Epilogue

2.9K 123 50
                                    

"Kailan daw siya dadalaw rito?" inosente kong tanong habang karga ko ang anak ni Ara.

"Nalilibang siya doon sa baby boy niya daw! Alam mo naman si Eunecia, wild!"

"Ano ba'ng aasahan mo e siya nga ang nanligaw! Tawang tawa ako sa lalaki niya lalo na noong una!" si Xantha na humagikgik pa dahil naaalala kung paano unang tumawag ang lalaki ni Eunecia noon na si Kuya Ae pa daw ang unang nakasagot.

"Sayang naman at wala si Zari," malungkot kong turan. I miss that kid. Kapag nakikita ko si Mataias ay naaalala ko kaagad ito. Daig pa ni Zari ang scammer sa sobrang lakas ng loob.

Sa ganito lamang natatapos ang araw naming magkakaibigan. Things will never really change. Kung ano sila noon ay ganoon pa rin ang pakikitungo nila sa'akin hanggang ngayon. Ang nagbago lang siguro, mas dumami ang mga bata lalo pa at may anak na rin sila Dakota. Hindi na rin sila nakatira talaga rito sa mansyon dahil may kanya kanyang bahay na ang mga ito na nakatayo sa palagid. Hindi pa rin sila nagkakalayo layo. Dahil wala si Gold ay si Grey at ang kanyang asawa na lamang ang nakatira rito. Mas sanay lamang talaga silang magtipon tipon dito sa mansyon kaysa sa ibang bahay.

Nang mabaling ang aking tingin sa mga kalalakihan kung nasaan maging si Taias ay napangiti ako. Naroroon rin si Austin na nakasamalpak sa damuhan habang may kinakain na kung ano.

Taias and his dad were talking. Parang sobrang importante ng pinag uusapan nila habang nakatingin sa isa't isa at ni hindi pa ngumingiti. Para silang may pinagpaplanuhang kung ano.

Nang matapos kaming kumain lahat ay nagpahinga na kami sa aming silid.

Umupo ako sa couch sa gilid at sumunod naman kaagad si Yelo at kinabig ako papalapit sa kanya. Kaagad akong napangiti.

Noong nasa Singapore ako, akala ko ay hindi na ako makakabalik sa lugar na ito. Akala ko ay wala ng pag asa. I thought Yelo was a phase I needed in my life for me to be stronger.

Kahit masakit isiping maaring totoo ang bagay na iyon, I am happy I am with him now. Unconsciously ay napahawak ako sa aking tiyan.

Kahit hindi ko anak si Alessandro, laman na siya ng puso ko simula pa noon. Hindi ko kailanman papangaraping palitan ang posisyong mayroon si Mattee sa buhay nilang mag ama. I respect Mattee's memories. I promised myself that I will protect Alessandro and support him sa abot ng makakaya ko. And I know Alessandro will be the best kuya to his sibling.

Hindi ko rin naisip noon na mabubuntis ako kaagad.

Sa naisip ay napalingon ako kay Yelo and I caught him staring at me. Halata ko pa rin ang pagod sa kanyang itsura.

"Ayaw mo ba munang matulog?" tanong ko rito na mabilis naman nitong sinagot ng iling. 

Nang umuwi kami rito ay marami pa rin itong inaasikaso sa opisina. Idagdag pa ang eskandalong iniwan ni Aleli dahil ang bruha, nag announce ng engagement nila ni Yelo habang nasa Singapore pa kami. Kung hindi lang din daw sa ama ni Aleli ay baka kung ano naa ang nagawa ni Alexander.

He had to ask the marketing department to post an announcement about him not marrying Aleli. Inis na inis naman ang mga babae at gusto na talagang sugurin ang isa.

Mabilis na kumalat ang announcement ng kumpanya kaya nakakahiya rin sa parte ni Aleli habang ang ama nito ay abot langit ang hingi ng pasensya sa kanilang angkan.

"Take a rest. Masyado kang pagod sa trabaho. Sa isang araw na rin tayo umuwi sa'min para makausap ang mga magulang ko,"

I reached for his cheek and brushed it gently with my hand. Ang init na nagmumula rito ay sapat upang kumalma ako.

YELO (P.S#6)Where stories live. Discover now