanin ang wallet ni Yelo.

When I came in, I immediately saw his wallet on the countertop. The moment I grabbed it, bigla akong napahinto. Nagsimulang kumabog ang aking dibdib sa naisip.

I don't even know what came into my mind but I decided to open it at katulad ng aking inaasahan, her picture was displayed on his wallet. There was a photo of Mataias too.

Parang nanigas ako mula sa aking kinatatayuan. My lips started quivering and I felt my knees wobble kaya naman napahawak ako ng tuluyan sa bathroom sink.

I mean, I was expecting it. He was the type to keep a photo of someone he loves on his wallet kahit pa nga makaluma na ang bagay na iyon, but I didn't expect that confirming it will hurt like I was hit by a truck.

Ang bigat bigat talaga sa loob. There's nothing wrong with it. Hanggang sa huli, alam ko sa sarili ko na walang ginagawang mali si Yelo. It was just me.

Sa akin may mali.

Napapikit ako at sinubukang kalmahin ang sarili.

I shouldn't be feeling like this. Dapat ay naiintindihan ko. Dapat okay lang. Kasi matagal ko naman ng alam e. I know my place.

Pero fuck, bakit ganito kasakit?

When I heard Gold's voice once again, I tried my best to calm down. Lumabas muna ako ng silid at pilit ang ngiti na iniabot ang wallet ni Yelo rito.

“Alis daw sila ni Taias, ate. Sabihin ko daw po sa'yo,”

“S-saan daw sila pupunta?”

Nagkibit balikat lamang ito bagako tinalikuran.  Nagtataka man kung saan pupunta ang mga ito ay hindi na rin ako kumibo. Bakit hindi ako isinama?

Pero ayos lang din siguro. Maybe it's another one of their bonding time. Madalas na gawin iyon ngayon ng mag ama. And me being like this is not a great idea either. Mainam na rin na hindi ako sumama.

Nang tuluyang maisara ang pintuan ay napasandal ako sa dahon niyon at napapikit.

Kapit ka lang, Arika. Things will get better.

Kung anuman ang nararamdaman mo, lilipas din yan.

YELO (P.S#6)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα